5
BILANG KONGKRETONG HAKBANG sa pagsusulong ng Marikina upang maging Sports Capital, inilunsad kamakailan ang Bike Patrol (nasa itaas na larawan) na mangangalaga sa kaayusan ng bikelanes ng lungsod. Malugod ding inimbitahan ni Mayor Del De Guzman si Azkals team manager Dan Palami (nasa larawan sa itaas, gawing kanan) upang hikayatin ang koponan na maging permanenteng lugar ng pagsasanay ang Marikina Sports Park. Ang pangarap ng Marikina na maging Home of the Azkals ay susuportahan ng Smart Communications sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo upang isaayos ang MSP football field na gagawing lugar ng ensayo ng koponan. Kamakailan ay nagsagawa ng ocular inspection si Patrick Gregorio (pangatlo sa larawan na nasa kanan), ang Vice President for Sports ng Smart Communications kasama sina Congressman Miro Quimbo, Mayor Del De Guzman, at MSP Administrator Dr. Angelito Llabres, Jr. Happy 381st Founding Anniversary Marikina! Para sa talaan ng aktibidad, sundan sa pahina 2 Make it Marikina! Tinig ng Marikina Abril 2011 VOL. II, NO. 1 S A PALAGAY NINYO, ano ang pinakamagandang basehan kung tama ang ginagawa ng ating mayor at lokal na pamahalaan? Totoong maraming paraan upang husgahan kung epektibo nga ang patakbo nina Mayor Del, Vice Mayor Cadiz, Cong. Marcy, at Cong. Miro. Nandyan ang pagbaba ng krimen , pagtaas ng annual income ng lungsod, atbp. Pero para sa akin, ang pinaka- “reliable” na indikasyon na maganda ang pamamalakad ng kasalukuyang liderato ay kung makumbinse natin ang mga taga-labas … na tumira dito sa atin, mamuhunan ng negosyo dito, at mamasyal dito sa Marikina. Isipin ninyong mabuti … tama po ba? Titira ka ba sa isang lugar na madalas ang nakawan? O wala man lang mga open spaces at malilinis na park? O kaydumi- dumi dahil nakakalat ang basura? Siyempre dun ka sa kaaya-aya at may peace of mind ka, di ba? Magtatayo ka ba ng call center kung mahina ang kalidad ng edukasyon sa bayan na 'yon? O magbubukas ka ba ng restawran sa lugar na wala namang trabaho o disposable income ang mga residente? Dun ka siyempre sa mataas ang antas ng edukasyon at may magandang trabaho ang mga residente, di ba? Mamasyal ka ba sa isang siyudad na wala namang pinagkaiba sa inyo? O delikado puntahan? Natural, dun tayo sa madaling puntahan dahil maayos ang mga lansangan at sa mga lugar na nakakaaliw ang kultura at mga atraksyon, di po ba? Kaya’t minabuti ng ating butihing mayor Del R. de Guzman na ilunsad ang “Make it Marikina!” (MIM). Ang MIM ay isang “place marketing campaign” na naglalayon na engganyuhin ang mga hindi taga-Marikina dito sa Pilipinas at maging mga taga-ibang bansa na dito na sa Marikina mamili or magrenta ng bahay, magtayo ng negosyo, o kahit mamasyal sandali. Our objective is to attract new residents, new investments, and more visitors. Ang layuning ito ang siyang gagamiting basehan ng bawat sangay o tanggapan ng Marikina City government para sa kanilang work programs sa mga darating na taon. Kikilos ang bawat isang empleyado ng gobyerno para siguraduhing makatulong sila na matupad ang mga pangarap na ito. Bakit natin gusto na paramihin ang bilang ng mga maninirahan… magnenegosyo… at mamamasyal dito? Gusto lang po natin na pataasin ang kita (income) ng Marikina para mapataas natin ang kalidad ng buhay ng bawat Marikenyo. Sa pagdagsa ng maraming bagong residente sa ating mga subdibisyon, mga bagong negosyante, at milyun-milyong Maging Alerto! Labanan ang modus operandi ng mga huli-dap gang. pahina.6 turista … mas marami ang magbabayad ng buwis, mas sisigla ang mga lokal na negosyo dahil mas marami ang gagastos dito, mas marami ang mabibigyan ng trabaho, atbp. Expanding the tax-base at multiplier effect ang tawag sa mga stratehiyang ito. “Bakit ‘Make it Marikina!’? Hindi maintindihan sa baba. Dapat tagalugin,” puna ng isa. Teka, eh hindi naman sila ang target ng kampanyang ito kundi ang mga outsider na maykayang residente (class AB), negosyante (top 1,000 corporations), at turista. Kaya nga Ingles eh. Kumbaga, ito ay isang “call-to-action” o panawagan sa mga AB families na kung maghahanap kayo ng malilipatan o tatayuan ng pangalawang bahay … Make it Marikina! Ito ay paghihikayat sa malalaking kumpanya na kung naghahanap sila ng pupuhunanan na pabrika o bagong call center … Make it Marikina! Tayo rin ay naglalambing sa mga bisita at turista na kung naghahanap kayo ng kakaibang papasyalan … Make it Marikina! Alinsunod sa programang ito ng MIM ang pagpoposisyon ng Marikina bilang “Sports Capital” at “Bike Capital.” Ganun din ang ating hangarin na maging “Home of the Azkals” ang ating sports center o Marikina Sports Park (MSP). Kaya’t kabayan, di man tayo magkasama o magkasundo sa pulitika … Marikenyo pa rin tayo pare-pareho … kaya’t magkaisa na lang sana tayo na ayusin at pagandahin ang Marikina para makumbinse natin ang ating mga inaanyayahan na – Make it Marikina! (PAUL SISON) SINA MAYOR DEL DE GUZMAN at City Administrator Vic Sabiniano kasama sina Ageless Warriors proponent Tony dela Cruz at Gerry Gabriel na nagsusulong ng Bike Lanes Now Advocacy para sa pagpapalaganap ng kaligtasan, kalikasan at kultura ng pamimisikleta

Tinig Ng Marikina April 2011

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tinig Ng Marikina April 2011

Bilang kongkretong hakBang sa pagsusulong ng Marikina upang maging Sports Capital, inilunsad kamakailan ang Bike Patrol (nasa itaas na larawan) na mangangalaga sa kaayusan ng bikelanes ng lungsod. Malugod ding inimbitahan ni Mayor Del De Guzman si Azkals team manager Dan Palami (nasa larawan sa itaas, gawing kanan) upang hikayatin ang koponan na maging permanenteng lugar ng pagsasanay ang Marikina Sports Park. Ang pangarap ng

Marikina na maging Home of the Azkals ay susuportahan ng Smart Communications sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo upang isaayos ang MSP football field na gagawing lugar ng ensayo ng koponan. Kamakailan ay nagsagawa ng ocular inspection si Patrick Gregorio (pangatlo sa larawan na nasa kanan), ang Vice President for Sports ng Smart Communications kasama sina Congressman Miro Quimbo, Mayor Del De Guzman, at MSP Administrator Dr. Angelito Llabres, Jr.

Happy 381st Founding

AnniversaryMarikina!

Para sa talaan ng aktibidad, sundan sa pahina 2

Make it Marikina!

Tinigng Marikina

Abril2011

Vo

l. II

, No

. 1

Sa palagay ninyo, ano ang pinakamagandang basehan kung tama ang ginagawa ng ating mayor at lokal na pamahalaan?

