14
PANAHON NG KASTILA I. Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila A. Panahon ng Katutubo - Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino. - Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan rin na naisulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo. - Kabilang sa panitikan noon ay ang mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa. II. Panitikan sa Pagdating Ng Mga Kastila A. Mga Layunin ng Espanya sa Kanilang Pananakop 1. Pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyanismo o katolisismo. 2. Mapagyaman pa ang bansang Kastila, dahil ang Pilipinas ay isang masaganang bansa at puno ng likas na yaman. 3. Mapalakas pa ang kapangyarihan ng bansang Kastila. (Masasabi rin na ang taglay na hangarin ng mga Kastila sa kanilang pagdating ay ang tatlong G--- “God, Gold, and Glory”) B. Mga Pagbabago sa Kalagayan ng Panitikan - Ang mga naging paksain ng panitikan ay maka-relihiyon. - Ang dating alpabeto ng mga Pilipino, ang alibata, ay napalitan ng alpabetong Romano. - Ang mga palimbagan ay naging gawaan ng aklat na karaniwang isinulat ng mga prayle. C. Mga Katangian ng Panitikan 1. Panrelihiyon ang karaniwang paksain. 2. Nagtataglay ng sari-saring kaanyuan at pamamaraan (hal. Tulang liriko, kurido, awit, pasyon, at mga pagsasaling wika.) 3. Walang orihinalidad. Sapagkat marami sa mga akda ay gaya o kaya’y halaw sa anyo sa paksa o tradisyong Kastila. 4. Marami din ang mga akdang hinggil sa wika. Ito’y binubuo ng gramatika at bokabularyo, mga tula at mga akdang ukol sa tula. D. Mga Impluwensiya ng Kastila sa Panitikang Pilipino 1. Ang pagpapalit ng Alibata sa Alapabetong Romano 2. Ang pagkakasulat ng iba’t ibang aklat pambalarila sa iba’t-ibang wikaing Pilipino. 3. Ang pagtulong ng simabahan sa pagsulat ng iba’t- ibang uri ng panitikan. 4. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana. 5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng mga makalumang panitikan sa Tagalog at ibang wikain. 6. Ang pagkakadala sa Pilipinas ng mga alamat sa Europa at tradisyong Europeo. 7. Ang wikang Kastila na naging bahagi na rin ng wikang Pilipino. III. Mga Akdang Panrelihiyon A. Mga Akdang Panrelihiyon sa Tagalog 1. Doctrina Cristiana Noong 1593 ay nilimbag sa Pilipinas ang kauna-unahang aklat na may kinalaman sa ating kapuluan. Nilimbag ito sa pamamagitan ng silograpiya na nasusulat sa Kastila at Tagalog. Ang may akda nito ay sina P. Domingo Nieva at P. Juan de Plasencia. Mga nilalaman: Pater Noster Ave Maria Credo Regina Coeli Sampung Utos Mga Utos ng Iglesia

Philippine Literature

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Panahon ng Kastila, Panahon ng Amerikano, Panahon ng Hapon, Kontemporaryo

Citation preview

Page 1: Philippine Literature

PANAHON NG KASTILA

I. Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaA. Panahon ng Katutubo

- Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino.

- Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan rin na naisulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.

- Kabilang sa panitikan noon ay ang mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

II. Panitikan sa Pagdating Ng Mga KastilaA. Mga Layunin ng Espanya sa Kanilang Pananakop

1. Pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyanismo o katolisismo.2. Mapagyaman pa ang bansang Kastila, dahil ang Pilipinas ay isang

masaganang bansa at puno ng likas na yaman.3. Mapalakas pa ang kapangyarihan ng bansang Kastila.

(Masasabi rin na ang taglay na hangarin ng mga Kastila sa kanilang pagdating ay ang tatlong G--- “God, Gold, and Glory”)

B. Mga Pagbabago sa Kalagayan ng Panitikan

- Ang mga naging paksain ng panitikan ay maka-relihiyon.- Ang dating alpabeto ng mga Pilipino, ang alibata, ay napalitan ng alpabetong

Romano.- Ang mga palimbagan ay naging gawaan ng aklat na karaniwang isinulat ng mga

prayle.

C. Mga Katangian ng Panitikan

1. Panrelihiyon ang karaniwang paksain.2. Nagtataglay ng sari-saring kaanyuan at pamamaraan (hal. Tulang liriko,

kurido, awit, pasyon, at mga pagsasaling wika.)3. Walang orihinalidad. Sapagkat marami sa mga akda ay gaya o kaya’y

halaw sa anyo sa paksa o tradisyong Kastila.4. Marami din ang mga akdang hinggil sa wika. Ito’y binubuo ng gramatika

at bokabularyo, mga tula at mga akdang ukol sa tula.

D. Mga Impluwensiya ng Kastila sa Panitikang Pilipino

1. Ang pagpapalit ng Alibata sa Alapabetong Romano

2. Ang pagkakasulat ng iba’t ibang aklat pambalarila sa iba’t-ibang wikaing Pilipino.

3. Ang pagtulong ng simabahan sa pagsulat ng iba’t-ibang uri ng panitikan.4. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana.5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng mga makalumang panitikan sa

Tagalog at ibang wikain.6. Ang pagkakadala sa Pilipinas ng mga alamat sa Europa at tradisyong

Europeo.7. Ang wikang Kastila na naging bahagi na rin ng wikang Pilipino.

III. Mga Akdang PanrelihiyonA. Mga Akdang Panrelihiyon sa Tagalog

1. Doctrina CristianaNoong 1593 ay nilimbag sa Pilipinas ang kauna-unahang aklat na may

kinalaman sa ating kapuluan. Nilimbag ito sa pamamagitan ng silograpiya na nasusulat sa Kastila at Tagalog. Ang may akda nito ay sina P. Domingo Nieva at P. Juan de Plasencia.

Mga nilalaman: Pater Noster Ave Maria Credo Regina Coeli Sampung Utos Mga Utos ng Iglesia Pitong Kasalanang Moral Labing-apat na Pagkakawanggawa Pangungumpisal Katekismo

2. Nuestra Senora del RosarioIto ay akda ni P. Blancas de San Jose na isinulat at inilimbag noong 1602 sa

Imprenta ng Sto Tomas. Magpahanggang ngayon ay ginagamit pa rin ng pamantasan ang limbagan.

3. Barlaan at JosaphatIsang salaysay sa Bibliya na isinalin sa Tagalog mula sa wikang Griyego ni P.

Antonion de Borja noong 1708 at 1712.Ito’y pinapalagay na kauna-unahang nobelang Tagalog. Isinalin ito sa Iloko n P. Agustin Meija. Layunin nito na madaling palaganapin ang Katolisismo.

