8
Abad, sinalubong ng protesta ng mga Iskolar ng Bayan Aquino, niyanig ng protesta ng mga kabataang Fil-Am sa US Ipagdiwang at pagpugayan ang gintong kasaysayan ng Kabataang Makabayan! Proyekto sa PUP na pinondohan umano ng DAP, tinutulan Labanan ang panunupil sa kampus! Ibasura ang UP student code! Labanan ang militarisasyon sa Abra Liham mula kay Geary, detinidong pulitikal Welga ng mga manggagawa ng NXP, tagumapay 3 4 6 7 8 Sa desperasyong pagtakpan ang kanyang krimen at takasan ang pananagutan sa taumbayan, pilit itinutulak ngayon ng rehimeng US-Aquino ang charter change (cha-cha) para pahabain ang termino nito at ipitin ang Korte Suprema. Higit na tumindi at lumawak ang galit ng mamamayan sa rehimen matapos ang hambog na pagtatanggol nito sa Disbursement Acceleration Program (DAP) sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang pork barrel na ito ni Aquino. Bago pa man ito, hindi na kayang pagtakpan ng madyik ang pabagsak na ratings ni Aquino dahil sa sukdulang galit ng taumbayan. Naglubid si Aquino ng mga pagsisinungaling, inatake ang Korte Suprema at nag-iyak-iyakan pa sa kanyang State of the Nation Address. Samantala, inilusot pa rin ng rehimen ang DAP at pork sa 2015 badyet. Nangangamba si Aquino sa malaking posibilidad na ‘di matapos ang kanyang termino o kung matapos man, ay makulong dahil sa kanyang mga krimen. Kaya naman nag-ala-Marcos na si Aquino: nagdedeliryo na umano’y may kagustuhan ang taumbayan para sa isa pang termino para sa kanya, kasabay ng pag-anunsyo niya ng cha-cha para isakatuparan ito. Labanan ang cha-cha, term extension at diktadura ni Aquino! Tinig September 2014 Issue.indd 1 10/8/2014 4:29:54 PM

Sept 2014 IssueV5

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Tinig ng Kabataang Makabayan September 2014 issue

Citation preview

Page 1: Sept 2014 IssueV5

1TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | SETYEMBRE 2014Abad, sinalubong ng protesta ng mga Iskolar ng Bayan

Aquino, niyanig ng protesta ng mga kabataang Fil-Am sa US

Ipagdiwang at pagpugayan ang gintong kasaysayan ngKabataang Makabayan!

Proyekto sa PUP na pinondohan umano ng DAP, tinutulan

Labanan ang panunupil sa kampus! Ibasura ang UP student code!

Labanan ang militarisasyon sa Abra

Liham mula kay Geary, detinidong pulitikal

Welga ng mga manggagawa ng NXP, tagumapay

3

4

6

7

8

Sa desperasyong pagtakpan ang kanyang krimen at takasan ang pananagutan sa taumbayan, pilit itinutulak ngayon ng rehimeng US-Aquino ang charter change (cha-cha) para pahabain ang termino nito at ipitin ang Korte Suprema. Higit na tumindi at lumawak ang galit ng mamamayan sa rehimen matapos ang hambog na pagtatanggol nito sa Disbursement Acceleration Program (DAP) sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang pork barrel na ito ni Aquino. Bago pa man ito, hindi na kayang pagtakpan ng madyik ang pabagsak na ratings ni Aquino dahil sa sukdulang galit ng taumbayan. Naglubid si Aquino ng mga pagsisinungaling, inatake ang Korte Suprema at nag-iyak-iyakan pa sa kanyang State of the Nation Address. Samantala, inilusot pa rin ng rehimen ang DAP at pork sa 2015 badyet. Nangangamba si Aquino sa malaking posibilidad na ‘di matapos ang kanyang termino o kung matapos man, ay makulong dahil sa kanyang mga krimen. Kaya naman nag-ala-Marcos na si Aquino: nagdedeliryo na umano’y may kagustuhan ang taumbayan para sa isa pang termino para sa kanya, kasabay ng pag-anunsyo niya ng cha-cha para isakatuparan ito.

Labanan ang cha-cha, termextension at diktadura ni Aquino!

Tinig September 2014 Issue.indd 1 10/8/2014 4:29:54 PM

Page 2: Sept 2014 IssueV5

2 SETYEMBRE 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

www.anakbayan.orgbisitahin ang

Nais ni Aquino na sa pamamagitan din nito’y mapaluhod ang buong kapangyarihan ng gubyerno sa kanyang bawat nais at kapritso. Lalo nitong pinahigpit ang kapangyarihang bagu-baguhin ang anumang pasya ng Kongreso sa pagpapasa ng bagong depinisyon ng “savings” sa 2015 badyet. Sa cha-cha, plano naman niyang “bawasan” ang kapangyarihan ng Korte Suprema na panagutin siya.