Totoong maraming paraan upang husgahan kung epektibo nga ang patakbo nina Mayor Del, Vice Mayor Cadiz, Cong. Marcy, at Cong. Miro. nandyan ang pagbaba ng krimen , pagtaas ng annual income ng lungsod, atbp.

pero para sa akin, ang pinaka-“reliable” na indikasyon na maganda ang pamamalakad ng kasalukuyang liderato ay kung makumbinse natin ang mga taga-labas … na tumira dito sa atin, mamuhunan ng negosyo dito, at mamasyal dito sa Marikina.

isipin ninyong mabuti … tama po ba?Titira ka ba sa isang lugar na madalas

ang nakawan? o wala man lang mga open spaces at malilinis na park? o kaydumi-dumi dahil nakakalat ang basura? Siyempre dun ka sa kaaya-aya at may peace of mind ka, di ba?

Magtatayo ka ba ng call center kung mahina ang kalidad ng edukasyon sa bayan na 'yon? o magbubukas ka ba ng restawran sa lugar na wala namang

trabaho o disposable income ang mga residente? Dun ka siyempre sa mataas ang antas ng edukasyon at may magandang trabaho ang mga residente, di ba?

Mamasyal ka ba sa isang siyudad na wala namang pinagkaiba sa inyo? o delikado puntahan? natural, dun tayo sa madaling puntahan dahil maayos ang mga lansangan at sa mga lugar na nakakaaliw ang kultura at mga atraksyon, di po ba?

Kaya’t minabuti ng ating butihing mayor Del R. de guzman na ilunsad ang “Make it Marikina!” (MiM). ang MiM ay isang “place marketing campaign” na naglalayon na engganyuhin ang mga hindi taga-Marikina dito sa pilipinas at maging mga taga-ibang bansa na dito na sa Marikina mamili or magrenta ng bahay, magtayo ng negosyo, o kahit mamasyal sandali.

our objective is to attract new residents, new investments, and more visitors.

ang layuning ito ang siyang gagamiting basehan ng bawat sangay o tanggapan ng Marikina City government para sa kanilang work programs sa mga darating na taon. Kikilos ang bawat isang empleyado ng gobyerno para siguraduhing makatulong sila na matupad ang mga pangarap na ito.

Bakit natin gusto na paramihin ang bilang ng mga maninirahan… magnenegosyo… at mamamasyal dito?

gusto lang po natin na pataasin ang kita (income) ng Marikina para mapataas natin ang kalidad ng buhay ng bawat Marikenyo.

Sa pagdagsa ng maraming bagong residente sa ating mga subdibisyon, mga bagong negosyante, at milyun-milyong

Maging Alerto! Labanan ang modus operandi ng mga huli-dap gang. pahina.6

turista … mas marami ang magbabayad ng buwis, mas sisigla ang mga lokal na negosyo dahil mas marami ang gagastos dito, mas marami ang mabibigyan ng trabaho, atbp.

Expanding the tax-base at multiplier effect ang tawag sa mga stratehiyang ito.

“Bakit ‘Make it Marikina!’? Hindi maintindihan sa baba. Dapat tagalugin,” puna ng isa. Teka, eh hindi naman sila ang target ng kampanyang ito kundi ang mga outsider na maykayang residente (class aB), negosyante (top 1,000 corporations), at turista. Kaya nga ingles eh.

Kumbaga, ito ay isang “call-to-action” o panawagan sa mga aB families na kung maghahanap kayo ng malilipatan o tatayuan ng pangalawang bahay … Make it Marikina!

ito ay paghihikayat sa malalaking kumpanya na kung naghahanap sila ng pupuhunanan na pabrika o bagong call center … Make it Marikina!

Tayo rin ay naglalambing sa mga bisita at turista na kung naghahanap kayo ng kakaibang papasyalan … Make it Marikina!

alinsunod sa programang ito ng MiM ang pagpoposisyon ng Marikina bilang “Sports Capital” at “Bike Capital.” ganun din ang ating hangarin na maging “Home of the azkals” ang ating sports center o Marikina Sports park (MSp).

Kaya’t kabayan, di man tayo magkasama o magkasundo sa pulitika … Marikenyo pa rin tayo pare-pareho … kaya’t magkaisa na lang sana tayo na ayusin at pagandahin ang Marikina para makumbinse natin ang ating mga inaanyayahan na – Make it Marikina! (Paul SiSon)

Sina Mayor Del De guzMan at City Administrator Vic Sabiniano kasama sina Ageless Warriors proponent Tony dela Cruz at Gerry Gabriel na nagsusulong ng Bike Lanes Now Advocacy para sa pagpapalaganap ng kaligtasan, kalikasan at kultura ng pamimisikleta

Page 2: Tinig Ng Marikina April 2011

HiniHimok ni mayor Del De Guzman ang mga residente na nanininirahan katabi ng mga bikelane na linisin at alisin ang mga nakakasagabal dito bilang paghahanda sa pagsasaayos ng 52 kilometrong bikeways network.

“Ayaw nating maaksidente ang ating mga namimisekleta dahil lamang sa pagiging iresponsable ng iba,” ayon kay mayor Del.

napansin niya ang mga sampayan, mga trapal, tarpaulins, mesa at upuan na pagmamay-ari ng mga residente na nakahambalang sa mga bikelanes.

inaasahang itataguyod ni De Guzman ang kultura ng pamimisikleta. kamakailan ay binuksan niya ang marikina Bikeways office upang imentina ang mas malinis at mas ligtas na bike network para sa mga residente, manggagawa at trabahador ng marikina at mga leisure bikers mula ibang lungsod at munisipalidad.

noong 2007, nakapagtala ang lungsod ng 552, 435 bilang ng mga namimisekle-tang gumamit ng bikelanes kapag sila ay pupunta o manggaling sa trabaho, paaralan o naglilibot sa lungsod.

Binuo noong 2003, ang bikeways ng marikina ay nag-iisang bicycle lane net-work sa bansa na binuo mula sa ayuda na $1.3 milyon mula sa World Bank.

iSa Sa Magiging SuSi sa pagpapatuloy ng disiplina at kalinisan ng mga Marikenyo ay ang nalalapit na pagtatalaga ng deputized anti-littering enforcers sa mga komunidad sa mga barangay sa lungsod.

ayon sa City Environmental Management office (CEMo), ang anti-littering Code of Marikina ay nagtatadhana ng kapangyarihan ng punong lungsod na magtalaga ng anti-littering enforcers sa bawat barangay.

ang deputized anti-littering enforcers ang siyang makakatuwang ng CEMo sa pagpapanatili ng kalinisan at disiplina sa mga mamamayan hinggil sa wastong pagtatapon ng basura.

ang sistemang ito ay makatutulong din sa itatalagang anti-littering enforcers na makakuha ng insentiba sa bawat mahuhuling paglabag. Mapupunta sa mga ito ang php125 o 25% ng php500 na multa sa mahuhuling nagkakalat.

ayon kay CEMo Chief gloria

Buenaventura, malaki rin ang maitutulong ng kampanyang ito upang kumita ang itatalagang anti-littering enforcers na pipiliin at isasailalim sa mga seminar at orientation ng kanilang tanggapan.

“nais nating isulong ang proyektong ito sapagkat hindi lamang ito magpapatuloy ng kultura ng disiplina sa ating mga residente, bagkus ito ay makatutulong upang magkaroon ng kabuhayan ang ating mga community leader,” wika ni Buenaventura.

KaMaKailan ay naKaBili na ang lungsod ng Marikina

ng sarili nitong sewer truck na ginagamit sa patuloy na citywide declogging operations upang maiwasan ang pagbaha.

ang dalawang sewer truck ay nag-aalis ng mga sari-saring debris tulad ng burak, basura, mga damit at gamit na naanod noong kasagsagan ng Bagyong “ondoy” mula sa mga daluyan ng tubig tulad ng mga kanal at drainage.

ang pagbili ng sariling sewer truck ay naging isa sa prayoridad ni Mayor Del De guzman upang maihanda ang Marikina sa panahon ng tag-ulan.

