12
The Catalyst The Official Student Publication of the Polytechnic University ‘‘To Write not for the People is Nothing.’’ Pro-Students, Pro-Masses of the Philippines P U P LATHALAIN11 BALITA02 KOMUNIDAD04 Para sa 3 bilyong badyet ng PUP, March as One Campaign, inilunsad Mensahe sa League of Editors for a Democratic Society Nagrekrut na naman ng Rebelde ang Estado LITERATURA08 EDCA: Mga Sangkap ng Lason sa mga Pilipino Nakahanda na ang lahat. Nakasabit na ang mga banderitas pati na rin ang mga bandila. Tumutugtog na ang banda at nagsimula na ang pagtatanghal sa pistang pansalubong sa amo. Lathalain p.8 Silang nagpapanday

The Catalyst March - May 2014 issue

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: The Catalyst March - May 2014 issue

The Catalyst VOL. XXVIII NO. 3MARCH-MAY 2014TheCatalyst

The Official Student Publication of the Polytechnic University

‘‘To Write not for the People is Nothing.’’Pro-Students, Pro-Masses

of the Philippines

P U P

LATHALAIN11

BALITA02

KOMUNIDAD04

Para sa 3 bilyong badyet ng PUP,

March as One Campaign, inilunsad

Mensahe sa League of Editors for a Democratic Society

Nagrekrut na naman ng Rebelde ang Estado

LITERATURA08

EDCA: Mga Sangkap

ng Lason sa mga Pilipino

Nakahanda na ang lahat. Nakasabit na ang mga banderitas pati na rin

ang mga bandila. Tumutugtog na ang

banda at nagsimula na ang pagtatanghal sa

pistang pansalubong sa amo.

Lathalain p.8

Silang nagpapanday

Page 2: The Catalyst March - May 2014 issue

The CatalystVOL. XXVIII NO. 3MARCH-MAY 201402 BALITA

SHIENA MAE VILLAS

“Aklas!” Ito ang tema ng Ugnayan 2014: PUP Systemwide Convention and Congress na matagumpay na ginanap sa Manila Room, Hasmin Building Main Campus noong Marso 29-April 4.

Dinaluhan ito ng mga publikasyon mula sa iba’t-ibang campus ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa ilalim ng Alyansa ng Kabataang Mamamahayag-PUP (AKM-PUP).

Sa unang araw, tinalakay ang kasaysayan ng pagkakatatag ng AKM-PUP. Nagkaroon naman ng dalawang araw na Journalism Skills Training at Workshop upang paunlarin ang kakayahan at talento ng mga

delegado.Bilang bahagi ng programa,

nagpunta at nakisalamuha sa piketlayn ng mga manggagawa ng Pentagon Steel Company ang mga mamamahayag pangkampus.

Isinagawa ang konsultasyon ng AKM-PUP sa huling araw kung saan nagbahagi ang mga publikasyon ng kanilang dinaranas na represyon. Ilan lamang sa mga naitala ay ang hindi nakukuhang pondo na naging dahilan ng delayed at hindi paglalabas ng dyaryo at pagpapasara o pagpapalit ng patnugutan na aayon sa administrasyon.

Upang pagtibayin ang Alyansa ng mga publikasyon, naghalal ng mga opisyal ng Executive Committee na kinabibilangan nila

Abigael De Leon ng The Catalyst (Chairperson), French Kim Bernales ng The Communicator (Vice Chairperson, Internal), General Butley Oganiza ng The Paradigm (Vice Chairperson, External), Shiena Mae Villas ng The Catalyst (Secretary-General), Ma. Rosario Argote ng The Freehand (Education and Research Officer) at Mark Anthony Deogracias ng The Paradigm (Finance Officer).

Tinapos ang Ugnayan 2014: Aklas! sa pagbubuo ng mga resolusyon upang itaguyod ang malayang pamamahayag, tutulan ang mga represyon at patibayin ang Alyansa ng mga publikasyon sa PUP System.

Ang AKM-PUP ang pinakamalawak at opisyal na Pederasyon ng mga publikasyon sa PUP System.

ABIGAEL DE LEON

Sa pagkakaisa sa panawagang P3 bilyong badyet, matagumpay na inilunsad ang March As One ng buong komunidad ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) noong Marso 12 – 14.

Ang March as One ay bahagi ng tatlong araw na strike sa pangunguna ng Ugnayang Multisektoral para sa Karapatan sa Edukasyon (UMAKSYON).

Bagama’t kalagitnaan ng Finals week, hindi napigilan ang mga estudyanteng lumahok sa unang araw ng Strike kung saan idinaos ang AKLAS o Alternatibong Klase sa Catwalk. Ang Cybercrime Law at Neoliberalismo ng Imperyalismong Estados Unidos ay ilan sa mga tinalakay sa nasabing teach-ins.

Samantala, sinimulan ng bandwagon mula 6th Floor hanggang Popeye ang ikalawang araw ng strike.

Itinakda ring Black Shirt Day ang Marso 13 bilang simbolikong protesta sa paggunita nang unang taong anibersaryo ng pagkamatay ni Kristel Tejada. Nagsagawa rin ng noise barrage sa Popeye kung saan nagsalita ang mga representante ng mga organisasyong nakapaloob sa Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) Alliance, Unyon ng mga Guro sa PUP (UGPUP) at Samahan ng mga Janitors-PUP (SJ-PUP).

Bitbit ang panawagang March as One for P3 billion budget, nagsagawa ng bandwagon mula 6th Floor ang mga Iskolar ng Bayan sa huling araw ng strike na idineklarang Walkout at Red Shirt Day. Isang programa sa Freedom Park ang nagbigay suma sa tatlong araw na pagkilos.

“Makatarungan ang ating panawagan sa ating isasagawang STRIKE, buong lakas nating ipapanawagan

at ipaglalaban ang Tatlong bilyong pondo para sa PUP. Ang 3B budget para sa PUP ay nararapat upang matustusan ang pangangailangan ng mga estudyante, guro, kawani at iba pa. Tanging sa sama-samang pagkilos lamang makakamit ng mga Iskolar ng Bayan ang panawagan para sa mas mataas na badyet sa edukasyon. Umpisa lamang ito nang ating mga pagkilos at asahan pang dadaluyong ang mga isko mula sa PUP upang ipaglaban ang karapatan sa edukasyon at kundenahin ang pag-aabanduna ng gubyernong Aquino sa sektor ng kabataan,” pahayag ni Jessica Ferrera, Bise-Presidente ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM).

Bilang pormal na pagtatapos ng kilos protesta, nagmartsa patungong Mendiola ang mga Iskolar ng Bayan kasama ang iba’t ibang unibersidad at sektor ng mga guro.

International Women’s Day, idinaos sa lansangan

Para sa 3 bilyong badyet ng PUP,

UGNAYAN 2014, matagumpay na idinaos

DENISE FLORENDO

Sa patuloy na pagbangon at paglaban ng kababaihan para sa kanilang karapatan, muling ginunita ang International Women’s Day sa lansangan na pinangunahan ng Gabriela Women’s Party noong Marso 8, 2014.

Tinatayang 12,000 mula sa iba’t-ibang sektor ang dumalo sa naturang pagkilos upang ipagdiwang ang ika-103 anibersaryo nito. Nagsagawa ng martsa mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola na bitbit ang panawagang wakasan ang karahasan at pang-aabuso

bilang pagtatapos sa kilos-protesta.

Bahagi din ng pagkilos ang pagkundena ng mga biktima ng Bagyong Yolanda sa “criminal negligence” ng administrasyong Aquino. Nagpahayag din ng disgusto at galit ang sektor ng kababaihan sa programa ng nasabing aksyon.

“The lives of women, especially those from the marginalized sectors have worsened rather than improved belying the Aquino’s government claim of exclusive growth,”pagdidiin ni Joms Salvador, Tagapagsalita ng Gabriela.

VICTOR VAN ERNEST VILLENA

Dumagsa ang mga mamamahayag pangkampus sa harap ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) noong May 13 upang tutulan ang tangkang pagbuwag sa EARIST Technozette, ang opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng nasabing pamantasan.

Ang College Editors Guild of the Philippines, pinakamalawak na alyansa ng mga publikasyon sa bansa, ay nagpahayag ng pagkundena sa aksyon ng administrasyon ng EARIST. Ito umano ay tahasang panggigipit at represyon sa naturang publikasyon sa pamamagitan ng tahasang pagpapatigil ng

operasyon nito.“Defend Earist Technozette!

Mananatili itong panawagan ng publikasyon ng EARIST dahil ang publikasyon ay boses ng mga estudyante. Sa ginawa ng administrasyon ng EARIST, sinisikil na rin nila ang boses ng mga estudyante at inaalisan sila ng karapatang maka-alam at magpahayag,” paggigiit ni Charina Claustro, CEGP-NCR Chairperson.

Matapos ang pagkilos ng mga estudyante kasabay ng dayalogo sa pagitan ng patnugutan at ng administrasyon ng EARIST, matagumpay na natutulan ang pagbuwag sa EARIST Technozette.

Sa kasalukuyan, tuloy pa rin ang operasyon ng nasabing publikasyon.

Defend EARIST Technozette, ikinasaDahil sa panggigipit ng administrasyon ng EARIST,

March as One Campaign, inilunsad

PARA KANINO? Napagtibay ang dahilan ng pamamahayag ng kasapian ng AKM-PUP sa kanilang integrasyon sa mga manggagawa ng Pentagon na isang taon nang naka-piket upang ipaglaban ang karapatan sa paggawa

Page 3: The Catalyst March - May 2014 issue

The Catalyst VOL. XXVIII NO. 3MARCH-MAY 201403BALITA

NSPC 2014 at 37th Biennial Congress, ginanapUpang itaguyod ang kalayaan sa pamamahayag,

Ikaw na ang pupuno sa kakulangang ito. Ikaw na. Pramis.Ikaw na ang hinahanap ng The Catalyst! Dala ka lang ng Registration Card o kopya ng schedule at “1 x 1” ID picture. Takits sa opisina ng TC sa Rm. 206,2nd Floor Charlie Del Rosario Building.