Sa takot na higit pang mabunyag ang mga krimen, niratsada ni Aquino ang pagpatay sa impeachment complaint sa Kongreso sa kabila ng malinaw na sapat na mga batayan para sa pagsasakdal sa kanya. Lumalawak ang hanay ng mga lumalaban sa rehimen at sa namumuo nitong diktadurya. Kamakailan, ikinasa ng malawak na hanay na anti-pork sa pangunguna ng mga taong simbahan at mga abugado ang kampanyang People’s Initiative na naglalayong mabasura ang pork. Mismong sa hanay ng naghaharing rehimen ay tumitindi ang hidwaan at mga bitak. Si VP Binay ay nagsalita na laban sa cha-cha at planong term extension. Isinasalang ng mga kaalyado ni Aquino si Binay sa imbestigasyon at mga kaso ng kurupsyon para ilihis ang atensyon kay Aquino at patibayin ang dahilan para sa term extension, habang isinasalba ang kandidatura ni Mar Roxas. Pero sa pagsalang kay Binay, di maiiwasang sasabit din

si Aquino at kanyang mga kaalyado. Lumalabas ngayon na ang kumpanyang sangkot sa gusaling overpriced umano sa Makati ay siya ring kinontrata sa mga proyektong pinondohan ng DAP gaya ng overpriced din na Iloilo Convention Center ni Frank Drilon at BPO projects ng Commission on Higher Education.

Nakasalang din ngayon ang hepe ng Philippine National Police na si Alan Purisima sa mga kaso ng kurapsyon at panunuhol. Lalong tumitindi ang batayan ng mamamayang matagal nang biktima ng mga bulok na patakaran ni Aquino na itulak ang kanyang pagpapatalsik. Sa ilalim ng mga patakaran ni Aquino, higit na lumawak at lumalim ang kahirapang dinaranas ng mamamayan habang nakikinabang ang iilan at dayuhan. Sa cha-cha, kasama ang plano para higit pang patindihin ang mga neoliberal na mga patakaran sa bansa, tampok dito ang pagtatanggal sa nalalabing mga pormal na restriksyon sa dayuhang pag-aari sa bansa. Samantala, tuloy-tuloy ang pagtutulak pababa ng sahod, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pagkakait sa serbisyong panlipunan at pag-atake sa kabuhayan at karapatan ng mamamayan. Ang panukalang badyet ni Aquino para sa 2015 ay lalong maglulubog sa atin sa makadayuhang utang,

magtutulak ng pribitisasyon at magkakait ng serbisyo, magpapasahol ng kurapsyon at magpopondo sa panloloko at panunupil sa taumbayan. Sa mga pamantasan, higit pang itutulak ng rehimen ang pagtaas ng matrikula at mga bayarin habang ginagatasan ang pondo ng mga state universities and colleges para sa mga proyektong pang-kurakot at pork barrel. Ang trahedyang kalagayan ng MRT ay larawan ng kabulukan ng patakaran ng pribitisasyon. Todo ang pagsusulong ng rehimen sa public-private partnership. Kamakailan ay inaward na rin ang kontrata sa pribitisasyon ng LRT1. Ang iba pang natitirang pampublikong serbisyo ay nakahanay na rin para ipagkaloob sa mga kroni nito. Ang lumalawak na paglaban ng mamamayan ay tinatapatan ng tumitinding pasismo sa ilalim ng Oplan Bayanihan. Nagpapatuloy sa ilalim ng kasalukuyang rehimen ang brutal ka kampanya ng panunupil at paglabag sa karapatan. Kamakailan, dinakip ang dalawang lider-kabataan sa Gitnang Luzon at iligal na dinitine. Aabot na sa lagpas 200 ang biktima ng pagpaslang, 200 ng tangkang pagpaslang at 21 ng sapilitang pagkawala. Tinatawagan ang mga kabataan na makipagkaisa sa mamamayan at tanganan ang papel bilang pag-asa ng bayan. Dapat higit na palawakin at palakasin ang hanay na lumalaban sa kurupsyon at diktadurya ng rehimen. Higit na palakasin ang panawagan para sa pagpapatalsik kay Aquino at paghahawan ng landas para sa tunay na pagbabago.

Tinig September 2014 Issue.indd 2 10/8/2014 4:29:57 PM

Page 3: Sept 2014 IssueV5

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | SETYEMBRE 2014

Aquino niyanig ng protesta ng mga kabataang Fil-Am sa US

Niyanig ng protesta ang talumpati ni BS Aquino sa World Leaders Forum ng Columbia University sa Estados Unidos noong Setyembre 23, 2014. Nagtatalumpati si Aquino ng tumayo ang mga kabataang Filipino-American at binatikos ang kanyang mga kasinungalingan tungkol sa mga “reporma” na pinagmamalaki ng rehimen.

Pinaulanan ng puna ang pangulo tungkol sa isyu ng pork barrel, ang kriminal na kapabayaan sa mga biktima ng bagyong Yolanda, at ang patuloy na paglabag ng karapatang pantao. Nagladlad ng isang istrimer na may nakasulat na ‘Patalsikin si Aquino, Pork Barrel King.’ May kasabay ring protesta ang mga kasapi ng Anakbayan-USA at LFS-San Francisco University Chapter kasabay ang Gabriela at BAYAN-USA sa labas ng gate ng Columbia University. Napakita rin ng banner na may panawagang ‘Wakasan ang impunity, tigilian ang pamamaslang’ ni Joelle Lingat, ang tagapagsalita ng Anakbayan-USA, bago siya inagapay palabas ng New York City Police.

Isa si Lingat sa mga kabataang Fil-Am na naging bahagi sa isang programa ng basic masses integration noong sila ay umuwi sa Pilipinas noong Hunyo nitong taon.

