Upload
rivera-arnel
View
478
Download
10
Embed Size (px)
Citation preview
Aralin 13
Digmaang Pilipino – AmerikanoHamon sa Malayang Bansa
Inihanda ni: Arnel O. Rivera
Sociego Street, Santa Mesa, Manila.
TimelineTimeline
Abril 21, 1898
Ideneklara ng Estados Unidos ang digmaan laban sa Espanya
Naganap ang makasaysayang Labanan sa Manila Bay.
Mayo 1, 1898 August 13, 1898
Naganap ang Mock Battle of Manila. Sumuko ang mga kawal na Kastila sa mga Amerikano.
Disyembre 10, 1898
Enero 23, 1899
Nilagdaan ng US at Espanya ang Kasunduan sa Paris. Pormal na inilipat sa Amerika ang pananakop ng Pilipinas
Pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan. Hindi ito kinilala ng mga Amerikano
TimelineTimeline
Pebrero 4, 1899
Binaril at napatay ng isang Amerikanong sundalo ang isang kawal na Pilipino. Ito ang simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano.
Bumagsak sa kamay ng mga Amerikano ang Malolos. Inilipat ni Aguinaldo ang kabisera sa San Fernando, Pampanga
Marso 31, 1899
Marso 23, 1901
Nahuli si Hen. Aguinaldo sa Palanan, Isabela.
Abril 16, 1902
Setyembre 25, 1903
Sumuko sa mga Amerikano si Hen.Miguel Malvar sa Lipa, Batangas
Sumuko si Hen. Simeon Ola sa Guinobatan, Albay. Pormal na nagwakas ang digmaan laban sa mga Amerikano.
Digmaang Kastila-Amerikano
• Ideneklara ng Estados Unidos ang digmaan laban sa Espanya matapos ang pagsabog ng barkong Maine sa Havana, Cuba noong Peb. 15, 1898. Inutusan si Com. George Dewey na lusubin ang hukbo ng mga Kastila sa Manila Bay sa pamumuno ni Adm. Patricio Montojo. Ito ang naging simula ng pagkatalo ng mga Kastila.
Balik sa Timeline
Mock Battle of Manila• Upang maiwasan ang
kahihiyan, lihim na nakipagkasundo ang mga Kastila sa mga Amerikano na magkaroon ng isang kunwaring labanan kung saan susuko ang mga Kastila sa mga Amerikano. Matagumpay na nasakop ng mga Amerikano ang Intramuros at hindi pinayagan ang mga Pilipino sa nasabing labanan.
Balik sa Timeline
Mga sundalong Kastila na sumuko sa mga puwersang Amerikano(1898)
Kasunduan sa Paris• Pormal na isinuko ng mga Kastila sa
mga Amerikano ang pamamahala ng Pilipinas, Guam at Puerto Rico. Nagbayad naman ang pamahalaang Amerikano ng halagang $20,000,000bilang kabayaran sa mga nasirang ari-arian ng Espanya sa mga nasabing lugar. Walang kinatawan ang mga Pilipino sa nasabing kasunduan. Kasabay nito, ipinahayag ni Pang. William McKinley ang Benevolent Assimilation.
Balik sa Timeline
Unang Republika ng Pilipinas(Malolos Republic, 1899)• Matapos na ideklara ang kalayaan ng
Pilipinas noong ika-12 Hulyo 1898, binalangkas ng mga mambabatas sa pamumuno ni Felipe Calderon ang Saligang Batas ng Malolos upang pagtibayin ang pagpapahayag ng kalayaan. Noong Enero 23, 1899, pinasinayaan ang Republika ng Pilipinas sa Simbahan ng Barasoin sa Malolos, Bulacan. Hindi ito kinilala ng mga Amerikano.
Balik sa Timeline
Simula ng Digmaan
• Nagsilbing mitsa ng digmaan ang insidente sa Sociego St., Sta. Mesa, Manila noong Pebrero 4, 1899. Binaril at napatay ni Pvt. William Grayson ang isang kawal na Pilipino. Nang sumunod na araw, ipinahayag ni Gen. Arthur MacArthur ang Digmaang Pilipino-Amerikano.
• Sunod-sunod na linusob ng mga puwersang Amerikano ang mga bayan sa Pilipinas.
Balik sa Timeline
Pagkatalo ng mga puwersang Pilipino
• Lumaganap ang labanan sa iba’t ibang panig ng bansa. Pinumunuan ni Hen. Antonio Luna ang paglusob sa Maynila ngunit tinalo sila ng mga Amerikano. Bumagsak sa kamay ng mga Amerikano ang Malolos noong Marso 31, 1899. Inilipat ni Aguinaldo ang kabisera sa San Fernando, Pampanga. Sunod-sunod din na sumuko o nahuli ng mga Amerikano ang mga pinuno ng pwersang Pilipino.
Balik sa Timeline
Pagkahuli kay Hen. Aguinaldo
• Pinamunuan ni Hen. Frederick Funston ang planong pagbitag kay Hen. Aguinaldo. Sa tulong ng mga kawal na taga-Macabebe (Macabebe Scouts), matagumpay na nakapasok sa kampo ng mga Pilipino sa Palanan, Isabela at dito nahuli si Hen. Aguinaldo. Matapos madakip, dinala siya sa Maynila at dito pinanumpa ng katapatan sa pamahalaan ng Amerika.
Balik sa Timeline
Pagwawakas ng Digmaan• Nagwakas ang Unang
Republika sa pagkakadakip kay Aguinaldo ngunit ipinagpatuloy parin ng mga nalalabing pinuno ang laban para sa kalayaan. Huling sumuko sa mga Amerikano si Hen. Simeon Ola noong Setyembre 25, 1903 sa Guinobatan, Albay. Dito pormal na nagwakas ang digmaan laban sa mga Amerikano.
Balik sa Timeline