32
Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 1 Ltar Parokya ni Sto. Niño Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana “Pamantayan at Gabay sa Paghubog” Isina-ayos: Mayo 2009

Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

  • Upload
    vankiet

  • View
    249

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 1

Ltar

Parokya ni Sto. Niño Poblacion, Bustos, Bulacan 3007

Ministri ng mga

Tagapaglingkod sa Dambana

“Pamantayan at Gabay sa Paghubog”

Isina-ayos:

Mayo 2009

Page 2: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 2

Artikulo I

Ngalan at Kakanyahan

Seksyon I: Ngalan

Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana (Ministry of

Altar Servers sa Ingles at nasasaad sa pamantayang ito), ay binubuo ng mga kabataang

lalaki na tinawag upang maglingkod.

Seksyon II: Kakanyahan

Ang Parokya ni Sto. Niño ay sakop ng Bikarya ni San Agustin na

kabilang sa Diyosesis ng Malolos. Ang sinasaklawan ng Pamantayang ito ay ang mga

Tagapaglingkod sa Dambana na naglilingkod sa Parokya ni Sto. Niño, sa mga kapilya at

pamanayang Kristiyano na nasasakupan nito.

Artikulo II

Pananaw, Layunin at Gampanin

Seksyon I: Pananaw ng Parokya

Ang Pananaw ng Parokya ni Sto. Niño ay ang bumuo ng isang

maunlad at mapayapang sambayanan na nagkakaisa at masiglang tumutugon sa

panawagan ng Diyos.

Page 3: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 3

Seksyon II: Layunin ng Ministri

Ang Ministry of Altar Servers ay naglalayong mahubog ang mga

kabataang lalaki sa isang buhay, masigla, mapagmahal, mapagtiwala at tunay na

paglilingkod sa Diyos na siya ring nilalayon ng Diyosesis ng Malolos. Ito rin ay

naglalayong mapanatili ang isang taimtim, maringal at banal na pagdiriwang ng mga

Sakramento sa pamamagitan ng madisiplinang paglilingkod.

Seksyon III: Gampanin ng Ministri

Ang gampanin ng Ministry of Altar Servers ay ang bumuo ng mga

mapagtiwalang kabataang naglilingkod alinsunod sa Salita ng Diyos sa pamamagitan

ng pakikipagkapwa-tao. Tungkulin din nito na maitanim sa isipan ng bawat kasapi ang

pagiging mabuting huwaran sa larangan ng Kagandahang Asal sa loob at labas ng

Simbahan.

Artikulo III

Patron

San Tarcisio

Page 4: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 4

Si San Tarcisio, bilang Patron ng mga Altar Servers, ay naging isang mabuting

halimbawa ng katapangan at debosyon maging sa murang gulang pa lamang.

Si Taricisio ay isang labindalawang-taong gulang na batang tagapaglingkod

noong kapanahunan ng pag-uusig at pagpatay ng mga Romano sa mga Kristiyano

noong ikatlong siglo, na tinatayang sa panahon ng pamumuno ni Valeriano. Araw-araw,

nagkakatipun-tipon ang mga Kristiyano sa isang lihim na tagpuan kung saan

ginaganap nila ang Banal na Misa. Inaatasan ang isang diyakono na magdala ng Banal

na Sakramento sa mga nasa piitan at nakatakdang bitayin. Ngunit isang araw, walang

diyakono na naroroon, kaya si Tarcisio, isang sakristan, ang naatasang magdala ng

komunyon sa kulungan.

Sa kanyang daan patungo sa piitan, hinarang siya ng mga batang lalaki na nasa

katulad ng kanyang gulang. Hindi sila mga Kristiyano, ngunit kilala niya sila sapagkat

nakakalaro niya ang mga ito. Niyaya siya ng mga ito na makipaglaro sa kanila pero sa

pagkakataong iyon, dahil sa siya ay may ihahatid na Banal na Sakramento sa mga nasa

piitan, siya ay tumanggi. Napansin ng mga batang lalaki na mayroon siyang dala-dala

na kung ano. Nalaman nilang si Tarcisio ay isang Kristiyano, at lalo nilang ninais

makita ang “Misteryo ng mga Kristiyano”, na taglay ni Tarcisio. Bigla nila siyang

sinunggaban, at tinangka nilang kunin ang kanyang dala. Mapalad pa rin siya sapagkat

tinulungan siya ng isang Kristiyano.

Dadalhin sana ang hinang-hinang katawan ni Tarcisio sa kanilang lihim na

tagpuan, ngunit dahil sa kanyang tinamong mga sugat, namatay siya habang siya ay

dinadala pauwi. Ang kanyang mga labi ay inihimlay sa libingan ni San Calixto at ang

kanyang mga relikya ay tinago sa Simbahan ni San Silvestre sa Capite.

Ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing ika-15 ng Agosto, kasabay ng

pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Mahal na Ina sa Langit.

Page 5: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 5

Artikulo IV

Escudo o Sagisag

KAMAY – Sagisag ng paglilingkod na siyang tungkulin ng

lahat ng Altar Servers.

KALIS at OSTIYA – Simbolo ng mahahalagang Liturhiya

ng Banal na Misa, kung saan pangunahing naglilingkod

ang mga Altar Servers.

Page 6: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 6

KORONA – Sagisag ng tagumpay ni Kristo noong Siya ay

muling nabuhay. Narito rin ang sagisag ni Maria na ating

Ina at huwaran.

HUGIS KALASAG – Sumasagisag sa katapangan ng mga

Altar Servers para sa kanilang pananampalataya.

KULAY NG LITURHIYA – Mga kulay sa Liturhiya na

simbolo ng iba’t ibang panahon ng Simbahan kung saan

kasamang nagdiriwang ang mga Altar Servers.

STO. NIÑO – Ang larawan ni Sto. Niño na siyang patron

at huwaran ng buong parokya.