‘Nakapunta ako sa Hacienda Luisita. Nakita ng sarili kong mga mata ang patuloy na paghihirap ng mga manggagawang bukid, ng mga pamilya ng mga minasaker dahil sa pagnanais na madagdagan ang P9 na kanilang kita kada araw. Hindi ako makapaniwala na maaari itong mangyari mismo sa lupa na ariarian ng angkan ng presidente,’ ani Lingat. Pinuri ang magiting na protesta ng kabataang Fil-Am ng samu’t saring sektor, kabilang ang mga kabataan sa Pilipinas at mga magbubukid ng Hacienda Luisita.

Abad, sinalubong ng protesta ng mga Iskolar ng Bayan

Sinalubong ng protesta ng mga iskolar ng bayan ng University of the Philippines-Diliman (UP) ang pagtungo ni Budget Secretary Florencio ‘Butch’ Abad, kilalang kasabwat ni Aquino sa Disbursement Acceleration Program (DAP), sa kanilang pamantasan.

Sa pangunguna ng STAND-UP, ipinahiwatig ng mga nagprotestang estudyante ang matinding galit at diskontento ng mamamayang Pilipino sa talamak na korapsyon ng rehimeng Aquino. Panauhin si Abad sa isang porum sa UP School of Economics (UPSE) noong Setyembre 17 kung saan ipinagtanggol niya ang mga iskemang pork barrel sa 2015 badyet ng gobyerno. Paalis na si Abad sa porum nang hinarap siya ng isaang daang galit na nagroprotestang mga estudyante. Mga galit na sigaw na ‘Magnanakaw!’ at ‘Butch Abad, panagutin! Noynoy patalsikin!’ ang bumulaga sa kanya habang siya paalis sa naturang lugar. Mabilis na inilayo si Abad ng kanyang mga badigard at security sa mga galit na estudyanteng gustong humarap sa

kanya. Matapos makasakay sa kanyang sasakyan, sumirit agad si Abad papalayo sa unibersidad. Ang porum sa UP ay bahagi ng kampanya na pabanguhin ang DAP at isalba ang kurakot na rehimen. Sa parehong araw, naglabas ang Department of Budget and Management ang listahan ng mga proyektong DAP. Sa halip na makapagpapogi, higit na nailantad ng protesta ang kabulukan ng gubyernong Aquino. Agad na siniraan ng rehimeng Aquino na ang protesta. Habang nasa ibayong dagat at sa kalagitnaan ng bagyo, pinagtanggol nito si Abad at pinilit ang ilang propesor sa UP at administrasyon nito na magpahayag ng suporta.

Tanging mga dilawan at mga kampon lamang nito ang nagtanggol sa rehimen. Pinuri ng marami ang isinagawang pagkilos ng mga iskolar ng bayan.

Ikinagalit din ng marami ang ginawang pagkundena ng ilang propesor ng UPSE at kasapi ng administrasyong UP sa ginawang protesta. “Nagdedelusyon ang Malakanyang at si Abad kung sa tingin nila ay patuloy na maloloko ang mga mag-aaral,” ani Jacqueline Eroles, kasalukuyang Pangkalahatang Kalihim ng Anakbayan at dating Student Regent ng UP. Dagdag pa niya, di nakakapagtaka ang reaksyon ng mga estudyante gayong taon-taong binabawasan ng tambalang Aquino-Abad ang badyet ng UP at mga pampublikong unibersidad habang itinutulak ang pagtaas ng matrikula at komersyalisasyon ng edukasyon. ‘Hindi lamang pangakademikong institusyon ang UP; pook ito ng militanteng pakikibaka para sa mga demokratikong karapatan at interes ng sambayanang Pilipino sa nagdaang mga dekada. Walang puwang sa UP ang pagtanggol ng pork, korapsyon, at DAP,’ ani Eroles.

Tinig September 2014 Issue.indd 3 10/8/2014 4:29:58 PM

Page 4: Sept 2014 IssueV5

4 SETYEMBRE 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Sa darating na ika-30 ng Nobyembre 2014, ipagdiriwang ng kabataan at mamamayan ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Kabataang Makabayan o KM.

Ano ang Kabataang Makabayan?

Itinatag ang Kabataang Makabayan (KM) noong ika-30 ng Nobyembre 1964, sa okasyon ng ika-101 taong kapanganakan ni Andres Bonifacio. Ang pagkakatatag ng KM ay pagkilala sa tungkulin na ipagpatuloy at kumpletuhin ang di natapos na pambansa-demokratikong rebolusyon sa ilalim ng pamumuno ng uring proletaryado.

Ang KM ang kauna-unahang organisasyon ng kabataang Pilipino na may malinaw, tumpak at kumprehensibong pambansa-demokratikong programa. Puspusan at militanteng nilalabanan ng KM ang tatlong pangunahing suliranin ng sambayanang Pilipino — ang imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo.

Bagamat nagsimula sa iilang kasaping estudyante mula sa UP at Lyceum at mga kasaping kabataang manggagawa mula sa National Association of Trade Union (NATU), mabilis na lumawak ang kasapian ng KM sa buong bansa dahil sa malakas na tulak sa ekspansyon sa paaralan hanggang mga probinsya. Subalit, sa pamamagitan pa rin ng paglulunsad at pamumuno sa mga pakikibakang masa higit na naging mabisa at mabilis ang paraan ng pagpapalawak ng KM.