VICTOR VAN ERNEST HUGO

Sa pangunguna ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), matagumpay na ginanap ang ika-74th National Student Press Conference at ika-37th Biennial Congress na may temang Dasig Manunuwat: Uniting Campus Journalists for Genuine Press Freedom noong Mayo 19-23, 2014 sa Brgy. Catalunan Grande, Davao City.

Layunin ng naturang convention na bigkisin ang mga publikasyong pangkampus sa buong bansa para sa pagsususulong ng Campus Press Freedom.

Tampok na bahagi ng

NSPC ay ang pagtatanghal ng mga kabataang Manobo sa unang araw. Sa Basic Masses Integration na isinagawa sa ikalawang araw, nagtungo at nakipamuhay ang mga manunulat pangkampus sa iba’t ibang komunidad sa Davao .Sa ikatlo at ika-apat na araw naman inlunsad ang Journalism Skills Trainings at Socio-Political Discussion na aktibong nilahukan ng mga delegado. Ipinamalas rin ng mga mamamahayag pangkampus ang kanilang talento sa pagsayaw,pag-awit at pag-arte sa isang Cultural Night.

Bahagi na rin ng taunang convention ang pag-alam sa kalagayan ng mga publikasyon

kung kaya’t isinagawa ang caucus upang talakayin ang mga represyon at iba pang isyung kanilang kinakaharap. Nagkaroon rin ng resolution building at kaisahan ang mga publikasyon upang patuloy naisulong ang kalayaan sa pamamahayag.

Sa pagtatapos ng NSPC 2014,isinagawa ang eleksyon ng mga bagong opisal ng CEGP na sina: Marc Lino Abila (National President), Ian Harvey Claros (ExecutiveVice President); Athena Gardon (Nat’l Secretary General); Jian Carlo Gomez (Deputy Secretary); Claudine Buenaagua(VP Luzon);Franel Mae (VP Visayas); Rocha Mae Bihag (VP Mindanao).

Pagbisita ni US President Obama,sinalubong ng protestaABIGAEL DE LEON

Bilang pagtutol sa ibayong interbensyong US sa bansa, sinalubong ng protesta ng mga progresibong organisasyon sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang pagbisita ni US President Barrack Obama noong Abril 28 – 29.

Sa pahayag ng BAYAN, bahagi diumano ito ng kanyang pag-iikot sa Silangang Asya upang itulak ang interes ng US sa usapin ng ekonomiya, pulitika at militar sa pamamagitan ng mga ‘di pantay na kasunduan. Tulad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na umano’y minadaling pirmahan ni

Benigno “Noynoy” Aquino at ang Trans-Pacific Partnership Agreement (TPPA).

Sa ilalim ng EDCA, magkakaroon ng mga permanenteng base ang mga sundalong Amerikano at papayagan ang pagkakaroon ng mga pasilidad at pag-iimbak ng kagamitang pandigma sa bansa. Magiging lunsaran ng digmaang agresyon at operasyong militar ng US ang Pilipinas sa pagsusuma ng BAYAN.

Ang TPPA naman ang pagbubukas sa ekonomiya ng bansa para sa pagpasok ng produkto at kapital ng US. Kaugnay din nito ang panukalang Charter Change na umano’y magiging daan sa 100% ownership ng mga dayuhang kumpanya sa likas-

yaman ng bansa.“Kung wala tayong

pakinabang sa armadong panghihimasok ng US, lalong wala tayong pakinabang sa pandarambong ng kanilang mga dambuhalang korporasyon. Walang pakinabang ang taumbayan sa pagdalaw ni Obama at pagmamanikluhod ni Aquino. Lalo lamang hihigpit ang imperyalistang tanikala ng US sa Pilipinas,” pagpapaliwanag ng BAYAN.

Sa kabila ng marahas na dispersal ng mga pulis sa unang araw, matagumpay na nakapagmartsa mula Liwasang Bonifacio hanggang Mendiola ang mga nakiisa sa naturang protesta sa pagtatapos ng dalawang araw na pagkilos.

ESPASYO

Page 4: The Catalyst March - May 2014 issue

The CatalystVOL. XXVIII NO. 3MARCH-MAY 2014

Almost two years have passed since I joined the student publication. The time frame of my existence in the university that seemed so fast-tracked yet, reminiscing the days, many have already happened. I got free lessons that I would never learn from a four-sided class room even if the best professor is teaching me. Education is not sinking in the academe, I guess.

I’ve been chased by a police, slept outside the Supreme Court, almost dropped out of class and even intoxicated by tear gas. Being a campus journalist is like driving the whole world insanely – writing for the sole purpose of changing the system. And in order to write, you must experience your topic yourself.

The recent Agham Road Demolition was the last time I covered an event, or perhaps a riot. We arrived in the morning and waited for things to happen. The residents there were already geared and vigilant. At first, i took clear and calm shots of persons speaking in the program. Just by looking in their faces, one could really say that they are the urban poor; they are the most deprived of the right to decent living.

Around 9 am, the first wave of the police and SWAT Team bashed the area. I was lucky that I wasn’t there. I didn’t have to wet a face towel with tooth paste for the effects of tear gas.

It’s already high noon when both sides stayed still. A media conference was held at the area. I learned that the demolition that day was illegal – no court order was issued. What the police have is an expired notice. The community along the road is more willing to defend their

homes. But the government allowed the big businessman Ayala to buy the land as part of the aspired Quezon City Business District (QCBD). No wonder why the residents no longer believe on Noynoy

Aquino.I was setting the camera when

suddenly stones rained down. Thanks to a fellow media men for taking me under the roof. Then everything happened so fast. So fast that even I could not believe what’s going on.

The SWAT Team is agile and they moved rapidly to clear the area. At their command, the police advanced and the demolition team started destroying the houses. Residents at the barricade were forcefully pushed. They were thrown tear gas. I was standing there. At that moment, I realized one thing. The perspective of a journalist is different from them who are fighting.

At my resolve, I decided to follow and stay at the side of the residents. It’s like watching a war game. And the people are over killed not only in number but also in weapons. What could a stone and bottle do to tear gas and bullets?

I can’t accept the fact that I’m just watching. I witnessed the police brutality

in arresting illegally. They are just playing mini-maini-mo and whoever is selected gets a free punch and smash.

At that very moment, I concluded that in every experience, you will soon get tired of being a journalist; because it is not enough to write and report people’s issues. Social change demands greater costs but secures greater future more than what is offered to graduates.

In a protest action, the view from the camera lens is different from the eyes of the protester. Same thing goes with the passer by. Only a portion of the bigger picture is seen. By being one with them, by marching with the red flags and placards, and by shouting the genuine calls of the people, you could get a gist of everything – the why and how of the very existence of activists and leftists.

In our present economic and political situation, what the youth needs is not a graduation or a mere diploma. Our time demands for something on the context of revolution – that is uprising. To draw the line between the ruling and oppressed class is like putting yourself at the core of the society. There are only two perspectives, the view of the observers and the view of the builders of change.

Mayo Uno, araw ng mga manggagawa. ‘Double pay,’ naibulong ko sa sarili ko. May pasok ako noon, at nagpapasalamat pa ako sa scheduling manager namin at may pasok ako. Kagaya nang iba kong mga katrabaho, iyon ang isa sa mga inaabangan namin. Mga araw na pista opisyal—kung kailan double pay!

Mayroong pagkilos noon. Sinubukan kong makahabol—ngunit hindi na ako nakahabol. At nanghihinayang ako. Isang araw ng pagkilos na laan sa mga manggagawa sa buong mundo. Mga manggagawa na bihirang magawaran ng karapat-dapat na sa kanila. Kagaya ng walong oras na pagtatrabaho lamang sana sa isang araw, at ang wastong pasahod na katumbas nito, na napakababa pa kung tutuusin, kumpara sa napakataas na halaga na ng mga bilihin ngayon.

Minsan, naiiisip ko kung bakit nga ba ginusto ko na magtrabaho na kahit pa nag-aaral pa ako. Marami akong katulad dito sa Sintang Paaralan. Silang mga working student din kagaya ko. Mga tingin ko ay hindi naman na gugustuhin pang magtrabaho pa kung hindi lang dahil sa komersyalisado ang edukasyon.

Masuwerte nga ba tayong mga Isko at Iska at tinatamasa natin ang P12/yunit na tuition dito? Kung tutuusin, karapatan ang makapag-aral. Lagi at lagi ay mapapansing ito ang iginigiit ko. Kung may sapat na badyet lang sana ang pamahalaan para sa edukasyon, disin sana’y walang kabataan sa mga pagawaan, kabukiran at kung saan-saan pa kung saan sila madalas mamamataan. Ibinebenta ang sarili at lakas sa napakamurang halaga.

May mga pagkakataon na huli na akong dumarating sa klase dala ng panggabi

hanggang pangmadaling-araw kong pasok (para sana mas malaki ang sasahurin ko), ngunit may mga kaguruan pang hindi ito maunawaan, at nagagalit ng wala na sa lugar. Ayaw ko na kasing umasa pa sa mahal kong ina. Alam ko naman na may hangganan ang lahat. Maging ang pambubusabos ng mga halimaw.

Masarap sa pakiramdam kapag nakakapag-aral ka, nakakapagtrabaho at nakakapagsulat—lahat nang sabay-sabay. Ngunit sa palagay ko, mas masarap sa pakiramdam ang magkaroon tayo ng edukasyon bilang karapatan, at hindi pribilehiyo. ‘Yung hindi ka na hihingi pa sa mga magulang mo ng pang-tuition na minsan ay pinapatungan pa (panggala ba?).

