2
PAUNAWA SA PAGPUPULONG UKOL SA PAGKUHA NG OPINYON NG PUBLIKO Proyektong Riles mula San Francisco hanggang San Jose Ang California High-Speed Rail Authority ay responsable sa pagpaplano, pagdidisenyo, pagbuo at pagpapatakbo ng unang high-speed rail system sa bansa. Pagdudugtungin ng high-speed na tren ang malalaking rehiyon ng estado, na makakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya at sa pagkakaroon ng mas malinis na kapaligiran, pagbibigay ng trabaho, at pagpapanatili sa mga lupang sakahan at pinoprotektahan. Pagdating ng 2029, tatakbo ang tren mula San Francisco hanggang sa Los Angeles basin sa loob lang ng halos tatlong oras sa bilis na mahigit 200 milya kada oras. Paglaon ay aabot na ang tren sa Sacramento at San Diego, na 800 milya sa kabuuan at may 24 na istasyon. Bukod pa riyan, nakikipagtulungan ang Authority sa mga kasosyong rehiyon na magtatag ng programang pagmomordenisa ng tren sa buong estado na mangangailangan ng bilyun-bilyong dolyar para sa mga linya ng tren na pang-lokal at pang- rehiyon upang matugunan ang mga pangangailangan sa transportasyon ng estado sa ika-21 siglo. Ang Proyektong Riles mula San Francisco hanggang San Jose ay parte ng unang bahagi ng high-speed rail system ng California na magdurugtong sa mga lungsod ng San Francisco, Millbrae (San Francisco Airport) at San Jose sa isang dekuryenteng Caltrain Corridor. May mga pinaplanong itayong istasyon sa 4th at King at/o Transbay Transit Center, malapit sa San Francisco Airport (Millbrae), at San Jose. MAGKAKAROON NG PRESENTASYON SA PAGPUPULONG SA GANAP NA 6:00 P.M. SAN FRANCISCO Lunes, Mayo 23, 2016 UCSF Mission Bay 5:00 P.M. hanggang 8:00 P.M. 1675 Owens St. San Francisco, CA 94158 SAN MATEO Martes, Mayo 24, 2016 San Mateo Marriott 5:00 P.M. hanggang 8:00 P.M. 1770 S. Amphlett Blvd. San Mateo, CA 94402 MOUNTAIN VIEW Miyerkules, Mayo 25, 2016 SFV Lodge 5:00 P.M. hanggang 8:00 P.M. 361 Villa St. Mountain View, CA 94041 WIKA AT IBA PANG MGA PANGANGAILANGAN INTERPRETACIÓN AL ESPAÑOL ESTARÁ DISPONIBLE EN TODAS LAS REUNIONES. 所有会均有中文口SẼ CÓ SẴN THÔNG DỊCH TIẾNG VIỆT TẠI TẤT CẢ CÁC CUỘC HỌP. MAGKAKAROON NG PAGSASALIN SA WIKANG TAGALOG SA LAHAT NG MGA PULONG. Madaling mapupuntahan ng mga taong may kapansanan ang mga pasilidad sa pagpupulong. Ang lahat ng kahilingan para sa makatuwirang pagpapaunlak ay dapat gawin 72 oras bago ang petsa ng nakaiskedyul na pagpupulong. Mangyaring tumawag sa (800) 435-8670 o sa numero ng TTY/TTD ng Authority sa (916) 403-6943.

PAUNAWA SA PAGPUPULONG UKOL SA PAGKUHA NG · PDF filepagmomordenisa ng tren sa buong estado na mangangailangan ng bilyun-bilyong dolyar para sa mga linya ng tren na pang ... para sa

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PAUNAWA SA PAGPUPULONG UKOL SA PAGKUHA NG · PDF filepagmomordenisa ng tren sa buong estado na mangangailangan ng bilyun-bilyong dolyar para sa mga linya ng tren na pang ... para sa

PAUNAWA SA PAGPUPULONG UKOL

SA PAGKUHA NG OPINYON NG

PUBLIKO Proyektong Riles mula San Francisco

hanggang San Jose Ang California High-Speed Rail Authority ay responsable sa pagpaplano, pagdidisenyo, pagbuo at pagpapatakbo ng unang high-speed rail system sa bansa. Pagdudugtungin ng high-speed na tren ang malalaking rehiyon ng estado, na makakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya at sa pagkakaroon ng mas malinis na kapaligiran, pagbibigay ng trabaho, at pagpapanatili sa mga lupang sakahan at pinoprotektahan. Pagdating ng 2029, tatakbo ang tren mula San Francisco hanggang sa Los Angeles basin sa loob lang ng halos tatlong oras sa bilis na mahigit 200 milya kada oras. Paglaon ay aabot na ang tren sa Sacramento at San Diego, na 800 milya sa kabuuan at may 24 na istasyon. Bukod pa riyan, nakikipagtulungan ang Authority sa mga kasosyong rehiyon na magtatag ng programang pagmomordenisa ng tren sa buong estado na mangangailangan ng bilyun-bilyong dolyar para sa mga linya ng tren na pang-lokal at pang-rehiyon upang matugunan ang mga pangangailangan sa transportasyon ng estado sa ika-21 siglo.

