41
Teorya at Pananaw sa Pagtuturo ng Pagbasa

Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Paper

Citation preview

Page 1: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Teorya at Pananaw sa Pagtuturo ng

Pagbasa

Page 2: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Ang Proseso ng Pag-unawa sa Pagbasa

Layunin ng pagtuturo ng pagbasaang malinang sa mag-aaral angpagbasang may pang-unawa okomprehensyon.Ngunit batay sa mga pananaliksik,ang pagtuturo ng komprehensyon ayhindi gaanong napagtutuunan ngpansin.

Page 3: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Ano ba ang komprehensyon?

Ang pagbasang may komprehensyon aypagbuo ng mga tulay na mag-uugnay sadating kaalaman tungo sa bagongkaalaman. (Pearson at Johnson , 1978)Sa maikling salita, ugnayan ng teksto atng kaalaman ng mambabasa.

Page 4: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Modelo ni Rumelhart (1977) ng Interaktibong Pagbasa

Input mula sa teksto

Kahulugan

Talasalitaan

Pagkilala Gramar o Balarila

Kohesyon

Organisasyon / Kayarian ng Teksto

Dating kaalaman

Kasanayan sa paghinuha

Page 5: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Mapapansing ang dating kaalamanng mambabasa at ang mga kasanayansa paghinuha ang nasa sentro ngmodelo, pagpapatibay ng paniniwalangang komprehensyon ay pag-uugnayng impormasyon mula sa teksto atimpormasyon na nasa isipan ngmambabasa.

Page 6: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Ginagamit naman ng mambabasa ang mga impormasyon tungkol sa:

pagkilala ng salitatalasalitaangramarkohesyon at kayarian ng teksto

upang maiugnay ang bagong imporma-syon sa dati niyang kaalaman.

Page 7: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Mahalaga ang dating kaalaman oiskima ng mambabasa tungkol sateksto.

Kung kulang sa angkop nakonseptong kaugnay ng teksto,magiging suliranin angkomprehensyon.

Mahalaga bago bumasa angpaglinang ng mga dating konseptongnalalaman ng mambabasa na kaugnayng tekstong babasahin.

Page 8: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Sinasabing kung walang pag-unawa ay walang pagbasangnagaganap. Ayon kay Goodman(1969) ang pagbasa ay nagigingmakahulugan kung may interaksyonang mambabasa at ang teksto.

Nagagamit ng bumabasa ang mgadati na niyang kaalaman atkaranasan upang iugnay sabinabasa at sa ganitong paraannauunawaan niya at nasusuri angbinabasa.

Page 9: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Ang pagbasa ay higit pa sainteraksyon sa pagitan ng nagbabasaat ng teksto (Johnson, 1983).

Binigyan ito ni Johnson ngkahulugan bilang isang kumplikadonggawi na binubuo ng may malay o walangmalay na paggamit ng iba’t ibangistratehiya, kasama ang mga istratehiyasa paglutas sa suliranin upang makabuong modelo ng kahulugan na inaasahanng awtor ng teksto na matatamo.

Page 10: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Sina Goodman (1977) at Smith(1973) ay nagsabi na ang mgakonsepto na dala ng nagbabasa sateksto ay mahalaga kaysa sa tekstomismo para sa pag-unawa o pagbuong kahulugan. Ang mga konseptong itoay nagagamit kapag ginagawa ngnagbabasa ang top-down napagpoproseso sa teksto.

Page 11: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Ngunit may problema rin kunglaging nakaangkla ang nagbabasa satop-down na paraan o sa paggamitng sariling iskima sa pag-unawa namaaaring batay sa kanyang kulturalna iskimata na hindi katumbas ngnais na ihatid ng ideya ng awtor.

Page 12: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Basahin ang talata. Tungkol saankaya ito? Paano mo nalaman?

Ang peryodiko ay mabuti kaysamagasin. Ang dalampasigan ay masmabuting lugar kaysa daan. Sa simulamabuti ang tumakbo kaysa maglakad.Kailangan mo itong subukan nangilang ulit. Kailangan ang kasanayanpero madali itong matutuhan.

Page 13: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Kahit ang mga bata ay nasisiyahanggawin ito. Kapag nagtagumpay, angmga kumplikasyon ay kakaunti nalamang. Ang mga ibon ay iniiwasanito. Pero kapag maraming tao anggumagawa nito ay magkakaroon ngproblema. Kailangan ang maluwang nalugar. Ngunit kapag ito’y nakawala,wala nang pangalawang tsansa.