Mga libro na ibinebenta, ay katanggap-tanggap sana, kung alam mong may matutunan kang talaga at mabubuklat mo kasabay nang sa iyong guro. Ngunit, hindi ganito ang nagaganap. Bumibili ka na lamang ng aklat, kapalit ng ilang puntos sa quiz, o kung anupamang kapalit ng pagbili ng naturang aklat. Minsan naman, tiket ang ibinebenta, o kaya’y produkto ng isang direct-selling company.

Marahil, hindi rin naman makatuwirang husgahan agad ang ating mga propesor sa kanilang mga pamamaraan upang magkaroon ng dagdag-kita. Napakababa ng kanilang sinasahod, partikular na ang mga part-time na guro. Kumikita lamang sila ng humigit-kumulang P150 kada tatlong oras na klase, kung kaya ganoon na lamang kasakit sa bulsa ng mga kagaya natin ang kanilang pamamaraan upang madagdagan ang maiuuwi sa kani-kanilang mga pamilya.

Mapapansing hindi naman talaga kasalanan ninuman sa atin kung bakit tayo nagtitiis sa

napakahirap nating kalagayan. Kasalanan ito ng sistemang umiiral sa ating lipunan. Marahil, hindi mo ako mauunawaan sa ngayon. Kagaya

nang hindi ko maunawaan ang mga bagay-bagay noon. Ngunit, ngayon na paunti-unti kong pinag-aaralan at pinag-iisipang mabuti ang mga ito, lalo akong nangangalit. Oo, nangangalit ako sa kasalukuyan nating lipunan. Sa lipunang binubulok ng malakolonyal at malapyudal.

Maraming beses na na sinubukan kong

ipaliwanag ito sa mga kamag-aral, kaibigan, katrabaho, at maging sa pamilya ko, ngunit aywan ko ba, kung bakit tila nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan at ang masama pa sa lahat, ay pinili na lamang na itikom ang mga bibig at magsawalang-bahala na nang tuluyan.

Ano, ganito na lamang tayo? Kuntento ka na sa kasalukuyan mong kalagayan?

Malamang ay may sasagot ng ‘oo, kuntento na ako.’ O, siya, sige. Kuntento na, hihingi na lamang naman kasi ng panggastos kina mommy at daddy, para sa mga katulad kong mga mag-aaral na nakakulong sa apat na sulok ng silid-aralang bagong pintura naman lagi taun-taon; at para naman sa mga manggagawa na, kuntento na na pagdating ng araw ng sahod ay ipambabayad na lamang din ito sa utang, kulang pa. ‘Ika nga, dumaan lang ang perang pinaghihirapan upang bilangin.

Mamaya, papasok akong muli sa pinapasukan kong restawran. At doon, ay titiisin muli ang sakit ng binti, bunga ng pagtayo ng mahabang oras, para lamang kumita ng kaunting halaga upang matustusan ang mga pansariling pangangailangan.

Mamaya, mamaya, mamaya, ay magiging manggagawa na akong muli. Ngayon kasi, ay isang nangangarap maging mamamahayag ng katotohanan sa hinaharap na sinisimulan na ngayon.

Paalam muna, mahuhuli na ako sa pasok, e. Sa susunod muli, mga kapwa ko Isko, Iska, at mga kapwa ko manggagawa!

Tiyaga lang? Sige lang. Hanggang sa isang araw ay naisin mo na

lamang din na magtungo sa kagubatan.

In our present economic and political

situation, what the youth needs is not a

graduation or a mere diploma. Our time

demands for something on the context of

revolution – that is uprising.

Black and WhiteAbigael de LeonPerspective

Double Pay Walang Pangalan Stella Marie Maragay

Kung nailalaan lang sana ng pamahalaan

ang tamang badyet para sa edukasyon, edi

sana’y walang kabataan sa mga pagawaan,

kabukiran at kung saan-saan pa kung saan sila

madalas mamamataan. Ibinebenta ang sarili at lakas sa napakamurang

halaga.

OPINYON04

Page 5: The Catalyst March - May 2014 issue

The Catalyst VOL. XXVIII NO. 3MARCH-MAY 201405KULTURA

TED PYLON’SKUMEMBOT EXPOSE

Half-man, half-marble from Romblon

SUMMER CUT EDITIONHindi makontrol ni Ted ang init na nararamdaman.

Parang alam na niya ang pakiramdam ng tinapay sa loob ng pugon. So hot!!!! Hindi naman siya kandila para malusaw ngunit nararamdaman niyang konti na lang at bibigay na siya.

“Ang init.. sobrang init. Huwaaaaaaaahhh! O inang kalikasan! Ano ba ang ginawa kong mali? Bakit mo pinaparamdam ang impyerno ngayon? I’m still alive and kicking! Pero bakit ang init?”

Tumingala si Ted gamit ang buong lakas niya para i-bend ang kanyang matigas na likod. Sa sobrang effort, nagka-crack na ito at pira-pirasong nalalaglag. Sa sobrang sakit at pangamba na baka unti-unting mabasag ang kanyang likuran, nag mala-oblation ng UP ang pose ni Ted. At sabay sigaw ng..

“Aaaang saaaaaaaaaakkkkkkkiiiiiiiiiiiiiiiitttttttttt ng liiiiiiiiiiiiiikoooooodd koooooooooo!”

Nag-panic ang buong komunidad ng PUP sa narinig na sigaw. Akala nila nadapa na ang pinaka-tanjuber na kung sino man. Yun pala si Ted. Si Ted. Si Ted nga.

*Loading…EEMERGAAAAAAAAAHD!!!! SI TED!!!!!So ayun aligagang-aligaga ang lahat ng Iskolar ng

Bayan, kawani, guro at empleyado na bahagi ng fans club ni Ted. Kahit ‘yung mga sobrang fresh at cute pang nag-e-enroll ay na-i-i-stress din.

Dali-daling binuhat ng mga ermingard si Ted para mabigyan na ng paunang lunas sa Clinic. Pero wait, naalala nilang hindi nito kakayanin ang laki ni Ted. At hindi rin nila madadaanan ang Catwalk o anumang walk yan dahil sa sobrang daming nag-wowalk ng papeles at first year enrollment. Kaya lalong uminit ang kapaligiran dahil sa dami ng bibig, paa, kamay, balikat at tenga na sabay-sabay nagpapanic kay Ted, namumrublema ng pantuition at nag-e-emo dahil bumagsak sa PUPCET ang crushes nila.

Mukhang konti na lang mahi-heat stroke na si Ted. Nangingintab na ang marmol niyang mukha at

tila ang bawat molecule ng mantika at pawis niya ay nagsusumigaw ng “ANG INIT NA TALAGA! SUPER !” Hinang-hina na siya. Ngunit biglang.. *shing*

Owmaygahd! Tinatawag si Ted ng Inang Kalikasan . Hindi banyo o puting background ang nakita niya kundi isang magandang dilag sa paningin niya dala ng init na nararamdaman. Agad siyang lumapit, dumikit, ngumiti at nagpakyut dito para lang ma-enjoy ang airconed room ng dilag.

“Para masolusyunan ang iyong nararamdaman, kailangan mo lang magbawas!”

“As in, jejebs na ako ngayon?”“Hindi!!!!! Magbawas ng buhok!”“Oh no! why o why? Mas maganda ng mamamatay

nang naiinitan kaysa may bawas ang tatlo kong noo!”Sobrang gulat na gulat si Ted. Ibang solusyon pala

ang hatid ni Madir Nature. Kaya naman napa-center of attraction si Ted.

“Babawasan mo ang malapad kong tatlong noo? Bakit? At bakit!! Now tell me? Gusto mong bawasan ang buhok ko para less shampoo? Ayoko rin namang mag-Rejoice e! I’m a Dove girl, tapos gusto mong bawasan yung noo ko?”

“Summer cut na ang uso ngayon!”“Summer cut? Ha! Every day I felt like dying.. and

every day I wish I did! Kung ipagpapalit ko ang long shiny hair ko, isang bagay lang ang mawawala sa akin.. trust.. trust ng mga iskolar ng bayan na ang noo ko ang sumusimbolo sa sintang paaralan.. na ipaglalaban ko sila hanggang sa dulo nang walang hanggan!”

“Edi hindi ka malalamigan!”“Ok lang. Mahilig ka sa summer cut dahil alam

mong madaming nag-eenroll sa panahong ito! Ay hindi lang pala cuts, pati add-ons pinapatulan mo na para lang dumami ang customer ng Private Parlor School ng Amo mo! Para lang makapag-ipon ka ng pera para sa padrino mong foreigner na taga-Estados Unidos!”

“Lumaklak ka ng realidad! Alam mong naaadik ka

na naman sa pag-asa!”

“Pag-asa? Pag-asa?! Naniniwala ako. Hindi

umaasa. Alam kong hindi papayagan ng mga isko’t iska ang pagsasummer cut ko! Dahil alam nilang kyut at shiny,silky straight na ang marmol kong buhok! At hindi solusyon ang pagbabawas, dapat nga dagdagan e para mores ang pambili ng electric fan, air con at kahit samalamig!”

Hindi na lang nag-iinit si Ted. Ngayon ay sobrang nag-aapoy na siya sa pagka-imbyerna kay Inang Kalikasan. At napansin niyang hindi pala ito isang dilag. Siya ay may edad na, nakasalamin at may puti na ang buhok. May kasama rin siyang nakasalamin na walang buhok sa tuktok ng ulo na nakadilaw. Aaah.. alam na.

Sa imbyerna ni Ted, nagwalk-out siya sabay talikod with matching talsik ng pawis sa paligid-ligid. At taas noo niyang pinagsigawan,

“Malagkit man ako, mahal pa rin ako ng mga Iskolar ng Bayan dahil mainit man, tuloy pa rin ang laban!”