Page 7: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 7

Artikulo V

Motto

“..MINISTREMUS ET NON MINISTREMUR…” “…that we may serve and not be served.”

“…tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang

maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami.” (Mateo 20:28)

Sa pamamagitan ng katagang ito, iminumulat ang isip at puso ng bawat

tagapaglingkod sa Dambana sa isang tunay na paglilingkod. Ipinapaliwanag din nito na

ang bawat isang tagapaglingkod ay nagtatalaga ng kanilang sarili upang maglingkod at

hindi upang paglingkuran na siyang larawan ng paglilingkod ni Kristo.

Artikulo VI

Pamunuan

Ang Pamunuan ng Ministry of Altar Servers ay kilala sa tawag na Central Council

na may karapatan at tungkuling pangalagaan at pamunuan ang buong Ministri na ayon

sa Pamantayan nito.

Seksyon I: Kabuuan

Ang Central Council ay binubuo ng mga tagapaglingkod na may

sapat na kaalaman upang pamunuan ang buong Ministri. Ito ay sa pangunguna ng Kura

Page 8: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 8

Paroko at ng kanyang katuwang, kasama ang pinuno ng Lupon ng Liturhiya, ang

Pangulo, ang Pangalawang Pangulo, ang Kalihim, ang Ingat-Yaman at kanyang

katuwang, ang Tagapag-ugnay, mga kinatawan ng baranggay at ang mga itinakdang

Lupon o Committee.

Seksyon II: Ang Tungkulin ng Pangulo

Ang Pangulo ang siyang namamahala sa Ministri na ayon sa

pamamatnubay ng Kura Paroko. Siya ang tatapos sa lahat ng desisyong may kinalaman

sa Ministri, magpapasya at magtitibay sa lahat ng napag-usapan. Siya ang may

katungkulang dumalo sa mga pulong sa loob at labas ng Simbahan na may kaugnayan

sa Ministri tulad ng Pulong Pang-Liturhiya at Pambikaryang Pulong ng mga

Tagapaglingkod sa Dambana. Higit sa lahat, siya ang mangunguna ng mga pulong sa

loob ng Ministri. Sa ngalan ng Ministry of Altar Servers, siya ang may pangunahing

pananagutan sa Kura Paroko at katuwang na Pari o sa makadiwang patnugot.

Seksyon III: Ang Tungkulin ng Pangalawang Pangulo

Ang Pangalawang Pangulo ay ang pangunahing katuwang ng

pangulo. Gampanin niya na gawin ang lahat ng atas ng pangulo sa mga pagkakataong

wala ito. Katuwang siya ng pangulo sa pamamalakad sa Ministri lalo na sa Committee.

Seksyon IV: Ang Tungkulin ng Kalihim

Ang Kalihim ay ang pangunahing tagapagtala sa mga napag-

usapan na napagtibay ng Central Council. Siya ang tagapag-ingat ng mga dokumentong

kinakailangan ng Ministri tulad ng mga pamantayan at katitikan. Siya rin ang may

katungkulang gumawa ng katitikan ng Ministri at mga sulat tulad ng Dismissal Letter at

mga Katibayan. Siya rin ang kasama ng Pangulo sa lahat ng pulong na dadaluhan na

may kaugnayan sa Ministri. Tungkulin din niyang mag-ulat sa pulong ng mga

napagtibay noong nakaraang pulong o anuman.

Seksyon V: Ang Tungkulin ng Ingat-Yaman at kanyang Katuwang

Ang Ingat-Yaman ay ang pangunahing tagapangalaga ng salapi o

pondo ng Ministri. Kasama ng kanyang katuwang, sila ang mangangalap ng buwanang

butaw para sa Ministri. Sila rin ang may pananagutan sa mga salaping papasok at

Page 9: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 9

lalabas sa Ministri. Sila ang pangunahing gagawa ng Quarterly Budget na

kinakailangang ipasa isang buwan bago ang darating na quarter. Kinakailangan nilang

mag-ulat patungkol sa Pondo ng Ministri tuwing buwanang pulong.

Seksyon VI: Ang Tungkulin ng Tagapag-uganay

Ang Tagapag-ugnay ay ang pangunahing tagapangalat ng

impormasyon at anumang pahayag mula sa Central Council patungo sa mga kasapi sa

lahat ng Baranggay. Siya rin ang tagapagpaalala ng araw at lugar ng Buwanang Pulong

na darating. Dito sa Parokya ni Sto. Niño, kinakailangan ng 2 tagapag-ugnay dahil sa

pangangailangan.

Seksyon VII: Ang Tungkulin ng mga Kinatawan ng Baranggay

Ang mga Kinatawan ng Baranggay ay ang pangunahing

tagasubaybay sa mga Altar Servers sa kanilang lugar. Sila ang may tungkuling

manguna ng pulong sa Baranggay na kanilang nasasakupan, mangalap ng pondo ng

Baranggay at magbuo ng katitikan nito. Sila rin ang nakatakdang mag-schedule ng

paglilingkod sa kanilang Bisita. Kinakailangan nilang dumalo sa lahat ng pagpupulong

ng Ministri. Maaari silang makipag-ugnayan sa Central Council para sa anumang

problema ng Bisita. Ang lahat ng kanilang desisyon ay kailangang isangguni muna sa

Central Council para ito ay magabayan.

Seksyon VIII: Pagbuo at Tungkulin ng mga Committee

Ang Committee ng Ministry of Altar Servers ay binubuo ng

dalawang (2) pangunahing uri.

