3
BULUL (Bul-ul) Isang natatanging sining ng mga Ifugao ay ang paglikha ng iskultura. Pinakapopular rito ang “Bulul” bilang tradisyunal na iskultura ng lalawigan at sa Pilipinas lamang makikita. Ang Bulul (Rice god) ay nililok na anyong tao tao na may kaugnayan sa kanilang anito o dios – diosan. Ayon sa mga Ifugao, ang bulul ay inaasahan na magbabantay ng kanilang kamalig, bigasan, taniman at ari- arian habang sila ay tulog o wala sa tahanan. Ito rin ay nagbibigay ng masaganang ani at kanilang proteksyon sa anumang uri ng sakit o karamdaman. Ang mga sumusunod ay katangian ng Bulul: 1. Yari sa kahoy na Narra na siyang sumasagisag sa kayamanan, kaligayahan at sangkatauhan 2. Simpleng paglalarawan ng tao na nakaposisyon ng nakatayo o nakaupo. Ito ay may taas mula 30 hanggang 60 sentimetro. 3. Nililikha ang Bulul na kadalasan ay pares o magkasamang lalaki at babae. Paglikha sa Bulul Ang Bulul ay may malaking bahaging ginagampanan sa agrikultura ng mga Ifugao. Ito ay kasama sa aspetong ritwal mula sa pagtatanim ng palay hanggang sa pag-aani at pagtatago nito. Ang paglikha sa Bulul ay tumatagal ng lima hanggang 7 linggo at sinasaliwan ng ritwal at sayaw. Bawat bahagi sa paglikha ay nangangailangan ng seremonya mula sa maingat pagpili ng kahoy na gagamitin hanngang sa pagdadala sa may –ari ng bahay. Pinangungunahan ng “Mumbaki” (pari) ang ritwal na tinatawag na “Baki”. Pinupunasan o pinaliliguan ito sa pamamagitan ng dugo ng baboy, dinadasalan at binibigyan ng alay tulad ng alak at “rice cakes”.Ang bulul ay binibigyan ng kaukulang pag-iingat at paggalang. Paghihirap at sakit sa sinasabing idudulot ng anito sa mga tataliwas dito. MANLILILOK NG PAETE Ang Paete ay isang maliit na bayan sa lalawigan ng Laguna na matatagpuan sa hilagang silangang bahagi nito malapit sa Laguna de Bay.Unang tinawag na Pueblo De San Lorenzo ang lalawigan mula sa pangalan ng kanilang patron na si San Lorenzo na ibingay ng mga misyonerong pari Di nagtagal pinalitan ito ng salitang “Paete”na hango naman sa salitang “Paet’ (Chisel) na isang pangunahing kagamitan sa pag-ukit o wood carving. "Wood Carving Capital" Ang bayan ay lalong naging tanyag hindi lamang sa bansa kundi pati sa buong mundo dahil sa dami ng mga tao naging dalubhasa sa larangan ng Paglililok ng kahoy Mga Katutub ong Sining

Mga katutubong sining

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga katutubong sining

BULUL (Bul-ul)Isang natatanging sining ng mga  Ifugao ay ang paglikha ng iskultura. Pinakapopular rito ang “Bulul” bilang tradisyunal na iskultura ng lalawigan at sa Pilipinas lamang makikita. Ang Bulul (Rice god) ay nililok na anyong tao tao na may kaugnayan sa kanilang anito o dios – diosan.  Ayon sa mga Ifugao, ang bulul ay inaasahan na magbabantay ng kanilang kamalig, bigasan, taniman at ari-arian habang sila ay tulog o wala sa tahanan. Ito rin ay nagbibigay ng masaganang ani at kanilang proteksyon sa anumang uri ng sakit o karamdaman.Ang mga sumusunod ay katangian ng Bulul:

1. Yari sa kahoy na Narra na siyang sumasagisag sa kayamanan, kaligayahan at sangkatauhan

2. Simpleng paglalarawan ng tao na nakaposisyon ng nakatayo o nakaupo. Ito ay may taas mula 30 hanggang 60 sentimetro.

3. Nililikha ang Bulul na kadalasan ay pares o magkasamang lalaki at babae. 

Paglikha sa BululAng Bulul ay may malaking bahaging ginagampanan sa agrikultura ng mga Ifugao. Ito ay kasama sa aspetong ritwal mula sa pagtatanim ng palay hanggang sa pag-aani at pagtatago nito. Ang paglikha sa Bulul ay tumatagal ng lima hanggang 7 linggo at sinasaliwan ng ritwal at sayaw. Bawat bahagi sa paglikha ay nangangailangan ng seremonya mula sa maingat pagpili ng kahoy na gagamitin hanngang sa pagdadala sa may –ari ng bahay. Pinangungunahan ng “Mumbaki” (pari) ang ritwal na tinatawag na “Baki”. Pinupunasan o pinaliliguan ito sa pamamagitan ng dugo ng baboy, dinadasalan at binibigyan ng alay tulad ng alak at “rice cakes”.Ang bulul ay binibigyan ng kaukulang pag-iingat at paggalang. Paghihirap at sakit sa sinasabing idudulot ng anito sa mga tataliwas dito.

MANLILILOK NG PAETEAng Paete ay isang maliit na bayan sa lalawigan ng Laguna na matatagpuan sa hilagang

silangang bahagi nito malapit sa Laguna de Bay.Unang tinawag na Pueblo De San Lorenzo ang lalawigan mula sa pangalan ng kanilang patron na si San Lorenzo na ibingay ng mga misyonerong pari Di nagtagal pinalitan ito ng salitang “Paete”na hango naman sa salitang “Paet’ (Chisel) na isang pangunahing kagamitan sa pag-ukit o wood carving.

"Wood Carving Capital"Ang bayan ay lalong naging tanyag hindi lamang sa bansa kundi pati sa buong mundo dahil sa dami ng mga tao naging dalubhasa sa larangan ng Paglililok ng kahoy (wood carving). Itinuring na “Carving Capital of the Philippines” ang Paete, Laguna noong Marso 15, 2005 sa bisa ng Presidential Proclamation No. 809 na pinirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

POON AT IMAHENHindi lamang isang tourist destination ang Paete kundi isa ring Pilgrimage place. Ang bayan ay nakilala sa paglikha ng mga “poon” at iba’t ibang imahe ng mga santo na masinop na nililok at pinalamutian.

Mga Katutub

ong Sining

Page 2: Mga katutubong sining

TAKAIsa pang kilalang  sining na gawa sa Paete ang laruang “Taka” o paper mache sa hubog ng  tao at mga hayop ( karaniwang manok, kabayo at kalabaw.) Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagdidikit ng papel, paghuhulma at pagpapatuyo sa init ng araw. Ang hinulmang papel ay  pipintahan upang maging  makulay na laruan. Tanyag din ang Paete sa mga paglililok  ng kahoy sa mga lamesa at upuan, cabinet, pandispley at iba pang mga kasangkapan at kagamitan sa bahay.

Maranao

Isa pang natatanging tribong etniko sa Pilipinas na nagpapamalas na pambihirang kahusayan sa sining ay ang mga Maranao. Matatgpuan sila lalawigan ng Lanao sa Mindanao.

OkkirAng mga Maranao ay naging tanyag dahil sa kanilang kakaibang disenyo na tinatawag na “Okkir”. Ito ay tumutukoy sa geometriko at paikot-ikot na halamang baging na disenyo na ginagamit bilang motif sa sining at kagamitan ng Maranao at iba pang muslim sa Mindanao. Makikita ang okkir sa mga sumusunod na sining : 

SarimanokPangunahing sagisag ng kultura ng Maranao. Sinasabing ang ibong may isda sa bibig ay naglalarawan ng maunlad nabuhay at kultura ng Maranao sa tabi ng Lawa ng Lanao.  Ito ay nagtataglay ng makulay na pakpak, mabalahibong buntot at mapalamuting ulo na pinaniniwalaan din na nagdadala ng swerte.

Torogan at PanulongMakikita pa ang istilong Okkir sa Torogan o tahanan ng mga Maranao na may matataas na katayuan sa lipunan. Sinasagisag nito ang katanyagan at karangyaan. Pinakamahalagang bahagi ng tahanang  ito ang  Panolong o inukit na “beam” na nakausli sa harapan ng bahay. 

MalongAng Malong ay nagtataglay ng disenyong ‘Okkir” Ang Disenyong Okkir ay nakaukit   din ito sa  mga hawakan ng kutsilyo at espada at iba pang mga bagay na yari sa pilak at tanso. Halos lahat ng kasangkapan at gamit ng mga Maranao ay nagtataglay ng Disenyong Okkir.