Namuno sa malalaki at makapangyarihang mga kilusan ng masang kabataan ang KM. Pumutok ang mga kampanya at mga aksyong masa sa mga paaralan upang labanan ang mga pagtaas ng matrikula at nabubulok na mga serbisyo. Kumalat sa buong bansa ang kilusang protesta ng mga estudyante noong 1968-1969.

Masigla din ang mga pagkilos laban sa imperyalismong US, mga lokal na papet nito, at iba pang isyung pambayan. Mapangahas itong nanawagan para sa pagpapatalsik ng rehimeng US-Marcos, pagpapabagsak ng imperyalismo, burukrata kapitalismo, at pyudalismo, at pagtatatag ng pambansa demokratikong lipunan na nakatanaw sa sosyalistang kinabukasan.

Sa loob ng unang tatlong buwan ng 1970, naglunsad ang kabataan at mamamayan

ng iba’t ibang tipo ng protesta na nilahukan mula 50,000 hanggang 100,000 demonstrador. Hindi kayang piglan ng pananakot ng masaker at brutal na pananalakay ni Marcos ang nasabing mga dambuhalang aksyong masa. Umapaw pa nga hanggang sa mga probinsya ang lumalagablab na apoy ng pambansa demokratikong kilusang masa.

Sa tangkang pigilan ang ibayong pagdaluyong at pag-aalsa ng masa, ibinaba ng rehimeng US-Marcos ang Batas Militar noong 1972. Idineklara nitong iligal ang KM at ang iba pang organisasyong masa.

Pansamantala lamang ang naging epekto at dislokasyon ng batas militar sa operasyon ng KM. Nakapaghanda na ang maraming opisyal at kasapi ng KM bago pa ito. Untiunting nagkahugis ang islogang “Digmang bayan, sagot sa martial law!” sa maramihang pagtatalaga ng mga kasapi sa gawain sa kanayunan.

Nagpatuloy ang pag-oorganisa at pagkilos ng KM sa lihim na paraan. Sa kanayunan, nagsilbing ganap na samahang masa ang KM para sa anti-pyudal na pakikibaka at rebolusyong agraryo. Habang sa kalunsuran, sila ang nagsilbing rebolusyunaryong bag-as ng kilusang masang anti-imperyalista at anti-pasista.

Bakit dapat ipagdiwang at gunitain ang pagkakatatag ng Kabataang Makabayan?

Itinatag ang organisasyong Anakbayan bilang pagkilala sa makasaysayan at makabuluhang halaga ng pagsilang sa Rebolusyunaryong si Andres Bonifacio at sa pagkakatatag ng Kabataang Makabayan. Halaw sa mga simbolo ng rebolusunaryong kilusan ng Katipunan at ng Kabataang Makabayan ang sagisag ng ating organisasyon na pulang bandila na may gintong alibatang “Ka”.

Ang pagdiriwang natin sa ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng KM ay hindi lamang simpleng pag-alaala o pagbabalik-tanaw. Ito ay pagdiriwang sa namumukod at nagpapatuloy na halaga

ng KM sa kasalukuyang makabayan at demokratikong kilusan ng kabataan:

Una, kinikilala natin na makasaysayan ang pagkakatatag ng KM sapagkat malaki ang naging ambag nito sa pagsisimula at paglalatag ng pambansa-demokratikong kilusan sa buong bansa. Ito ang kauna-unahang organisasyong masa na naglinaw ng landas ng pambansa-demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba.

Ikalawa, sa pamamagitan ng pamumuno ng KM, naipamalas nito ang kapangyarihan ng kilusang masa upang isulong ang demokratiko’t makabayang interes ng mamamayan. Kasabay nito, ipinakita nang mahusay ng KM ang relasyon at ugnayan ng kilusang masa sa lunsod sa kilusang anti-pyudal sa kanayunan.

Ikatlo, pinanday nito ang pinakamahuhusay na lider kabataan sa kasaysayan ng pakikibaka ng ating bayan. Di matatawaran ang inialay na buhay ng mga kasapi nitong naging martir ng kabataan at sambayanan.

Ikaapat, modelo natin ang KM sa mahusay na pagmumulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos para sa pambansang demokrasya. Ipinakita nito kung paano patuloy na lumalawak ang kilusang kabataan sa pamamagitan ng pamumuno at paglulunsad ng mga pakikibakang masa.

Ikalima, pinatunayan nito na sa kabila ng matitinding atake laban sa organisasyon, nagpatuloy ito bilang makapangyarihang organisasyon ng kabataan sa loob ng 50 taon dahil sa mahigpit na ugnayan nito sa pakikibaka ng masang-api.

Ano ang mga layunin ng ating paggunita at pagdiriwang ng KM?

Sa kabuuan, layunin natin na gunitain ang makasaysayang papel ng KM at panghawakan ang mahahalagang ambag na aral nito upang ibayong isikad ang lahatang-panig na gawain ng Anakbayan sa pagmumulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos. Nais din nating paghusayin ang paggampan natin sa espesyal na papel

Ipagdiwang at pagpugayan ang gintong kasaysayan ng Kabataang Makabayan!

