3
BRYAN FRANCIS D. PADILLA, CSJB DECEMBER 12, 2012 Sample Lesson Plan for Grade six Aralin: KORONA NG ADBIYENTO: SIMBULO NG ATING PAGHIHINTAY KAY HESUS I. Sitwasyon ng Buhay Mga ihahanda ng katekista: Magdala ng yari ng “Advent Wreath” upang maipakita sa mga bata ang tunay na anyo at hugis nito. Magdalang mga materyales sa paggawa ng “Advent wreath”. Ito’y kailangang banggitin sa mga bata bago dumating ang araw nang pagtuturo.. II. Pagpapahalaga: Matiyagang paghihintay, Pagiging handa, Pag asa III. Pag uugnay Ang nakikita ninyong mga palamuti ay nagpapahiwatig sa nalalapit na ang Kapaskuhan. Ngunit bago pa dumating ang araw na iyon ay mayroon pa tayong mga paghahanda sa paghihintay sa pagdating ni Hesus. Bago pa ang mga parol na iyan o Christmas Tree mayroon tayong simbulo ng Adbiyento at ito ay ang tinatawag na “Advent Wreath” sa panahon ng Adbiyento, mapapansin natin sa mga simbahan at mga kapilya ang koronang bilog na yari sa mga sanga na kulay “evergreen” o berde. May apat na kandila na nag papahiwatig sa apat na lingo ng Adbiyento: ang paghihintay sa darating na Mesiyas. Di ba ang mga manlalaro ay naghahanda bago pa dumating ang labanan upang makamit ang inaasahanng premyo? Gayundin sa ating pagbasa ay matutunghayan natin sa sulat ni San Pablo ang pagsasaad ng ganito:

Sample Lesson Plan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

lession plan

Citation preview

Page 1: Sample Lesson Plan

BRYAN FRANCIS D. PADILLA, CSJB DECEMBER 12, 2012

Sample Lesson Plan for Grade six

Aralin: KORONA NG ADBIYENTO: SIMBULO NG ATING PAGHIHINTAY KAY HESUS

I. Sitwasyon ng Buhay

Mga ihahanda ng katekista:

Magdala ng yari ng “Advent Wreath” upang maipakita sa mga bata ang tunay na anyo at hugis nito.

Magdalang mga materyales sa paggawa ng “Advent wreath”. Ito’y kailangang banggitin sa mga bata bago dumating ang araw nang pagtuturo..

II. Pagpapahalaga: Matiyagang paghihintay, Pagiging handa, Pag asa

III. Pag uugnay

Ang nakikita ninyong mga palamuti ay nagpapahiwatig sa nalalapit na ang Kapaskuhan. Ngunit bago pa dumating ang araw na iyon ay mayroon pa tayong mga paghahanda sa paghihintay sa pagdating ni Hesus. Bago pa ang mga parol na iyan o Christmas Tree mayroon tayong simbulo ng Adbiyento at ito ay ang tinatawag na “Advent Wreath” sa panahon ng Adbiyento, mapapansin natin sa mga simbahan at mga kapilya ang koronang bilog na yari sa mga sanga na kulay “evergreen” o berde. May apat na kandila na nag papahiwatig sa apat na lingo ng Adbiyento: ang paghihintay sa darating na Mesiyas. Di ba ang mga manlalaro ay naghahanda bago pa dumating ang labanan upang makamit ang inaasahanng premyo? Gayundin sa ating pagbasa ay matutunghayan natin sa sulat ni San Pablo ang pagsasaad ng ganito:

IV. Salita ng Diyos: 1 Cor 9:25

25Lahat ng manlalarong nagsasanay ay nagpipigil sa sarili sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang putong na panandalian lamang, ngunit ang putong na hinahangad natin ay panghabang panahon.

Sino ang tinutukoy sa pagbasa? Paano ba nakakamit ng isang atleta ang korona? Ikaw ba ay naghahanda na rin ng sarili sa panahong ito? Paano?

Page 2: Sample Lesson Plan

Pagpapahayag ng pananampalataya

Katotohanan

Ang korona ay simbulo ng walang hanggan. Ito ay bilog na may apat (4) na kandila nasumasagisag sa apat na linggong paghahanda. Ang ilaw ng bawat kandila ay sumisimbulo na si Hesus ang liwanag ng mundo.Ito rin ay nagpapaalaala sa atin ng panahon ng paghihintay at pagdating ni Hesus na ating manunubos

Pagsasabuhay

Naghahangad na makapiling si Hesus sa kanyang pagdating sa pamamagitan ng paggawa ng Korona ng Adbiyento na ilalagay sa altar ng kanilang mga bahay.

Pagsamba

Ito ay panahon ng paghahanda di lamang sa pamamagitan ng mga dekorasyon at palamuti kundi higit sa lahat ay paghahanda n gating kalooban sa pamamagitan ng padiriwang ng bawat linggo ng Adbiyento kasama ng pamilya

V. Tugon ng Pananampalataya

Ang buong sambayanang Kristiyano ay naghahanda para sa pagdating n gating Mesiyas, si Hesus. Kaya naman makikita natin sa mga simbahan ang korona ng Adbiyento na nagpapaalaala sa atin ng panahon ng paghihintay at pagdating. Hatid sa atin ang pag-asa ng buhay na walang hangga. Sa bawat pagdiriwang ng panalangin at seremonya ng Korona ng Adbiyento ay makapiling natin si Hesus lalo’t higit kung kasama ang buong pamilya sa pagdiriwang nito.

VI. Pagdiriwang

Gumawa ng sarili ninyong Advent Wreath sa inyong tahanan at alagay ito malapit sa inyong altar. Ipaliwanag sa inyong mga magulang at kapatid ang kahulugan ng bawat simbolo.

Awitin: Balang Araw

Balang araw ang liwanag, matatanaw ng bulag Ang kagandahan ng umaga, pagmamasdan sa tuwina

Balang araw mamumutawi, sa bibig ng mga pipiPasasalamat at papuri, awit ng luwalhati

KORO:Aleluya, aleluyaNarito na ang manunubos, luwalhatiin ang Diyos.

Page 3: Sample Lesson Plan