1. Tradisyunal na Committee

Ito ay ang mga Committee na sadyang binuo na makakatulong ng

malaki sa pamamalakad ng Ministri.

a. Ethics Committee

Ito ang pangunahing tagapamahala patungkol sa disiplina ng

bawat kasapi. Binubuo ito ng isang tagapamahala at limang (5) kasaping

tagatulong. Tungkulin nilang dalawin ang daloy ng paglilingkod at disiplina

Page 10: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 10

ng bawat kasapi ng Baranggay. Kailangan nilang bumuo ng ulat na kanilang

ipapasa tuwing Buwanang pulong patungkol dito.

b. Liturgical Committee

Ito ang pangunahing tagapamahala sa mga usaping pang-Liturhiya

ng buong Ministri. Sila ang tagapagturo ukol sa mga gamit, daloy ng Misa at

mga bagay-bagay na sakop ng Liturhiya. Tungkulin din nila na pangalagaan

ang mga gamit ng Ministri sa paglilingkod, ang maglinis at mag-ingat sa mga

ito. Ito ay binubuo ng isang tagapamahala at limang (5) kasaping tagatulong.

2. Napapanahong Committee

Ito ay ang mga Committee na maaaring buuin pa lamang ng

Central Council ayon sa panahon ng pangangailangan tulad ng mga seminar,

retreat, recollection o maaaring ayon sa panahon ng Liturhiya.

Ang pagbuo ng mga Committee na ito ay kinakailangang

pagpulungan at pagtibayan ng Central Council para sa isang maayos na

pamamahala dito. Hindi ito kasama sa Eleksyong gagawin bagkus ito ay pagpipilian

ng Central Council.

Artikulo VII

Pagsali

Ang Pagsali sa Ministry of Altar Servers ay opisyal na ginaganap mula Buwan ng

Abril hanggang Mayo, kasunod nito ang taunang pagsasanay sa mga Kasapi na

ginaganap naman tuwing Hunyo, Hulyo at Agosto. Para sa mga sasali kahit hindi sa

opisyal na mga buwan ng pagtanggap, sila ay kinakailangan mag-intay sa gaganaping

taunang pagsasanay ng mga tagapaglingkod.

Page 11: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 11

Seksyon I: Mga Katangiang Kinakailangan sa mga nagnanais maging

Tagapaglingkod (Qualifications)

Ang Ministry of Altar Servers ay bukas sa lahat ng mga kabataang

lalaki na nasa sampu (10) hanggang labing-anim (16) na taong gulang. Sila ay

kinakailangang isang binyagang Katoliko, Kumpilan, nakatanggap na ng Unang

Komunyon at naninirahan sa mga lugar na nasasakupan ng Parokya ni Sto. Niño.

Seksyon II: Mga Kinakailangang Ibigay para sa Pagpapatala

(Requirements)

Ang lahat ng mga nagnanais maging Tagapaglingkod sa Dambana

ay kinakailangang magpatala. Sa kanilang pagpapatala, kinakailangan nilang dalhin ang

mga sumusunod:

- Autobiography (na may kumpletong impormasyon)

- Kopya ng Katibayan ng Binyag

- Kopya ng Katibayan ng Kumpil

- Kopya ng Katibayan ng Unang Komunyon kung mayroon

- Anumang nagpapatunay na nakatanggap na ng Unang Komunyon

kung walang katibayan

- Sulat ng Magulang na nagpapatunay ng kanilang pahintulot sa

paglilingkod ng kanilang Anak.

- 2x2 Larawan (2 piraso)

Kailangan nilang ipasa ang mga ito bago sumapit o sa araw ng

itinakdang Panayam (Interview).

Seksyon III: Mga Paraan ng Pagsali

Ang mga nagnanais maging Tagapaglingkod sa Dambana ay

kinakailangang sumunod sa mga paraang ito.

1. Sila ay kinakailangang dumaan sa Panayam (interview) kasama ng kanilang mga

magulang. Sila ay kakapanayamin ng sinuman sa mga sumusunod:

- Kura Paroko

Page 12: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 12

- Spiritual Adviser

- Lupon ng Liturhiya

- Central Council

- Itinalagang Committee para dito

2. Ang lahat ng matatanggap sa pamamagitan ng panayam ay kinakailangang

dumaan sa mga pagsasanay (training/seminar) na inihanda at iniayos ng Central

Council.

3. Matapos ng masusing pagsasanay sa mga nagnanais maglingkod, kinakailangan

nilang maipasa ang mga inihandang pagsusulit tulad ng written, oral at practical

Exams.

4. Ang lahat ng mga nakapasa sa masusing pagsasanay ang siyang makakasama at

mabibilang sa gaganaping pagbibigay-atas.

Artikulo VIII

Pagkilala at Pagtanggap

Ang pagkilala at pagtanggap ay isang bahagi sa buhay paglilingkod ng isang

Altar Server. Dito nakapaloob ang Pagpapanibago ng pagtatalaga sa mga datihang

Kasapi at Pagtatalaga sa mga bagong kasapi kasabay ang Pagbibigay ng Kasuotan sa

mga ito.

Seksyon I: Pagbibigay-Atas

Ang Pagbibigay-Atas ay ibinibigay sa mga bagong kasapi upang

maglingkod. Isinasagawa dito ang kanilang pagharap sa dambana at pagbabasbas sa

kanila bilang mga tagapaglingkod. Gaganapin ito matapos nilang maipasa ang

masusing pagsasanay at mga pagsusulit para sa mga bagong kasapi. Matapos nito, sila

ay opisyal nang kasapi ng Ministri. Magkakaroon sila ng katibayan bilang

pagpapatunay na sila ay ganap nang tagapaglingkod sa dambana at kabahagi ng

Parokya ni Sto. Niño.

Page 13: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 13

Seksyon II: Pagbibigay ng Kasuotan

Ang Kasuotan ay ang karangalan bilang isang tagapaglingkod sa

dambana. Kasabay ng Pagbibigay-atas sa mga bagong kasapi, binabasbasan at

ibinibigay ang kasuotan bilang tanda ng kanilang paglilingkod. Sa araw ng

pagbabasbas, ito ay nakatiklop ng maayos na hawak ng mga magulang o Tagatangkilik

(Sponsor). Isusuot nila ito sa kanilang mga anak bilang tanda ng kanilang handog.