Like us on Facebook:facebook.com/TedPylon

facebook.com/pupthecatalystFollow us on Twitter:

@ted_pylonofficial

Mula sa Pixel Offensive

Page 6: The Catalyst March - May 2014 issue

The CatalystVOL. XXVIII NO. 3MARCH-MAY 2014

EDCA: Lason sa Pilipinas

Ika nga, Save the best for last. Huling pinuntahan ni Obama ang kanyang paboritong tuta na si Noynoy. The best ang bansang Pilipinas dahil sa dami ng likas na yaman at sa

sunud-sunurang pangulo nito.

Maka-isang panig at walang ganansya ang Pilipinas sa kasunduang ito. Ang EDCA ay lubusang pagbibigay ng ating bayan bilang isang alay sa Amerika para sa labis-

labis na ganansya nito. Patunay ang EDCA ng sagad-sagarang pagiging sunud-sunuran ni Noynoy kay Obama.

Sa katunayan, itinuturing na “executive agreement” ang EDCA kung kaya hindi na nito kinailangan ang pag-sang-ayon ng senado. Minadali ni Noynoy ang

pagpirma sa kasunduang ito bilang regalo sa kanyang importante bista nang walang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng sambayanan.

Ang kasunduang itoay lason na papatay sa bayan at sa mamamayan nito.

Nakahanda na ang lahat. Nakasabit na ang mga banderitas pati na rin ang mga bandila. Tumutugtog na ang banda at nagsimula na ang pagtatanghal sa pistang pansalubong sa amo.

Dali-daling kinamayan at inihain na ang pinakamasarap na putahe, na minadali ni BS Aquino para sa kanyang among si Barrack Obama, ang pirmadong Enhanced Defense Cooperation Agreement noong Abril 28, 2014.

Narito ang listahan ng pinakamahahalagang sangkap ng EDCA:

Lupa at Teritoryo

Buong pusong ibinibigay ni Noynoy ang lupa at teritoryo ng Pilipinas upang magawa ng mga tauhan ng Estados Unidos ang lahat ng kanilang ninanais sang-ayon sa interes ng Amerika. Kasama sa napagkasunduan ang libreng paggamit sa teritoryo

ng bansa upang gawing imbakan ng mga kagamitan pandigma at iba pang gawaing militar sa mga sinasabing Agreed Locations(Art. III par.3).

Ayon sa depinisyon ng Agreed Locations, “facilities and areas that are provided by the Government of the Philippines through the AFP and that United States forces, US Contractors, and others as mutually agreed, shall have the right to access

and use pursuant to this agreement”.

Ang mga lugar na ito ay malayang magagamit sa “training; transit; support and related acivities; refueling of aircraft; bunkering of vessels; temporary maintenance of vehicles, vessels, and aircraft; temporary accomodation of personnel;

communications; prepositioning of equipment, supplies, and materiel; deploying forces and materiel;”, sang-ayon sa Art.III par. 1 ng EDCA.

Kumbaga, magsisilbing ekstensyon ng mga base militar ng Amerika ang Pilipinas. Maaari nilang gamitin ang kahit anong parte ng Pilipinas na kanilang magustuhan upang paglunsaran ng mga pang-militar na gawain habang wala tayong karapatan

na pumasok sa mga itatakda nilang base at inspeksyunin ang mga kagamitang ilalagak nila sa mga ito.

Sa ibang salita, sinalubong ng dalawang brasong bukas na bukas ang mga mananakop. Galak na galak na pinagsilbihan ni Noynoy ang mga bisitang mag-aastang hari sa ating teritoryo.

Militar

Isa sa pinakamahalagang sangkap ng kasunduang ito ay ang mga tauhang bahagi ng mga kagamitang pandigma.

Kalangkap ang EDCA sa US Pivot to Asia o Strategic Pivot na naglalayong palibutan at ‘protektahan’ ang mga teritoryo na nais angkinin ng US sa asya-pasipiko sa loob ng sampung taon. Sa estratehiyang palibutan ng mga sundalo at kagamitan

pangdigma ang asya-pasipiko, binibigyang laya ng kasunduang ito ang militar ng amerika na lumibot-libot sa Pilipinas sang-ayon sa increased rotational presence na pinahihintulutan ng rehimen.

Isinasaalang-alang din ng kasunduang ito ang kasarinlan ng ating bayan. Hindi masasakop ng mga batas ng Pilipinas ang mga agreed locations na itatayo ng tropang Amerikano. Nakakabahala ang nakasaad sa Art.IV Par.5 “The Parties share an

intent that United States contractors may carry out such matters in accordance with, and to the extent permissible under, United States laws, regulations, and policies.” .

Nangangahulugan ito ng kawalang proteksyon ng mamamayan laban sa mga pananamantala. Kung ating maaalala, naitatala ang malaking bilang ng pang-aabuso sa karapatang pantao partikular sa mga kababaihan sa mukha ng protitusyon o

pang-aabusong sekswal at pagpatay sa mga sibilyan sa presensya ng mga Amerikanong militar.

Yaman at Ekonomiya

Ito ang pinakapaboritong bahagi ni Imperyalistang among si Barrack Obama – ang saganang ekonomiya.

Ang EDCA ay bahagi lamang ng mas malawak na kasunduang pangekonomiya na Trans Pacific Partnership Agreement (TPPA). Ang TPPA ay isang free-trade agreement na naglalayong pataasin diumano ang kalakalan at

pamumuhunan sa mga bansang bahagi ng kasunduan sa pamamagitan ng maluwag na pagnenegosyo ng mga dayuhan sa loob ng mga bansa sa Asya-pasipiko. Ang katotohanan ay bahagi lamang ito ng kilos-

pangseguridad ng Amerika upang masiguro ang kanyang ganansyang pang-ekonomiya at geopolitikal.

Mahipit na kaugnay ito ng Strategic Pivot na pagkatapos palibutan ang buong asya-pasipiko ng mga kagamitan pandigma, maluwag nang makakapaghari ang imperyalistang kapangyarihan sa

ekonomiya ng mga bansa sa loob nito. Buong giliw siyang magpapakasasa sa likas ng yaman ng bansa at gagamitin ito para sa kanyang interes.

Sikretong Sangkap: Charter Change

Kumbaga, ito ang seasoning o kukumpleto sa lutuing ito. Minamadaling ihabol ang pampasarap na ito.

Layunin ng Charter Change na alisin ang restriksyon sa pagkakaroon at pagtatayo ng mga negosyo ng mga dayuhan sa bansa. Samakatuwid, ang pagbabago ng Konstitusyon ay para

pa rin sa ganansya ng mga malalaking dayuhang mamumuhunan. Ito ay malinaw na pagpapaigting lamang ng kapit sa interes pang-ekonomiya ng imperyalistang US.

EDCA: Mga Sangkap ng Lason sa mga Pilipino

Itapon ang lason

Wala tayong maaasahan sa pinuno ng bayang patuloy tayong isinasadlak sa pagkaalipin at pagkamatay. Sapat na ang pagsasawalang-bahala at

sagad-sagaring pagpapakatuta ng tinuringang ama ng bayan upang hindi magtiwala ang sambayanan sa kanya. Ang EDCA ay malinaw na para

lamang sa labis-labis na ganansya ng imperyalismong Estados Unidos habang pinagsasamantalahan nila ang PIlipinas at mamamayan nito. Ang

nararapat sa lason na ito ay itapon bago pa kumalat at pumatay sa sambayanan at mamamayan.

Kailanma’y hindi dapat natin hinahayaang lapastanganin ang ating soberanya. Bilang mga tunay na Pilipino na may maalab na pag-ibig sa

bayan, patuloy tayong manindigan at lumaban para sa sambayanan.

Wala tayong maaasahan sa pinuno ng bayang patuloy tayong isinasadlak sa pagkaalipin at pagkamatay.

Page 7: The Catalyst March - May 2014 issue

The Catalyst VOL. XXVIII NO. 3MARCH-MAY 2014LITERARY

EDCA: Lason sa Pilipinas

Ika nga, Save the best for last. Huling pinuntahan ni Obama ang kanyang paboritong tuta na si Noynoy. The best ang bansang Pilipinas dahil sa dami ng likas na yaman at sa

sunud-sunurang pangulo nito.

Maka-isang panig at walang ganansya ang Pilipinas sa kasunduang ito. Ang EDCA ay lubusang pagbibigay ng ating bayan bilang isang alay sa Amerika para sa labis-

labis na ganansya nito. Patunay ang EDCA ng sagad-sagarang pagiging sunud-sunuran ni Noynoy kay Obama.

Sa katunayan, itinuturing na “executive agreement” ang EDCA kung kaya hindi na nito kinailangan ang pag-sang-ayon ng senado. Minadali ni Noynoy ang

pagpirma sa kasunduang ito bilang regalo sa kanyang importante bista nang walang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng sambayanan.

Ang kasunduang itoay lason na papatay sa bayan at sa mamamayan nito.

Nakahanda na ang lahat. Nakasabit na ang mga banderitas pati na rin ang mga bandila. Tumutugtog na ang banda at nagsimula na ang pagtatanghal sa pistang pansalubong sa amo.

Dali-daling kinamayan at inihain na ang pinakamasarap na putahe, na minadali ni BS Aquino para sa kanyang among si Barrack Obama, ang pirmadong Enhanced Defense Cooperation Agreement noong Abril 28, 2014.

Narito ang listahan ng pinakamahahalagang sangkap ng EDCA:

Lupa at Teritoryo

Buong pusong ibinibigay ni Noynoy ang lupa at teritoryo ng Pilipinas upang magawa ng mga tauhan ng Estados Unidos ang lahat ng kanilang ninanais sang-ayon sa interes ng Amerika. Kasama sa napagkasunduan ang libreng paggamit sa teritoryo

ng bansa upang gawing imbakan ng mga kagamitan pandigma at iba pang gawaing militar sa mga sinasabing Agreed Locations(Art. III par.3).

Ayon sa depinisyon ng Agreed Locations, “facilities and areas that are provided by the Government of the Philippines through the AFP and that United States forces, US Contractors, and others as mutually agreed, shall have the right to access

and use pursuant to this agreement”.

