10
ARALI N 1 – SINING I. Layunin: 1. Nakikilala ang iba’t – ibang pag-unawa sa linya 2. Nakalilikha ng isang dibuhong magpapakita ng iba’t-ibang katangian ng linya II. Paksa A. Ang Kaalaman at Pag – unawa sa Linya B. Pagsasanib/Integration 1. EKAWP – Pagiging mapanuri/Pagpapahalaga sa mga pandama 2. FILIPINO – Pagkilala at paggamit sa mga pang – uri o salitang nag – lalarawan 3. SCIENCE – Pagkilala sa wastong gamit ng pandama III. Sanggunian / Kagamitan: A. BEC Sining 4, A,1,1.1 at 1.2;p. 109 B. Siuning sa Araw – Araw 4, mga larawan ng ibat – ibang uri ng linya; lapis, ruler, malinis na papel IV. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain/Pagganyak Pagsasanib ng Science/EKAWP - Pagtukoy sa mga pandama ng tao at pagkilala sa gamit ng bawat isa - Pag-usapan ang pagpapahalaga sa mga ito - B. Panlinang na Gawain 1. Ilahan at ipamasid ang sumusunod: - Ano ang tawag sa mga ito?

Sining Lesson Plan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Sining Lesson Plan

ARALI N 1 – SINING

I. Layunin:

1. Nakikilala ang iba’t – ibang pag-unawa sa linya

2. Nakalilikha ng isang dibuhong magpapakita ng iba’t-ibang katangian ng linya

II. Paksa

A. Ang Kaalaman at Pag – unawa sa Linya

B. Pagsasanib/Integration

1. EKAWP – Pagiging mapanuri/Pagpapahalaga sa mga pandama2. FILIPINO – Pagkilala at paggamit sa mga pang – uri o salitang nag – lalarawan3. SCIENCE – Pagkilala sa wastong gamit ng pandama

III. Sanggunian / Kagamitan:

A. BEC Sining 4, A,1,1.1 at 1.2;p. 109B. Siuning sa Araw – Araw 4, mga larawan ng ibat – ibang uri ng linya; lapis, ruler, malinis na

papel

IV. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain/Pagganyak

Pagsasanib ng Science/EKAWP- Pagtukoy sa mga pandama ng tao at pagkilala sa gamit ng bawat isa- Pag-usapan ang pagpapahalaga sa mga ito-

B. Panlinang na Gawain1. Ilahan at ipamasid ang sumusunod:

- Ano ang tawag sa mga ito?- Ano ang masasabi sa katangian ng bawat linya?

(Pagsasanib ng Filipino)Gumamit ng pang – uri sa paglalarawan ng katangian ng bawat linya at isulat ang mga ito sa pisara hal.:

Tuwid paalun - alonMakapal pasigsag

Page 2: Sining Lesson Plan

Mahaba atbp

2. Paghahanap ng mga bagay sa loob ng silid – aralan na nagtataglay ng mga guhit o linyang:

- Mapalad/mataba - matigas- Makitid - malabot

3. Pansining na Gawain:Sa malinis na papel, magpaguhit ng isang likhang sining na ginagamit ang ibat – ibang katangian ng linya tulad ng sumusunod:

C. Pangwakas na Gawain:Piliin ang may pinkamagandang likha at ipaskil sa paskilan.

IV. Pagtataya:

Iguhit ang sumusunod sa kwaderno:

1. Linyang makapal __________________________Manipis ________________________

2. Linyang patayo ___________________________Pahilis __________________________

3. Linyang pasigsag _________________________

4. Linyang paaun – alon _______________________

5. Linyang makitid ___________________________Makapal __________________________

Page 3: Sining Lesson Plan

Aralin 2 – SINING

I. Layunin:1. Naiuugnay ang kilos at awit sa ibat – ibang katangian ng linya2. Naipakikita ang kaalaman sa linya sa pamamagitan ng mga pagbibigay kahulugan sa

musika, pagkilos at pagsayaw.

II. PaksaA. Pagbibigay – Kahulugan sa mga Linya

B. Pagsasanib/Integration

1. EKAWP – Pagiging mapag – unawa /malikhain2. MUSIKA – Pakikinig sa musika at pag – uuri ng mga tunog3. PE – Pagkilos ng katawan habang sumasayaw

III. Sanggunian/Kagamitan:A. BEC Sining 4,1.3 – 1.4; p. 109

B. Sinign sa Araw – Araw 4; larawan ng iba’t ibang uri ng linya, iba’t ibang tugtugin (tape/tape recorder) lapis at papel.

IV. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain1. Balik-Aral

Anu – ano ang mga katangiang taglay ng linya?

2. PagganyakBakit kaya nasasabing magkaugnay ang sining at musika?

B. Panlinang na Gawain

Pagsasanib ng Musika at PE1. Magparinig ng isang tugtuging masigla.

(a.) Ano ang masasabi sa tugtugin?Ano kayang uri ng linya ang kapag ginuhit ay mukhang masigla? Aling linya ang nababagay sa tugtuging narinig?

Page 4: Sining Lesson Plan

(b) Pasayawin ang mga bata kasabay ng tugtuging masigla.- Malikot at mabilis ba ang nagging galaw sa pagsayaw?- Ipaliwanag kung paano naiuugnay ang kilos at awit sa ibat – ibang katangian ng

linya.

2. Gawaing Pansining- Iparinig ang isang malungkot o malumanay na tugtugin.- Magpaguhit ng kahit na anong linyang maisip batay sa damdamin ng nakikinig.- Pag – usapan/ipalarawan ang iginuhit ng bawat mag – aaral. Hingin ang opinion

o paliwanag ng bawat isa kung paano ito naiuugnay sa tugtuging narinig.