Barlaan at JosaphatAng kasaysayan ng barlaan at josaphat ay

umiikot sa nabigong pagsisikap ng isang hari na mailayo sa kristyano ang anak na prinsipe. naituro ni tomas Apostol ang aral ng diyos sa indya, na pinaghaharian noon ni abenir. Dahil sa hulang magiging kristyano ang kanyang magiging anak na lalaki, sinikap na ibukod ng tirahan at kapaligiran ang prinsipeng Josaphat sapul noong isilang ito. sa paglaki ni Josaphat. Narinig nya ang tungkol sa kamaharlikaan ng bagong relihiyon. Natutuhan niyang

Page 2: Philippine Literature

pag-isipan ang buhay ng kamatayn nang matanaw niya ang isang taong kahabag-habag.

Nabalitaan ng matandang paring si Barlaan, na nasa Senaar, ang tungkol sa mabuting kalooban ni Josaphat. Nagpanggap siyang isang tagapagtinda kya nakatagpo niya si Josaphat, na nahikayat niyang magpabinyag. Lahat ng ito'y lingid sa kaalaman ni haring Abenir hanggang sa makaalis na sa palasyo si Barlaan.

Nang matuklasan ni haring Abenir ang nangyari sa ank, iniutos niyang dakpin si barlaan, ngunit di ito matagpuan. May pinapagpanggap na Barlaan ang hari at siyang dinakip. Sa gayon, sa pag- aakalang malagim ang kararatnan ng kaibigang pari, nagtapat si Josaphat sa hari. Ngunit ang ganito'y nagging daan para pagsikapan ni Josaphat na hikayatin ang ama. Napagkillala ni Abenir na kailangang paghimok ang gamitin sa anak at hindi pagbabanta. Sa gayon, hinamon ni Abenir ang anak saka ang mga kapanalig nito sa isang pagtatalo, at kung mananalo si Josaphat at Barlaan Magpapabinyag ang hari at ang mga kampon nito. Nanalo sina Josaphat.

May tauhan ang hari na nahikayat nang una ni Josaphat kya nagalit ang hari. Pinalitan niya ng mga Mapanuksong babae ang mga tagasilbi sa palasyo. Nagdamdam si Josaphat sa ama dahil sa tangkang pagbubulid nito sa kanya sa kasamaan.

Iminungkahi ng ministro ni Abenir na hayaang mamuno sa isang hiwalay na kaharian si Josaphat. Pumayag si Abenir. Subalit maraming tao ang lumipat sa kaharian ni Josaphat,kya naisip ni Abenir na marapat lang na pabinyag siya. Iniwan niya ang kaharian kay Josaphat at namuhay siya nang tahimik hanggang sa mamatay. Ibig din naming manahimik ni Josaphat kya iniwan niya ang kaharian sa isang tapat na tauhan, si Barachias, at hinanap niya si Barlaan hanggang sa matagpuan niya ito.

Minsan tinawag ni Barlaan si Josaphat at sinabing malapit na siyang mamatay. Pinasundo niya kay Josaphat ang mga monghe sa di-kalayuang monesteryo. Nagmisa si Barlaan bago mamatay.

Nanaginip minsan si Josaphat at nakita niya ang dalawang korona: isa para sa kanya at isa para sa ama. Sinabi niyang hindi marapat ang kanyang ama. Lumitaw sa pangitain si barlaan at sinisi siya nito. Nagsisi si Josaphat. Namuhay siya bilang ermitanyo. Nang mamatay siya, inilibing siya sa puntod ni Barlaan.

Nang mapag-alaman ni Barachias na namatay na si Josaphat, pinahanap niya ang libingan nito. Nang hukayin nila ang puntod, natagpuan nilang buo ang mga mabango pang bangkay ng dalawa, na napabantog mula noon, kya naman marami pa ang nagpabinyag.

4. PasyonIto’y tungkol sa buhay at pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo na

sinulat ng patula. Kaugalian itong basahin kung kwaresma hanggang Biyernes Santo. Nasasambit sa pasyon ang kasaysayan ng pagkalikha ng tao. Ito ang siyang Bibliya ng mga Pilipino. Nasusulat ito sa iba’t-ibang wikain sa Pilipinas.

Mga nagsulat ng Pasyon: P. Gaspar Aquino de Belen noong 1704 Don Luis Guilan noong 1750 P. Mariano Pilapil noong 1814 P Aniceto de la Merced noong 1856

5. Urbana at FelizaNauukol sa pagsusulatan ng magkapatid: si Urabana at Feliza. Ito ay isinulat ni

P. Modesto de Castro. Naitala dito ang mga maiinam at masasagwang asal ng mga Pilipino. Sinasabing humango si De Castro mula sa Bibliya para sa kaniyang isinulat. Dahil dito, si De Castro ay tinaguriang “Ama ng Tuluyang Klasika.”

Mga nilalaman: Sa Pakikipagkapuwa tao Ang Salitaan Sa Pagpasok sa Paaralan Sa Katungkulan sa Bayan Sa Pakikipagkaibigan Sa Piging Sa Paglagay sa Estado Kahatulan sa Paglagay sa Estado Kahatulan sa mga mag-asawa Santong Aral ng isang Magulang sa Anak Bago Siya Pumanaw sa

Mundo Kahatulan ukol sa pag-ayon sa kalooban ng Diyos.

Mula sa unang Imno:Matamis na Virgeng pinaghahandugan

Cami’y nangangaco naman pong mag-alayNang isang guirnalda bawa’t isang arao

At ang magdudulot yaring murang camay.

Coro:Tuhog na bulaclac sadyang salit-salitSa mahal mong noo’y aming acacapit,Lubos ang pag-asa’t sa iyo’y nananaligNa tatanggapin mo handog na pag-ibig

Mula sa Ikalawang Imno:Halina at magsidulot

Cay Mariang ina ni JesusAt nating tanang tibobos

Nitong Poong Mananacop;Sintahin nati’t igalang

Yamang siya’y ating ina.

Coro:

Page 3: Philippine Literature

Halina’t tayo;y mag-alyNg bulaclac cay Maria.

Halina’t magsilapitDini sa Virgeng mariquit

Na isang caibig-ibigDakilang Reina sa langit

Nang ampuni’t saclolohanTayong mga anac niya.

B. Mga Akdang Panrelihiyon sa Iloko

Mga isinalin sa Iloko:Doctrina Cristiana – P. Francisco LopezPasion ng Mahal na Jesukristo – P. Antonio MeijaSermones Moralo – P. Jacinto GuerreroEscudos del Cristiano – P. Guillermo SebastianMga sandaang tulang panrelihiyonAnimnapung nobena

C. Mga Akdang Panrelihiyon sa Bisaya

1. LagdaNilagyan ng pagbabago at pagdaragdag ng mga tuntuning

panrelihiyon tulad ng kagandahang asal, pangungumpisal, pagdarasal ng rosaryo, pag-aayuno, pag-aantanda, at paghalik sa kamay ng matatanda.

