18
Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli Me Tangere , na nilimbag sa Berlin , Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El Filibusterismo , na nilathala sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes , manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino. Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating kagaya ng “If Dreams Must Die” at “The Love of Leonor Rivera” ni Severino Montana. Kung saan kapwa

Pilipino Hero

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pilipino Hero

Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli Me Tangere, na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at ang El Filibusterismo, na nilathala sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino.

Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating kagaya ng “If Dreams Must Die” at “The Love of Leonor Rivera” ni Severino Montana. Kung saan kapwa nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig sa bata nitong puso, isang kolehiyala na naihahalintulad kay Maria Clara, at isang walang-hanggang pag-ibig ni Rizal.

Page 2: Pilipino Hero

Si Juan Luna y Novicio ang nagpinta ng pamosong larawan “Spolarium”. Siya ay nakilala sa buong mundo sa pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng pagkakilala sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pluma at espada.

Siya ay ipinanganak noong Oktubre 23, 1857 sa Badoc, Ilocos Norte kina Joaquin Luna at Laureena Novicio sa Badoc, Ilocos Norte.

Nag-aaral siya sa Ateneo Municipal de Manila. Ang pangarap niyang maging isang mandaragat ay natupad matapos siyang mag-aral at magtrabaho sa brako sa murang gulang na 16. Marami siyang napuntahang magandang lugar at iba't ibang tao ang kanyang nakasama. Bagamat napagtala siya bilang mandaragat huminto para lamang maipagpatuloy niya ang pag-aaral sa pagpinta.

Pumasok siya Academio de Dibujo y Pintura sa Maynila noong 1876 sa kursong Bellas Artes. Ipinagpatuloy niya ang kursong ito sa Madrid, Espanya. Personal din siyang nagpaturo sa pagpinta kay Alejo Vera na siyang nagdala sa kanya sa bansang Roma, Italya upang magmasid. Pumunta siya sa Barcelona, Espanya noong 1877, doon siya naging propesyonal na pintor noong 1880 noong nipanalo niya ang ginuhit niyang The Death of Cleopatra. Nagwagi ito ng pangalawang karangalan sa Eksposisyon sa Madrid. Ito ay binili ng Gobyernong Kastila at ginawang permanenteng exhibit sa Museo Nacional de Pinturas, Salon de Pintures Modernas.

Page 3: Pilipino Hero

Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864—Mayo 13, 1903), kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino theoretician na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.

Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan. Nag-aral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.

Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng "infantile paralysis" na lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas (prime minister) at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".

Page 4: Pilipino Hero

Si Andrés Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897) ay siyang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa.

Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tondo, Maynila. Ang kanyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmeña sa Meisic sa Binondo, Maynila subalit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, may angkin siyang talino at marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila.

Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na gawa sa papel de hapon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini.

Page 5: Pilipino Hero

Si Lapu-Lapu ay isang datu sa isla ng Maktan. Nang dumating si Fernando de Magallanes para basbasan ang mga tribu ng Kristiyanismo, tumutol si Lapu- lapu at nakipaglaban sa kanila.

Walang naitala tungkol sa kapanakan ni Lapu-lapu maliban sa kanyang mga magulang na sina Kusgano at Reyna Bauga. Ang magkapatid na Abnaw at Mausug ang kanyang kanang-kamay at pinakamatatalik na kaibigan. Siya ay nagpakasal kay Prinsesa Bulakna, ang magandang anak ni Datu Sabtano. Sila ay biniyayaan ng isang anak na lalaki, si Sawili.

Bilang isang pinuno ng Maktan, si Lapu-lapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng magandang posisyon at natatanging pagkilala si Lapu-lapu, subalit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga nitibo at partikular na ang kamag-anak at pamilya Lapu-Lapu (Lapulapu). Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi ni Lapu-lapu sa kanyang alok.

Page 6: Pilipino Hero

Si Padre Jacinto Zamora ay isinilang noong Agosto 14, 1835 sa Pandacan, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario.

Nag-aral si Zamora sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan ay natapos niya ang kursong Bachiller en Artes. Nagpaluloy siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas na kung saan naman ay natamo niya ang diploma para sa kursong Bachiller en Leyes Canon.