“Higit na makabubuti na ang lokal na pamahalaan ay may sariling gamit kaysa nagrerenta. Tamang tama rin ang panahon ng pagbili natin ng mga sewer truck sapagkat may sapat na panahon pa ang ating pamahalaan upang malinis ang daluyan ng tubig. Sa ganitong paraan, handang-handa na tayo sa panahon ng tag-ulan,” wika ni Mayor Del.

Matatandaang noong agosto 2009 ay nagrenta ang lokal na pamahalaan ng dalawang sewer truck na nauna nang naglinis sa mga daluyan ng tubig sa lungsod.

Sa flag-raiSing cereMony kamakailan, iprinisinta ni Mayor Del De Guzman (ikalawa

mula sa kanan) kay City Engineer Alfonso Espiritu (ikalawa mula sa kaliwa) ang susi ng dalawang sewer truck na binili ng lokal na pamahalaan ng Marikina. Ang nasabing sewer truck ay gagamitin sa pagpapatuloy ng citywide declogging operations na sinimulan noong Agosto kung saan sari-saring debris tulad ng burak, basura, mga damit at gamit na naanod noong kasagsagan ng Bagyong “Ondoy” ang naaalis sa mga daluyan ng tubig tulad ng mga kanal at drainage. Sinaksihan din nina 2nd District Representative Miro Quimbo (dulong kaliwa) at Vice Mayor Dr. Fabian Cadiz (dulong kanan) ang naturang turn-over ceremony.

Goodbye, baradong drainage pipes

Mayor Del:

Alisin ang mga sagabal sa bikeways

Deputized anti-littering enforcers, susi sa disiplina, kalinisan

Published by the Public information office 2nd Floor, marikina City Hall Shoe Ave., Sta. Elena, marikina CityTelefax no.: 646-6451 Cell nos. 0915-4573293, 0918-6577158 E-mail: [email protected] Website: www.infomarikina.webs.com www.marikina.gov.ph

Paul edward P. SisonMaria lourdes navarrochrysler de guzmannoli Mirafuente, oscar cinco, James Paul c. agulay, ramon Jacinto Matarolorenzo gatbonton, charlie Priela

concepcion rodulfocesar Barquilla, nick ferrerrhyan Quilapiorandie esteves, Marjun fadriquela, Salvador narraatty. florella almarezgerard S. gabrielTinigng Marikina

Editor-in-ChiefAssociate Editor

LayoutWriters

Photographers

ResearcherContributors

Marketing & Circulation ManagerCirculation

Legal Consultant

Editorial Consultant

MONTALBANMarikina River

La MesaReservoir

Laguna Lake

Mar

ikin

a Ri

ver

Manggahan Floodway

Pasig River

MARIKINA

PASIG CITYMANDALUYONG

SAN JUAN

MAKATI

TAGUIG CITY

QUEZON CITY

HATiD NG BRAVEHEARTS, The 3000 Club, at lokal na pama-halaan ang magandang balita: maaari nang masugpo ang cervical cancer sa pamamagitan ng bakuna.

Sa isang cervical cancer awareness program na ginanap sa Sentrong Pangkultura ng Marikina, ang mga kababaihan ay tinipon upang bigyan ng sapat na kaalaman hinggil dito.

Ang proyekto ay isang prevention program na sinimulan ng mga organisasyong The 3000 Club at Bravehearts na may layuning makamtan ang isang cervical cancer-free na bansa.

ipinaliwanag ni Abbygale Arenas - de Leon, presidente ng Bravehearts, na ang cervical cancer ay madaling maiwasan sa pamamagitan ng pagpapabakuna. Bagamat binigyang-diin din niya na 12 Filipina ang namamatay sa nasabing sakit araw-araw.

ikinatuwa naman ni Mayor Del De Guzman ang pagpunta ng mga nasabing organisasyon sa Marikina upang magsa-gawa ng cervical cancer awareness program.

“Ating inaatasan ang City Health Office na lumikha pa ng ganitong mga programa upang lubos na mapaigting ang kampanyang malabanan ang sakit na cervical cancer,” wika ni Mayor Del.

Ang programa ay isinagawa bilang selebrasyon ng Cervical Cancer Awareness Month noong buwan ng Pebrero.

“Cervical Cancer labanan!”

Si Mayor Del De guzMan mismo ang sumubok sa Biorex Machine ng city health office (cho). ang cho ay may apat na Biorex machine na naipapagamit ng libre sa mga residente. ang nasabing gamit ay nakatutulong sa pagsasaayos ng daloy ng dugo at naghahatid ng iba pang kagalingan sa katawan. Sa mga interesado, magsadya sa Senior citizens Wellness center, 3/f ng healthy city center.

Bravehearts, The 3000 Club, Marikina:

Ayon sa Geographical Information System ng Philippine Volcanology and Seismology (PhIVolcS), tanging 5.8 kilometro lamang ng Valley Fault System (dating tinawag na Marikina Valley Fault System) ang matatagpuan sa Marikina. (Tingnan ang mapa sa taas.)

SA KADAHiLANANG ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nasa Pacific Ring of

Fire, ang paghahanda sa iba’t ibang uri ng kalamidad tulad ng lindol ay nararapat na maging prayoridad ng mga mamamayan at kinauukulan.

Narito ang ilan sa mga gabay at tagubilin upang manatiling ligtas ang mga tao kung sakaling lilindol:

Bago lumindol: Magplano. Alamin ang earthquake hazard sa inyong lugar. Sundin ang structural design at engineering practices kung magpapatayo ng bahay. Alamin ang tibay (structural soundness) ng inyong bahay at isaayos ito kung kinakailangan.Ihanda ang inyong tahanan, lugar ng trabaho, at paaralan. Talian o i-bolt sa dingding ang mabibigat na kasangkapan tulad ng cabinet at malalaking appliances upang hindi ito matumba sa pag-uga. Alamin kung matibay ang pagkakakabit ng mga hanging object tulad ng ceiling fan at chandelier. itago ang mga babasaging gamit, mapanganib na kemikal, at bagay na madaling masunog sa isang secured na lugar.Gawing pamilyar ang sarili sa mga exit route sa inyong tahanan, lugar ng trabaho, at paaralan. Alamin din ang lagayan ng fire extinguisher at first aid kit.Magbasta ng emergency kit na naglalaman ng de-latang pagkain, bottled water, gamot, flashlight, ekstrang baterya, at transistor radio na de-baterya.Magsagawa o lumahok sa regular na earthquake drill.

Habang lumilindol:Maging kalmado at alerto. Huwag magpanic.Kung nasa loob ng matibay na gusali, mabilis na buksan ang pinto kung maaari. Magtago sa isang matibay na mesa at manatili

doon habang pinuprotektahan ang ulo. Umiwas sa mga salamin at mabibigat na muwebles at gamit na maaaring bumagsak.Kung nasa loob ng gusali, magpunta sa open area. Umiwas sa mga puno, poste, linya ng kuryente, at istruktura. Umiwas din sa matarik na lugar at mga landslide-prone area. Umiwas din sa dalampasigan at lumikas papunta sa mas mataas na lugar dahil sa peligro ng tsunami.Kung nasa loob ng umaandar na sasakyan, huminto at lumabas sa sasakyan. Huwag magtangkang dumaan sa tulay, underpass, tunnel, at flyover.

Pagkatapos lumindol: Humanda sa aftershocks.Kapag huminto ang pagyanig, lumabas agad ng gusali. Huwag gumamit ng elevator o pumasok sa nasirang gusali.Suriin ang sarili at ang kapwa kung mayroong injury.Suriin ang linya ng kuryente at tubig upang malaman kung na-damage ito.Suriin kung may natapong kemikal, at mga nakalalason at madaling magliyab na uri nito.Puksain agad ang apoy sa paligid upang hindi na ito kumalat.Kung kinakailangang lisanin ang tahanan, mag-iwan ng mensahe kung saan kayo pupunta. Magdala ng emergency kit.Manatiling nakaantabay sa mga balita sa pamamagitan ng radyo na de-baterya.