Ang mga lugar na ito ay malayang magagamit sa “training; transit; support and related acivities; refueling of aircraft; bunkering of vessels; temporary maintenance of vehicles, vessels, and aircraft; temporary accomodation of personnel;

communications; prepositioning of equipment, supplies, and materiel; deploying forces and materiel;”, sang-ayon sa Art.III par. 1 ng EDCA.

Kumbaga, magsisilbing ekstensyon ng mga base militar ng Amerika ang Pilipinas. Maaari nilang gamitin ang kahit anong parte ng Pilipinas na kanilang magustuhan upang paglunsaran ng mga pang-militar na gawain habang wala tayong karapatan

na pumasok sa mga itatakda nilang base at inspeksyunin ang mga kagamitang ilalagak nila sa mga ito.

Sa ibang salita, sinalubong ng dalawang brasong bukas na bukas ang mga mananakop. Galak na galak na pinagsilbihan ni Noynoy ang mga bisitang mag-aastang hari sa ating teritoryo.

Militar

Isa sa pinakamahalagang sangkap ng kasunduang ito ay ang mga tauhang bahagi ng mga kagamitang pandigma.

Kalangkap ang EDCA sa US Pivot to Asia o Strategic Pivot na naglalayong palibutan at ‘protektahan’ ang mga teritoryo na nais angkinin ng US sa asya-pasipiko sa loob ng sampung taon. Sa estratehiyang palibutan ng mga sundalo at kagamitan

pangdigma ang asya-pasipiko, binibigyang laya ng kasunduang ito ang militar ng amerika na lumibot-libot sa Pilipinas sang-ayon sa increased rotational presence na pinahihintulutan ng rehimen.

Isinasaalang-alang din ng kasunduang ito ang kasarinlan ng ating bayan. Hindi masasakop ng mga batas ng Pilipinas ang mga agreed locations na itatayo ng tropang Amerikano. Nakakabahala ang nakasaad sa Art.IV Par.5 “The Parties share an

intent that United States contractors may carry out such matters in accordance with, and to the extent permissible under, United States laws, regulations, and policies.” .

Nangangahulugan ito ng kawalang proteksyon ng mamamayan laban sa mga pananamantala. Kung ating maaalala, naitatala ang malaking bilang ng pang-aabuso sa karapatang pantao partikular sa mga kababaihan sa mukha ng protitusyon o

pang-aabusong sekswal at pagpatay sa mga sibilyan sa presensya ng mga Amerikanong militar.

Yaman at Ekonomiya

Ito ang pinakapaboritong bahagi ni Imperyalistang among si Barrack Obama – ang saganang ekonomiya.

Ang EDCA ay bahagi lamang ng mas malawak na kasunduang pangekonomiya na Trans Pacific Partnership Agreement (TPPA). Ang TPPA ay isang free-trade agreement na naglalayong pataasin diumano ang kalakalan at

pamumuhunan sa mga bansang bahagi ng kasunduan sa pamamagitan ng maluwag na pagnenegosyo ng mga dayuhan sa loob ng mga bansa sa Asya-pasipiko. Ang katotohanan ay bahagi lamang ito ng kilos-

pangseguridad ng Amerika upang masiguro ang kanyang ganansyang pang-ekonomiya at geopolitikal.

Mahipit na kaugnay ito ng Strategic Pivot na pagkatapos palibutan ang buong asya-pasipiko ng mga kagamitan pandigma, maluwag nang makakapaghari ang imperyalistang kapangyarihan sa

ekonomiya ng mga bansa sa loob nito. Buong giliw siyang magpapakasasa sa likas ng yaman ng bansa at gagamitin ito para sa kanyang interes.

Sikretong Sangkap: Charter Change

Kumbaga, ito ang seasoning o kukumpleto sa lutuing ito. Minamadaling ihabol ang pampasarap na ito.

Layunin ng Charter Change na alisin ang restriksyon sa pagkakaroon at pagtatayo ng mga negosyo ng mga dayuhan sa bansa. Samakatuwid, ang pagbabago ng Konstitusyon ay para

pa rin sa ganansya ng mga malalaking dayuhang mamumuhunan. Ito ay malinaw na pagpapaigting lamang ng kapit sa interes pang-ekonomiya ng imperyalistang US.

Mga Sangkap ng Lason sa mga Pilipino

Artikulo nina:Denise Ann Florendo

Aprille Joy AtaderoDibuho ni:

Cristian Henry DicheSources:

official gazette ibon.org, lfs.com

Itapon ang lason

Wala tayong maaasahan sa pinuno ng bayang patuloy tayong isinasadlak sa pagkaalipin at pagkamatay. Sapat na ang pagsasawalang-bahala at

sagad-sagaring pagpapakatuta ng tinuringang ama ng bayan upang hindi magtiwala ang sambayanan sa kanya. Ang EDCA ay malinaw na para

lamang sa labis-labis na ganansya ng imperyalismong Estados Unidos habang pinagsasamantalahan nila ang PIlipinas at mamamayan nito. Ang

nararapat sa lason na ito ay itapon bago pa kumalat at pumatay sa sambayanan at mamamayan.

Kailanma’y hindi dapat natin hinahayaang lapastanganin ang ating soberanya. Bilang mga tunay na Pilipino na may maalab na pag-ibig sa

bayan, patuloy tayong manindigan at lumaban para sa sambayanan.

“Bilang mga tunay na Pilipino na may maalab na pag-ibig

sa bayan, patuloy tayong manindigan at

lumaban para sa sambayanan.

Page 8: The Catalyst March - May 2014 issue

The CatalystVOL. XXVIII NO. 3MARCH-MAY 2014 LITERATURA08

“Sir. Yes. Sir.”

Hinampas ang ulo.Pinalo ang hita.Bumagsak ang riple.Pati mga pangarap.

“Nagmamayabang ka ba? Ano? May ipagyayabang ka na ba?”

“Sir. Yes – No S-Sir!”

Isang sikmura.Tumigas ang kalamnan. Nanginig ang tuhod.Ngunit matikas pa din ang tindig tulad ng pangkaraniwang bantayog na naging tanglaw ng mga bayani.

“Aangas-angas mo diyan? Alam mo ba kahulugan ng simbolong ‘to?! Ha!”

“Sir! Yes! Sir!”

“Paalala mo nga sa kin, gago ka!Alam mo na lahat?!”

Umikot ang paningin patungo sa dilim. Ngunit tila makinang bumalik ulit sa dating matikas na tindig. Tulad ng pangkaraniwang bantayog na nagging tanglaw ng mga bayani.

“To serve and protect, Sir! Truth! Honor! Justice! Sir!”

“Handa ka bang mamamatay sa serbisyo?”

“Sir! Yes! Sir!

“I don’t need empty words --!”

“Sir! Yes! Sir!”

“Patunayan mo pag may na-report kang mga pangalan ng mga putangina!”

“Sir! Yes! Sir!”

“I said I don’t need empty words!”

Hinampas ang ulo.

“Naiintindihan mo ba ang simbolong ‘to?!Ha?!”

“Sir! Truth! Honor! Justice! Sir!”

“Magmadali ka na diyan at maniktik ka na nang maubos na yang mga putnaginang aktibistang ‘yan!”

Pinalo ang hita.

“Ang lambot-lambot mo ! Baka simpleng propaganda mapaniwala ka nila agad!”

“Sir! N-no – Yes! Sir! Walang mali sa hangarin nila, Sir!”

Bumagsak ang riple.

“Putanginang gago ka.Magsama-sama kayong mga komunista!”

“Sir! No! Sir! Nais lang naming maglingkod sa bayan, Sir!”

“Gago ka talaga! Sasagot ka pa?! Gusto mong maghirap ang mga boss natin?!”

“Sir! Y-yes-No! Sir!

Bumagsak pati mga pangarap. Hindi na matikas ang tindig tulad ng pangkaraniwang bantayog na naging tanglaw ng mga nais maging bayani. Tulad ng pangkaraniwang bantayog na isa palang huwad na bayani.

Kalahating kilong bigas ang pagkakasyahin, para sa isang buong maghapon.

Sa kalderong mauling, kakainin kahit na ang tutong.

Gamit ang marungis na kamay na pansubo sa bibig, sisimutin ang pinggan hanggang sa ito ay masaid.

Nang isang pamilyang sa pagkain ay uhaw, mapagtyatyagaan na maski ang kaning bahaw.

Na kapag walang laman ang hapag ay mangangalkal

ng basura't nagbabakasakaling makabingwit ng pagpag.

Kahit na panis.Kahit pa inaamag.

Silang ang bawat butil ng bigas ay tinuturing nilang ginto, mula sa mga magsasakang pangdilig sa lupa ay dugo.

At sino kayong mga gahamang kontrabandista na nagpupuslit ng bigas?

Hindi niyo ba alam na napakaraming nagugutom sa Pilipinas?

Kadeteni Abigael de Leon

RICE SMUGGLINGni Daniel Dumahog

Dalawang hanay naPinagsasabong ng bulok na lipunanAng isang hanay ay armadoNg mahahabang baril at kamagongArmado ng utos ng hari atNg pahintulot na manakit at pumatayDahil kailangang palayasin ang taongbayanHawanin ang daanDahil mangangapital ang mga dayuhan

Ang armas ng kabilang hanay ayInipong mga batoPlakard na sumisigaw ng panawaganAt mga hiyaw na hinugot mulaSa puyos na damdaming Binalot ng paghihimagsik

Totoo pala ang labanan ni David at Goliath.Ngunit wala ngayong mahiwagang kapangyarihan Na nagtanggol kay David kayaNakapanaig sa mga bato ang mga punglo

Ngunit hindi natibag ang paninindigan

Parang sementong lalong nagpatibaySa paghihimagsik angNakakasulasok na karahasan ng estado

Sa huli, ngingising parang ulol ang mga armadong alipin ng hariNgunit lalong rurubdob ang galitNg mga David ng bulok na lipunanMatindi na ang pananabik sa muling pagtutuos

Kapag nahawi na ang mga kalat ng sagupaanKapag nawalis na ang mga piraso Ng kahoy at yerong kanina lang ay mga dingding at bubongKapag humupa na ang mga abo Mula sa mga pinulbos na semento

Lalong magiging malinaw ang tanawNg mga David ng lipunan

Maghahalinhinan ang hiyaw at pagtangisAt isisigaw ang mas matibay na pasya:'Tang ina ninyong mga pulis! Mag-e-NPA ako!"