Tinig September 2014 Issue.indd 4 10/8/2014 4:29:59 PM

Page 5: Sept 2014 IssueV5

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | SETYEMBRE 2014

idownload ang TINIG ngKabataang Makabayan sa

www.anakbayan.org

sa pambansa demokratikong kilusang propaganda.

Ginugunita natin ang KM sa konteksto na ibayo nating pinalalakas ang pakikibaka ng sambayanang Pilipino at mga kabataan laban sa papalalang krisis ng mala-kolonyal at malapyudal na lipunan.

Nasa konteksto tayong nais nating gawin ang lahat ng ating makakaya upang patalsikin ang rehimeng US-Aquino dahil sa ibayo nitong pagpapasidhi ng krisis sa pamamagitan ng sagad na pagka-tuta sa US, pagka-garapal sa korapsyon at pandaraya sa eleksyon, malalang paglabag sa karapatang-pantao, bulok na pamamahala, kriminal na kapabayaan sa sakuna, pagsisinungaling, at walang habas na pagpapahirap sa masa ng mamamayan ni BS Aquino.

Sa ganitong konteksto at pampulitikang tungkulin natin nais gunitain at ipagdiwang ang mahahalagang ambag ng KM sa kilusang kabataan.

Ano ang partikular nating tungkulin?

Inaatasan ang lahat ng balangay at mga pormasyon ng Anakbayan na buong-lakas na ipagdiwang ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Kabataang Makabayan sang-ayon sa pangkalahatang layunin na naunang nailahad.

Maaaring maging gabay ang mga sumusunod na partikular na tungkulin sa mga pagpaplano:

1. Pasiglahin ang kilusang pag-aaral hinggil sa lipunan at rebolusyong Pilipino sa hanay ng mga kabataang organisado at di-organisado. Kabilang dito ang edukasyon kaugnay ng nasyunalismo at halaga ng pakikibaka ng masa’t kilusang kabataan.

Palaganapin ang oryentasyon ng Anakbayan, ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino o ang maikling kurso nito;- Ilunsad ang talakayan sa pinakamaraming topic sa ilalim ng Struggle for National Democracy (SND) na may pagdidiin sa KM Founding Speech, Student Power?, Standard Issues of the Day, National Democracy and the Political Activist, Youth on the March, at gayundin ang Tasks and Prospects of the Filipino Youth;- Kumbinahin ang iba’t ibang porma ng pagbibigay-edukasyon, mula sa big or medium sized forum, alternative class, at regular study circles.

2. Ibayong palawakin ang kasapian ng Anakbayan at mapangahas na abutin ang makasaysayang paglaki tungo

sa 40,000 sa pagtatapos ng taon sa pamamagitan ng pag-ani mula sa malakas na kilusang pagmumulat at pamumuno sa pakikibakang masa.

- Malakas na mag-organisa at itatag ang ating mga balangay sa konsentrahan ng mga kabataan sa paaralan at mga pagawaan, gayundin sa mga komunidad at bukirin.- Itayo ang pinakamarami at pinakamalalakas na balangay sa university belt sa Maynila at iba pang syudad.- I-breakthrough ang pag-oorganisa sa pabrika at mga baryo sa kanayunan.

3. Balikan ang mahahalagang aral sa karanasan ng KM kaugnay ng kampanya at pakikibakang masa at pagsilbihing gabay upang malakas na makapag-aambag ng Anakbayan sa paglikha ng daluyong ng kilusang masa sa kalunsuran.

- Paghusayin ang nilalaman ng ating kampanya at propaganda na nagtatalakay ng mga isyu na epektibong nakakapag-ahita sa masa at naglalantad sa pananalot ng imperyalismo, burukrata kapitalismo, at pyudalismo;- Malawakan, sistematiko, at puspusang ilantad si Aquino bilang papet, pahira, korap, at pasista tungo sa pagkakahiwalay at pagpapatalsik dito;- Pasimulan ang pag-aaral at paggawa ng mga sulatin hinggil sa kasaysayan ng pakikibaka ng kabataan sa iba’t ibang lokal at sektoral na isyu nito;

4. Hikayatin ang pinakamaraming kabataan na makipamuhay at sumanib sa pakikibaka ng masang anakpawis. Gawing integral sa gawain ng balangay ang pag-oorganisa, pagbibigay-edukasyon, at paglahok sa pakikibakang masa sa mga malalapit na komunidad at pabrika.

- Magbuo ng teams at lumikha ng mga aktibidad para magsagawa ng pagmumulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos sa mga masa sa komunidad, pagawaan, o baryo.- Magpuwesto ng mga programa ng exposure at integration sa mga magsasaka at iba pang sektor ng masang anakpawis. Ang exposure ay maaaring 2-3 araw na programang may kombinasyon ng pakikipamuhay, pakikipagtalakayan, pa-oorganisa, at pagtulong sa produksiyon. Ang integration nama’y mas matagal na paglagi sa hanay ng masa na maaaring pokus ay pagtulong

sa pag-oorganisa at edukasyon, mas malalim na partisipasyon sa kampanya at pakikibakang masa.Magpuwesto ng exposure o integration sa Eastern Visayas at iba pang lugar na naapektuhan ng bagyong Yolanda.- Buuin ang mga quick reaction and support teams ng Anakbayan, lalo sa mga paaralan, na mabilis na sumusuporta sa mga mahigpit na laban sa mga piketlayn, demolisyon, at iba pa.- Dalhin ang malakas na propaganda sa mga eskuwelahan kaugnay ng anti-pyudal na pakikibaka sa kanayunan.