Lindol 101

VAll

ey

FA

ulT

Sy

STe

M

0 0.5 1kilometers

ang paManTaSan ng lungsod ng Marikina (plMar) ay itinuturing na pangunahing kolehiyo sa lungsod na nagkakaloob ng de-kalidad na edukasyon. Sa

loob ng pitong taon, ang plMar ay patuloy sa pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral nito. Sa kasalukuyan, umabot na sa higit sa limang libong mag-aaral ang nakapag-enroll na sa plMar na inaasahan ng kani-kanilang pamilya na makatatapos ng kolehiyo.

ang pagpapaigting ng serbisyong pang-edukasyon ang dahilan kung kaya ang lokal na pamahalaan ay

Kalidad ng edukasyon ng PLMar, pinaghuhusay pamakikipagkasundo sa philippine Veterans Bank upang makakuha ng term loan facility na nagkakahalagang php600M.

ang term loan facility na ito ay gagamitin ng lokal na pamahalaan upang pondohan ang development projects ng Marikina tulad ng pagbubukas ng bagong campus para saplMar. ang bagong plMar campus na matatagpuan sa Brgy. Concepcion Dos ay may kakayahang tumanggap ng 5,000 mag-aaral, magbibigay-daan sa pagtatayo ng 96 na silid-aralan, limang computer laboratory, apat na Science laboratory, dalawang Speech laboratory, apat na audio-visual room, mock-up hotel, mock-up hospital, at e-library.

Kamakailan lamang ay kinuha rin ng

lokal na pamahalaan ang serbisyo ni nilo Rosas bilang consultant ng plMar. Si Rosas ay naging commissioner ng professional Regulation Commission; dating undersecretary ng Department of Education, Culture and Sports; at dating director ng Bureau of Higher Education.

“napakahalaga ng mga hakbang na ito upang higit pa nating maisulong ang mga programang pang-edukasyon at maipagpatuloy ang mahusay na serbisyo sa ating mga kabataan,” wika ni Mayor Del.

Samantala, maaari ring mapondohan ng naturang term loan facility ang pagpapalaki ng Marikina City Hall, at pagtatayo ng isang slaughterhouse at isang legislative building.

AnG lAHAT ay iniimbitahang makiisa sa mga pagdiriwang ng 381st Founding Anniversary ng Marikina.

Ilan sa mga aktibidad na magaganap ay ang mga sumusunod:

April 11:turn-over ceremony of ka-angkan festival’s hermano and hermana Mayor (Freedom Park)ribbon cutting of foundation Week Market (Plaza delos Alcaldes)karunungan caravan (District 1)

April 12-17foundation Week Market (Plaza delos Alcaldes)free Summer Sports camp (Marikina Sports Park)

April 12-13, 16inter-barangay Dance contest (Freedom Park)

April 13 inauguration of organic garden (Green Street, Brgy. Concepcion Dos)

April 14groundbreaking of Materials recovery facility of Brgy. tañongBlessing of Marikina east Park

April 15groundbreaking of legislative Buildingfoot Paradefoundation Day celebration (Marikina Sports Park)

April 16holy Mass (J. dela Peña Chapel)youth convention against illegal Drugs (Teatro Marikina)Piknikan sa roman garden

381st Founding Anniversary

Dr. nilo roSaS

TiniG ng Marikina TiniG ng MarikinaVol. ii, No. 1 | ABrIl 2011

www.marikina.gov.ph www.marikina.gov.ph

ABrIl 2011 | Vol. ii, No. 1

2 3

Page 3: Tinig Ng Marikina April 2011

Del DeliversMayor Del r. De Guzman

Balitang Bise Vice Mayor Fabian Cadiz

Kilala na ang aTing lungSoD bilang “shoe capital” at ngayon naman, hangad nating maging “sports hub” – isang bago at magandang pangarap na sa tingin ko ay kaya nating abutin. Kung naging kilala ang Camsur dahil sa mga pasilidad sa watersports, kakayanin nating maging matagumpay tulad nila sa pamamagitan ng ating Marikina Sports park (MSp) na aagapayan ng iba pang mga pasilidad para sa softball, tennis at iba pa.

Sa aking nakaraang State of the City address (SoCa), ideneklara ko at inilunsad natin ang 2012 bilang “Make it Marikina” year—isang tukoy at masinsing marketing plan upang hikayatin sa ating lungsod ang mga bagong mumumuhunan, maninirahan, mga bisita at turista pati na ang pagpapasigla sa promosyon ng ating lokal na produkto at serbisyo.

naniniwala ako na malaki ang maitutulong ng kampanyang ito upang matamo natin ang bagong pangarap na ito. nakikini-kinita ko na ang istratehiyang ito ay magbubunsod ng “multiplier effect” mula sa mga larangan ng turismo at palakasan, magbibigay sigla sa lokal na ekonomiya at magpapalawak sa tax base ng lungsod upang ang paglaki ng koleksyon sa buwis ay makatulong sa pagbuti ng kalidad ng buhay ng bawat Marikenyo.

Kinakausap natin ang mga personalidad na tulad ni Kinatawan Charlie Cojuangco at Manny pangilinan para sa rehabilitasyon ng ating football field at pati na ng ating buong sports park na inialay natin upang maging bagong tahanan ng pamosong azkals. napalaking bagay ito para sa atin at sana nga tanggapin nila. inilalapit natin sa mga lhuillier ang planong pagtatayo ng world class tennis facility para sa pandaigdigang kumpetisyon na sana ay matustusan nila.

May kinakausap pa tayong pwedeng maging isponsor ng mas maayos at modernong softball stadium sa kanyang kasalukuyang lugar sa pampang ng ating ilog sa barangay Sto. niño. Kung papalarin tayo, inaasahan ko ang malaking pag-igpaw sa bilang mga bisita, manonood at turista at siyempre, pati na ang paglaki ng kikitain ng lungsod at mga lokal na negosyo mula sa mga sporting events na gaganapin dito.

ang pagiging kapitolyo ng palakasan ay nakahulma upang magsilbing atraksyon sa mga bagong mamumuhunan sa mga negosyo at serbisyong pampalakasan tulad ng sports clinics, therapy centers, ospital, workout gyms, health spas, mga pasilidad sa pagsasanay at iba pa. Samakatuwid, posibleng mahikayat na manirahan sa ating lungsod ang mga atleta at maging mga propesyunal at eksperto sa kaugnay na mga larangan.

Kabilang ang ating lungsod sa Clean and green Hall of Fame, nagawaran ng samu't-saring pagkilala bilang Healthy City ng World Health organization (WHo), isa sa mga nagtatag ng alliance of Healthy Cities at nag-iisang lungsod na may bike ways network sa ating bansa (52 kms. sa kalahatan). Kung hindi lamang sa mapait na alaala at trauma ng di-pangkaraniwang bahang dulot ng bagyong ondoy, tiyak maraming gugustuhing lumipat at manirahan dito sa atin.

Bilang tugon sa malaking hamon na ito, sinusuyo natin ang mga pangunahing land developers tulad ng ayala land, Megaworld, Filinvest, Robinsons, Federal land, SMDC at iba pa upang mamuhunan batay sa ideyang hihikayatin ang mga naninirahan sa mga mapanganib na lugar na lumipat sa mas matataas na bahagi ng lungsod tulad ng Marikina Heights, Fortune at Concepcion Dos. Samantala, ang mga mababakanteng mga danger zones ay gagamitin sa paraang akma at batay sa kanilang topograpiya. anumang pagpapaunlad sa mga lugar na naturan ay dapat naaayon sa mga disenyong titiyak na ligtas sila sa pagbaha.