2. Moro – moroSa panulat ni Eriberto Gumban gaya ng “Ang Mutia Nga Matin-ao”

(Ang Maningning na Hiyas), “Ang Salamin Sang Batan-on” (Ang Salamin ng Kabataan).3. Mga nobena4. Mga tulang panrelihiyon

IV. Mga Akdang PangwikaA. Sa Balarilang Ragalog

1. “Arte de la Lengua Tagala” – kauna-unahang balarilan Tagalog na nilimbag ni Tomas Pinpin noong 1610 na isinulay ni P. Blancas de San Jose

2. “Compendio del Arte de la Lengua Tagala” – sinulat ni P. Gaspar Aquino de Belen noong 1703

3. “Arte de la Lengua Tagala y Manual Tagalog” – sinulat ni P. Sebastian de Totanes noong 1745

4. “Ensayo de Gramatika Hispano-Tagalo” – sinulat ni Toribio Minguella5. “Lecciones de Gramatika Hispano-Tagalo” – sinulat ni P. Jose Hervia

CampomanesB. Sa Balarilang Iloko

1. “Arte de la Legua Iloka” – sinulat ni P. Francisco Loz

2. “Gramatika Hispano-Ilocana” – sinulat ni Gabriel Vivo3. “Estudio de los Antiqous Alfabetos Filipinos” – sinulat ni P. Marcilla

C. Sa Talasalitaang Tagalog1. “Vocabulario de la Lengua Tagala” – Sinulat ni P. Pedro de San

Buenaventura2. “Vocabulario de la Lengua Tagala” – Sinulat ni P. Juan Noceda at P. Pedro

San Lucar3. “Nueva Dicionario Manual Espanol Tagalo” – Sinulat ni Don Rosalio

SerranoD. Sa Talasalitaang Iloko

1. “Vocabulario de la Lengua Iloko” – sinukat nila P. Francisco at P. Andres Carro

2. “Diccionario Hispano-Ilocano” – sinulat ni Gabriel VivoE. Sa Talasalitaang Kapampangan

1. “Vocabulario de la Lengua Pampanga” – sinulat ni P. Diego BerganoF. Sa Talasatiaang Bisaya

1. “Vocabulario de la Lengua Visaya” – sinulat ni P. Mateo Sachez

V. TulaA. Mga Unang Tulang Tagalog

- Dahil sa Kristiyanismo, nagkaroon ng himig ng relihiyon ang mga tula sa pahanhon ng pananakop ng mga Kastila.

- Filipino ang wika na ginamit sa mga tula, subalit hinaluan ito ng wikang Espanyol dahil sa pagnanais na mapalaganap ang wikang ito.

Halimbawa: Salamat nang walang hanggaGracias se den sempiternasNa nagpasilang nang talaAl que hizo salir la estrella;

B. Sukat at Tugma ng Tulang Tagalog1. Sukat

Wawaluhing Pantig – ito ang karaniwang sukat na ginagamit sa mga tula noon. Dito, mayroong walong pantig ang bawat linya ng tula.

Lalabindalawahing Pantig – ito naman ang sukat na ginamit kalaunan. Dito, mayroong labindalawang pantig ang bawat linya ng tula.

2. Tugma Magkakasintunog ang mga huling salita ng mga taludturan sa mga

tulang Tagalog ng panahon na ito at ang palabaybayan ay mapapansin na kakaiba kung ikukumpara sa ngayon.Halimbawa:

Poon yaring aquing loobTungmatangis sumisigocPuso co po, i, lungmolohodNagkakai’t, nag hahandog

C. Mga Kantahing-Bayan1. Oyayi o ayayi – awiting panghele sa bata, o "lullabies”2. Kundiman – awit ng pag-ibig, o "love songs”

Page 4: Philippine Literature

3. Colado – awit na tumutuligsa sa mga taong dumadalo sa isang pisatahan nang di naman inaanyayahan

4. Talindaw – awit sa pamamangka, o "boat songs”5. Maluway – awit sa sama-samang paggawa, o "work songs”6. Pananapatan – panghaharana sa Tagalog, o "serenades” 7. Dung-aw – awit sa patay ng mga Ilokano 8. Panunuligsa – awit sa mga dalagang masagwa ang kilos9. Panunukso – awit ng mga bata sa tuwing nagtutuksuhan10. Pangangaluwa – awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog o "dirges”

VI. Ang mga Awit at Korido

A. Katangian ng Awit at Korido1. Akdang pasalaysay na nasusulat nang patula ngunit sinasalaysay ng

paawit.2. Batay sa kasaysayan, alamat at epiko ng nagdaang panahon sa Pransiya,

Italya, Gresya, Albanya atbp.3. Paksa ay kadalasang tungkol sa romansa at kabayanihan. May mga

pangyayaring di kapani-paniwala subali’t kawili-wili.4. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit5. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa

“allegro”, samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya “allegro”Halimbawa:

Awit“Sa loob at labas ng bayan kung sawi,

Kalihuha’y siyang naghahari,Kagalinga’t bait ay nalulugami

At inis sa hukay ng dusa’t pighati.”-Florante at Laura

Korido“Oh, Birheng kaibig-ibigIna naming nasa langitLiwanagin yaring isip

Nang sa layo’y di malihis”-Ibong Adarna

B. Mga Sikat na Akda1. Awit

a. “Florante at Laura” ni Francisco Baltazarb. “Buhay ni Sigesmundo” ni Eulogio Julian de Tandiamac. “Doce Pares sa Kaharian ng Francia”d. “Salita at Buhay ni Maria Alimango”e. “Bernardo Carpio”

2. Koridoa. “Ang Haring Patay”b. “Ang Ibong Adarna”c. “Don Juan Tinoso”d. “Rodrigo de Villas” ni Jose dela Cruz

e. “Dama Ines” ni Ananias Zorillaf. “Prinsipe Floriño” ni Ananias Zorilla

C. Mga Sikat na Manununlat ng Awit at Korido1. Jose “Huseng Sisiw” de la Cruz2. Francisco “Kiko Balagtas” Baltazar3. Ananias Zorilla

VII. Mga Tulang MaladulaA. Panubong(Pamutong)

Ang panubong ay isang mahabang tula ngn pagpaparangal o paghahandog sa isang magdaraos ng kaarawan, kapistahan o kung may pararangalang panauhin.Binubuo ito ng tatlong bahagi: Ang unang bahagi ay inaawit sa may tarangkahan o sa may puno pa

lamang ng hagdanan. Dito ay sinasabing nabalitaan na may kasiyahan o kapistahan sa bahay na iyon.

Ang ikalawang bahagi ay umaawit habang umaakyat sa hagdan. Isinasaysay sa awit ang kahalagahan ng bawat baiting ng hagdan. Hindi sila agad papasok upang ipakilalang sila ay nahihya sa kanilang kapangahasan. Dito ay uulitin ng may bahay ang anyayang silay pumasok.

Ang ikatlong bahagi naman ay umaawit sa loob o sa sala ng bahay. Ang pangangaralan ay pauupuin sa gitna ng dalawang anghel. Papatungan ng koronang yari sa mga sariwang bulaklak na ang may kaarawan saka hahandugan ng ng plama o pumpon ng mga bulaklak na hahawakan bilang sagisag ng sentro ng hari o reyna. Habang nagaawitan ang ilan, may dalawang paraha namang sumasayaw sa harap.