Seksyon III: Pagpapanibago ng Pagtatalaga

Ang Pagpapanibago ng Pagtatalaga ay ginaganap taun-taon upang

hindi mawala ang alab ng paglilingkod sa bawat kasapi at upang malaman ng isang

Altar Server na siya ay nararapat pa sa paglilingkod. Ito ay isinasagawa matapos

magkaroon ng retreat, recollection, seminar o training na maglalayong mapalalim ang

pananampalataya at makapagbigay kahulugan sa paglilingkod ng bawat isa. Ibinibigay

ang Pagpapanibago ng Pagtatalaga para sa mga dating kasapi. Ang sinumang kasaping

hindi makakapagpanibago ng pagtatalaga ay hindi makakapaglingkod hanggang hindi

sila nakakapagpanibago. Maaari lamang siyang tanggapin kung sapat ang kanyang

kadahilanan sa pagliban dito.

Seksyon IV: Pagbibigay-Tulong / Sponsorship

Sa araw ng Pagbibigay-atas, ang bawat isang itatalaga ay

kinakailangang magkaroon ng dalawang (2) tagapagbigay-tulong o Sponsor. Para sa

mga magbabago ng pagtatalaga, kinakailangan din namang magkaroon ng isang

sponsor bawat isa. Maaari din namang magkaroon ng bukod na sponsor na tatayong

tagatulong ng buong Ministri. Ang salaping ilalaan para sa pagtatalaga ay magmumula

sa natitirang pondo ng Ministry maliban sa kasuotan na siyang magmumula sa mga

itatalaga. Ang mga salaping malilikom mula sa mga Sponsor ay ilalaan bilang pondo ng

Ministri sa susunod na mga taon na siyang gagamitin sa mga nakatakdang gawain.

Page 14: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 14

Artikulo IX

Pagtiwalag at Muling Pagsali

Seksyon I: Pagtiwalag ayon sa Katandaan

Ang Pagtiwalag ayon sa katandaan o Retirement ay ang pag-iwan sa

kanilang tungkulin bilang isang tagapaglingkod dahil ang kaniyang edad ay umabot na

sa itinakda. Ang itinakdang edad sa paglilingkod ay hanggang 25 taong gulang.

Seksyon II: Pagtiwalag ayon sa Pansariling Dahilan

Ang Pagtiwalag ayon sa pansariling dahilan o Resignation ay ang

pag-iwan sa kaniyang tungkulin bilang isang tagapaglingkod dahil mayroon siyang

personal na problema na maaaring humadlang sa kanyang paglilingkod.

Seksyon III: Pagtiwalag ayon sa Paglabag

Ang Pagtiwalag ayon sa paglabag o Dismissal ay ang sapilitang pag-

iwan sa kaniyang tungkulin bilang isang tagapaglingkod dahil sa kaniyang nagawang

paglabag sa mga pamantayang nakasaad dito.

Seksyon IV: Pagtiwalag sa Tungkulin bilang Namumuno

Ang Pagtiwalag sa tungkulin bilang namumuno o Resignation from

Position ay ang pag-iwan sa tungkulin bilang kasapi ng Central Council subalit nililinaw

nito na ang Altar Server na dadaan sa pagtiwalag na ito ay hindi nangangahulugang

iniwan niya ang tungkulin bilang Altar Server. Ang pagtiwalag na ito ay mayroong

dalawang (2) maaaring dahilan. Una ay ang personal na problemang hahadlang bilang

kasapi ng Pamunuan. Pangalawa ay ang pagtatapos ng kanyang Termino bilang kasapi

ng Central Council.

Page 15: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 15

Seksyon V: Paraan ng Pagtiwalag

Ang pag-iwan sa tungkulin bilang tagapaglingkod ay may

itinakdang proseso tulad ng kanilang pagsali.

1. Ang tagapaglingkod sa dambana na dadaan sa proseso ng pagtiwalag ay

kinakailangang kapanayamin una at higit sa lahat ng Central Council o ng

Committee na itinakda ng Ministri.

2. Kapag sinang-ayunan ng Central Council o ng Committee na itinakda ang

kanyang kadahilanan, siya ay bibigyan ng dalawang (2) buwang paghahanda

bago ang araw ng kanyang pagtiwalag.

3. Kinakailangan niyang magpasa ng Liham Pagtiwalag o Resignation Letter 1

buwan bago ang araw ng kanyang pagtiwalag. Kung mayroon man pagbabago sa

kaniyang desisyon, maaari niya itong bawiin agad bago sumapit ang araw ng

kaniyang pagtiwalag.

4. Sa araw ng kaniyang pagtiwalag, ibibigay sa kanya ang katibayan ng pagtiwalag

na magmumula sa Central Council bilang patunay na wala na siyang tungkulin

sa paglilingkod.

5. Kung ang pagtiwalag ay ayon sa paglabag, hindi niya kinakailangang magbigay

ng liham pagtiwalag bagkus magbibigay ng liham pagtawag sa magulang ang

Central Council isang (1) buwan bago siya itiwalag. Ito ay kinakailangang

tugunan ng mga magulang.

Artikulo X

Antas ng mga Kasapi

Ang Ministry of Altar Servers ay may apat (4) na antas ng pagiging kasapi. Ito ay

naaayon sa haba o dami ng taon at sa husay ng kanyang paglilingkod sa dambana ng

Diyos.

Page 16: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 16

Seksyon I: Aspirants

Ang Aspirants ay ang mga nagnanais maging tagapaglingkod sa

dambana ng Diyos. Sila ay mga kabataang lalaki na tumugon sa tawag ng Diyos. Ito ay

binubuo ng mga kalalakihan na itatalaga pa lamang at hindi pa handa sa anumang

gawain sa simbahan.