MalaKi ang ipinagBago ng office of the Vice Mayor nang maupo ang inyong lingkod bilang bagong Vice Mayor ng lungsod ng Marikina at presiding officer ng 6th City Council noong buwan ng Hulyo taong 2010.

una nating binigyan ng pansin ang mga silid na gagamitin ng ating mga konsehal sa mga iba’t ibang programa ng kanilang opisina sapagkat tayo po ay naniniwala na mas magiging maganda ang trabaho kung maaliwalas ang kapaligiran at nasa ayos ang lahat. ipinaayos po natin ang mga bakanteng silid na ating dinatnan dito sa tanggapan ng office of the Vice Mayor. pinaghati-hati natin ang mga silid at nilagyan ng kani-kanilang mga pangalan; ang unang silid ay tinawag nating president Emilio aguinaldo Conference Room; ang ikalawang silid ay tinawag na president Ramon Magsaysay Conference Room na siyang tiyuhin ng ating Konsehal Jojo Banzon. ang dalawang bagong conference room na ito ay malawakang nagagamit ngayon ng ating mga konsehal sa kani-kanilang mga Committee Meetings. ito din ay nagagamit ng iba’t ibang organisasyon sa lungsod ng Marikina na katuwang ng ating lungsod sa iba’t ibang mga proyekto. ang dalawang silid na ito ay kumpleto sa audio visual equipment upang mas lalong maging madali at makabuluhan ang mga presentation at pagpupulong ng mga gumagamit dito.

itinatag din ang Marikina City Council information and Technology Center (MCCiTC) bilang katuwang na teknikal ng konseho sa kanilang opisina at komite at maging sa live streaming over the internet ng mga sesyon. ang MCCiTC din ang siyang nagmimintina ng official website ng City Council at lahat ng programang nakapaloob dito katulad ng Typhoon alert System, E-sumbong, ordinance library, Flood Monitoring System at siyempre ang live Streaming ng City Council Sessions.

Sa pamamagitan ng Typhoon alert System ay namomonitor natin ang paparating na mga bagyo sa pilipinas at kung saan ito dumadaan o tatama upang ang ating mga kababayan ay makapaghanda sa mga posibleng sakuna. ang E-sumbong naman ay isang SMS alert system na kung saan maaari tayong magsumbong sa pamamagitan ng pagtext sa numerong 0932-4498553 sa lahat ng concern patungkol sa droga o ipinagbabawal na gamot. ang inyong mga text ay secured at nakatago sa aming sistema at walang makakaalam ng mga konpidensyal na inpormasyon patungkol sa inyong mga sumbong o mga tip. Maaari na ring mabasa at makapagdownload ng mga ordinansa sa ating ordinance library. Sa kasalukuyan ay mano-manong ginagawa ng ating masisipag na MCCiTC staff ang pag encode ng mga luma at bagong ordinansa. Sa pamamagitan nito ay nabibigyan natin ng updated na kaalaman ang ating mga kababayan sa mga bago at lumang ordinansa ng ating lungsod. nakapaloob din sa website ang Flood Monitoring System na nakamonitor sa taas ng tubig ng ilog. ito ay may direktang ugnayan sa MMDa Flood Monitoring System kung kaya accurate ang pagkuha ng pagtaas ng tubig kada sampung minuto. at bilang pagtugon sa panawagan ng ating Mayor Del kaugnay sa transparency ng gobyerno ay ang pagkakaroon ng live Streaming ng City Council Session kada Miyerkules, alas-9 ng umaga. Dito ay mapapanood nang live ang mga deliberasyon at panukala sa mga bagong ordinansa at resolusyon ng ating lungsod, pagpapakita lang ng masipag na paglilingkod-bayan ng mga bagong halal nating konsehal sa ilalim ng 6th City Council.

Ang pangarap ko sa Marikina Pagbabago sa

6th City Council

naMigay ang METRoBanK gRoup ng Bags of Blessing sa Marikina Sports park para sa mga residente ng lungsod bilang selebrasyon ng Chinese new year noong pebrero.

ang Chinese new year Bags of Blessing ay proyekto ng Metrobank group, Department of Social Welfare and Development, philippine national police, at armed Forces of the philippines, katuwang ang pamahalaang lungsod ng Marikina upang maibahagi sa mga residente ng Marikina ang isang masaganang bagong taon.

ang nasabing Bags of Blessing ay naglalaman ng mga pagkain tulad ng

noodles, canned goods, asukal, cooking oil at iba pa. Bukod pa rito, namigay rin sila ng sampung kilo ng bigas sa bawat benepisyaryo.

Samantala, bago ang nasabing pamamahagi ng biyaya, nagsagawa muna ang Metrobank group ng isang pre-registration sa mga mahihirap na residente mula sa bawat komunidad ng lungsod. ang mga napili ay binigyan ng claim stub at pinagdala ng valid iDs sa kanilang pagpunta sa Marikina Sports park.

Sa tala ng Metrobank group, umabot sa 400 residente ang nabiyayaan ng nasabing proyekto.

PWDs: Salamat sa programang Kalinga sa may KapansananiSinagaWa KaMaKailan sa Marikina Healthy City Center ang programang “Kalinga sa may Kapansanan” na may layuning magbigay ng wheelchairs, crutches, walkers at artificial legs sa mga residenteng may kapansanan sa Marikina.

ang nasabing proyekto ay pinamunuan ng City Health office sa pakikipagtulungan ng amang Rodriguez Medical Center, liga ng mga Barangay, Katipunan ng mga may Kapansanan sa pilipinas incorporated, at ng physicians for peace.

ang “Kalinga sa may Kapansanan” ay

nakapagbigay ng 30 wheel chairs, 4 crutches, 8 walkers at 11 prosthetics sa mga tinatawag na pWDs o persons with disabilities sa lungsod.

ayon kay City Health officer Dr. alberto Herrera, ang Kalinga sa may Kapansanan ay bagong proyekto ng CHo na naglalayong makapagbigay ng pag-asa sa mga pWDs na muling makalakad at manumbalik ang kanilang self-confidence o tiwala sa sarili.

Samantala, ayon naman kay pete Manio, presidente ng Katipunan ng mga may Kapansanan sa pilipinas inc., nais ng programa na ipaalala sa mga may kapansanan na maaari pa rin silang maging productive sa kabila ng kanilang kalagayan.

Bukod pa rito, layunin naman ni laura gwathny ng physicians for peace uSa na tulungan ang may mga kapansanan upang sa gayon ay magkaroon din sila ng pagkakataon at kakayahan na makatulong din sa iba.

Art Now! Marikina arts Month 2011AnG BuwAn nG PeBrero ay buwan ng sining sa Marikina. Sa pamamagitan ng art now, samu't-saring likhang sining ang ipinamalas at nilikha ng mga Marikenyo sa mga sumusunod na aktibidad: story-telling session, art contest, mural art contest, chalk fest contest, exhibits, cosplay, poster-making contest contest, poetry-reading and writing, at arts and crafts workshop.

Metrobank Group namahagi ng Bag of Blessings

May mga engineering interventions na isasagawa upang mabawasan ang panganib sa buhay at ari-arian ng mga posibleng maapektuhan. Hangad nating mabawasan ang pangamba ng ating mga mamamayan sa usaping ito at payapain ang loob ng mga taga labas na may balaking mamuhunan, bumisita o manirahan sa ating mahal na lungsod.