5. Umpisahan ang malakas na pakikitunggali sa mga kaisipang di-progresibo at maka-naghaharing-uri na pinalalaganap sa hanay ng mga kabataan. Pasiglahin ang mga teoretikal na porum o talakayan, gayundin ang paglalabas ng sulatin kaugnay nito.

- Hinihikayat ang lahat ng chapters at chapter leaders na maksimisahin ang online social media platforms upang lumikha ng mga blog, accounts, website, online teams na nagpapalaganap ng paninindigan at pagsusuri ng Anakbayan sa iba’t ibang mga isyu;- Maglabas ng mga napapanahong suri at pagpapalalim sa pamamagitan ng ating publikasyon at theoretical journals- Pasiglahin ang paglahok sa mga talakayan at debate upang labanan ang di-progresibong kaisipan na pinalalaganap sa hanay ng mga kabataan

6. Pag-alabin ang diwa at damdaming makabayan ng kabataan at mamamayan sa pamamagitan ng pag-aambag ng mga likhang sining at pangkulturang pagtatanghal. Buuin ang makinarya at teams para dito.

- Buuin ang pangkulturang grupo ng Anakbayan, Ang Sining Linang ng Anakbayan (SILAB), sa lahat ng antas na kakayanin.- Paghusayin ang pagpapalaganap at paglikha ang iba’t ibang porma ng propaganda na gumagamit ng likhang sining (tula, kanta, pagtatanghal, at iba pang porma).- Tiyakin ang kumbinasyon ng maliit at maramihang mga pangkulturang aktibidad at mga malalaki at pinaghandaang mga pagtatanghal sa mismong Nob 30.

Tinig September 2014 Issue.indd 5 10/8/2014 4:30:01 PM

Page 6: Sept 2014 IssueV5

6 SETYEMBRE 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Desperado sa paglulusot ng mga tiwaling pakana, itinutulak ngayon ang mga pondong pangurakot sa mga state universities and colleges. Isa rito ang ARC building project sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Maynila.

Proyekto sa PUP na pinondohan umano ng DAP, tinutulan

Labanan ang panunupil sakampus! Ibasura ang UP

student code!

Ang proyektong ito ay itinutulak ng Malakanyang sa PUP na nagkakahalaga ng P131 milyon. Kalakhan ng panggagalingang pondo para sa proyekto o nasa P81 milyong piso ay galing umano sa Disbursement Acceleration Program (DAP), ayon sa student regent ng PUP.

Imbis na dagdagan ang pondo para sa pasilidad at mga batayang pangangailangan ng mag-aaral, kinuha ang pondo at inilaan sa pondong malinaw na pangurakot. Makikinabang sa proyektong ito ang mga kaalyadong

Niratsada kamakailan sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) - Diliman ang pagpapasa ng code of student conduct, sa kabila ng mariing pagtutol dito ng mga mag-aaral at iba pang sektor sa kampus.

pulitiko, operator at kontraktor sa proyekto na malapit din sa Palasyo.

Sa makatuwid, gagamitin ang mga estudyante ng PUP para mailusot at madambong ang pera ng taumbayan. Gagawing gatasan ng kurupsyon ni Aquino ang PUP.

Bukod pa rito, may humigit-kumulang P30 milyong “savings” ang PUP admin galing sa Student Trust Fund (STF) na gagamiting pandagdag sa pondo ng ARC project. Ang STF ay pondong nakolekta galing sa matrikula at iba pang mga bayarin. Ibig

sabihin, kukunin pa mismo sa bulsa ng mga mag-aaral at magulang ang pondo para sa kapritsong proyekto.

Ang proyektong ito na nasa balangkas ng komersyalisasyon ng PUP ay maaaring mag-anak ng mga panibagong bayarin at mas mataas na mga singilin. Pinakamalamang, sa estudyante pipigain para sa operasyon ng gusali kung sakali mang maging operational ito. Taon-taon, kulang at papaliit ang pondong direktang inilalaan sa PUP at mga pamantasan.

Dapat labanan ng PUP ang pakanang kurakot sa kanilang pamantasan. Dapat ding tumindig ang mga mag-aaral sa iba pang mga pamantasan laban sa mga gatasang proyektong ito at igiit ang dagdag pondo para sa edukasyon, hindi sa kurupsyon.

Ang bagong student code ay instrumento ng panunupil sa kampus. Pantapat ito sa mga protesta ng mga mag-aaral kasabay ng pagpapatindi ng mga hakbangin sa pagkokomersyalisa ng UP at edukasyon.

Unang itinulak ang pagpapasa ng bagong code noong 2009, na matagumpay na napigil ng malawak na hanay ng mag-aaral, kaguruan at mga kawani. Muli itong binuhay noong 2012 at ratsadang ipinasa habang bakasyon ngayong 2014.

Pinupuspos ngayon ang proseso ng paglikha ng mga guidelines at pagpapatupad ng code.

Matapos ang matagumpay na protesta ng mga mag-aaral laban kay budget secretary Butch Abad kamakailan, inumang ang mga probisyon ng code sa mga mag-aaral at nagbantang gagamitin ang mga probisyon nito laban sa mga nagprotesta.