Page 14: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Ano ang hula ninyo?

Tulad ng sinabi niGoodman (1970) ang pagbasa ayisang saykolinggwistikong laro ngpanghuhula (psycholinguisticguessing game). Paano ninyonahulaan ang sagot?

Page 15: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Mga Teorya sa Pagbasa

Ang Teoryang IskimaAng komprehensyon o pang-

unawa ay proseso ng pag-uugnayng mga kaalaman sa paksa atkaalaman sa pagkakabuo ngmahahalagang salik sa pag-unawa. (Pearson, 1978)

Page 16: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Ang lahat ng dating nararanasan atnatutuhan ay nakalagak sa isipan atmaayos na nakalahad ayon sakategorya. Ang mga iskimang ito aynadaragdagan, nalilinang, nababago atnapauunlad (Pearson at Spiro, 1982).

Page 17: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Sa kasalukuyang pananaw, angmambabasa bago pa man niyabasahin ang teksto ay may ideyana siya sa nilalaman nito batay sadati niyang iskima sa paksa.

Binabasa niya ang teksto upangpatunayan kung ang mga hinuha /ekspektasyon niya ay wasto, maykulang o dapat baguhin.

Page 18: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Ang teksto ay lunsaran lamango resors sa pagbuo ng kahulugan.Hindi ang teksto ang sentronginiikutan ng pang-unawa kundi angtekstong nabubuo sa isipan ngmambabasa. Ang kahulugang nabuosa isipan ng nagbabasa ang batayankung nauunawaan niya ang binasa.

Page 19: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Implikasyon sa Pagtuturo ng Pagbasa (Pearson 1979)

1. Iniuugnay ang dating kaalaman sabagong impormasyong nabasa.

2. Nakasubaybay (monitor) sa kanilangpang-unawa habang bumabasa.

3. Gumagawa ng kaukulang aksyongpanlunas sa mga bahaging hindi paniya maunawaan.

Page 20: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

1. Nakapipili ng mahalagang ideya sa tekstong binasa.

2. Nakapagbubuod ng mga impormasyong binasa.

3. Patuloy na nakapagbibigay-hinuha bago bumasa.

4. Bumubuo ng tanong mula sa kanilang binabasa tungkol sa paksa.

Page 21: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Interaktibong Teorya sa Pagbasa

Ang isang magaling na mambabasaay gumagamit ng dalawang uri ng paraan sa pagproseso ng kaalaman mula sa teksto.(Carell at Eisterhold,1983)

Page 22: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

1. Paraang bottom-up o pag-unawa sa teksto batay sa mga nakikita rito tulad ng mga:

- salita- pangungusap- larawan- dayagram - iba pang simbolo

Page 23: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Tinawag ito ni Smith (1983) na text-based, outside-in o data-driven sa dahilang ang impormasyon ay hindi nagmula sa mambabasa kung hindi sa teksto.

Page 24: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

2. Ang paraang top-down o pag-unawa batay sa kabuuang kahuluganng teksto

Tinatawag din itong reader-based, inside-out o conceptually-driven sa dahilang ang kahulugan oimpormasyon ay nagmula samambabasa patungo sa teksto.

Page 25: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Nangyayari ito kung ang mambabasaagumagamit ng kanyang dating kaalamanprior knowledge) at mga konsepto o

kaalaman (schema) na nabuo na sa kanyangsipan batay sa kanyang mga karanasan atpananaw sa paligid.

Page 26: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Nakabubuo siya ng mga palagay athinuha at ito ay iniuugnay niya sa mgaideya na inilahad ng awtor sa teksto.

Nagaganap ang interaksyon sa pagitanng mambabasa at teksto

Nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ngisang mambabasa ang kaalaman niya saistruktura ng wika at sa talasalitaankasabay ang paggamit ng datingkaalaman at mga pananaw.

Page 27: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Narito ang mga kasanayan sapagbasa na ginagawa sa klase.Tingnan at uriin kung paano angpagpoproseso rito ng mga mag-aaralayon sa dalawang paraan: Bottom-upo Top-down.

1. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasa

2. Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari

Page 28: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

3. Pagbibigay ng hinuha o palagay4. Pagtukoy sa sanhi at bunga5. Pagbibigay ng wakas sa kuwento6. Paglalarawan ng tauhan7. Pagbibigay ng buod ng kuwento8. Pagbibigay ng sanhi at bunga9. Pagbibigay ng reaksyon sa binasa10. Paggawa ng direksyon o mapa

batay sa binasa

Page 29: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Implikasyon sa Pagtuturo

Ang mga gawain sa pagbasa nanaaayon sa interaktibong pananaw aynagbibigay ng pangunahing diin sapaggamit ng mga dating kaalaman atkonsepto ng mga mag-aaral sakanilang paligid. Ang bawat bahagi nggawaing pagbasa ay kakikitaan ngaktibong partisipasyon ng mga mag-aaral.

Page 30: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

A. Bago BumasaAng mga mag-aaral ay binibigyan

na ng mga gawain bilang paghahandasa pagbasa ng teksto.

1. Pagbibigay ng guro ng bago opanimulang impormasyon tungkol sapaksang babasahin (kung wala okakaunti ang kaalaman ng paksa).

Page 31: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

2. Pagtalakay sa mahihirap na salita(kung mayroon) na matatagpuan sateksto at pag-uugnay nito sa datingkaalaman ng mga bata.3. Paggamit ng dating kaalaman(prior knowledge) ng mag-aaral sapag-unawa ng bagong ideya opaksa.

Page 32: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

4. Paggamit ng mga larawan,pamagat, mga bahagi ng teksto upangmagkaroon ng pangunahing ideya angmga mag-aaral sa babasahing teksto.5. Pagbibigay ng pangunahingpagsasanay na kailangan sa pagtuturong bagong kasanayan (prerequisiteskills).

Page 33: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

6. Pagbibigay sa mga bata ng layuninsa pagbasa. Ano ang pag-uukulan nilang pansin sa pagbabasa? Mga tauhanba, pangyayari o pag-alam sa sanhi atbunga?

Page 34: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

B. Habang Bumabasa

Ang mga bata ay magsasagawang mga gawain na ipinakikita anginteraksyon nila sa teksto.1. Pagsagot sa mga tanong nanakasulat sa blakbord o teksto habangnagbabasa.2. Pagbuo ng mapa o direksyonayon sa binabasa.

Page 35: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

3. Pagpupuno ng balangkas, table ograp.4. Pagsusuri sa organisasyon ng tekstoat pagbuo ng dayagram ng mgakaisipan (semantic map, outline,graphic organizer).

Page 36: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

5. Paglalagay ng guhit (underlining) samahahalagang kaisipan oimpormasyon na nakikita habangnagbabasa.6. Pagtatala ng mahahalagangimpormasyon at pansuportang detalye.

Page 37: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

C. Pagkatapos Bumasa1. Pagbubuo ng mga tsart na ipinakikita angpagkaunawa sa binasa tulad ng:- pag-uugnayan ng mga pangyayari (plotrelationship chart)- sanhi at bunga

(cause and effect chart)- pagkakatulad at pagkakaiba(comparison/contrast chart)2. Paggawa ng semantic web (pangtauhan,mga pangyayari, saloobin)

Page 38: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

3. Paggawa ng balangkas ng mga bahaging kwento (story grammar)4. Pagpupuno ng frame tungkol sa mgabahagi ng kwento (story frame)5. Pagpupuno ng tsart (What I Know,What I Want to Know, What I Learned)6. Pagbubuod ng binasa

7. Pagbibigay ng reaksyon, paghusgao saloobin tungkol sa binasa

Page 39: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Pananaw sa Pagtuturo ng PagbasaNoon Ngayon1. Pagsagot sa mga

tanong tungkol sa binasa- produkto.

2. Nakadepende sa teksto ang bumabasa

3. Walang alam ang mambabasa sa teksto

4. Walang pag-hahanda bago bumasa

1. Pag-unawa sa binasa - proseso

2. May interaksyon sa pagitan ng bumabasa at teksto

3. Paggamit ng dating kaalaman at iskima ng mag-aaral

4. May mga gawain na bago pa bumasa

Page 40: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]

Pananaw sa Pagtuturo ng PagbasaNoon Ngayon1. Walang konteksto

ang pagtuturo ng talasalitaan

2. Hindi nakikita ang pag-ugnayan ng pagbasa at pagsulat

1. Iniuugnay ang talasalitaan sa karanasan at konteksto

2. Ginagamit ang pagsulat at pag-unawa ng binasa

Page 41: Teorya at Pananaw Sa Pagtuturo Ng Pagbasa FINAL[1]