Seksyon II: Neophytes

Ang mga Neophytes ay ang naitalaga na at handa na sa

paglilingkod sa dambana ng Diyos. Ito ay binubuo ng mga Altar Servers na

naglilingkod na mula sa araw ng kanilang pagtatalaga hanggang sa kanilang ika-2 taon

sa paglilingkod.

Seksyon III: Junior Altar Servers

Ang Junior Altar Servers ay ang mga may malalim na kaalaman sa

mga gawain ng paglilingkod. Ito ay binubuo ng mga Altar Servers na may 2 taon na

hanggang 6 na taon na sa kanilang paglilingkod.

Seksyon IV: Senior Altar Servers

Ang Senior Altar Servers ay ang mga may mahahabang panahon na

ng kanilang paglilingkod at may malawak na kaalaman sa mga gawain ng paglilingkod.

Ito ay binubuo ng mga Altar Servers na may 6 taon na hanggang 9 na taon sa

paglilingkod.

NOTE: Pontifical Servers

Ang Pontifical Servers ay ang mga tagapaglingkod na may mahusay

na pagkilos at paggalaw sa loob ng pagdiriwang ng banal na Misa at may malawak na

kaalaman sa paglilingkod. Ito ay ang pinakamataas na antas ng mga kasapi. Ito ay

binubuo ng mga piling Altar Servers mula sa Neophytes hanggang Senior Altar Servers.

Page 17: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 17

Artikulo XI

Pagpupulong at Schedule

Ang Ministry of Altar Servers ay nagsasagawa ng mga pulong upang mabigyang

plano ang mga bagay-bagay na itatakda sa mga darating na mga araw. Kasabay nito

ang pagsusubaybay sa paglilingkod ng bawat kasapi.

Seksyon I: Buwanang Pagpupulong (Monthly Meeting)

Ang Ministry of Altar Servers ay nagsasagawa ng buwanang pulong

ng lahat ng kasapi. Ito ay ginaganap isang beses sa isang buwan. Ang pagpupulong na

ito ay upang masubaybayan ang kalagayan ng Ministri at magkaroon ng mga pag-uulat

tungkol sa mga naisagawa. Ang hindi dumalo sa nasabing pagpupulong ng walang

sapat na dahilan ay hindi maaaring bigyan ng schedule ng paglilingkod para sa

darating na buwan. Magkakaroon lamang siya ng schedule kapag mayroon siyang sulat

paumanhin na galing sa mga magulang.

Seksyon II: Pulong ng Central Council

Ang Central Council ay nagkakaroon ng bukod ng buwanang

pulong isang beses sa isang buwan. Ito ay upang higit na mapaghandaan ang mga

gawaing itatakda. Dito din pag-uusapan ang mga problemang nakapaloob sa Central

Council at sa Ministri. Tungkulin nilang humanap ng kalutasan sa mga problemang ito.

Seksyon III: Biglaang Pagpupulong (Emergency Meeting)

Nagkakaroon ng biglaang pagpupulong ang Ministri o ang Central

Council kung kinakailangan. Ang Pangulo o ang Central Council lamang ang may

karapatang magpatawag ng biglaang pagpupulong. Katulad ng buwanang

pagpupulong, ang lahat ng kasapi ay inaasahang dadalo sa ganitong uri ng pulong

maging ito man ay pulong ng lahatan o ng Central Council. Ang lahat ng pagpupulong

ay nasa pangangasiwa ng Central Council. Ang mga pulong ay kinakailangang ginagawa

sa anumang paligid ng simbahan o bisita at hindi maaari kung saan-saang bahay.

Page 18: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 18

Seksyon IV: Kaayusan ng Pulong

Mayroong kaayusan ang pulong ng Ministri para maging maayos

ang pagpupulong nito.

1. Pambungad na Panalangin

2. Pagbasa ng Salita ng Diyos mula sa Bibliya

3. Pagtawag sa mga kasaping dumalo (Roll Call)

4. Pagbasa ng Katitikan ng Nakaraang Pulong

5. Ulat mula sa Diyosesis, Bikarya at Parokya.

6. Ulat ng Ingat-Yaman

7. Ulat ng mga Kinatawan ng Baranggay

8. Ulat ng mga Committee

9. Pagtalakay sa mga Agenda

10. Pagbibigay ng Gawain

11. Pagbabahagi mula sa Kura Paroko, Makadiwang Patnugot o Lupon ng Liturhiya

12. Iba pang Bagay

13. Pangwakas na Panalangin

Artikulo XII

Pondo

Ang Ministry of Altar Servers ay mayroong itinakdang salapi bilang pondo ng

Ministri. Ito ay mayroong mga alituntunin upang makapangalap ng salapi na gagamitin

bilang pondo para sa iba’t ibang gawain ng Ministri.

Seksyon I: Mga Maaaring Panggalingan ng Pondo ng Ministri.

Ang Pondo ng Ministry of Altar Servers ay maaaring manggaling sa

iba’t ibang pamamaraan.

1. Mga Salaping nanggaling sa mga sponsor noong araw ng pagtatalaga.

Page 19: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 19

2. Buwanang butaw na binubuo ng mga kontribusyon ng bawat kasapi. Ang

itinakdang kontribusyon ng bawat kasapi ay limang piso (5) bawat buwan.

3. Donasyon o Kontribusyon mula sa mga magulang ng Altar Servers.

Ang mga salaping ito ay kinakalap ng Ingat-Yaman o kanyang katuwang

lamang tuwing may buwanang pulong. Kung sakali man hindi makapagbigay ang isang

baranggay o kasapi ng Central Council, ito ay madadagdag sa kanilang kontribusyon

para sa susunod na buwan.

