34
Proyekto ng Grupong Upo

Suplay at Demand

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Proyekto ng Grupong Upo

Ang Panustos at Pangangailangan

ay isang pang-ekonomiyang huwaran o modelo ng pagtukoy ng halaga o presyo sa

isang pamilihan.

Nilalagom nito na ang isang pamilihang may tagis o kompetitibo, ang pangyunit na presyo para sa isang partikular na bagay ay magbabago hanggang sa pumirmi ito sa isang punto kung saan ang daming hinihingi o kinakailangan ng mga tagakonsumo (sa pangkasalukuyang halaga) ay katumbas ng daming maipampupuno ng mga prodyuser o tagagawa ng produkto (sa pangkasalukuyang presyo), na kinareresultahan ng ekilibriyong pang-ekonomiya (katatagan ng ekonomiya) ng presyo at ng dami.

1.) Kapag ang pangangailangan ay tumataas at ang pampuno ay nananatiling hindi nagbabago kung gayon may mas mataas na matatag na presyo at dami (kantidad).

2.) Kapag ang pangangailangan ay bumababa at ang dami ay nananatiling magkapareho o magkatulad kung gayon may mas mababang katatagan ng halaga at ng dami.

3.) Kapag tumataas ang pampuno at nananatili ang pangangailangan kung gayon may mababang katatagan ng presyo at may mas mataas na dami.

4.)Kapag bumababa ang pampuno at nananatili ang pangangailangan kung gayon may mas mataas na halaga o presyo at mas mababang dami.

Ang demand ay tumutukoy sa relasyon sa pagitan ng presyo at dami na demanded para sa isang partikular na produkto o serbisyo sa isang partikular na pagkakataon.

Para sa bawat presyo, ang relasyon ng demand ang magsasabi ng dami na nais bilhin ng mga mamimili sa isang katugmang halaga.

Ang dami na gustong bilhin ng mga mamimili sa isang partikular na presyo ay tinatawag na quantity demand sa Ingles at dami na pangangailangan sa wikang Filipino.

Mahalagang maliwanagan mo ang pagkakaiba sa pagitan ng dami na demanded at demand.

Tinatawag itong iskedyul ng demand o

demand schedule sa

wikang Ingles

Demand para sa Chocnut

1. Kita ng mamimili; 2. Panlasa o antas ng pagkagusto ng konsyumer o mamimili para sa produkto o serbisyo; 3. Presyo ng mga kaugnay na produkto o serbisyo gayan ng: (a) pamalit na produkto o produktong nakikomptensya sa produkto sa opinion ng mamimili); at (b) produkto o serbisyong komplementaryo na kasamang ginagamit ng

produkto sa opinyon ng mamimili);

4. Ekspektasyon o tinatantiyang presyo ng produkto; 5. Populasyon 6.okasyon.

Ang suplay ay tumutukoy sa relasyon sa pagitan ng presyo at dami ng isang partikular na produkto o serbisyo na isinusuplay ng prodyuser o tindero sa isang partikular na pagkakataon.

Ang suplay ay tumutukoy sa relasyon sa pagitan ng presyo at dami ng isang partikular na produkto o serbisyo na isinusuplay ng prodyuser o tindero sa isang partikular na pagkakataon.

Ang dami na nais ibenta ng mga nagtitinda sa isang partikular na presyo ay tinatatawag na dami ng isinuplay o quantity supplied sa Ingles.

Iba pang mga Salik na Nakakaapekto sa Suplay

(1) teknolohiya; (2) halaga ng produksyon; (3) bilang ng mga nagbebenta; (4) presyo ng mga kaugnay na produkto; (5) ekspektasyon sa presyo; (6) buwis at mga subsidi; at (7) panahon o klima

Mrs. Tria