5
 

Salawikain at Bugtong

  • Upload
    elabags

  • View
    352

  • Download
    4

Embed Size (px)

DESCRIPTION

gues

Citation preview

MGA BUGTONG

1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humihintaySagot: kandila2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.Sagot: langka3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.Sagot: ampalaya4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.Sagot: ilaw5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.Sagot: anino6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.Sagot: banig7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.Sagot: siper8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.Sagot: gamu-gamo9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.Sagot: gumamela10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.Sagot: kubyertos11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.Sagot: kulambo12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.Sagot: kuliglig13. Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan.Sagot: kulog14. May bintana nguni't walang bubungan,may pinto nguni't walang hagdanan.Sagot: kumpisalan15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.Sagot: gunting16. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.Sagot: kasoy17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.Sagot: paruparo18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.Sagot: mga mata19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.Sagot: tenga20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.Sagot: baril21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.Sagot: bayong o basket22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.Sagot: batya23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.Sagot: kamiseta24. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.Sagot: saraggola25. Apat na paa hindi lumalakad.Sagot: mesa26. Nagbibigay na, sinasakal pa.Sagot: bote27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.Sagot: sandok28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.Sagot: kampana o batingaw29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.Sagot: bayabas30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa.Sagot: balimbing

BUGTONG TUNGKOL SA MGA HAYOP:1. Bastong hindi mahawak-hawakan, sinturong walang mapaggamit-gamitan.(ahas)2. Bahay ni ka huli, haligi'y balibali, ang bubong ay kawali.(alimango)3. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.(aso)4. Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko, ay gatas din ng anak mo.(baka)5. Ibon kong saan man makarating, makababalik kung saan nanggaling.(kalapati)6. Bagama't maliit, marunong nang umawit.(kuliglig)7. Dala mo't sunong, ikaw rin ang baon.(kuto8. Hulaan mo, anong hayop ako. Ang abot ng paa ko'y abot rin ng ilong ko?(elepante)9. Kung manahi 'y nagbabaging at sa gitna'y tumitigil.(gagamba)10.Kulisap na lilipad-lipad, sa ningas ng liwanag ay isang pangahas.(gamugamo)12. Isang uod na puro balahibo, kapag nadikit sa iyo ang ulo, tiyak mangangati ang balat mo.(higad13. Isda ko sa tabang, pag nasa lupa ay gumagapang.(hito)Ang lokong si Hudas, dila ang tsini-tsinelas.( suso)Heto na si kurdapya may sunong na baga.( manok)11. Isdang parang ahas, sa karagatan pumapagaspas.(igat )12. Bato na ang tawag ko, bato pa rin ang tawag mo, turan mo kung ano.(ibongbatu-bato)13. Ibon kong kay daldal-daldal, ginagaya lang ang inuusal.(loro)14. Hakot dito hakot doon, kahit maliit ay ipon ng ipon.(langgam)15. Pag munti'y may buntot, paglaki ay punggok.(palaka)16. Tumatanda na ang

MGA SALAWIKAIN

Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.1. Puri sa harap, sa likod paglibak2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot11. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa12. Sagana sa puri, dukha sa sariliMga Salawikain patungkol sa kabutihan, kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba at pag-ingat1. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula2. Ang magandang asal ay kaban ng yaman3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat4. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila6. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon7. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula8. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising9. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili10. Ang lumalakad ng marahan, matinin man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalimMga salawikain patungkol sa mga pangako at ka kawalan ng kaya.1. Buhay-alamang, paglukso ay patay2. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad3. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak

Mga salawikain patungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan.1. Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa2. Kaya matibay ang walis, palibhasa'y nabibigkis3. Ang mabigat gumagaan pag napagtutuwangan4. Ang lakas ay daig ng paraan5. Minsan man at kong golpe, daig ang pitong biyahe6. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaranMga salawikain patungkol sa kagitingan at katapangan.1. Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan2. Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang3. Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan4. Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang5. Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi6. Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan7. Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtanMga salawikain patungkol sa pagtitiis.1. Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot2. Pag may hirap, may ginhawa3. Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha4. Pag may kalungkutan, may kasiyahan5. Kung aakyat ka nga't mahuhulog naman, mabuting sa lupa'y mamulot na lamang6. Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang liwanagIba pang salawikain...1. Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.2. Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit.3. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.4. Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.5. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.