Tampok sa mga probisyon ng code ang pagpaparusa sa mga aktibidad na maituturing na “disorder, tumults, breach of peace or serious disturbances.” Gayundin, pinagbabawalan ang mga freshmen na sumali sa mga organisasyon at mag-organisa. Sinumang lumabag sa mga probisyong ito ay maaaring patawan ng suspensyon hanggang ekspulsyon.

Malinaw na binabawasan ng code ang tinig ng mga mag-aaral sa iba’t ibang mga usaping pangkampus at inaatake ang kalayaang pang akademiko.

Ang student code at iba’t ibang paraan ng panunupil sa kampus ay naglalayon ding pigilan ang paglaban ng mag-aaral laban sa rehimeng US-Aquino at sa bulok na sistema sa kalakhan. Pinatitindi nito ang pasistang katangian ng edukasyon at pinipigil ang paglawak ng progresibo at demokratikong kaisipan sa hanay ng mag-aaral.

Dapat labanan ang mapanupil na student code sa UP. Dapat likhain ang malawak na hanay ng mga mag-aaral, mga organisasyon, kaguruan at mga kawani para ibasura ang student code.

Kasabay ng paglaban sa panunupil sa kampus ang paglaban sa tumitinding komersyalisasyon at pagtaas ng matrikula. Dapat igiit ang demokratikong karapatan sa kampus at edukasyong makabayan, siyentipiko at pangmasa.

Dapat biguin ang tangkang supilin ang paglaban ng mga mag-aaral. Dapat lalong patindihin ang paglaban sa rehimeng US-Aquino at bulok sistema sa kalakhan.

Tinig September 2014 Issue.indd 6 10/8/2014 4:30:04 PM

Page 7: Sept 2014 IssueV5

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | SETYEMBRE 2014

Labanan ang militarisasyon sa Abra

Liham mula kay Geary, detinidong pulitikal

Mariing kinokondena ng Anakbayan ang patuloy na militarisayon sa Lacub, Abra sa pangunguna ng 41st Infantry Battalion ng pasistang Armed Forces of the Philippines (AFP). Sukdulan ang mga paglabag ng karapatang pantao sa kurso ng operasyong militar ng AFP sa Lacub noong Sept 4-6.

Kabilang dito ang sadyang pagpapaputok sa mga bahay ng mga sibilyan at ang paggamit ng 41st IB ng mga sibilyan bilang ‘human shields.’ Sa katunayan, may isang sibilyan na napatay ang AFP, si Noel Viste, nang tangkain niyang kunin ang bangkay ng isang nasawi sa bakbakan ng AFP at New People’s Army (NPA). Isa ring development worker, si Engr. Fidela Salvador ng Cordillera Disaster Response and Development Services, ang pinatay ng AFP sa kalagitnaan ng labanan.

Karumaldumal din na krimen ang ginawa mga pasistang tauhan ng AFP sa mga nadakip na NPA. Kahit nadakip na at walang kakayanang lumaban, pinaslang sila ng mga sundalo at nilapastangan ang kanilang mga bangkay. Kabilang sa mga walang awang pinatay ay si Recca Noelle Monte, dating kasapi ng Anakbayan at estudyante ng UP Diliman.

Sa papatinding operasyong militar ng AFP sa Lacub sa ilalim ng Oplan Bayanihan ni BS Aquino, napipinsala ang kabuhayan at

Ipinanawagan ko po sa lahat ng institusyon, sangay ng gobyerno, mga organisasyong masa, mga kabataan, atbp., na magsagawa ng imbestigasyon sa nagaganap na harassment at pananakit sa mga masa sa Carranglan, Nueva Ecija.

Malaki ang kaugnayan ng makapal na presensiya at kampo ng militar sa nalalapit na pagpapalayas sa mga magsasaka at masa bunsod ng mga nakakasang PPP projects at dahil na rin ibinubukas ni Aquino sa mga dayuhang korporasyon ang malawak na lupain ng Carranglan na hanggang ngayon ay isang “Public Land”, kahit na matagal na itong pinaunlad ng mga magsasaka.

Dito rin ang target na paglulunsaran ng JICA at iba pang mga proyektong magpapalayas sa daan-daang mga magsasaka. Ipinapakita rin na ang mga PPP projects na ito ay ginagawa lamang gatasan ng mga opisyal ng National at LGU. May mga karanasan na ang nagiging bunga ng mga PPP projects na ito ay pagpapalayas sa mga magsasaka, gaya ng nangyari sa mga nasa karatig lugar ng Carranglan, gaya ng Reforestation project ng EDC sa Maluyon, Tuli, Mining project ng Oceania Gold Runruao, Nueva Vizcaya, at haywey sa Aritao, Vizcaya na dadaan din sa Carranglan.