Si Padre Zamora ay hindi kasintalino nina Padre Burgos at Padre Gomez subalit siya ay nakakuha rin ng mataas na marka sa pagsusulit na kinuha niya noong siya ay pansamantalang nadestino sa Parokya ng Pasig. Sa kabila ng mataas na marka at pagkakapasa sa pagsusulit, si Padre Zamora ay hindi binigyan ng permanenteng posisyon sa kadahilanang isa lamang siyang "indio".

Lumipat ng Maynila si Padre Zamora at dito siya nakipagtagisan ng kuru-kuro laban sa mga Kastilang Prayle. Buong giting na ipinagtanggol ni Padre Zamora ang mga Pilipinong pari.

Nang maganap ang himagsikan sa Cavite noong Enero 1872, siya ay dinakip at ikinulong sa Fort Santiago. Siya ay isa sa pinagbintangang namuno sa pag-aalsa laban sa Kastila, kasama ni Padre Jose Apolonio Burgos at Padre Mariano Gomez. Siya ay kasamang binitay noong Pebrero 17, 1872 sa pamamagitan ng garote. Siya ay isa sa tinaguriang tatlong paring martir na lalong kilala bilang GOMBURZA.

Page 7: Pilipino Hero

Si Gregorio del Pilar ay ang pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ay isinilang sa Bulakan, Bulakan noong Nobyembre 14, 1875 kina Fernando del Pilar at Felipa Sempio.

Si del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro de la san jose at pagkatapos ay nagpatuloy sa paaralan ng mananagalong na si Pedro Serrano Laktaw. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila noong 1880 at tumira sa bahay ng kanyang tiyo na si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag ang Katipunan. Sa murang isipan ni del Pilar natimo ang mapanganib na mensahero ng mga propagandista. Noong Marso 1896, nagtapos siya sa Ateneo sa kursong Bachiller en Artes, binalak niyang magturo subalit sumiklab ang apoy.

Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng mga katipunero at sumanib siya sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya at bunga ng maigting na pagtatanggol siya ay nahirang bilang tinyente sa gulang na 19. Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay niya sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel, Bulakan) ang nagpatanyag sa kanya. Napahanga niya si Aguinaldo at itinaas siya bilang tinyente kung saan pinalaya niya ang lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si del Pilar ang humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang tinugis sila ng mga Amerikano sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899, nagpaiwan siya upang abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo.

Page 8: Pilipino Hero

Si Emilio Aguinaldo y Famy[1] (Marso 22, 1869–Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 1899–Abril 1, 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.[1][2] Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.

Page 9: Pilipino Hero

Isinilang si Emilio Jacinto noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang mga magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Nag-aral siya sa kolehiyo ng San Juan de Letran at kumuha ng abogasya sa UST ngunit ito ay natigil nang siya ay sumapi sa Katipunan noong 1893. sa gulang na 19 siya ay isa sa mga magagaling na pinuno ng Katipunan.

Kinilala siyang Utak ng Katipunan. Gumamit siya ng sagisag-panulat na Pingkian sa Katipunan. Itinatag niya ang pahayagang Kalayaan, ang pahayagan ng katipunan. Ito'y pinamatnugutan katulong si Pio Valenzuela. ang sagisag-panulat na kanyang ginamit ay Dimas Ilaw. Siya ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan. Si Jacinto ay lubhang nasugatan ngunit pinakawalan dahil sa sakit na malaria at disenterya. siya ay binawian ng buhay sa Sta. Cruz, Laguna noong abril 16, 1899 sa edad na 24.