Hinggil naman sa panganib ng lindol, sinisikap natin na isagawa ang seryoso at panayang earthquake drills sa mga gusaling pampubliko, mga paaralan at pagamutan at hikayatin maging mga pribadong establisyemento na magsagawa rin nito. patuloy ang mga inspeksyon ukol sa structural integrity ng mga gusali at mga tahanan sa hangaring ihanda sila sa matitinding pagyanig. Dadagdagan natin ang mga pasilidad sa pagtugon sa sakuna. lalawakan ang mga kampanya upang ipabatid sa ating mga mamamayan ang geohazard map ng ating lungsod bilang batayan ng marapat na kahandaan ng ating mga komunidad at subdibisyon. Bagaman at walang makatitiyak kung kailan magaganap ang ganitong sakuna, mabuti na ang may palagiang paghahanda.

ang pagiging sports hub ay bahagi ng aking mga pangarap. Sana po ay pangarapin ninyo rin. Matayog marahil sa pananaw ng ilan. ngunit, para sa akin, posible naman. Batid ko na mahirap ang daan ngunit alam kong may kahihinatnan. Sa ating sama-samang pagsisikap at pagbabalikatan na itaguyod ang layuning ito, uusad din tayo hanggang sa ang mga nasabing mithiin ay ating makamtan.

TiniG ng Marikina TiniG ng MarikinaVol. ii, No. 1 | ABrIl 2011

www.marikina.gov.ph www.marikina.gov.ph

ABrIl 2011 | Vol. ii, No. 1

4 5

Page 4: Tinig Ng Marikina April 2011

TiniG ng Marikina TiniG ng MarikinaVol. ii, No. 1 | ABrIl 2011

www.marikina.gov.ph www.marikina.gov.ph

ABrIl 2011 | Vol. ii, No. 1

6 7

Mula sa Tao, Para sa Tao

Cong. Marcy Teodoro

Tunay na Kaunlaran, Tao NamanCong. Miro Quimbo

iSang Mapagpalang aRaW Sa inyo.nakatutuwang isipin na kahit paunti-unti, nakasasabay

ang pilipinas sa pag-unlad ng ibang mga bansa sa buong mundo. nakakasabay din sa pag-unlad na ito ang mga pilipino.

isa sa mga simbolo ng pag-unlad ng ating mga kababayan ay ang pagkakaroon nila ng kakayahang makabili ng materyal na bagay o asset tulad ng bahay at lupa, mga kasangkapan, at sasakyan.

Habang ang bahay, lupa, at kagamitan ay nagagamit lamang sa permanente at limitadong lugar, ang mga sasakyang ginagamit upang makapagpalipat-lipat ng lugar ang isang tao ay nangangailangan ng espasyo sa kalsada at garahe o parking area sa mga destinasyon nito.

Sa paglipas ng mga taon, dumarami ang may kakayahang bumili ng sasakyan. ito ang dahilan ng pagtaas ng pangangailangan o demand sa mga garahe at parking area.

Dahil mataas ang pangangailangan sa parking area, nagsimulang gawing negosyo ito ng mga namumuhunan. ang mga bakanteng espasyo sa tabi o malapit sa mga shopping mall, hotel, at iba pang kahalintulad na establisyimyento ay ginagawang pay parking area.

ang karaniwang parking fee ay nagkakahalaga ng php25. Maliban pa sa itinakdang parking fee para sa unang tatlong oras ng pagkakaparada ng sasakyan, sinisingil pa rin ang mga motorista para sa susunod na mga oras ng pagkakaparada ng sasakyan sa pay parking area.

ito ang nagbunsod sa inyong lingkod upang sa unang araw pa lamang ng sesyon ng 15th Congress ay aking ihain ang House Bill (HB) 1841.

ito ay isang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang pangungulekta ng parking fee sa mga shopping mall, hotel, at mga kahalintulad na establisyimyento mula sa kanilang tagatangkilik.

nais ng inyong lingkod na maitigil na ang paniningil ng parking fee ng mga negosyanteng ito sapagkat hindi ito makatwiran. idagdag pa sa katotohanang ito ang pagtanggi ng pamunuan ng mga shopping mall, hotel, at iba pang kahalintudad na establisyimyento sa kanilang responsibilidad at pananagutan kung mayroong mahahalagang gamit na mawala sa loob ng nakaparadang sasakyan at kung masira o ma-damage ang sasakyan habang ito ay nakaparada sa loob ng pay parking area.

Kung iisiping mabuti, hindi ba dapat lamang na maglaan ng parking space ang mga may-ari ng mga shopping mall, hotel, at iba pang kahalintulad na establisyimyento para sa kanilang tagatangkilik?

Kapag naging ganap na batas ang nilalaman ng HB 1841, ipagbabawal na sa buong bansa ang paninigil at pangungulekta ng parking fee sa nabanggit na mga establisyimyento.

upang mabigyan naman ng Building permit sa pagpapatayo ng bagong establisyimyento, kinakailangang magsumite ang may-ari ng itatayong establisyimyento ng affidavit na nagpapatunay na ang mga parking space ay kanilang inilalaan nang libre para sa kanilang mga tagatangkilik.

ang sinumang lalabag sa itinatadhana ng batas na ito ay mapapatawan ng sumusunod na parusa at multa: (1) multa na hindi bababa sa php 100,000 ngunit hindi hihigit sa php 500,000 para sa pamunuan ng mga establisyimyento; (2) parusang pagkakakulong na hindi bababa sa limang taon para sa sinumang opisyal ng pamunuan ng establisyimyento; at parusang suspensiyon na hindi bababa sa 10 araw ngunit hindi hihigit sa 60 araw sa sinumang opisyal o kawani ng pamahalaan na mag-iisyu ng Building permit sa kabila ng hindi pagsusumite ng kaukulang dokumentong ng may-ari ng establisyimyento.

Hindi ba marapat lamang na maging mapanuri at mapagmatyag tayo sa mga nangyayari sa ating paligid?

lahat tayo ay may sariling pamamaraan at kakayahan upang paglabanan ang anumang pagmamalabis. Sa abot ng aking kakayahan bilang mambabatas, ako ay patuloy na gagawa ng mga panukalang batas upang tulungan ang ating bayan at mamamayan laban sa pagmamalabis.

gabayan nawa tayo ng poong lumikha.

iSang Mainit na PagBati sa mahal kong mga mambabasang Marikenyo!

unang quarter (Q1) pa lamang ng taong 2011 ay puno na ng papuri at parangal ang ating mahal na lungsod. nag-umpisa na ring umarangkada ang ating mga programang pang-edukasyon at pang-kabuhayan. lahat nang ito’y pangitain ng isang taon ng aktibong pagsisilbi at pagpupunyagi para sa bayan.

Noong ika-apat ng Pebrero ay matagumpay na naisagawa sa ating mahal na lungsod ang unang yugto ng Lakbay Aral ng Congressional Spouses Foundation, incorporated (CSFi). Mahigit kumulang na apatnapung maybahay at kaanak ng mga Kongresista mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas sa pamumuno ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, Pangulo ng CSFi at anak ni Speaker Sonny Belmonte, at ng aking maybahay na si Prof. Stella Quimbo ang nagtungo sa ating lungsod upang matunghayan ang mga inobatibong programang pampamahalaan at mga gawaing pangkabuhayan at pampamayanan ng ating Lungsod.

Ang delegasyon ng CSFi ay mainit na tinanggap sa ating City Hall ng inyong lingkod kasama ang ating Ama ng Bayan Mayor Del, Vice Mayor Doc Cadiz at ng ating mga konsehal. Nagkaroon ng pagkakataon ang ating mga panauhin na mabigyan ng oryentasyon sa iba’t ibang mga inobasyong pampapamahala ng ating lungsod. Labis ang kanilang naging interes sa ating karanasan noong Ondoy at napahanga sa ating mga hakbang upang makabangon mula sa delubyong dumaan sa atin.

Nilibot rin ng ating mga panauhin ang ating Rescue 161 facility, ang Solid Waste Management Facility ng City Environmental Management Office, Specialty/Diagnostic Clinics

ng City Health Office, Clean Food and Water Laboratory sa Marikina Market at ng ating pinagmamalaking Shoe Museum. Dinalaw at nakisalimuha rin sila sa Housing Settlement sa San Miguel Phase iii, Solid Santan, Brgy. Fortune at sa Templo at Recycling Facility ng Tzu Chi Foundation.