Ganun din, laganap ang paglabag sa karapatang pantao mula 2006 hanggang sa kasalukuyan. Mayroong mga kaso ng illegal na pag-aresto at tangkang pagpatay, gaya sa mga lider-magsasaka na sina Ernesto Bubod at Fernando

nalalagay sa peligro ang taumbayan. Hindi makabalik ang mga residente ng Lacub sa kanilang mga trabaho at taniman dahil sa takot sa karahasan ng militar. Nananawagan ang Anakbayan na itigil ang militarisasyon sa Abra. Dapat palayasin ang mga tropang militar at siguruhin ang kaligtasan mamamayan laban sa pang-aabuso ng mga pasistang tropa. Dapat imbestigahan ang mga malubhang paglabag ng karapatang pantao na ginawa ng 41st IB sa Lacub, Abra at panagutin ang AFP sa lahat ng mga krimen nito. Dapat higit na palakasin ang panawagan para patalsikin ang pasistang rehimeng BS-Aquino at ang pagbabasura ng Oplan Bayanihan. Dapat panagutin ang rehimen sa paglabag nito sa karapatan ng mamamayan.

Salazar, at ang pamamaslang ng Philippine Army sa ilang residente ng Sitio Balokok, masaker sa mga mangingisda sa Sitio Tuli, pagpaslang sa lider-magsasaka na si Pastor Andy Pawikan, at pagtortyur sa daan-daang mga magsasaka sa Carranglan at karatig-bayan nito.

Kamakailan lamang ay dinukot kami ng aking kasamahan na si Guiller Cadano sa Sitio Pimmaco, Carranglan. Ginapos, kinaladkad, at dinala sa isang liblib na lugar upang takutin, saktan, at paamining kami ay mga rebelled. Tinakot at sinaktan nila ang mga sibilyan sa lugar.

Itigil na ang walng-humpay na paglabag sakarapatang-pantao!

Pagbayarin ang 48th at 3rd IB sa pambubusabos nila sa mamamayan ng Carranglan!

Palayain ang mga bilanggong pulitikal!

Gerald Salonga, detinidong pulitikal

Tinig September 2014 Issue.indd 7 10/8/2014 4:30:06 PM

Page 8: Sept 2014 IssueV5

8 SETYEMBRE 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

PATNUGUTAN

PUNONG PATNUGOT | Orion YoshidaMGA KAWANI | Andrea Pauline Lim, Richard James Mendoza, Jaems Relativo, Ina Nacario, Jaque Eroles, Vencer Crisostomo, Bethany Pascua, Karlo Mikhail MongayaPAGLALAPAT | Edward Pastor

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, mag-email sa [email protected].

www.anakbayan.org facebook | Anakbayan Phils twitter | @anakbayan_ph

Matapos ang halos limang buwan, matagumpay na nagtapos ang kampanya ng mga manggagawa ng NXP. Matatandaan na sa unang bahagi ng taong ito kinaharap ng mga manggagawa ang dahas mula sa pamunuan ng NXP bunsod ng pagtanggi nito na umupo para sa collective bargaining na nagdulot sa pagtatanggal ng 24 na lider-manggagawa ng unyon.

Sa unang bahagi ng taong ito, matatandaang tinanggal ang 24 lider-manggagawa ng unyon at siniil ang union ng NXP na nasa gitna ng collective bargaining agreement (CBA). Hinarap ito ng serye ng mga protesta at demonstrasyon ng mga manggagawa ng NXP na sinuportahan ng iba pang mga unyon at iba’t ibang sektor. Maging sa ibayong dagat, umapaw ang suporta para sa union ng mga manggagawa.

Noong nakaraang Setyembre 26, nilagdaan ng pamunuan ng NXP at unyon ng mga manggawa ang CBA para sa taong 2014-2016. Ilan sa mga napagkasunduan ang 12.25% na umento sa sahod: 5.25% sa unang taon, 3.5% sa ikalawa at 3.5% sa ikatlo. Ireregularisa sa ilang mga kontraktwal na manggagawa.

Babalik na rin sa kanilang mga trabaho ang 12 sa 24 na iligal na tinanggal na mga lider-manggagawa habang ang nalalabing 12 ay bibigyan ng nararapat na kompensasyon.

Higit sa tagumpay na nakamit nila sa CBA, napatunayan ng mga manggagawa ang lakas ng sama-samang pagkilos sa pangunguna ng tunay, palaban at makabayang unyon. Sa kabila ng pasismo at paniniil ng pamunuan ng multinasyunal na NXP, nabigo ito sa pakana na buwagin ang unyon ng mga mangggawa sa NXP -- isa sa iilang natitirang unyon sa loob ng mga special economic zones (SEZs) sa bansa. Ito rin ay sa gitna ng mapaniil na mga patakaran sa SEZs gaya ng “no union, no stike policy,” tumitinding kontraktwalisasyon, at iba pa.

Welga ng mga manggagawa ng NXP, tagumapay

Ang NXP ang isa sa mga pinakamalaking militanteng unyon sa bansa na kasapi ng Kilusang Mayo Uno.

Ang laban na ito ay inspirasyon sa mga manggagawang Pilipino at mamamayang patuloy na nakikibaka laban sa kaapihan at pagsasamantala. Gayundin, panata ng mga manggagawa ng NXP na bantayan ang kanilang mga tagumpay at kumilos para sa tunay na panlipunang pagbabago.

Taas-kamaong pagpupugay ang ipinaabot ng Anakbayan sa mga manggagawa ng NXP. Pinagpupugayan ang mga unyon, organisasyon, institusyon at lahat ng mga indibidwal na walang sawang sumuporta sa kampanya ng mga manggagawa ng NXP.

Mabuhay ang uring manggagawa! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Tinig September 2014 Issue.indd 8 10/8/2014 4:30:08 PM