Page 10: Pilipino Hero

Si Antonio Luna (Oktubre 29, 1866 - Hunyo 5, 1899) ang nakakabatang kapatid ni Juan Luna.Ipinanganak siya sa Maynila noong ika-29 ng Oktubre, 1866 sa Binondo, Maynila. Siya ang bunsong anak nina Joacquin Luna at Laureana Novicio. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Ateneo Municipal de Manila noong 1883 sa murang edad na 15. Kumuha rin siya ng kursong parmasyutika sa Unibersidad ng Santo Tomas at nakamit niya ang kanyang lisensya sa kursong ito sa Unibersidad de Barcelona. Natapos din siya sa pagkakadalubhasa sa parmasyutika sa Gante, Belhika. Sa propesyon ay isa siyang parmasyotiko.Ang pagsusulat ang kanyang libangan. Iniakda niya ang El Nomatozario del Paerdismo na nalathala sa Madrid noong 1893. Ito ang kanyang pinakamalaking naiambag niya sa literaturang pang-medisina. Siya ang nagtatag ng La Independencia at nagpapadala rin siya ng mga lathalain sa ibang pahayagan.Sa simula pa'y isa siyang tagpagtaguyod ng paghingi ng reporma sa mapayapang pamamaraan. Dahil sa hinalang siya ay isa sa mga teroristang laban sa pamahalaan, dinakip siya ng mga maykapangyarihang Kastila, nilitis at ikinulong ng mga Kastila.Nang siya ay makalaya, nag-aral siya ng iba't ibang paraan ng pakikipaglaban sa Gante. Pagbalik niya sa Pilipinas, sumapi siya sa rebolusyonaryong pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Hinirang siyang direktor ng digmaan at tagapamahalang heneral ng Hukbong Rebolusyonaryo. Siya ay ginawang kabahagi ng sandatahang lakas laban sa mga Amerikano.Bilang isang sundalo, si Antonio'y mahigpit magparusa. Sa panahon ng pakikipagdigmaan, pinagsumikapan niyang maipailalim sa isang disiplina ang mga tauhan sa Batalyon ng Kabite. Isa sa kanyang madugong pakikipaglaban ay naganap sa La Loma na kung saan ay napatay si Major Jose Torres Bugallon. Marami pang ibang pinuno ng kalaban ang nagapi ni Heneral Luna ngunit dumating ang isang pagkakataon na sila ay natalo at ito ay naganap sa Caloocan.

Page 11: Pilipino Hero

Si Melchora Aquino (kapanganakan Enero 6, 1812, kamatayan Marso 2, 1919) o Tandang Sora ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang maaring ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na tindahan sa Balintawak. Tinagurian siyang Tandang Sora, sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.

Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrio ay may anim na anak. Namatay si Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula noon siya na ang nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling nagpakasal.

Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio. Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa mga lihim ng Katipunan. May mga nakatakas at sa kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda, babae o lalaki.

Page 12: Pilipino Hero

Si Graciano López Jaena ay isang Pilipinong manunulat na higit na kilala sa kaniyang akdang Fray Butod. ‘Butod’ ang salitang Hiligaynon para sa “kabag” at katumbas din ito ng balbal na “tabatsoy”.

Dukha ang mga magulang nang isilang si Graciano Lopez Jaena sa Jaro, Iloilo, noong Disyembre 18, 1856. Ang ina niya, si María Jacoba Jaena, ay isang mananahi lamang habang ang ama, si Plácido López, ay hamak na tagakumpuni ng kahit ano na lamang. Subalit nagkapag-aral nang kaunti si Placido samantalang lubhang matimtiman si Jacoba kaya tatag sa pag-aaral at sa pagsamba ang tinubuan ni Graciano.

Sa gulang na anim na taon, nang ipadala ng mga magulang kay Fray Francisco Jayme, na noon ay nagtuturo sa Colegio Provincial de Jaro, upang maturuan. Personal na tinuruan ni Padre Francisco Jayme si Graciano. Agad napansin ng frayle ang dunong ni Graciano at ang galing niyang magsalita.

Noong 1870, nag-aral siya ng Teyolohiya at Pilosopya sa seminaryo ng San Vicente. Labag sa nais ng ina, hangad ni Graciano na maging manggagamot (medico, physician). Nang sa wakas ay pumayag ang mga magulang, tinangka niyang pumasok sa Universidad de Santo Tomas sa Manila subalit tinanggihan siya. Hindi kasi siya nakatapos ng Bachiller en Artes na hindi itinuro sa seminario sa Jaro. Sa halip, ayon sa payo sa kanya, sa ospital ng San Juan de Dios siya nagsilbi bilang turuan (apprentice) ng mga manggagamot duon. Hindi pa tapos ang pag-aaral ni Graciano nang naubos ang tustos ng dukhang mga magulang, at napilitan siyang bumalik sa Iloilo. Ginamit niya kung ano na lamang ang natutunan, nanggamot sa mga barrio at baranggay sa pali-paligid.

Page 13: Pilipino Hero

ProyektoSa

Ipinasa Ni: Michaela P. Remata

Ipapasa Ni: Mrs. Anabell Yangco