Nagrekrut na naman ng Rebelde

ang Estadoni JessicaFerrera

Naputulan kami ng kuryente kanina, Kaya inilabas ko ang gasera, Ipinatong ko sa lamesa, At nagbasa.Kay lalim na ng gabi, Pero gasera pa rin ang nasa tabi,Mga aklat na akin pang binili, Makapag-aral lang nang mabuti.Nagsusunog ako ng kilay, Para i-ahon sila nanay, Sa aming hikahos na buhay.Hanggang sa abutin ng antok,At paupong nakatulog. Kinagat ako ng lamok. Gasera'y natabig at nahulog.Gasera'y sumabog, At pinagmulan ng sunog.Kung nakabayad lang sana si Nanay, Kung hindi lang kami hirap sa buhay,

Kung hindi lang pinatay si Tatay; Dahil sa pagsigaw sa pagkapantay-pantay, Kung hindi ko lang kailangan magsunog ng kilay, Nang makatapos at may, Maihaing konting tinapay. At makasabay, Sa mga pagtaas ng presyo na walang humpay.Hindi ko na sana kailangan ng gasera. Hindi na. Ngayo'y alam ko na,

Ang kailangan na, Ay bala.

Gaserani Lionelle Duque Tan

Page 9: The Catalyst March - May 2014 issue

The Catalyst VOL. XXVIII NO. 3MARCH-MAY 2014

The Catalyst January - March 2014

KOMUNIDAD 09

ORG Voice

1. Anong plano mo sa bakasyon?2. Anong masasabi mo sa unang regular issue ng The Catalyst?

Cata Post

1. Hindi, kasi part din ito ng NSTP na kailangan natin.2.Siguro meron syang kapit sa gobyerno kaya mabagal ang pag-usad ng kaso nya. Medyo nakakainis lang isipin na mismong gobyerno pa marahil ang nasa likod nito.-Eloisa Grace DivinotoBSOA 1-1D

1.Hindi, kasi disiplina lang naman ang kanilang pinapatupad.2.Di pantay ang hustisya sa Pilipinas dahil marami sa ating gobyerno ang nadadaan sa pera kaya mismo kaso ni Napoles ay walang nangyayari.-AnonymousBSIT

1.Hindi, kasi para sakin, sistema lang dapat ang babaguhin. Hindi na dapat tanggalin ang ROTC.2.What’s expected? Malamang ganun pa rin.-JenComputer Engineering

1.Ok lang, payag ako kasi wala naman silang natutulong.2.Hindi na ko nag-aasume na makukulong si Napoles eh wala namang bago sa kaso nya eh.-TinHRDM

1. Payag ka ba sa pag-abolish sa ROTC?2. Anung masasabi mo sa mabagal na pag-usad ng kaso ni Napoles?LIFE

CAMPUS

BASIC COMMITMENTS

“What he requires of us is this: to do what is just, to show constant love, and to live in humble fellowship with our God.”—MICAH 6:8

FAITH: Follow ChristEcumenical Movement

Faith is our foundation to righteousness. God puts us right through our faith in Christ (Romans 5:22) by living His way of life. As Christ’s followers, we should abide by His example of social involvement to build the foundations of truly just and humane society as God has promised. Because we live in one inhabited world, our interfaith unity can create an ecumenical movement that will bring forth the good news of salvation: a genuine change reflective in the lives and struggles of the Filipino people.

LOVE: Love thy neighborMass Orientation

Love is Christ’s main commandment; it is the most basic act to show our faith. Our society is in need of more love: a selfless, justice-seeking and compassionate kind of love for the poor and oppressed, seeking to resolve its dismal and worsening conditions. The love for other people is our Christian mission and imperative, next to our love for God and His love for us (1 John 4:21). This mass orientation highlights the need to be

in union with the suffering majority – the basic masses, composed mainly of farmers and workers – toward national liberation and democracy.

STRUGGLE: Serve the people! National Democracy

Struggle is our form of action as expression of faith (James 2:14-17) and manifestations of love (1 John 3:16), especially in the present semi-colonial and semi-feudal set up of our society. All oppression and exploitation are caused by the social evils of imperialism, bureaucrat capitalism and feudalism. In this context, the realization of life in all its fullness entails the fight to attain in all human rights with the aspiration for national democracy as the first and concrete step to a better society. To struggle for the democratic rights and interests of the Filipino people is to live life in God’s service, heeding His call for social justice, genuine freedom and lasting peace.

ACTIVITIES

Biblico-Theological ReflectionsCarlos Tayag Lecture SeriesAdvocacy and CampaignsSocial Action Basic Masses Exposure / Integration Ecumenical FellowshipsInternational Solidarity Work

Join SCMP! Contact: 09352590877

Student Christian Movement of the Philippines

“Speak up for the people who cannot speak for themselves. Speak for them and be a righteous judge. Protect the rights of the poor and needy.”—PROVERBS 31:8-9

Page 10: The Catalyst March - May 2014 issue

The CatalystVOL. XXVIII NO. 3MARCH-MAY 2014 KOMUNIDAD10

Ang Peryodismong Pangkampus sa RebolusyonSa paggunita sa magiting na pakikibaka ng Enero 26 at 30, 1970, mahalagang

kilalanin ang papel na ginampanan ng mga pahayagang pangkampus sa pananawagan sa masang estudyante na manindigan para sa pambansang demokrasya laban sa imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo.

Sa kanilang sarili, ang mga aksyong masa ng Enero 26 at 30 ay malinaw na ekspresyon ng pambansa-demokratikong adhikain ng mamamayan. Ang mga talumpati sa publiko, teach-in, mga klase sa protesta, awitin, pag-iislogan, poster, polyeto, plakard at maging ang pisikal na paglaban sa mga pasistang buhong, ay mahahalagang paraan ng pagpapalaganap sa mga prinsipyo ng pambansa-demokratikong rebolusyon. Ngunit hinding-hindi natin dapat kaligtaan ang malalim at tuluy-tuloy na pagpapalaganap ng pakikibaka para sa pambansang-demokrasya ng mga pahayagang pangkampus bago, sa panahon at pagkatapos ng mga pangyayari ng Enero 26 at 30.

Sa pag-unlad na nagluwal ng isang rebolusyong pangkultura o Ikalawang Kilusang Propaganda, ang peryodismong pangkampus ay maaaring gumampan ng nangungunang papel sa paglilinaw ng mga batayang isyu ng pakikibaka at sa pagmumulat at pag-oorganisa ng malawak na masa ng estudyante para sa rebolusyonaryong pakikibaka. Sa kanilang bahagi, maipararating naman ng mga estudyante ang mensahe ng rebolusyon sa malawak na masa ng sambayanan labas ng mga pader ng kampus sa buong kapuluan.

Mula’t sapul, malaki ang iniaambag ng mga pahayagang pinamamatnugutan at pinatatakbo ng mga estudyante sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong rebolusyon sa buong mundo. Pag-aralan ang kasaysayan ng ating bayan at tuklasin ang mga pahayagan na nagbuod ng mga problema at nagpanukala ng mga rebolusyonaryong solusyon ng panahon. Alalahanin ang Kalayaan, ang rebolusyonaryong pahayagan ng Katipunan. Pinamatnugutan ito ng rebolusyonaryong estudyanteng si Emilio Jacinto. Sa bagong tipong demokratikong rebolusyon, ang mapanlabang diwa ng editor at estudyanteng ito ay nananaig sa hanay ng peryodismong pangkampus.

Ang pagkilala sa mahalagang papel na ginampanan ng peryodismong pangkampus sa mga pangyayari ng Enero 26 at 30 at gayundin sa iba pang rebolusyonaryong pangyayari sa nakaraan at kasalukuyan ay pagkilala sa kawastuan at pangangailangan na magpatalas ng pluma bilang mahalagang sandata sa lahat ng nalalapit pang mga sagupaan laban sa reaksyon at sa buong takbo ng rebolusyon.

Mga Tungkulin ng LEADS

Ang League of Editors f o r a Democratic Society ay m a i t u t u r i n g bilang konsolidasyon ng k o n t e m p o r a r y o n g pagsisikap ng peryodismo sa mga kampus sa Pilipinas laban sa imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Ang pagbubuo nito ay nangangahulugan ng pagpapatalas ng rebolusyonaryong sandata sa serbisyo ng sambayanan, laluna ng naghihirap na masang manggagawa at magsasaka.

Malaki ang maitutulong ng liga sa pagpapalaganap ng pakikibaka para sa pambansang demokrasya. Malalabanan nito ang kontra-rebolusyonaryong paninira at pambabaluktot ng reaksyunaryong pahayagan na sa katunayan ay panig sa interes ng mga imperyalista,

malalaking kumprador, mga panginoong m a y l u p a at burukrata kapitalista. Kailanman ay walang “ m a l a y a at walang-pinapanigang” pahayagan sa b u h a y - a t -kamatayang pakikibaka sa pagitan ng mga pwersa ng rebolusyon at mga pwersa ng reaksyon. May tiyak na mga patakaran ang mga tagapaglathala, adbertayser at editor. P a g d o d o b l e -kara sa bahagi ng mga reaksyunaryo na igiit na tinatalikdan nila ang kanilang makauring interes at tumpak na inilalahad ang panig ng mga rebolusyonaryo.