Seksyon II: Pagbabaha-bahagi ng Pondo (Budgetting)

Ang pagbabaha-bahagi ng pondo ng Ministri ay ginaganap tuwing

ikatlong buwan o quarterly. Subalit kung may pagtatalaga, gaganapin ito sa unang

linggo matapos ang pagtatalaga bilang budgeting para sa darating na tatlong buwan.

Ito ang pagbabaha-bahagi ng pondo para sa isang quarter na

binubuo ng tatlong buwan.

Mga Gastusin

Photocopy ng Schedule ………………………… 130

Donasyon para sa Parokya ………………………… 300

Donasyon para sa Bikarya ………………………… 60

Emergency Fund ………………………… 200

____

690

Artikulo XIII

Kasuotan

Seksyon I: Sutana na Kulay Puti

Ang Sutana ay isang sagradong kasuotan na ginagamit sa mga

banal na pagdiriwang. Ito ay mahabang kasuotan na siyang tanda ng katayuan ng mga

tagapaglingkod. Ang sutanang puti ay sagisag ng tagumpay at kawalang kamalayan.

Page 20: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 20

Ginagamit ito sa pagdiriwang sa Banal na Misa, sa mga sakramento at sa Misa sa araw

araw.

Seksyon II: Sutana na Kulay Itim

Ang sutanang kulay itim ay ginagamit tuwing “Pontifical Mass”.

Maaari din itong gamitin sa mga mahahalagang okasyon kahit hindi “Pontifical Mass”

sa pamamatnubay ng Kura Paroko, Makadiwang Patnugot o ng Lupon ng Liturhiya

kasama ng Central Council.

Seksyon III: Surplice

Ang surplice ay isang banal na kasuotan ng mga tagapaglingkod sa

dambana. Ito ay isang magarang kasuotan na may haba hanggang tuhod, may

maluwang na manggas at mas maluwang kaysa sutana. Isinasaalang-alang nito ang

kalinisan. Isinusuot ito kasama ng sutana.

Ang Dignidad ng pagiging isang Altar Server ay nasasalamin sa

mga kasuotang ito. Kailangan itong igalang at pag-ingatan kapag nakasuot na ito sa

isang Altar Server dahil sagrado at banal ang mga ito.

Seksyon IV: Iba Pang Kasuotan

Ang Ministry of Altar Servers ay may iba pang kasuotan na

ginagamit sa paglilingkod. Ito ay upang maging pormal ang kanilang paglilingkod.

1. Polo – kasuotang Polo na may kulay Cream. Ginagamit ito sa mga okasyong

naaangkop tulad ng pagbabantay ng Santisimo.

2. Puting T-Shirt, Black o navy Blue na pantaloon (Straight Cut), itim na medyas at

itim na sapatos ang kinakailangan isuot ng isang tagapaglingkod kapag sila ay

maglilingkod at dadalo sa mga pulong. Maaari lamang silang magsuot ng ibang

damit kung may pahintulot ng Central Council.

Page 21: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 21

Artikulo XIV

Halalan

Ang halalan ng Ministry of Altar Servers ay isang kritikal at konpidensyal na

pagpili sa mga kasapi ng Central Council. Ito ay nakasalalay sa kakayahan ng Central

Council sa pamumuno ng Ministry.

Seksyon I: Katangian ng mga Maaaring Ihalal

Ang mga katangian ng mga maaaring ihalal ay isang mahalagang

aspeto para sa isang maayos at mahusay na pamumuno. Ang mga katangiang ito ay

ang mga sumusunod:

1. Naitalaga na bilang isang tagapaglingkod sa dambana

2. May malawak na kaalaman ukol sa mga gawaing pansimbahan

3. May magandang katangian at pag-uugali

4. Masunurin at marunong ukol sa pamantayang sinusunod ng Ministri

Seksyon II: Termino ng Posisyon

Ang regular na termino ng posisyon ay binubuo ng tatlong (3)

taon. Ang kanilang termino ay magsisismula isang (1) buwan matapos ang eleksyon o

pagkatalaga kung magkakaroon ng pagtatalaga matapos ang halalan. Ang limitasyon sa

kanilang panunungkulan ay hanggang dalawang (2) termino lamang o anim (6) na taon.

Seksyon III: Daloy ng Halalan

Ang daloy ng halalan na isinasaad sa pamantayang ito ay

kinakailangang masunod para sa isang maayos na halalan. Ang halalan ay isasagawa

tuwing ikatlong (3) taon o pagkatapos ng termino ng Central Council. Ito ay isasagawa

sa isang pook pulungan at hindi maaari sa loob ng simbahan.

Ang halalan para sa posisyon ng pangulo ng pangulo at

pangalawang pangulo ay lubhang kaiba kaysa kalihim pababa. Ang Neophytes, Junior at

senior Altar Servers lamang ang maaaring bumoto para sa mga posisyong ito. Gagawin

Page 22: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 22

ito sa pamamagitan ng pagsulat ng dalawang pangalan ng nais nilang mamuno sa

kanila sa isang pirasong papel. Ang dalawang pangalan na makakakuha ng matataas na

boto ang siyang pagpipilian para sa posisyon ng pangulo at pangalawang pangulo. Ang

pagdedeklara sa mga posisyong ito ay gagawin matapos pagpulungan ng dating

Central Council kasama ng Kura Paroko o Makadiwang Patnugot at Lupon ng Liturhiya.

Ang halalan para sa posisyon ng kalihim, ingat-yaman at kanyang

katuwang at tagapag-ugnay ay gagawin sa isang tradisyunal na pamamaraan. Ang

halalan para sa mga kinatawan ng mga baranggay gaganapin din. Ito ay isasagawa sa

pamamagitan ng pagpili ng mga kasapi ng baranggay kung sino ang nais nilang maging

kinatawan. Sa mga pagkakataong ito, ay maaari ng lumahok sa pagboto ang mga

Aspirants.