B. KaragatanIsang paglalaro sa tula ng mag binata at dalaga at ang paksa ay pagliligawan o pagsisintahan. Sa tulong na matatalinhagang pangungusap, sa harap at pandinig ng mga tao, ay nakakapagligawan ang binata at dalaga. Karaniwan nang ito ay ginganap kung may pagtitipon tulad ng paglalamay sa isang yumao o pagbababang-luksa ng mga naiwan.Ang karagatan ay sinsabing parangal-gunita sa katalinuhan ng isang prncesa at ng dakila nilang pag-ibig ng isa niyang karaniwang mamamayang sinta , isang maninisid ng perlas.

C. Duplo Ang “duplo” ay ginaganap sa bakuran ng isang namatayan, sa ika-siyam na araw matapos mailibing ang yumao, bilang pang aliw sa mga naulila.Ang paraan ng paglalaro ng “duplo” ay hindi gaanong mahirap. Pipili ng isang pinaka-hari sa mga duperong lalong iginigalang at tinuturing na pinakamatalino. May dalawang hanay ng mga duplero, sa isang hanay ay mga babae na tinatawag na bilayaka at sa kabila naman ay mga lalaki na tinatawag naman na bilayako. Karaniwang sinisimulan ang kwento sa pagkawala ng loro ng hari na sya namang pagtatalunan ng mga bilyaka at bilyako.Nialaro ang “duplo” ng mga tauhang kagaya ng mga sumusunod: Hari- na siyang dumirinig ng mga sumbong at sakdal. Reyna – sa siyang kapiling ng hari na paglilitis. Duke at konde – sa siyang tagapayo.

Page 5: Philippine Literature

Berdugo- tagaganap ng hatol. Bilyako – kalalakihan Bilyaka- kababaihan Embahador – dayuhang duplero.

D. Huwego De Prenda(Larong Sanglaan)Katulad ng “dulpo” ito ay dula tungkol sa pagkawala ng loro ng hari.Bawat kalaro ay may mahalagang prenda o sangla na inilalagay sa harap ng hari. Ito ay maaring abaniko, panyolito, hikaw, kuwintas. Kung an gang kalarong mahatulan ng parusa ay di tatalima sa parusa, maaring paawitin sya, patulain, pasayawin, paiyakin, patawanin,pagmanuhin at iba pa.

E. Panunuluyan o PananapatanAng panunuluyan ay isang prusisyong ginaganap tuwing bisperas ng pasko. Isinasadula ditto ang paghahanap ng bahay na matutuluyan ng Mahal na Birhen sa kanyang nalalapit na panganganak kay Hesus.Ang mga gumaganap na San Jose at Birheng Maria ay may magagandang tinig sapagkat ang usapan ay paawit. Ang prusisyon ay magsisimula sa simbahan at dadaan sa mga lansangang may mga bahay na may palamuti.

F. KarilyoIsang palabas na ang mga tauhang gumagalaw ay mga anino ng tau-tauhang karton o katad na sa kabila ng isang tabing na puti ay pinapagalaw ng isang taong di-nakikita at ito rin ang nagsasalita at gumagamit ng iba’t ibang boses kung minsan.Madilim kung palabasin ang karilyo sapagkat ang nakikita lamang ng mga tao’y ang kanilang mga anino.

G. Senakulo Isang palabas na itinatanghal ng mga samahang nagpapaupa at kung minsan nama’y ng ilang mga pangkat na hindi sumisingil ng bayad. Ito rin ang Pasyon. Kaya lamang, ang pasyon ay inaawit samantalang ang senakulo ay ginaganap sa mga tanghalan at ang usapan ay patula.Nahahati sa dalawang uri, isa ay ang “hablada” ang isa naman ay iyong “cantada”.

H. Moro-moro Ang paksa ng moro-moro ay laging paglalabanan ng mga Muslim at mga Pilipinong Kristiyano at lagi namang nagwawakas sa tagumpay ng mga Kristiyano. Ang kanilang mga kasuotan ay magaganda at makukulay. Laging may gumaganap na prisipe at prinsesa, hari at reyna.Ang mga pangyayari ay hindi nawawalan ng paglalaban at pakikipagsapalaran, pag-iibigan at pagtatanggulan.Sa mga manunulat ng Moro-Moro ay kabilang sina Jose de la Cruz o Huseng Sisiw na siyang unang sumulat ng mga Moro-Moro. Ang mga sinulat niya ay “La Guerra Civil de Granada”, “Hernandez at Galisandra”, “Reyna Encantada o Casamiento por Fluergo” at “Rodrigo de Vivar”

I. SarsuwelaIsang dulang musikal o isang melodramang may tatlong yugto na ang paksa ay tungkol sa pag-ibig, panibugho, paghihiganti, pagkasuklam at iba’t iba pang damdamin. Ito’y naglalarawan din ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.Ang zarzuela ay naiiba sa moro-moro sapagkat buhay Pilipino na ang tinatalakay dito. Ang mga kasuotan ng mga nagsisiganap ay damit Pilipino (na) sa halip na kasuotang Europeo.

Halimbawa ng zarzuela – “Walang Sugat”. Ito ay isang zarzuelang makabayan noong panahon ng amerikano na isinulat ni Severino Reyes.

J. TibagIsang pagtatanghal ng pagtibag sa bundok na kinalalagakan ng krus na kinamatayan ni Hesus. Ang mga tauhan ng tibag ay nagsasalita ng patula at ang palabas ay ginaganap sa isang tanghalan at ang mga gumaganap ay nagsusuot ng mga angkop na damit.Ang pangyayaring ito ay isinasadula taon-taon kung buwan ng Mayo. Sa paligid ng simbahan ay magtatayo ng mga bundok-bundukan at lalabas naman ang prusisyong kasama sina Reyna Elena, Constantino at mga kawal nito.Isang halimbawa nito ay TIBAG na isinulat ni Carlos V. Gutierrez

VIII. Mga Pilipinong Manunulat Sa panahan ng pananakop ng Kastila A. Padre Jose A. Burgos

Nagsulat ng nobela-historika na pinamgatang “La Lobra Negra” o “Ang Babaing Asong-Itim” noong Agosto 1869.