Ka i langang magkaroon ng sariling mga p a h a y a g a n ang mga rebolusyonaryo p a r a ipahayag ang mga pambansa at

makauring interes ng mga api at pinagsasamantalahan. Kailangang

mahigpit na hawakan ng mga rebolusyonaryong estudyante ang

mga pahayagang pangkampus at gamitin ang mga ito para itaguyod at

ipagtanggol ang interes ng progresibong mga estudyante, gayundin ang interes ng

malawak na masa ng sambayanan.

Kung magkakaisa at lalaban para sa rebolusyonaryong oryentasyon ang lahat

ng mga editor ng kampus, tiyak na magiging makapangyarihang pwersa sa pagbubuo ng

upinyong publiko para sa rebolusyon ang kanilang mga pahayagan. Maaaring maging mas makapangyarihan

pa ang mga ito kaysa sa reaksyunaryong mga pahayagan sa kalunsuran. Maaaring lampasan ng pinagsamang

sirkulasyon ng lahat ng mga pahayagang estudyante sa mga hayskul at kolehiyo ang pinagsamang sirkulasyon ng lahat ng

mga pahayagan sa kalunsuran.

Ang magkahiwalay na sirkulasyon ng Dawn at Advocate pa lamang ay hamak na mas malaki sa bawat labas kaysa sa sirkulasyon ng alinmang

ultra-reaksyunaryong pahayagan ng malaking kumprador gaya ng Philippines Herald, Manila Daily Bulletin at Evening News. Alam ko na sa ngayon ay

daig ng pinagsamang sirkulasyon ng mga pahayagang pangkampus na nasa pamumuno ng League of Editors for a Democratic Society ang pinagsamang sirkulasyon bawat labas ng Manila Times at Manila Chronicle.

Napakahusay ng kalakaran ng League of Editors for a Democratic Society sa paglalathala ng pinagsamang mga editoryal at artikulo sa mga pahayagang

pangkampus. Ito ay epektibong paraan ng pagtataguyod ng pakikibaka para sa pambansang demokrasya. Mabilis nitong mapauunlad ang pagkakaisa sa ideolohiya

at layuning pampulitika. Makakatulong ito sa pagpapatatag ng rebolusyonaryong papel ng masang estudyante, gayundin ng mga guro, sa pakikibaka para sa

pambansang demokrasya.

Hinahangad namin ang ganap na tagumpay ng League of Editors for a Democratic Society sa militante nitong pagsisikap na isulong ang pakikibaka para sa pambansang demokrasya. Kasama ng masang estudyante at mga guro, dapat matatag na makibaka ang mga myembrong-editor ng liga para sa pambansang kalayaan at demokrasya sa loob at labas ng mga kampus. Kailangang gamitin ang pahayagang pangkampus bilang mahalagang kawing sa pagitan ng lahat ng estudyante sa rebolusyonaryong kilusan.

Mga mamamahayag ng kampus, magkaisa para sa rebolusyonaryong layunin!

Tuhugin ng inyong mga pluma ang mga kaaway ng pambansang demokrasya!

Mabuhay ang League of Editors for a Democratic Society!

MENSAHE SA LEAGUE OF EDITORSFOR A DEMOCRATIC SOCIETY

Mula’t sapul,

malaki ang

iniaambag ng

mga pahayagang

pinamamatnugutan

at pinatatakbo ng

mga estudyante

sa pagsusulong ng

pambansa-demokratikong

rebolusyon sa buong

mundo. Pag-aralan ang

kasaysayan ng ating

bayan at tuklasin ang

mga pahayagan na

nagbuod ng mga

problema at nagpanukala

ng mga rebolusyonaryong

solusyon ng panahon.

Alalahanin ang Kalayaan, ang

rebolusyonaryong pahayagan ng

Katipunan. Pinamatnugutan ito ng

rebolusyonaryong estudyanteng

si Emilio Jacinto. Sa bagong tipong

demokratikong rebolusyon, ang

mapanlabang diwa ng editor at

estudyanteng ito ay nananaig

sa hanay ng peryodismong

pangkampus.

Mula sa Struggle for National Democracy ni Prop. Jose Maria Sison

Page 11: The Catalyst March - May 2014 issue

The Catalyst VOL. XXVIII NO. 3MARCH-MAY 2014LATHALAIN 11

Mula’t sapul,

malaki ang

iniaambag ng

mga pahayagang

pinamamatnugutan

at pinatatakbo ng

mga estudyante

sa pagsusulong ng

pambansa-demokratikong

rebolusyon sa buong

mundo. Pag-aralan ang

kasaysayan ng ating

bayan at tuklasin ang

mga pahayagan na

nagbuod ng mga

problema at nagpanukala

ng mga rebolusyonaryong

solusyon ng panahon.

Alalahanin ang Kalayaan, ang

rebolusyonaryong pahayagan ng

Katipunan. Pinamatnugutan ito ng

rebolusyonaryong estudyanteng

si Emilio Jacinto. Sa bagong tipong

demokratikong rebolusyon, ang

mapanlabang diwa ng editor at

estudyanteng ito ay nananaig

sa hanay ng peryodismong

pangkampus.

Ang sistemang kapital ay sistemang nilikha para paglingkuran ang gahamang interes ng iilan, para walang preno sa pagtubo ang kanilang yaman kahit hindi nagpapagod. Sa ganitong batayan, naging negosyo ang lahat ng bagay. Kahit ang kabataan, hindi ligtas dito dahil sa lumalalang komersyalisasyon sa edukasyon. At may mga taong naging alipin na ng kapital dahil sa sistemang umiiral.

Bisig at Kamao

Sa gabi’t araw, yaman ang iniluluwal ng kanilang magagaspang na kamay dahil sa paggawa. Sa dikta ng puhunang inilagak sa kanilang produkto, walang kapaguran silang nagtatrabaho para dumoble o maging triple ang kikitain ng mga boss nila. Silang pilit na binabarat ang benepisyo at tinitipid ang sahod sa ngalan ng kasiguruhang sobra-sobra ang tutubuin ng kapital. Sila ang mga manggagawa. Sila ang mga bisig at kamaong pinanday ng karanasan.

Ang mga manggagawa ay bumubuo sa 15% ng lipunang Pilipino. Sila ang uring proletaryado na mulat sa pagsasamantala ng mga ‘may kapital’ o ‘may pera.’ Sila ang mga lumilikha ng produktong binibili natin sa pamilihan ngunit sila ay walang kakayahang bilhin ang mga ito. Nananatiling hindi nakakabuhay ang sahod nila habang abot-langit ang tubo at ganansya ng mga amo nila.

Sa pagtatala ng Kalipunan at Saligan ng Manggagawa – Indepent (KASAMA – Ind.) sa Hoya Glass Disk Philippines, pagawaan sa Tanauan, Batangas, hindi nababayaran ng tamang halaga ang produktong nalilikha nila. Sa kanilang komputasyon, sa loob ng isang oras, nakakagawa sila ng 300 discs (dahil ito rin naman ang quota nila) na magbibigay ng P4500 sa kanilang amo kada oras kada manggagawa kung P15 kada piraso ang presyo nito sa pamilihan. Dahil sa walong oras na paggawa, aabot sa P36,000 ang kikitain ng kapitalista sa isang manggagawa pa lang sa isang araw. Samantalang nasa P245 lamang ang sahod ng isang manggagawa sa isang araw.

Inaalisan sila ng emosyon, at tinuturing na kasangkapan lamang upang magkamal ng napakalaking tubo. Kaya naman hindi na rin isinaalang-alang ang kanilang kalusugan at seguridad sa paggawa. Papatotohanan ito ng kasalukuyang sitwasyon ng mga manggagawa ng Foxconn, kontraktor ng kumpanyang Apple sa China. Ayon sa China Labor Watch, dumaranas ang mga manggagawa dito ng 100 hanggang 130 oras ng overtime na umaabot pa sa 180 oras, mapanganib na kondisyon sa loob ng pabrika dahil umano sa metal dust exposure na maaring pagmulan

ng mga sakit at ang pagtatanggal sa karapatan nilang mag-unyon. Kaya’t hindi nakakapagtaka kung dumadami ang bilang ng mga manggagawa nitong nagpapakamatay.

Dumaranas ng matinding pagsasamantala ang mga manggagawa saan mang bahagi ng daigdig. Pinapatay sila ng sistemang kapital, dahil sa konteksto ng mga negosyante, ang manggagawa ay kasangkapan lamang para sa kanilang negosyo.

Sila ang mga tagapaglikha ng yaman at karangyaan. Sila ang mga lumikhang walang natatamasa. Silang manggagawa na itinulak ng kalagayan para lumaban at magkaisa upang palayain ang kanilang uri sa sistemang kapital na tanging iilan lamang ang nakikinabang.

Katapat ng Kapital

Ang pinagsanib na lakas ng bisig at kamao ang papawi sa pagkakaalipin ng mga manggagawa sa sistemang kapital. Nabuo ang mga unyon sa proseso ng paglulunsad ng mga manggagawa ng pakikidigmang gerilya laban sa mga kapitalista.

Ayon sa isang sulatin ni Karl Marx, ang mga unyon ang nagsisilbing sentro ng pakikibaka laban sa mga pananakal ng kapital – ang hindi makataong sampung oras na paggawa, kawalan ng seguridad sa loob ng pabrika at ang pagkakait ng mga batayang karapatan ng mga manggagawa tulad ng benepisyo at nakakabuhay na sahod. Kaya naman, nagsimulang magtayo ng unyon ang mga manggagawa na handang magprotesta at ipaglaban ang kanilang batayang karapatan hanggang sa mapawi ang pagiging alipin ng uring proletaryado sa kapital.