Ang katapatan, kaayusan, kalinisan at kritikal na pagpili sa Central

Council ay napakahalagang katangian ng isang bobotong kasapi.

Seksyon IV: Biglaang Pagpalit ng Posisyon

Ang biglaang pagpalit ng posisyon ay isasagawa kung ang isa sa

mga kasapi ng Central Council ay tumiwalag sa kanyang tungkulin ng biglaan.

Sa pagkakataong ang pangulo ang siyang titiwalag sa kanyang

tungkulin ng hindi pa natatapos ang kanyang termino, ang pangalawang pangulo ang

siyang magpapatuloy ng kanyang termino. Maaari namang magtalaga ang

pangalawang-pangulo na papalit sa kanyang tungkulin bilang kanyang katuwang.

Sa mga biglaang magpapalit ng posisyon para sa kalihim hanggang

tagapag-ugnay, maaaring magtalaga mula sa mga kinatawan ng mga baranggay para

pumalit sa nawalang posisyon.

Matapos ang termino ng lahat, magsasagawa muli ng halalan para

sa panibagong Central Council.

Seksyon V: Pagtatalaga sa mga Pinuno ng Committee

Ang pagtatalaga sa mga pinuno ng Committee ay hindi kasama sa

gaganaping halalan bagkus ito ay itatalaga (appointee) ng mahahalal na bagong Central

Council. Ang pagtatalaga sa mga ito ay kinakailangang pagpulungan ng mahusay ng

Central Council.

Page 23: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 23

Artikulo XV

Paraan ng Pagdidisiplina ayon sa

Mababang Uri ng Paglabag

Sa ilalim ng mababang uri ng paglabag, ang sinumang mapapatawan ng tatlong

(3) beses na suspensyon ng sunod-sunod sa loob ng isang taon ay papatawan ng

pagtiwalag ayon sa paglabag.

Seksyon I: Pagliban sa mga Gawaing Pansimbahan

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagliban ng

isang kasapi sa lahat ng mga gawaing pansimbahan tulad ng kanilang paglilingkod sa

Misa, pagpuprusisyon, pagdalo sa mga retreat, recollection o seminar na pamparokya o

pang Ministri at pagsisimba tuwing araw ng linggo na walang sapat na kadahilanan o

liham pahintulot (excuse letter).

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Warning

Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon II: Pagliban sa Pagdalo ng mga Pulong

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagliban ng

isang kasapi sa pagdalo ng mga pulong tulad ng buwanang pulong, pulong ng Central

Council o biglaang pagpupulong. Ang sinumang liliban sa mga pulong ay hindi

maaaring bigyan ng anumang atas paglilingkod sa mga darating na mga linggo maliban

na lamang kung may liham pahintulot o (excuse letter).

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Warning

Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Page 24: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 24

Seksyon III: Hindi maayos na Paglilingkod sa loob ng Simbahan

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa hindi maayos

na paglilingkod o mga paggalaw sa loob ng simbahan pati na sa buong bakuran nito.

Halimbawa nito ay ang hindi maayos na pag-upo, paglakad, pananalita o iba pang kilos.

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Warning

Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon IV: Pagtutuksuhan na may Layuning makasakit ng iba

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa mga salitang

masama na nakakasakit sa kanyang kapwa.

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Warning

Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon V: Pakikipag-away sa ibang kasapi

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pisikal na

pananakit ng isang kasapi sa kanyang kapwa habang nasa loob o nasa labas ng

simbahan.

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Warning

Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon VI: Paglalaro sa Oras ng Paglilingkod o Pulong

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paglalaro ng

mga hindi makabuluhang bagay tulad ng computer games, billiards at video games

habang nasa oras ng paglilingkod o pulong.

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Warning

Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Page 25: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 25

Seksyon VII: Hindi Maayos na kasuotan

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa hindi pagsunod

sa tamang kasuotan na nasasaad sa pamantayang ito sa oras ng paglilingkod o ng

pulong ng walang sapat na kadahilanan.

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Warning

Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon VIII: Panunulat at Kawalang Paggalang sa mga Bahagi ng

Simbahang Gusali

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa panunulat sa

mga dingding, upuan o lamesa na pag-aari ng Simbahan.

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Warning

Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon IX: Pagpapahiram ng Banal na Kasuotan ng Walang Pahintulot ng

Central Council

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa panghihiram at

pagpapahiram ng banal na kasuotan nang walang sapat na kadahilanan at walang

pahintulot ng Central Council. Ang bawat isang Altar Server ay may itinakdang Banal

na Kasuotan.

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Warning

Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon X: Pagsusuot ng hikaw at paglalagay nito sa anumang bahagi ng

Katawan.

Ang katawan ng tao ay banal kaya hindi ito dapat dungisan. Ang

Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paglalagay ng hikaw o body piercing sa

anumang bahagi ng katawan kahit pa nasa labas siya ng simbahan.

Page 26: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 26

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Warning

Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon XI: Hindi angkop na buhok sa paglilingkod

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa maling ayos ng

buhok at paglalagay ng kulay dito. Ang tamang buhok sa paglilingkod ay hindi dapat

natatakpan ang mga mata at tainga. Kung sa batok naman, ay hindi dapat umabot sa

collar line ng polo o ng sutana.

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Warning

Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon XII: Paggamit ng Cellphone habang naglilingkod

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paggamit ng

cellphone habang naglilingkod kung hindi naman biglaan o emergency, pontifical

servers man o hindi.

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Warning

Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Artikulo XVI

Paraan ng Pagdidisiplina ayon sa

Mataas na Uri ng Paglabag

Sa ilalim ng mababang uri ng paglabag, ang sinumang mapapatawan ng tatlong

(3) beses na suspensyon ng sunod-sunod sa loob ng isang taon ay papatawan ng

pagtiwalag ayon sa paglabag.

