Teorya sa Panitikan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Uri ng Panitikan

Citation preview

The Prophet(book)

FEB9

PANITIKANG PILIPINOPartido State UniversityGoa, Camarines SurA/Y 2012-2013ESTEFANIO RHEA A. BSED 2B([email protected])

HOW TO PREPARED HANDOUTSPANITIKANG PILIPINOAngpanitikanay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.Ang salitangpanitikanay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugangliteratura(literature), na angliteraturaay galing sa Latin nalitterana nangunguhulugangtitik.Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng ibat ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.Mga teoryang pampanitikanKLASISMOIto ay ang mga sinulat ng mga dakilang manunulat. Mgahalimbawa nito ay ang MARS CITY, FUSE BOX, POSPORO.

HUMANISMOSa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng Humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kayat kailangang ma-ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya.Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala ang kultura.

IMAHISMO

Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya

REALISMOIpinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

KULTURALtumutukoy sa mga kwenotng base sa isang kulturang pinaghanguan ng kwento o tula.

BAYOGRAPIKALang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa.

HISTORICALang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang ating pananampalataya

MARKSISMO

inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping lakas.

ROMANTISISMO

ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.

DEKONSTRAKSYON

ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong baguhin ang katapusan at pwede ka ding mag dagdag nga mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhain ang mga namatay na sa akda!

EKSESTINSYALISMOhinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran

SOSYOLOHIKALAng teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin sy nsgiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Sa kuwentong TATA SELO ni Rogelio Sikat ay masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri.

FORMALISMang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuri; samakatwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang formalismo. ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang: nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng pagkakasulat ng akda..

FEMINISMOang Feminismoay tumutukoy sa kalaksan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento o akda.

ARKITAYPTeoryang Arkitaypalv Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam

Dalawang Uri ang Panitikan1.Patula Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong.Kabilang ditto ang mga sumusunod:tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pangtanghalan, at patnigan.2.Tuluyan o Prosa Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap.Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda.Kabilang ditto ang mga sumusunod:maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balitaateditoryal. Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino1.Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing ating pinagmulan.2.Upang matalos natin na tayoy may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa ibat ibang mga bansa.3.Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.4.Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad.5.Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan.Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin. Uri ng Panitikan1. KATHANG-ISIP (FICTION) -ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento, nobela at iba pa.2. HINDI KATHANG -ISIP- ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulas ng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan.

=Halimbawa ng Panitikan1.) Alamat2.) Bugtong3.) Salawikain o Sawikain4.) Epiko5.) Pasyon6.) Talumpati7.) Tula8.) Tayutay9.) Parabula10.) PalaisipanALAMATAngalamatay isang uri ngpanitikanna nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mgataoatpook,at mayroong pinagbatayan sakasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mgamitoatkuwentong-bayan.Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng ingles.

ALAMAT NG IBONBUGTONGAngbugtong,pahulaanopatuturanayisangpangungusapotanongna may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isangpalaisipan(tinatawag dingpalaisipanang bugtong).[1]May dalawang uri ang bugtong: mgatalinghaga(oenigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryangwikana nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilaypara sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot. Ako'y may tapat na kaibigan, Saan man ako magpunta kasama ko kahit saan.

SAGOT; ANINOSAWIKAINAngsawikainay maaaring tumukoy sa;idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.salawikain, mga kasabihan o kawikaan.SALAWIKAINAngsalawikainay binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang naghahayag ng mga gintong aral.Pinaniniwalan na ang mga salawikain ay kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating makabagonghenerasyon.Nabuo ang mga salawikain o kasabihan ng ating mga ninuno na may makatang kakayahan o kaisipan at nakapagbibigay ito ng aral, paala-ala o gabay sa mga kabataan upang maiwasto ang mga pamantayan ng pamumuhay.Dahil sa salawikain o kasabihan ay naitatanim sa kaisipan ng mga kabataan ang kabutihang asal, kadakilaan, pagmamahal sa bayan at sa kapwa tao, maging sa paglilingod sa Diyos na sinasampalatayanan natin na siyang nagpapala sa kaniyang mga nilalang.PARABULAAngParabulaay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.EPIKOAngepikoay uri ngpanitikanna tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ngkabayanihanna punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mgaPilipinoay may maipagmamalaking epiko.TALUMPATIAngtalumpatiay isang buod ngkaisipano opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ngpagsasalitasa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ngkomunikasyongpampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.Siningito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag naimpromptusawikang Inglesang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang.TAYUTAYAngtayutayaysalitao isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ngtalinghagao di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.References:Amado Vera Hernndez(1903-1970) http://www.takdangaralin.com/filipino/panitikan/panitikang-pilipino-ang-panitikan-at-mga-uri-nito/Roberto T. Aonuevo(201O)http://blogger

HYPERLINK "http://blogger-pinoy.blogspot.com/2011/12/parabula.html" pinoy.blogspot.com/2011/12/parabula.htmlROGELIO L. ORDOEZ(2010)http://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpati.wikipedia.org/wiki/TayutayFanny Abalos Garcia(1949)wikipedia.org/wiki/Alamatwikipedia.org/wiki/Bugtongwikipedia.org/wiki/Sawikain answers.com/Q/Ano_ang_kahulugan_ng_salawikain.wikipedia.org/wiki/EpikoPREPARED BY;ESTEFANIO RHEA A. BSED 2BPREPARED TO;DR. MYRNA C. BIGUEJAPinost9th February 2013niRHEA ESTEFANIO9Tingnan ang mga komento