B. Dr. Jose P. Rizal 1. Sa Aking Kababata 2. Noli Me Tangere 3. El Filibusterismo 4. Mi Ultimo Adios5. Sobre La Indolencia de los Filipinos6. Filipinas Dentro de Cien Anos 7. A La Juventud Filipina

C. Marcelo H. Del Pilar1. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa 2. Kaiigat Kayo3. Dasalan at Tocsohan 4. Ang Cadaquilaan ng Dios5. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas 6. La Frailocacia en Filipinas7. La Soberana Monacal en Filipinas

D. Graciano Lopez Jaena1. Fray Botod 2. La Hija del Fraile 3. Everything is Hambug 4. Sa mga Pilipino5. Talumpating Pagunita kay Kolumbus 6. En Honor de le los Artistas Luna y Resurrecion Hidalgo7. Amor a Espana o Alas Jovenas de Malolos

E. General Antonio Luna 1. Mga Bituin ng Aking Lahi 2. Noche Buena3. La Casa Huespedes 4. La Tertulia Filipina

F. Andres Bonifacio 1. Ang dapat Mabatid ng mga Tagalog 2. Pag-ibig sa Tinubuang Bayan 3. Huling Paalam 4. Katapusang Hibik ng Pilipinas

Page 6: Philippine Literature

5. Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan G. Apolinario Mabini

1. El Desarollo y Caida de la Republika Filipina2. El Verdadero Decalogo 3. El Liberal4. Muling pagsulat ng “Florante at Laura”

H. Emilio Jacinto 1. Ang “Kartilya ng Katipunan 2. Ang “Liwanag at Dilim”3. A Mi Madre4. A la Patria5. Sa Anak ng Bayan

I. Jose Palma 1. Himno Nacional Filipino2. De Mi Jardin 3. Kundiman 4. Melancolicas

PANAHON NG AMERIKANO

KALIGIRANG KASAYSAYAN Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa

atin nang higit sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan.Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay nagsimula noong pang 1900.

Isang bagong pangkat ng mananakop ang nagdala ng mga pagbabago sa panitikan ng Pilipinas. Ipinakilala ang mga bagong anyo ng literatura gaya ng malayang taludturan (sa mga tula), maikling kwento at mapamunang sanaysay (critical essay). Ang impluwensya ng mga Amerikanong mananakop ay nanatili kaalinsabay ng pagtatalaga sa Ingles bilang wikang ginagamit sa lahat ng paaralan sa bansa gayundin ng paglinang sa masining na kamalayan ng mga manunulat batay sa modernong panitikang dala ng mga mananakop.

Ang Pilipinas ay nasakop ng Amerika noong ika-19 na siglo na kinikilala rin bilang dantaon ng modernismo o Panahon ng Industriyalismo. Sa yugtong ito nagkaroon ng malawakang pagtuklas sa mga imbensyong may layuning mapadali ang trabaho ng mga tao at nang sa gayon ay maitaas ang produkyon ng lahat ng industriya. Hindi liban ang bansa sa pandaigdigang pagbabagong ito. Ipinatupad ng mga Amerikano ang oryentasyong ito sa konstruksyon ng mga pampublikong daan, tulay, at bahay. Naging maliwanag na ilustrasyon ang siyudad ng buhay-kosmopolitan: walang tigil ang galaw kahit pa sumapit ang gabi. Nagkaroon ng mga opisina, pasyalang pampubliko, museo, bulwagan, sinehan at restawran.

Maliwanag na ambag ng panahong ito ang pelikula. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapanonood ang mga Pinoy ng mga larawang gumagalaw. Binigyang-daan ng imbensyong ito ang pag-ungos ng kulturang popular.

Sa larangan ng panitikan, isang malaking ambag ng mga Amerikano ang pagkakaroon ngayon ng maiikling kwento bilang bahagi ng panitikang Pilipino. Kapansin-pansing ang pagkahilig ng mga mambabasa sa mga akdang madaling basahin ay naimpluwensyahan ng mabilis na galaw ng buhay-kosmopolitan. Ang mga kathang ito ay hindi lamang naisulat sa wikang Pilipino kundi pati na

rin sa wikang Ingles. Ang pagdating ng mgaThomasites ang nagbigay-daan sa pagkakaroon ng pampublikong edukasyon kung saan ipinasok ang kurikulum ng pagtuturo sa Ingles. Itinatag ang Unibersidad ng Pilipinas noong 1908 at simula noon ay kinilala ito sa mahusay na pagtuturo ng Ingles. Sa pamantasang ito nahasa ang mga manunulat upang linagin ang kanilang kakayahang sumulat ng mga sanaysay, dula, tula, kwento at nang maglaon ay pati na rin mga nobela gamit ang wikang Ingles.

Panahon ng Kolonyalismong AmerikanoAng panitikan sa panahong ito ay karaniwang:

• Nagpapakita ng dalawang pwersang nagtutunggalian • Nakasulat sa wikang Katutubo, Kastila at Ingles• Tumatalakay sa pagkamakabayan o kaya’y mga paksang romantisista • Nananawagan ng pagpapatuloy ng rebolusyon o pagpapailalim sa mga Amerikano • Nagsisikhay na mapanatili ang sariling identidad o nangongopya ng mga estilong

Kanluranin .Bakit sa Espanyol pa rin nagsulat ang iba?

• Protesta sa pananakop ng mga Amerikano na nagsasalita ng Ingles• Mas matulain at mas akma sa panitikan ang Kastila kaysa Ingles, ayon sa kanila • Bibihira pa ang sanay mag-Ingles sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano • Espanyol pa rin ang wika ng mga intelektwal noon

Mga Manunulat sa Kastila• Cecilio Apostol – sumulat ng mga tulang handog sa mga bayani at tumutuligsa sa mga

Amerikano.-kilala siya bilang “ the greatest Filipino epic poet in Spanish ”.-halimbawa ng mga tuka ni Apostol na tinipon ni De Veyra: Pentelecas, Al Herse Nacional, Mi Raza, A La Bandera, La Siesta, Sobre El Plinto, Paisaje Filipino, at iba pa

• Fernando Ma. Guerrero – naglabas ng antolohiya/koleksyon ng mga tula na pinamagatang Crisalidas (“Mga Higad”)  

-ay isa sa pinakamagiting na mga Pilipinong makata, tagapamahayag, politiko, abogado, poliglota at guro sa ginintuang panahon ng panitikang Kastila sa Pilipinas, isang panahong mula 1890 magpahanggang sa pagsabog ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

• Jesus Balmori – may sagisag na Batikuling (isang uri ng puno); “poeta laureado” (poet laureate).

• Manuel Bernabe – makatang liriko • Claro M. Recto – naglabas ng antolohiyang Bajo Los Cocoteros (“Sa Lilim/Shade ng

Niyugan”).- Kilala bilang Don Claro, siya ay isinilang siya sa Tiaong, Tayabas (ngayon ay Quezon) noong Pebrero 8, 1890 subalit lumaki sa Lipa, Batangas. Ang kanyang mga magulang ay sina Claro Recto Sr. at Micaela Mayo, kapwa taga-Batangas. Sa gulang na 21 ay nalimbag ang kanyang unang bolyum ng kanyang mga tula na may pamagat na Bajo Los Cocoteros. Ang kanyang mga tulang hinangaan ay ang Celia Sampaguita, Arte el Martir, Noches de Manila at Alfonso III.

• Apolinario Mabini – “utak ng Himagsikan”; ipinatapon ng mga Amerikano sa Guam dahil popular sa taumbayan ang kanyang mga sinusulat .

- kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipinotheoretician na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-

Page 7: Philippine Literature

unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Kanyang isinulat ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903sa Nagtahan, Maynila.