At syempre pa, hindi nakalagpas sa ating mga panauhin ang magagarang disenyo at naggagandahang mga kulay ng ating mga produktong sapatos, sombrero at bags.

Hindi naitago ang kasiyahan at pagkamangha ng ating mga panauhin sa kanilang mga natutunan at nasaksihan sa ating lungsod. Di ilan sa kanila ang nagwikang magiging inspirasyon nila ang ating lungsod sa pagpapaunlad ng kani-kanilang mga lugar.

Maraming salamat sa mga kawani at volunteers ng Tanggapan ng City Mayor, ng Marikina Cultural, Tourism, Trade and investment Promotions Office at ng Q District Office sa matagumpay na Lakbay Aral para sa CSFi.

Pinarangalan rin ng kongreso ng Pilipinas ang Buddhist compassion relief tzu chi foundation noong ika-23 ng Pebrero 2011. Sa isang resolusyon na aking inihain at sinang-ayunan ng buong kongreso, kinilala ang tzu chi foundation sa mga gawain nitong pangkawang-gawa, pangkabuhayan, pang-kalikasan at pangkalusugan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at ng buong mundo. kinilala rin ang di matatawarang tulong ng tzu chi foundation sa lungsod ng Marikina noong kasagsagan ng ondoy at sa mga programang inilunsad nito matapos ang trahedya.

kasama ni ginoong alfred li, ang chief executive officer ng tzu chi-Philippines, ang mahigit na walumpung mga opisyal, commissioners at mga volunteers ng tzu chi foundation. kabilang

Batas vs pay parking

Papuri, Parangal at Pag-arangkada

sa Q1 ng 2011

poRMal na ipinaKilala sa publiko ang bagong hepe ng philippine national police-

Marikina sa pamamagitan ng isang turn-over ceremony na idinaos sa ground floor ng Justice Building, Brgy. Sta. Elena.

Si pS Supt gabriel lopez, bagong talagang chief of police ng Marikina,

ay pumalit kay pS Supt Romeo Magsalos na naglingkod sa Marikina sa loob ng dalawang taon.

ang turn-over ceremony ay sinaksihan nina Eastern police District Director pC Supt. Francisco Manalo Jr., Mayor Del De guzman, mga konsehal, City administrator Vic Sabiniano, miyembro ng pnp-

Marikina, ilang mamamahayag at kawani ng pamahalaan.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat ang Marikenyong si lopez sa pagkakataong ibinigay sa kanya ni Mayor Del upang makapagsilbi sa kanyang mga kababayan. ipinangako rin niya na papanatilihin at kung maaari ay higitan pa ang mga pagkilala at parangal na natanggap ng pnp-Marikina noong panahon ng pamumuno ni Magsalos.

umaasa naman si Mayor Del na sa ilalim ng pamumuno ni lopez ay higit pang mapaghuhusay ang serbisyo ng lokal na kapulisan at maipapatupad nang maayos ang batas tungo sa higit na progresibo at mapayapang lungsod.

ilan sa mga adbokasiya ni lopez na kanyang ipatutupad sa kanyang panunungkulan ay pagtataguyod ng karapatang pantao, mentoring leadership, at paglilingkod nang may kortesiya.

Si lopez ay bihasa sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mga lugar kung saan mayroong armed conflict tulad ng Mindanao, at naging bahagi rin siya ng peace-keeping group ng united nations na naitalaga sa Kosovo at East Timor.

maingay na videoke ng kapitbahay, atbp... bawal na!

Pormal na ipinakilala

Bagong COP ng PnP-Marikina

Kamakailan ay binisita ng 40 miyembro ng Congressional

Spouses Foundation, incorporated (CSFi) ang mga mahuhusay na programa ng lungsod ng Marikina.

ang maghapong paglilibot ng mga esposo ng mga mambabatas ay sinimulan sa pamamagitan ng kanilang pakikipagpulong kina Rep. Miro Quimbo ng ikalawang Distrito ng Marikina, Mayor Del De guzman, at Vice Mayor Jose Fabian Cadiz.

Kabilang sa mga binisita ng CSFi ay ang City Hall, mga pasilidad ng lungsod tulad ng Del Radio Station; mga pasilidad sa City Environmental Management office at pag-aaral hinggil sa solid waste practices, at Eco-Savers’ program; mga pasilidad at programa

Congressional Spouses Foundation bumisita sa Marikina SiniMulan ng loKal na pamahalaan ng Marikina, sa

pamamagitan ng City Environmental Management office (CEMo), ang isang proyektong naglalayong imulat ang mga Marikenyo sa pangongolekta at pagrerecycle ng tubig-ulan upang pakinabangan ng lungsod.

ang rainwater harvesting project ay sinimulan ng CEMo noong Enero sa pamamagitan ng paglalagak ng tangke na may 6,000 litrong kapasidad sa Marikina Sports park (MSp) Building upang sumahod ng tubig-ulan na ire-recycle upang mapakinabangan.

ang tubig-ulan ay ginagamit na pambuhos sa pampublikong palikuran at mga pasilidad ng MSp Building. Samantalang ang mga mineral sa loob ng tank system ay naglilinis sa tubig-ulan at ginagawa itong ligtas na inumin.

“ang proyektong ito ay isang paraan upang mapaalalahanan ang mga mamamayan na hindi sila dapat umasa sa suplay ng tubig lamang dahil maaaring magamit ang kanilang kakahayan at likas na yaman upang makagawa ng kapaki-pakinabang na bagay,” wika ni gloria Buenaventura, hepe ng CEMo.

Sa kasalukuyan, 3,000 litro lamang ng tubig-ulan ang nakolekta mula sa tangke ngunit inaasahan na dadami pa ito pagsapit ng panahon ng tag-ulan.

“ang programang ito ay paghahanda sa ating mga residente na maging resourceful upang maging handa tayo sakaling maranasan natin ang paghina ng suplay ng tubig,” dagdag pa ni Buenaventura.

noong Hulyo 2010, ang Metro Manila ay nakaranas ng malakihang kakulangan sa suplay ng tubig na nakaapekto sa 153 barangay sa Metro Manila.

Mahalaga ang tubig ulan, ating ipunin

ang congreSSional SPouSeS founDation sa pamumuno ni Quezon City Vice Mayor Joy Bel-monte (ika-7 mula sa kaliwa sa unang hanay) ay bumisita sa Marikina kamakailan. Kasama sa larawan sina Cong. Miro Quimbo (Pangatlo mula sa kanan, linya sa likuran) at ang kanyang maybahay na si Dr. Stella Quimbo (pang-apat mula sa kanan), Vice-Mayor Jose Fabian Cadiz at mga konsehal

PInAnGunAHAn ni Eastern Police District Director PC Supt. Francisco Manalo Jr. (gitna) ang turn-over ceremony ng hepe ng PNP-Marikina. Si PS Supt. Romeo Magsalos (kanan) ay pinalitan ni PS Supt Gabriel Lopez (kaliwa) na isang Marikenyo. Sinaksihan din ni Mayor Del De Guzman (nakaupo) ang nasabing seremonya.

ng City Health office tulad ng good practices in disaster management, at ilang diagnostic/ specialty clinics; ilang tourists’ destination tulad ng Sentrong pangkutura ng

Marikina, Shoe Museum, at pabrika ng mga tanyag na produkto ng lungsod tulad ng lara Erika Shoes at lucban Hats.

naging bahagi na ng proyekto ng Congressional

Sposes Foundation ang paglilibot sa mga lungsod, munisipalidad, at institusyon upang pag-aralan ang iba’t ibang mahuhusay na programa ng mga ito.

inumpisahan na rin natin sa unang quarter ng taong ito ang pagpapatayo ng bagong school building para sa Parang Elementary School. Ginanap noong ika-21 ng Pebrero ang groundbreaking ceremonies na dinaluhan ni Kap. Levi de Guzman at ang mga kagawad ng Brgy. Parang, Fr. Larry Paz, DepEd Division Superintendent Eduardo Lopez, DepEd Supervisor Lauro de Guzman, Principal Rosario Jocson at ang mga opisyal ng Parang Parent-Teachers Association.