Nagsimula na ring magkasa ng tigil-trabaho ang mga manggagawa para magwelga sa loob man o labas ng pabrika sa diwa ng militanteng unyonismo. Hanggang sa taong 1890, sa pahayag ng American Federation of Labor bilang pagkilala sa tagumpay na makakamit ng kampanyang 8-oras mula 10 oras na paggawa sa lahat ng bansa, itinakdang ang Mayo Uno ay Araw ng Paggawa at magiging araw ng pandaigdigang protesta ng manggagawa para sa kanilang karapatan. Dito nagsimula ang sinkronisadong pagkilos ng mga obrero tuwing Mayo Uno hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa mga dayuhang bansa rin.

At noong 1903 sa ilalim ng Union Obrera Democratica (UOD), kauna-unahang pederasyon ng mga unyon sa bansa, ipinagdiwang ang Araw ng Paggawa sa pagmartsa ng mahigit isang daang libong manggagawa patungong Malacañang upang ipaglaban ang makataong kondisyon ng

paggawa sa bansa. Nagkaroon na rin ng mga binhi ng unyonismo ang mga Pilipino na maghuhudyat ng pagsibol ng kilusang manggagawa.

Kung gayo’y ang unyon ng mga manggagawa ay kilusang mayo uno. Dahil ang Mayo Uno ay naging simbolo na ng kanilang makasaysayang tungkulin. Dahil ang mga manggagawa ay lalaya lamang kung mapapabagsak ang sistemang sahuran sa buong daigdig.

Sa huling paglalaban

Walang mawawala sa mga manggagawa sa kanilang pag-aaklas sa umiiral na sistema kundi ang kanilang mga kadena ng pagka-alipin sa kapital. Ito ang huling laban na magtatakda sa kinabukusan ng kilusang paggawa.

Hakbang-hakbang na itatayo ang sosyalismo kung saan wala nang iilang

kikita kahit walang ginagawa. Lahat ay magtatrabaho, at ayon sa ambag sa produksyon ibabatay ang sahod. Samakatuwid, kikitain ng isang manggagawa ang tunay na halaga ng kaniyang produktong nililikha.

Babaguhin ang depinisyon ng paggawa. Dahil hindi na para sa ganansya at tubo ang layunin ng mga pabrika, hindi gagamitin ang mga makina sa pagsasamantala at hindi na ituturing na ‘makina’ ang mga manggagawa.

Sa huling paglalaban, itatanghal na bayani ng kasaysayan ang mga manggagawa, ang uring proletaryado, sa kanilang tutunguhing tagumpay. At ang kabataan kasama ang iba pang sektor sa lipunan ay mapagpasyang sasanib sa rebolusyong ito.

Artikulo nina:Shiena Mae Villas

Abigael de LeonDibuho ni:

Cristian Henry Diche

Silang nagpapanday

Dahil ang Mayo Uno ay naging simbolo na ng kanilang makasaysayang tungkulin. Dahil

ang mga manggagawa ay lalaya lamang kung mapapabagsak ang sistemang sahuran sa

buong daigdig.

Sabi nila “money is the root of all evil.” Nagnanakaw si Juan dahil kailangan ng pera, nang-i-i-snatch ng mamahaling cellphone para maibenta at magka-pera, nagpuputa si Maria tuwing gabi sa kanto para kumita ng pera, nagbebenta ng kakanin si Manang tuwing madaling araw para magka-pera, ngunit higit sa lahat, nanggigipit ang mga boss sa pabrika sa ngalan ng pera – ng tubo at ganansya. Dahil umiiral ang pandaigdigang sistemang kapitalismo, hindi na nakakapagtaka kung ang buhay ng mga karaniwang tao ay dinidiktahan ng kung paano kikita ng pera.

Page 12: The Catalyst March - May 2014 issue

The CatalystVOL. XXVIII NO. 3MARCH-MAY 2014

Apri l le Joy Atadero Ι Acting Editor-In-Chief Ι Abigael de Leon Ι Acting Managing Editor Ι Stel la Marie Maragay Ι Acting Associate Editor

Senior Staff Ι Blessie Peñaf lor Ι Janica Agpaoa Ι Crisby Delgado Ι Arwil f Samudio Ι Ar ianne Joy Dolar Ι Layout Art ist Ι Abigael de Leon Ι Staff

Writers Ι Shiena Mae Vi l las Ι Denise Ann Florendo Ι Jenna Zuñiga Ι Victor Van Ernest H. Vi l lena Ι Aira Jane S . Leido Ι Mary Anne Mae E . Balad-

jay Ι Maria Lyra D. Valdez Ι Jaazeel Espir i tu Ι Rodrigo De Asis Ι Artists Ι Jean Meagan V. Burie l Ι John Paulo Huerto Ι Leandro Vi l las is Ι Gerar-

do Ocampo Jr . Ι Contributors Ι Cr is t ian Henry Diche Ι Christopher Soriano Ι Lionel le Andrew Duque Tan Ι Daniel Dumahog Ι Jessica Ferrera

MEMBER: Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM-PUP)

College Editors Guild of the Philippines (CEGP)

12Libo-libong Iskolar ng bayan ang nagtapos ngayong Mayo. Hindi

matatawaran ang pagtityaga ng bawat estudyante sa mga bulok at kulang na pasilidad, mga dagdag bayarin at lalong higit ang walang humpay na panawagan at paglaban para sa karapatan sa edukasyon.

Katumbas ito ng dami ng panibagong lakas paggawa na may angkop na kahusayan, na karamihan ay mapapabilang sa underemployed, unemployed, iilang tataguriang masuwerte na maagang matatanggap sa trabaho at mga makikipagsapalaran sa ibang bansa.

Pagkatapos ng labing-anim na taon ng paghihirap at pagsisikap sa pag-aaral, kanino magsisilbi ang kaalaman at kahusayan ng kabataan?

Patuloy na inihahanda ang mga kabataan para magsilbi sa interes ng dayuhan at iilang naghaharing uri sa mukha ng K12, RPHER, at kontraktwalisasyon.

Sa K12 program, pilit na iniaangkop ang kurikulum ng Pilipinas ayon sa pangangailangan ng international market. Ang pagdadagdag ng dalawang taon sa highschool upang magsanay ng mga technical at vocational courses at pagtanggal ng mga basic subject tulad ng Science sa Grade 1-4 at Kasaysayan ng Pilipinas sa Junior Highschool ay paghahanda ng mga kabataan sa paggawa sa murang edad. Maagang iniaalis ang diwang makabayan at kagustuhang paunlarin ang bayan.

Lalo pang tinalikuran ng rehimeng US - Aquino ang kabataan gamit ang polisiyang Roadmap on Public Higher Education Reform na may

layuning bawasan ang mga State Universities and Colleges. Bahagi ng programang ito ang pagtutulak sa mga SUCs na magkaroon ng mga Income Generating Projects upang sustentuhan ang kanilang mga sarili at tuluyang abandunahin ng estado ang kabataan.

Iniaalis ng rehimeng ito ang ating karapatan sa edukasyon at isinasadlak tayo sa maagang pagpapaalipin sa mga amo nitong dayuhan at kapitalista. Ang kagalingan ng tinaguriang pag-asa ng bayan ay iniaalok sa mga dayuhang kumpanya at industriya sa loob at labas ng bansa kapalit ang barya-baryang sahod.

Murang lakas paggawa ang pang-akit sa mga namumuhunan ng estado. Itinatali ang mga manggagawa sa kontraktwalisasyon na bibigyan ka lamang ng tatlo hanggang anim na buwan para magtrabaho na may kakarampot na sahod at kawalang benepisyo. Dahil umiigting ang unemployment at underemployment, iniiwan tayong walang pagpipilian sa pagitan ng magpapasamantala o mamatay.

Sa ganitong paraan tayo hinuhubog ng kasalukuyang sistema para maging taga-sunod at taga-silbi sa imperyalismong Estados Unidos na amo ni Noynoy Aquino. Matututo pa lamang tayong mangarap ay winawasak na nila ito, iniaalay na tayo sa amo niyang tanging gusto lang ay tumubo at gumanansya ng sobra-sobrang lakas. Sa puntong aabutin na natin ang mga pangarap, papaniwalain tayo na sa ating pagsisikap ay magbubunga ito ng tagumpay para sa atin at sa pamilya pero ang katotohanan sa bawat pawis at paghihirap natin ay limpak-limpak na yaman ang kakamalin nila.

Pagkatapos ng labing-anim na taon ng paghihirap at pagsisikap sa pag-aaral, buong buhay ka namang magpapakahirap at magtatrabaho, ibibigay mo ang pinakamagaling mong makakaya sa pag-asang kapalit nito ay mataas na sweldo at pagpapaunlad sa bayan.

Ang lahat ng ito ay umaangkop sa mga neoliberal na polisiyang pinaiiral at pinapanatili ng kasalukuyang rehimen sa kumpas ng Estados Unidos.

Mariing naninindigan ang The Catalyst kasama ang malawak na hanay ng sambayanan laban sa mga hindi makatarungang polisiyang sumisikil sa ating mga karapatan.

Naniniwala ang TC na ang buhay, lakas, talino at kagalingan ng kabataan at mamamayan ay nararapat na patuloy na magsilbi para sa pagpapaunlad ng bayan. Ang kawastuhan ng pag-aalay ng buhay at kahandaang lumaban para sa bayan ay dapat maagang ikinikintal sa kamalayan ng kabataan.

Editoryal

”“Pagkatapos ng labing-anim na taon ng

paghihirap at pagsisikap sa pag-aaral, buong buhay ka namang magpapakahirap

at magtatrabaho, ibibigay mo ang pinakamagaling mong makakaya sa pag-asang kapalit nito ay mataas na

sweldo at pagpapaunlad sa bayan.

EDITORIAL BOARD 2014

TheCatalystThe Official Student Publication of the Polytechnic University

‘‘To Write not for the People is Nothing.’’Pro-Students, Pro-Masses

of the Philippines

P U P

EDITORYAL The CatalystVOL. XXVIII NO. 3MARCH-MAY 2014

Kinabukasan sa Tuwid na Daan12