Takdang Aralin Sa AP

Embed Size (px)

Citation preview

TAKDANG ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN- Janina May M. Roque - II-Garnet

ZOROASTRIANISMOAy isang relihiyon at pilosopiya na batay sa mga aral ni Zoroaster (kilala rin bilang Zarasthustra sa Avestan). Ito ay

dating pinakamalaking relihiyon sa mundo. Nagsimula ito noong 6 na siglo BCE sa Greater Iran. Itinuturo ng Zoroastrianismo na ang tap ay may karapatang pumili sa pagitan ng tama o mali.

TAOISMO

Ay tumutukoy sa ibat ibang magkakaugnay na pangpilosopiya at pang-relihiyon na mga tradisyon at kaisipan. Naimpluwensiyahan ang Silangang Asya ng mga tradisyon na ito sa loob ng dalawang libong taon at lumaganap sa Kanluran. Ang Pangalang Taoism ay nagmula sa tao, salitang Tsino na ang ibig sabihin ang daan. Naniniwala ang Taoist na pinakamahalagang mamuhay sa natural sa pamamaraan, Ang tao ay dapat umayon sa kalikasan. Ang mga paghihirap, pagdurusa, sakit at problema ng tao ay resulta ng di pagsunod sa paraan ng kalikasan.

SIKHISMO

Ay isang monoteyistikong relihiyon, o isang anyo ng pananampalatayang naniniwala sa iisang Diyos. Tinatawag na mga Sikh ang mga nananampalataya nito, at tinatawag na Guru Granth Sahib ang kanilang banal na aklat. Mayroon itong 20 milyon mga tagasunod kung kayat ito ang ika-limang pinakamalaking relihiyon sa mundo.

JAINISMOAy isang ateistang doktrina na naniniwala na mayroong gumawa ng sadaigdigan. Ayon pa ditto, sandaigdigan ay puno ng mga kaluluwang palipat-lipat ng tirahan kayat pabago-bago ang anyo; ang pangyayaring ito ay tinatawag na samsara.

HINDUISMOAy isang relihiyon na nagmula sa kontinente ng India. Ang Hinduismo ay ang pinakamalaki at kilalang tradisyong relihiyon sa India, na may 80.5% ng populasyon na kinikilala bilang Hindus.

ISLAMAy isang pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Isang Abrahamikong relihiyon ang Islam, kasama ang Kristiyanismo at Hudaismo, kayat malapit na kamag-anak ito ng dalawang huling pananampalataya.

CONFUCIANISMO