Mga Nagsulat sa Tagalog• Julian Cruz Balmaceda – sumulat ng “Bunganga ng Pating”• Lope K. Santos – nobelista at mambabalarila (grammarian); Ama ng Balarilang Tagalog • Jose Corazon de Jesus – “Huseng Batute”; “Makata ng Puso/Pag-ibig”• Pascual Poblete – sumulat ng pasyon na anti-prayle

Mga Nagsulat sa Tagalog• Florentino Collantes – batikang duplero; “Kuntil-Butil”• Amado V. Hernandez – “Makata ng mga Manggagawa”• Valeriano Hernandez-Peña – “Tandang Anong”; nobelista • Iñigo Ed Regalado – “Odalager”; kwentista, nobelista at peryodista

Mga Nagsulat sa Ingles• Jose Garcia Villa – makatang Pormalista (art for art’s sake); “Doveglion”• Zoilo Galang – nagsulat ng unang nobela sa Ingles• Zulueta de Costa – makata • N.V.M. (Nestor Vicente Madali) Gonzales – kwentista • Paz Marquez Benitez – kwentista • Maximo Kalaw – nobelista • Juan Laya – nobelista • Leon Arguilla – kwentista • Nick Joaquin – kwentista

Mga sanaysay• El Desarrollo Caida Dela Republica Filipina (Ang Pagbagsak ng Republikang Pilipino)

ni Apolinario Mabini – tumatalakay sa pagtataksil ng mga Pilipinong ilustrado sa Unang Republika ng Pilipinas

• Aves de Rapiña (Mga Ibong Mandaragit-EDITORYAL; iba pa sa nobela ni AVH) – tumutuligsa sa Amerikanong ganid at tiwali; nilathala sa pahayagang “El Renacimiento”; ipinasara ang pahayagan at ipinakulong ang mga editor at ibinenta/isinubasta ang lahat ng ari-arian ng dyaryo

Mga tula• Al Yanqui ni Apostol – tumutuligsa sa pananakop ng mga Amerikano • Maria Clara ni Guerrero – nagpapahayag ng pagluluksa dahil sa inagaw na kalayaan • Pasyong Poblete – tumuligsa sa mga prayle sa pamamagitan ng tulang estilong pasyon • Kahapon, Ngayon at Bukas (IBA PA SA DULA) ni Aurelio Tolentino – alegorikal at

sarkastikong batikos sa huwad na kabaitan ng Estados Unidos • Sa Dakong Silangan (“modernong awit”) ni Jose Corazon de Jesus – alegorikal na

pagtalakay sa kasaysayan ng Pilipinas mula pagdating ng mga Kastila hanggang sa pagdating ng mga bagong mananakop (Amerikano)

• Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus – tumutuligsa sa pananakop ng dayuhan at nagbibigay-pag-asa na balang araw, lalaya rin ang bayan (nilapatan ng musika ni Prop. Constancio de Guzman kaya naging awit)

• Mahalin Ang Sariling Wika ni Joaquin Mañibo • Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan ni Amado V. Hernandez

• Ang Lumang Simbahan ni Florentino Collantes Mga Dula

• Walang Sugat (sarswela) ni Severino Reyes – ukol sa pag-iibigan ng isang babae at ng Katipunero

• Napun, Ngeni at Bukas [Kahapon, Ngayon at Bukas] sarswela ni Aurelio Tolentino – tuligsa sa pananakop ng mga Amerikano; ipinaaresto si Tolentino at ang mga artistang gumanap; ni-raid ang mga pagpapalabas

• Anac Ning Katipunan [Anak ng Katipunan] sarswela ni Juan Crisostomo Sotto• Tanikalang Ginto ni Juan Abad – dulang pag-ibig ang paimbabaw (superficial) na tema

ngunit pagtuligsa sa imperyalismong Amerikano ang tunay na mensahe • Pobres y Ricos [Mga Mahirap at Mga Mayaman] sarswela ni Isabelo delos Reyes –

tumatalakay sa kaawa-awang kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas • Bagong Cristo ni Aurelio Tolentino – tumatalakay sa minimithing pagkakaisa ng mga

manggagawa upang makamit nila ang kanilang hinahangad na uri ng lipunan Mga nobela

• Banaag at Sikat [Glimmer and Sunshine] ni Lope K. Santos – kauna-unahang nobelang tumalakay sa sosyalismo

• Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña • Madaling Araw [Dawn] ni Iñigo Ed Regalado • Pinaglahuan ni Faustino Aguilar – nobelang nananawagan ng rebolusyon ng mga

manggagawa • Mga Anak-Dalita ni Patricio Mariano• Mga Anak-Bukid ni Rosauro Almario • Bulalakaw ng Pag-asa ni Ismael A. Amado – tampok ang karakter na mala-Simoun • Pusong Walang Pag-ibig ni Roman Reyes

Ang balagtasan• Nagsimula noong unang bahagi ng 1900s• Pagtatangka ng mga makabayang makata na ikiling (to tilt) ang paksa ng mga patulang

pagtatalo gaya ng sa duplo sa mga paksang pampulitika at panlipunan • Ang mga unang balagtasan ay tumalakay sa mga paksang gaya ng: wikang sarili, wikang

Ingles o Kastila?; obrero o eskirol; kagyat (immediate) na kalayaan o awtonomiya?• Ipinangalan kay Francisco Balagtas; nagkaroon ng bersyon sa ibang wika gaya ng sa

Kapampangan (Crisottan: parangal kay Juan Crisostomo Sotto) at sa Ilokano (Bukanegan: parangal kay Pedro Bukaneg)

Mga pahayagan• El Nuevo Dia [Ang Bagong Araw]• El Grito del Pueblo [Ang Sigaw ng Bayan]• El Renacimiento [Ang Muling Pagsilang]

Mga nobelang ingles• A Child of Sorrow ni Zoilo Galang • The Filipino Rebel ni Maximo Kalaw • His Native Soil ni Juan Laya • His Dishonor the Mayor ni Leon Ma. Guerrero

PANAHON NG HAPON

PANAHON NG KONTEMPORARYO

Page 8: Philippine Literature

MGA IDEOLOHIYANG AT PILOSOPIYANG NAKAIMPLUWENSIYA SA PANITIKANG HAPON

Shamanismo (Shamanism) – pagbubuklod ng mga tao at ng mga espiritu ng kalikasan

Budismo (Buddhism) – mula sa aral ni Buddha. Tumutukoy sa pagkilos na makabubuti sa isang tao, sa kanyang kapwa at sa kapaligiran.

Confucianismo (Confucianism) – mula sa aral ni Confucius. Tumutukoy sa pagpapabuti sa sarili tungo sa ikagaganda ng buhay indibidwal.