Page 27: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 27

Seksyon I: Pagdadala ng Ipinagbabawal na Gamot

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paggamit, pag-

aakit sa ibang kasapi at pagdala ng ipinagbabawal na gamut. Isa ito sa pinakamataas na

uri ng paglabag.

Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon II: Paninigarilyo

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paggamit ng

sigarilyo habang nasa loob at nasa labas ng simbahan at pagdadala o pag-aakit nito sa

ibang kasapi na gumamit nito.

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Ikalawang Pagkakataon - Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon III: Pagdadala ng anumang bagay na maaaring makapanakit

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagdadala ng

mga bagay na maaaring makapanakit sa iba tulad ng baril at kutsilyo lalo na kung may

layuning makapanakit ng iba at hindi naman kinakailangan.

Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon VI: Paghingi ng salapi sa pamamagitan ng pananakot (Extortion)

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paghingi ng

anumang salapi sa mga kasamang tagapaglingkod sa pamamagitan ng pananakot o

pagbabanta at paggamit niya ng kanyang posisyon.

Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon V: Pagpapakita ng mga Eskandalosong larawan, panuorin at

babasahin sa loob at labas ng simbahan

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paglalahad,

pagdidikit at panonood ng mga hindi kanaisnais at mahahalay na larawan o babasahin

sa loob o labas ng simbahan.

Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Page 28: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 28

Seksyon VI: Pag-inom ng alak sa loob at labas ng Simbahan

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pag-inom ng

mga inuming nakakalasing sa loob at anumang paligid ng simbahan. Kasama rin dito

ang pag-aakit sa ibang kasapi na uminom, paglilingkod at pagdalo sa pulong na nasa

ilalim ng impluwensiya ng alak. Bilang isang Altar Server, ang bawat isa ay

kinakailangang umiwas o lumayo sa anumang bisyong panlabas.

Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon VII: Pagsusugal sa loob ng Simbahan

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagsusugal sa

loob at anumang bahagi ng Simbahan kasama ang pag-akit sa ibang kasapi na

magsugal.

Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon VIII: Kawalan ng Respeto sa mga namumuno sa Simbahan

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa hindi

paggalang at kawalan ng respeto sa mga namumuno sa Simbahan gaya ng Kura Paroko,

Katuwang na Pari, at iba pang samahan o ministry na naglilingkod sa simbahan.

Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon IX: Pagsigaw at pagsasabi ng masasamang salita sa loob at labas

ng Simbahan

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagwawala,

pag-iingay o pagsigaw sa anumang bahagi ng simbahan kung wala namang okasyon o

pangyayari. Kasama din dito ang pagsisigaw ng masasamang salita habang nasa

simbahan.

Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Page 29: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 29

Seksyon X: Paggamit ng Pondo ng Ministri sa Pansariling Interes

(Corruption)

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pamunuan na

gumamit o nagwaldas ng salapi ng Ministri para sa ikabubuti ng iilan o pansariling

kadahilanan.

Disciplinary Action: Pagtiwalag mula sa Katungkulan

Seksyon XI: Pagiging Sangkot sa Gulo

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagiging

sangkot ng isang Altar Server sa mga gulo sa labas ng simbahan, pisikal man o

pasalita.

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Ikalawang Pagkakataon - Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon XII: Paninira, Kawalang Paggalang sa mga gamit ng Simbahan

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa direktang

paninira, paglalaro at kawalang paggalang sa mga banal na bagay o kasangkapan ng

simbahan na ginagamit sa banal na Misa.

Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon XIII: Pagnanakaw o Pagkuha ng Gamit ng Iba

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagkuha ng

gamit ng iba ng walang pahintulot ng may ari, kasama dito ang pagnanakaw ng mga

gamit ng Ministri at ng Simbahan.

Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon XIV: Maling Lugar ng Paglilingkod

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paglilingkod ng

isang Altar Server sa ibang lugar, bisita o parokya na walang pahintulot ng Central

Council.

Page 30: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 30

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Ikalawang Pagkakataon - Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon XV: Hindi Paggalang sa Banal na Kasuotan

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa kawalang

paggalang sa mga banal na kasuotan. Kasama dito ang paglilingkod ng hindi maayos

ang sutana. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng banal na kasuotan sa ibang

mga gawain tulad ng pagpapalabas sa entabledo, o paggamit nito bilang Costume.

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Ikalawang Pagkakataon - Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon XVI: Paglalagay ng tattoo sa anumang bahagi ng katawan

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paglalagay ng

tattoo o anumang guhit sa kahit anong bahagi ng katawan. Ang katawan ay banal kaya

hindi ito dapatdungisan.

Disciplinary Action:

Unang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Ikalawang Pagkakataon - Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Page 31: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 31

Isinaayos ng :

Central Council 2007

Mga Pinagbatayan:

“Handbook” – Knights of the Altar

“Batas at Pamantayan” – Altar Servers Guild 2007

“Saligang Batas at Gabay sa Paghubog” – Bikarya ni San Jose, San Jose del

Monte, Bulacan 2006; Reb. P. Joselin San Jose

Page 32: Poblacion, Bustos, Bulacan 3007 Ministri ng mga ...mas-snp-dloadportal.yolasite.com/resources/MAS-SNP bustos By-Law… · Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana ... dahil sa

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 32

“Walang anuman ang maaaring sipiin mula sa Pamantayang ito ng walang

pahintulot mula sa may akda nito. Anumang karagdagang pamantayan

para sa aklat na ito na dadaan sa isang masusing pag-aaral ay

pinahihintulutan ng mga may akda nito.”

Ipinagtibay ngayong ika- ng , 2009 nina:

Reb. P. Anthony Chan Sis. Viring Tongco Makadiwang Patnugot Lupon ng Liturhiya

Reb. P. Adalberto Vergara Kura Paroko