Hal: tugtuging malungkot – (mga guhit na paalun – alon)

C. Pangwakas na Gawain:Ipasagot/Ipaliwanag:

Ano ang kaugnayan ng sining, musika at pagkilos?

Gamitin ang mga tanong:- Anong uri ng tugtugin ang narinig? Masigla ba,malungkot o malumanay?

Ipaliwanag ang kaugnayan ng sining sa musika at pagkilos.

Page 5: Sining Lesson Plan

Aralin 3 – SINING

I. Layunin:1. Napaghahaambing ang likas at di-likas na hugis2. Nakalilikha ng kawili-wiling komposisyong ginagamitan ng likas at di-likas na hugis.

II. Paksa

A. Ang Mga Likas at Di-Likas na Mga Hugis

B. Pagsasanib/Integration1. EKAWP – Pagpapahalaga sa Kalikasan2. SCIENCE – Pagkilala sa mg abagay na organic3. MATH – Pagkilala sa mga geometric figures/ibat-ibang hugis4. PE – Paglalakad

III. Sanggunian/Kagmitan:

A. BEC. Sining 4,2.1 at 2.2 p. 109

B. Sinign sa Araw-Araw 4; Mga bagay na organic sa paligid; mga larawan ng iba’t ibang hugis na nasa tsart.

IV. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:- Pagganit ng isang masiglang awitin

Pagsanib ng PEIbigay ang mga pamantayan sa paglalakad nang wasto.- Lalakad sa paligid ng paaralan ang mga mag-aaral upang magmasid sa iba’t

ibang hugis ng mga bagay. Mamulot ng mga bagay naito na gagamitin sa aralin.

B. Panlinang na Gawain:Paglalahad/Pagpapaliwanag

Pagsasanib ng SCIENCE/EKAWP- Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “organic”- Ilahad ang mga bagay sa paligid at pag-usapan ang mga hugis nito. Bigyasng –

kahulugan ang likas na hugis.- Pag-usapan ang pagpapahalaga sa kalikasan.

Pagsasanib ng Math- Ilahad ng larawan/tsart ng iba’t ibang hugis.- Ipaliwanag kung ano ang di-likas na hugis.

1. Paghahambing sa likas at di-likas na mga hugis

Alin-aling bagay ang nagtataglay ng likas na hugis?Alin naman ang may di-likas na hugis?Anu-ano ang mga katangian ng di-likas na hugis?Ng likas na hugis?

Page 6: Sining Lesson Plan

Alin ang nakawiwili at kahanga-hangang tingnan?Sino sa palagay ninyo ang may likha ng mga bagay na may likas na hugis?

2. Gawaing Pansining:

Paggupit ng isang komposisyong ginagamitan ng likas at di-likas na mga hugis.a. Paghahandab. Pagtakda ng pamantayanc. C.paggupit

B. Pangwakas na Gawain:

1. Pagpaskil ng Gawain2.Pagsasabi ng tungkol sa nilikhang gawaing sining.

V. Takdang – Aralin:

Magdala ng krayola, malinis na papel,ruler at lapis.

Page 7: Sining Lesson Plan

Aralin 4 – SINING

I. Layunin:1. Natutukoy ang mga pangunahin,panmgalawa at pangatlong kulay sa “Color wheel”.2. Naipaliwanag kung paano nabubuo ang pangalawa at pangatlong kulay at nabubuo ang mga ito mula sa panmgunahing kulay.

II. Paksa

A. Ang kaalaman sa mga kulay

B. Pagsasanib/Integration

1.EKAWP – Pagpapahalaga sa kalusugan2. Science – Pagtatalakay sa kahalagahan ng mga prutas at gulay sa kalusugan

III. Sanggunian/Kagamitan:

A. BEC. Sining 4, 3.3.1-3.3; p. 110

B. Sining Araw-Araw 4’ krayola, lapis, ruler, malinis na papel, “color wheel.”

IV. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain/Pagganyak:

Nakakita nab a kayo ng bahaghari?Anu-ano ang mga kulay na makikita rito?

B. Panlinang na Gawain:

1. Pagpapkilala sa mga bagay na may pangalawa at pangatlong kulay sa pamamagitan ng tsart/color wheel.- Isa-isang ipatukoy ang mga kulay rito.

2. Pagpapakita ng mga bagay na may pangalwa at pangatlong kulay. Ipaliwanag kung paano nabubuo ang mga ito.

3. Pakitang gawa ng Guro:

a. Pagbuo sa mga pangalawang kulay: Hal: Sa pamamagitan ng kraola (dilaw at pula)Anong kulay ang nabubuo nito?

b. Pagbuo sa mga pangatlong kulay

4. Gawaing Pansining:- Magpaguhit ng iba’t ibang prutas- Ipakulay ang mga ito/Gamitin ang pangunahin, pangalawa at pangatlong kulay.

Page 8: Sining Lesson Plan

C. Pangwakas na Gawain:

Pagsanib ng Science aat EKAWPPag-usapan ang kahalagahan ng mga prutas at guly sa kalusugan; Talakayin ang mga

sustansiyang taglay ng mga ito. Paano napapanatili ang mabuting kalusugan? Bakit kailangang pangalagaan ang kalusugan?

V. Pagbibigay – Halaga:Piliin ang may pinakamagandang gawa at ipaskil sa paskilan.

VI. Takdang –Aralin:1. Gumawa ng color wheel.2. Magdala ng water color, malinis na papel, lapis at ruler.

Page 9: Sining Lesson Plan