2
TATLONG URI NG CINEMA AYON KINA FERNANDO SOLANAS AT OCTAVIO GETINO Mula sa sanaysay na “AANHIN PA ANG KRITIKA KUNG PATAY NA ANG PELIKULA” Ni Clodualdo del Mundo, Jr. (mula sa aklat na Buhay at Lipunan, ni Teresita Fortunato) UNANG CINEMA Ito ang pelikula ng mga kapitalista. Nakabase sa dikta/naisin ng prodyuser Sumusunod sa uso at napapanahon (Hal. Masaker, true-to-life at horror films) May mga nagmumula sa komiks at mga kwento/balita sa pahayagan. Isang industriya na gumagaa ng komoditi at nagkataong ganoon ang sistema ng kumikitang produksyon (Star at formula system) Ginagawa ang pelikula para kumita. IKALAWANG CINEMA Kilala bilang Cinema ng mga Burgis Ang pagbibigay katuparan ng mga ilang filmmaker sa tawag ng sining sa labas ng sistema. Ito ang cinema ng mga awtor (Hal. Art Cinema ng dekada ’50 at ’60, pelikula nina Fellini, Bergman, Richardson, filmmaker ng nouvelle vogue, Godard, Truffaut at Resnais. Maaaring si Lino Brocka ang ituring sa ating bakuran. PANGATLONG CINEMA (Konseptong binuo nina Solanas at Getino) Bagama’t umusbong ito mula sa natatanging panahon sa Argentina, may sinasabi ito para sa iba’t ibang bayan sa Latin Amerika, Asya, Afrika, para sa mga kondisyong neokolonyalismo. Para kina Solanas at Getino, hindi naging sapat na alternatibo sa sistema ang pangalawang cinema, dahil sa

Tatlong Uri Ng Cinema

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tatlong Uri Ng Cinema

TATLONG URI NG CINEMA AYON KINA FERNANDO SOLANAS AT OCTAVIO GETINO

Mula sa sanaysay na “AANHIN PA ANG KRITIKA KUNG PATAY NA ANG PELIKULA” Ni Clodualdo del Mundo, Jr. (mula sa aklat na Buhay at Lipunan, ni Teresita Fortunato)

UNANG CINEMA Ito ang pelikula ng mga kapitalista. Nakabase sa dikta/naisin ng prodyuser Sumusunod sa uso at napapanahon (Hal. Masaker, true-to-life at horror films) May mga nagmumula sa komiks at mga kwento/balita sa pahayagan. Isang industriya na gumagaa ng komoditi at nagkataong ganoon ang sistema ng

kumikitang produksyon (Star at formula system) Ginagawa ang pelikula para kumita.

IKALAWANG CINEMA Kilala bilang Cinema ng mga Burgis Ang pagbibigay katuparan ng mga ilang filmmaker sa tawag ng sining sa labas ng

sistema. Ito ang cinema ng mga awtor (Hal. Art Cinema ng dekada ’50 at ’60, pelikula nina Fellini,

Bergman, Richardson, filmmaker ng nouvelle vogue, Godard, Truffaut at Resnais. Maaaring si Lino Brocka ang ituring sa ating bakuran.

PANGATLONG CINEMA (Konseptong binuo nina Solanas at Getino) Bagama’t umusbong ito mula sa natatanging panahon sa Argentina, may sinasabi ito

para sa iba’t ibang bayan sa Latin Amerika, Asya, Afrika, para sa mga kondisyong neokolonyalismo.

Para kina Solanas at Getino, hindi naging sapat na alternatibo sa sistema ang pangalawang cinema, dahil sa kalaunan ay nagagamit din ito ng sistema at kung tutuusi’y hindi ito tahasang lumalaban sa sistema.

Ang istruktura ng produksyon ay hindi dapat nagmumula sa itaas pababa, kundi isang pagbubuo ng pelikula na hindi nakasalalay sa iisang pag-iisip, kundi sa tulung-tulong na pag-iisip ng grupo.

Pinupuntirya nito ang pagbabago ng lipunan at ng buong bansa. Ang dapat mangibabaw sa pelikula ay ang tema at hindi ang mga tauhan. Ang bayani ay hindi ang indibiduwal kundi ang masa. Ang pelikula ay hindi pagtakas kundi paghuli sa katotohanan. Ang sinehan ay isang malayang espasyo dahil hindi ito nasasakop ng ideolohiya ng

sistema. Ang pelikula ay hindi palabas kundi isang pagkilos.

Page 2: Tatlong Uri Ng Cinema

Ang hinahanap na reaksyon ay hindi pananamlay, kundi ang masigasig na paglaban. Ang manonood ay isang aktor. Ang manonood ng ikatlong cinema ay inaasahang bumangon, lumaban, dahil ang

tinalakay ng pelikula ay kailangang aksyunan. Ang pelikula ng Ikatlong Cinema ay bukas, dahil nga nasa pagpapatuloy ng

manonood/aktor ang katuparan nito. Ang pelikula ay isang pretext lamang, isang simula lamang ng mga aksyong susunod pa. Dahil sa rebolusyunaryong tunguhin ng pangatlong cinema, tinatagurian itong radikal,

guerilla cinema, cinema ng liberasyon, cinema ng dekolonisasyon, at ngayo’y tatagurian kong (del Mundo) pangarap na cinema ng Filipino.

Maaari kayang magkaroon ng pangatlong cinema sa ating bayan?