Ang Proyektong Riles mula San Francisco hanggang San Jose ay parte ng unang bahagi ng high-speed rail system ng California na magdurugtong sa mga lungsod ng San Francisco, Millbrae (San Francisco Airport) at San Jose sa isang dekuryenteng Caltrain Corridor. May mga pinaplanong itayong istasyon sa 4th at King at/o Transbay Transit Center, malapit sa San Francisco Airport (Millbrae), at San Jose.

Ang humigit-kumulang 51 milyang proyektong riles ay pinaplanong gawing isang pinag-isang sistema na susuporta sa isang modernisadong serbisyo ng Caltrain at serbisyo ng high-speed na tren sa iisang riles. Sa ganitong paraan, mababawasan ang epekto sa mga kalapit na komunidad, makakatipid sa gastusin sa proyekto, mapapaigting ang kaligtasan at mapapabilis ang pagtatayo.

Ang Mga Pagpupulong ukol sa Pagkuha ng Opinyon ng Publiko ay isinasagawa upang mabigyan ng pagkakataon ang publiko na malaman ang tungkol sa proyekto, makapagtanong at makapagbigay ng feedback.

MAGKAKAROON NG PRESENTASYON SA PAGPUPULONG SA GANAP

NA 6:00 P.M.

SAN FRANCISCO Lunes, Mayo 23, 2016

UCSF Mission Bay 5:00 P.M. hanggang

8:00 P.M. 1675 Owens St.

San Francisco, CA 94158

SAN MATEO Martes, Mayo 24, 2016

San Mateo Marriott 5:00 P.M. hanggang

8:00 P.M. 1770 S. Amphlett Blvd. San Mateo, CA 94402

MOUNTAIN VIEW Miyerkules, Mayo 25,

2016 SFV Lodge 5:00 P.M. hanggang 8:00

P.M. 361 Villa St.

Mountain View, CA 94041

WIKA AT IBA PANG MGA PANGANGAILANGAN INTERPRETACIÓN AL ESPAÑOL ESTARÁ DISPONIBLE EN TODAS LAS REUNIONES.

所有会议均有中文口译。 SẼ CÓ SẴN THÔNG DỊCH TIẾNG VIỆT TẠI TẤT CẢ CÁC CUỘC HỌP.

MAGKAKAROON NG PAGSASALIN SA WIKANG TAGALOG SA LAHAT NG MGA PULONG.

Madaling mapupuntahan ng mga taong may kapansanan ang mga pasilidad sa pagpupulong. Ang lahat ng kahilingan

para sa makatuwirang pagpapaunlak ay dapat gawin 72 oras bago ang petsa ng nakaiskedyul na pagpupulong.

Mangyaring tumawag sa (800) 435-8670 o sa numero ng TTY/TTD ng Authority sa (916) 403-6943.

Page 2: PAUNAWA SA PAGPUPULONG UKOL SA PAGKUHA NG · PDF filepagmomordenisa ng tren sa buong estado na mangangailangan ng bilyun-bilyong dolyar para sa mga linya ng tren na pang ... para sa

in Sa

io na ac La

nti nif pu

me Bo al L Riz ap u

om y ls y

rr

Fo le Pe ip

Sh ra Cla

Na

PROYEKTONG RILES MULA SAN FRANCISCO HANGGANG SAN JOSE Ang Proyektong Riles mula San Francisco hanggang San Jose ay magmumula sa Transbay Transit Center sa San Francisco patungong timog sa Diridon Station sa San Jose.

PROSESONG PANGKAPALIGIRAN AT MGA PAGPUPULONG UKOL SA PAGKUHA NG OPINYON NG PUBLIKO Nag-isyu ang Authority at ang Federal Railroad Administration (FRA) ng Paunawa ng Paghahanda (Notice of Preparation o NOP) at Paunawa ng Layunin (Notice of Intent o NOI) para sa paghahanda ng Ulat ukol sa Epekto sa Kapaligiran/Pahayag ukol sa Epekto sa Kapaligiran (Environmental Impact Report/Environmental Impact Statement o EIR/EIS).

Para sa mahalagang karagdagang impormasyon na nilalaman ng NOP at NOI, mangyaring pumunta sa: www.hsr.ca.gov/Programs/Statewide_Rail_Modernization/Project_Sections/sanfran_sanjose.html

Bilang bahagi ng prosesong pangkapaligiran, magsasagawa ang Authority ng Mga Pagpupulong ukol sa Pagkuha ng Opinyon ng Publiko upang tumanggap ng mga komento.

Isasaalang-alang ang lahat ng komento sa paghahanda ng mga dokumentong pangkapaligiran at gagawing bahagi ng rekord.

MAGSUMITE NG MGA KOMENTO Tatanggap lang ng mga komento mula sa publiko hanggang Hunyo 10, 2016. Magsumite ng mga komento sa pamamagitan ng:

Koreo: Mark A. McLoughlin Director of Environmental Services ATTN: San Francisco to San Jose California High-Speed Rail Authority 100 Paseo De San Antonio, Suite 206 San Jose, CA 95113

Email: Ilagay ang pangalan ng Proyektong Riles sa subject line: [email protected]

Telepono: (800) 435-8670

facebook.com/

CaliforniaHighSpeedRail @cahsra

youtube.com/

CAHighSpeedRail @cahsra

CONTRA COSTA COUNTY

SAN

FRANCISCO COUNTY

ALAMEDA COUNTY

SANTA CLARA COUNTY

SAN MATEO

COUNTY

SAN FRANCISCO OAKLAND

PALO ALTO

SAN JOSE