TUON NG PANITIKANG HAPON Nasyonalismo Pananampalataya Relihiyon Sining Pag-ibig Gawain sa buhay

MGA KATANGIAN NG PANITIKANG HAPONa. Walang Kontra-bida

Namumuhay ang karakter na walang katunggali sa anumang gawaing kanyang isasagawa – siya’y mabubuhay at mamamatay, matutuwa at malulungkot kasama ang mga tao sa kanyang ginagalawang lugar na may katulad na sitwasyon.

b. Walang pagkakaiba ang tao sa kapaligiran Ang pagkakalalang sa tao ay sadyang tadhana ng kalikasan upang makisabay sa natural na sistema ng pamumuhay.

c. Walang gabay (free-verse)Bago ang taong 1900, mapapansing sa panitikanng Hapon ay walang sukat, tono o tugma na sinusunod; impluwensiya na lamang ng ibang lahi, modernisasyon at pormalismo ang pagkakaroon ng gabay sa panitikan.

d. May pagkakaisa ang mga manunulatNagkakaroon ang bawat manunulat ng iisang tema – hindi upang magpagalingan kundi upang tulungan ang ideya ng bawat isa. Samakatuwid, kahit na ito’y sariling-gawang panitikan, nagpapamalas pa rin ang bawat isa ng pagkakaisa.

e. Ugnayan ng mga manunulat sa mambabasa.Hinahasa ang mga manunulat na Hapon sa paaralan pa lamang na unawain nang husto ang pilosopiya upang maibahagi nang maayos at malinaw ang kabuuan at konteksto ng mga ideya ng kanilang panitikan.

Mga Natatanging Pilipinong Nakapagambag sa Panitikan ng Pilipinas sa Panahon ng Hapon (1941-1945)

A. Dula1. Francisco Soc Rodrigo* January 29, 1914 (Bulacan) – January 4, 1998 (Quezon City)* Senador, broadcaster at manunulat ng dula* Ang Gawad Soc Rodrigo ay isang award na ipinangalan sa kanya ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).* Gawa: Sa Pula, Sa Puti

2. Alberto Concio3. Narciso Pimentel4. Jose Ma. Hernandez- June 19, 1904 – July 14, 1982- Palance Memorial Award winner* Gawa: Panday Pira5. Clodualdo del Mundo* September 11, 1911 (Manila) – October 3, 1977* Don Carlos Palanca Awards for Literature awardee* Gawa: Bulaga6. Julian Cruz Balmaceda* Enero 28, 1895 (Bataan) – September 18, 1947* Nagging pa tnugot ng Surian ng Wikang Pambansa* Mga Gawa: Sino ba Kayo?, Dahil sa Anak, Higante ng mga PatayB. Maikling Kwento1. NVM Gonzales* September 8 1915 (Romblon) – November 28, 1999 (Quezon City)* Ginawaran bilang National Artist of the Philippines noong 1997 at inilibing sa Libingan ng mga Bayani* Gawa: Lunsod Nayon at Dagat-dagatan - Liwayway Short Story Contest, Third Prize winner2. Carlos Bulosan* November 24, 1913 (Pangasinan) – September 11, 1956* Gawa: The Laughter of my Father3. Manuel Arguilla* 1911- 1944 * Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lihim siyang nagtatag ng guerrilla intelligence unit laban sa mga Hapon.

* Noong Oktubre 1944, siya ay nahuli, pinahirapan at binitay ng hukbong Hapon sa Fort Santiago.* Gawa: How My Brother Leon Brought Home a Wife4. Brigido Batungbakal* 1910 (Bulacan) – 1989* Commonwealth Literary Awardee* Gawa: Pula ang Kulay ng Dugo at Iba Pang Kwento5. Macario Pineda6. Serafin Guinigindo7. Liwayway Arceo* 1920 - 1999 * Ginawaran ng Gawad CCP for Literature ng Cultural Center of the Philippines noong 1993* Gawa: Uhaw ang Tigang na Lupa8. Narciso Ramos9. Alicia Lopez Lim10. Ligaya Perez11. Gloria Guzman.C. Tula1. Rafael Zulueta da Costa* Gawa: Like the Molave2. Fred Ruiz CastroD. Nobela

Page 9: Philippine Literature

1. NVM Gonzales* Gawa: The Winds of April - First Commonwealth Literary Contest honorable mention2. Juan Laya* Gawa: His Native Soil3. Carlos P. Romulo* 14 January 1899 (Tarlac) – 15 December 1985 (Manila)* Nagserbisyo para saw along president ng Pilipinas, mula kay Manuel L. Quezon hanggang kay Ferdinand Marcos, bilang Secretary of Foreign Affairs at representante ng bansa sa Estados Unidos at sa United Nations.* Isa sa mga nagtatag ng Boys Scout of the Philippines * Nagging presidente ng United Nations General Assembly sa loob ng mga taong 1949–1950 * Pinuno ng United Nations Security Council* Nagsilbi kay Gen. Douglas MacArthur at nagging ambassador sa America* Unang non-American na ginawaran ng Pulitzer Prize in Correspondence noong 1942.* Mga Gawa: I Saw the Fall of Philippines, I See the Philippines Rise, Mother America, My Brother Americans

Halimbawa ng Panitikan ng Pilipinas sa Panahon ng Hapon (4 Taon)* Haiku* Free verse – 17 verse* 1st line – 5 verse* 2nd line – 7 verse* 3rd line – 5 verse* Covers a wide scope of meaning

HaikuGonzalo K. Flores

Tutubi hila mo’y tabak…Ang bulaklak, nanginig!

Sa paglapit mo.Anyaya ulilang damo

Sa tahimik na ilogHalika, sinta.

* Tanaga* Same with Haiku* Short but with measure and rhyme* Each line has 7 syllables

KabibiKabibi, ano ka ba?

May perlas maganda kaKung idikit sa tainga

Nagbubuntunghininga.

Post war Literature (1945- 1950)Ang pagbabagong pampanitikan sa panahong ito, (1946-1950) ay ang panahon ng unti-

unting pagkawala ng panitikang Hapon, at pagbibigay-daan sa nakagawiang tulaang bayanNakilala sa panahong ito si “Alejandro Abadilla”, bilang nagpasigla ng panulaan ng mga

Pilipino. Nailimbag na rin ang mga tula nina Baltazar at Jose Dela CruzNang naglaon, nakilala din ang pangalang “Amado V. Hernandez” sa kilalang tula niyang

“Isang Dipang Langit”

Panahon ng Bagong Lipunan *Naitatag ang GAT (Galian ng Arte at Tula ) *Ang pangunahing layunin nito ay ibalik ang panulaan sa puso at pagtangkilik ng bayan.

Kabilang dito sina C.C. Marquez, Aurelio Angeles, Lamberto Antonio, Mar Al Tiburcio, mga kapwa baguhang kasapi ng GAT ng mga panahong iyon.Literatura sa pagbabagong panahon

Ang pagbabago sa ating paligid ay lubos na nakaapekto sa panlasa ng mga Pilipino pagdating sa panitikan. Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, ang atomic bombing sa Hiroshima at Nagasaki, the Holocaust, at iba pa ay ang nagbigay daan sa paghahanap ng katahimikan ng mga Pilipino.

Ang paghahanap ng katahimikan ay nagbigay daan din sa paglabas ng librong “The Cannibal” na kung saan gumamit ang may-akda ng makabagong paraan ng pagsulat. Ang bagong paraan ng pagsulat ng panahong iyon, at tinatawag na metafiction, o Romantic Irony, na pumatok sa mga PilipinoMetafiction – ito ang uri ng tema na ginamit ng mga manunulat nung panahong pagkatapos ng WWII. Dahil sa paghahanap ng katahimikan ng mga tao, naging patok sa mga tao ang ganitong tema ng panulat.

Impluwensya ng Hapon sa Panitikang Pilipino* Tanaga – isang maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7.Hango ito sa Haiku ng mga Hapon na may sukat na 5-7-5.Halimbawa ng tanaga:

TAG-INITni Ildefonso SantosAlipatong lumapag

Sa lupa — nagkabitak,Sa kahoy nalugayak,

Sa puso — naglagablab!

* Mga Tema ng Panitikan sa Panahong Ito:* Nasyonalismo* Pananampalataya* Buhay sa barrio* Pagpapahalaga sa Sariling Atin

Sa panahong ito ay nabigyan ng pagpapahalaga ang sariling atin. Mula sa layunin ng mga Hapon na alisin ang Kanluraning ideya at mapayaman ang kulturang Asyano, ay lalo pa nating napaglinang ang ating sariling panitikan kaya naman tinuring itong “Gintong Panahon ng Panitikang Filipino”.

Kaligirang KasaysayanMuling nabawi ng mga mamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na nawala rin ng

labing-apat na taonSa loob ng apat na araw , mula noong ika-21 ng Pebrero hanggang ika-25 nito ay

namayani ang tinatawag na “People’s power” o “Lakas ng Bayan”.Maraming tagpong makabagbag-damdamin ang nasaksihan ng mga mamamayan na

tunay na tatak-Pilipino. Sa apat na makasaysayang araw ay naroon ang magkahawak-kamay at balikat sa balikat na barikada, higaan sa kalye , pagsalubong ng mga ngiti,pagmamakaawa, pagsasabit ng mga bulaklak sa mga taong nasa tangke na lulusob sana sa pinaratangang Enrile-Ramos pagkat sumama na sa pangkat ng Pangulong Aquino.

Page 10: Philippine Literature

Lumabas ang ganda ng pag-uugaling Pilipino . Muling nasilayan ang pagtutulungan, pagmamalasakitan , pagkakaisa, pagbibigayan , pagkamatiisin , pagiging makaibigan, pananalig sa Panginoon o Dakilang Lumikha.

Sa panahong ito ay isinilang ang Bagong Pilipino , ang mga Pilipinong marunong nagkamalasakit sa kapwa kalahi at marunong magmahal sa sariling bansa hindi lamang sa salita kundi sa tunay na gawa.

PANAHON NG KONTEMPORARYO

ANG KALAGAYAN NG PANITIKAN SA PANAHONG ITOBagama’t ilang buwan pa lamang ang pagkasilang ng tunay na Republikang Pilipinas ay

may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang mga pagbabagong ito ay madarama na sa ilang mga tula , awiting Pilipino, sa mga pahayagan , sa mga sanaysay at talumpati at maging sa programa sa telebisyonANG PANULAANG PILIPINO SA KASALUKUYAN

Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata, ang kanilang mga tuwirang pagpuri sa mga nanunungkulang nagagawa ng kabutihan sa bayan at panunuligsa naman sa mga tiwali ang gawa. Tunghayan natin ang ilang halimbawa n gating mga tula sa kasalukuyan.Halimbawa:

Gitna ng BayanNi Fransico Soc. Rodrigo

Akala ni Marcos, ay pampalagiang Kaniyang mabobola’t mapaglalaruanAng dati’y maamo at sunud-sunurang

Mga matiisin nating taong bayan

Salamat sa Diyos, ngayon ay gumisingItong Bayang dati’y waring nahihimbingSalamat at ngayo’y sumiklab ang giting

Nitong Bayang dati ay inaalipin

Kaya nama’t ngayon ay taas ng nooNating Pilipino sa harap ng mundoPagkat tayo laang magsakripisyoSa ngalan ng laya ng tama’t totoo

LUMAYA ANG MEDIA(Hango sa Taliba , Abril 16 , 1986)

Noong idineklara ang Apo FerdinandNoong setenta’ dos (1972) ang Batas Militar

Kinontrol ang medi’at mga pahayagan Hindi tinutulang siya’y mapintasan

At pati ang “rumor mongering” ay bawal

Ngayong dikatatura’y nilansag ni CoryAng lahat ng Media’y Malaya at libre

Na mangagsipuna kahit umatakeSa mga minister , opisyal , kawaniAt maging sa bise at sa Presidente

ANG AWITING PILIPINO SA KASALUKUAYAN*MAGKAISA nina Tito Sotto, Homer Flores, at E. dela Pena* HANDOG NG PILIPINO SA MUNDO ni Jim Paredes Ang binuhay na awiting “BAYAN KO” ni Freddie Aguilar mula sa panulat ni Jose Corazon de Jesus ay ang pangunahing pumailanlang ngayon sa mga radyo at telebisyon. At dahil sa pagiging makasaysayan nito noong nakaraang matahimik na rebolusyon, iminungkahi ngayon sa “Constitutional Commission” na gawin itong pangalawang Pambansang Awit ng Pilipinas.

SANAYSAY• PAG-IBIG LABAN SA TANGKE – Teresita Sayo• BUKAS NA LIHAM – Jocelyn M. David• DIKTA NG DAYUHAN – Romulo Caralipio

ANG MGA MANUNULAT• ISAGANI CRUZ• EDGARDO REYES• DOMINGO LANDICHO• RUTH MABANGLO• LYDIA GONZALES

TIMPALAK-PALANCA** Dulang Iisahing YugtoBAYAN MO ni Bienvenido Noriega Jr. ANG MGA TATOO ni Reynaldo Duque** Tula PANAHON NG PAGPUKSA..PAKIKIDIGMA ni Teodoro Antonio** Maikling Kuwento ANG DAMO SA FORT BONIFACIO ni Cyrus Borja** Sanaysay SI EDGARDO REYES ni Rogelio Mangahas

ANG MGA PROGRAMA SA RADYO AT TELEBISYON Maririnig sna sa kasalukuyan na nakakapagpahay nan g mga tunay na niloob nang walang takot o pangamba ang mga tagapagsalita sa radio at mga lumalabas sa telebisyon.

May ilan sa mga dulang katatawanang ipinalabas sa telebisyon ang nagsasadula ng mga nakaraan at kasalukuyang pangyayari sa ating bansa. Kabilang sa mga ito ang Chicks to Chicks, Eh, Kasi Babae, Sa Baryo Balimbing, at marami pang iba.ANG MGA PAHAYAGAN AT IBA PANG BABASAHIN

Maraming bagong pahayagan ang nagsulputan sa panahong ito. Kabilang ang Midday Malaya, Daily Inquirer , Masa, Daily Mirror, Veritas, Pilipino Ngayon, at iba pa.

Tungkol naman sa mga komiks, magasin , wala pa ring pagbabago sa dami ng bilang ng mga ito subalit sa nilalaman, lalo na sa kuwentong tapos ay mababasa na ang mga kuwentong may kaugnayan sa nakaraang matahimik na telebisyon.