Marami ang namangha na ang unang buhos ng aking pondo ay sa pagpapatayo ng mga paaralan ko inilaan. Sabi nga ng isang magulang, kabago-bago ko raw pero nagpa-umpisa agad akong magpatayo ng tatlong palapag na school building. Sa totoo lang naman, kumpara nga naman sa iba kong mga kasamahan sa Kongreso, isa ako sa mga iilan na school buildings ang pinaglalaanan ng pondo. ito ay sa kadahilanang prayoridad sa aking programang pang-istraktura ang pagpapatayo ng mga school buildings upang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa ating lungsod. Mabuting edukasyon na inihandog sa akin ng aking mga magulang ang nagbigay sa akin ng pagkakataon upang makapagsilbi bilang inyong congressman. Nais kong magkaroon ng parehong pagkakataon ang inyong mga anak.

Prayoridad rin sa ating programang pang-istraktura ang flood control. nag-umpisa na tayo sa pagpapalalim ng mga kanal sa bahagi ng J.P. rizal sa Barangay nangka. Patuloy ang ating pangangalap ng pondo upang mapapalitan ang mga ripraps at gravity walls ng ating mga ilog at creeks. kasama na rito ang pangangalap ng pondo upang makumpuni ang mga nasirang dike sa pampang ng nangka river na nasira ng bagyong ondoy. ang mga dikeng ito ay siya'ng

nagbibigay proteksyon sa Mira Verde, anastacia at tierra Vista. ang pagkasira ng mga dikeng ito ay nagbunga ng malawakang baha sa mga nabanggit na lugar.

nakikipag-ugnayan rin tayo sa mga kinauukulang sangay ng pamahalaan, lokal at pambansa, upang maumpisahan ang mas malalim ng pag-aaral upang mabigyan ng mas pangmatagalang lunas ang ating suliranin sa baha.

Pagbati at papuri rin sa mga kabataang Marikenyo na pumasa sa U.P. College Admission Test (UPCAT). Labis kong ikinagagalak na tunay na nakakatulong at nagbubunga ang mga libreng Q UPCAT/ College Entrance Examination Review na ating isinagagawa. Maaasahan ninyo na patuloy nating isasagawa ang programang ito para sa ating kabataang Marikenyo.

Para sa mga taga-Second District na magtatapos ng high School o nagnanais na maragdagan ang kakayanan, patuloy po ang ating Q livelihood trainings. Maaaring magpatala sa mga pagsasanay para sa barista, food and beverage services, housekeeing, bartending, massage, commercial cooking, dress-making, cellphone repair, computer repair, automechanic, plumbing at welding. tumungo o tumawag lamang sa ating District office para sa karagdagang impormasyon.

Tuwing Byernes po ang ating People’s Day. Dalawang buwan pa lamang nang tayo’y opisyal na lumipat sa ating District Office sa City Hall, libu-libo na ang ating nabigyang serbisyong legal, pinansyal at medical. Mas higit pa rito ang maaabot ng ating mga serbisyo sa darating na mga buwan. Ganyan po ang Serbisyong Q.

rito ang mga tzu chi volunteers mula sa Barangay nangka, fortune, tumana at Malanday. Personal na iginawad ni Speaker Sonny Belmonte sa plenaryo ng kongreso sa tzu chi foundation ang opisyal na kopya ng resolusyon ng papuri mula sa kongreso.

Muli, binabati ko ang ang ating mga kapatid mula sa tzu chi! Mabuhay po kayo!

isang pagpupugay rin para sa ating kapwa Marikenyo na si Gng Heidi Mendoza!

Si Gng. Mendoza ang naging susi upang maisiwalat ang mga anomalya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na kinasangkutan ng di ilang matataas na opisyal ng pamahalaan. Kakaibang tapang at hulma ng pagkatao ang ipinapakita ni Gng. Mendoza sa kanyang paglalahad sa harap ng Kongreso at Senado ng kanyang mga naungkat na katiwalian at ang mga paghihirap na kanyang dinanas dahil rito. At

sa lahat ng ito, naging tuwinang katabi at kasama tayo ni Gng. Heidi Mendoza sa kanyang laban para sa katotohanan at kontra katiwalian.

Saludo po kami sa inyo!

Bilang Vice chairman ng committee on Justice, ang inyong lingkod rin po ang isa sa mga nangunguna sa pagdinig ng impeachment complaint laban kay ombudsman Merceditas gutierrez. Sa init ng isyung ito, inaasahan ko na may mga elementong tatangkain na dungisan at bigyang duda ang aking reputasyon at pagiging patas. asahan po ninyo na sa pagsasagawa ko ng sagradong tungkuling ito, katotohanan, katarungan at patas na pananaw na walang halong pulitika at personal na interes ang magsisilbing gabay ko sa paghusga kung tunay na dapat maalis sa pwesto ang kasalukuyang ombudsman.

SA PAGPAPAPALiT ng administrasyon, ang mga ordinansa sa isang lungsod tulad ng Marikina ay hindi napapalitan.

Ang anumang naipatupad na batas sa lungsod ng mga nakaraang administrasyon ay pinagtitibay ng ordinansa na nagtatadhana ng kaukulang parusa sa bawat paglabag.

Bilang pagpapaalala, narito ang ilang ordinansa na patuloy pa ring ipinatutupad sa Marikina sa kabila ng pagpapalit ng administrasyon:

Ayon sa Ordinansa Bilang 145, Serye ng 2006, ipinagbabawal ang mga sumusunod:• pagdadalangmatatalasatnakamamatay

na gamit (multa: PhP 2,000)• pagba-vandalatpagsirasamga

pasilidad sa parke, at mga pampubliko at pribadong pasilidad (multa: PhP 2,000)

• pagsusugal(multa:PhP2,000)• pagdaanngmgasasakyangde-motor

sa mga jogging at bike lane (multa: PhP 2,000)

• pagtitindasasidewalk (multa: PhP 1,000)

• paliligo,paglalaba,pagsasampay,atpaggawa ng gawaing-bahay (multa: PhP 1,000)

• paglilimpiya-botaoshoe-shiningactivities (multa: PhP 1,000)

• paggamitsasidewalksamgapicnicatpagtitipon (multa: PhP 1,000)

• paglalagayngbasketballcourt(multa:PhP 1,000)

• paglalakadsakalsadanangnaka-hubad (multa: PhP 500)

• pagkakalatngbasura(multa:PhP500)• pagtulogsapampublikonglugar

(multa: PhP 500)Maaaring isuplong ang nakikitang paglabag sa mga ordinansang ito. Mangyaring tumawag sa Office of Public Safety and Security sa telepono bilang 682-9572.

Paalala hinggil sa mga ordinansa

paano Kung ang pinagkakatiwalaan mong pulisya ay mismong gumagawa ng katiwalian? isang halimbawa dito ay ang huli-dap. ang huli-dap ay isang modus operandi sa kapulisan kung saan ay illegal na nangingikil ng pera ang mga ito sa mga taong lumabag ng batas. Sa madaling salita, mas sikat ito sa tawag na “kotong”. ang huli-dap o kotong ay maaring idaan sa bayolenteng paraan upang pilitin ang taong lumabag na magbayad o magbigay ng pera upang hindi na idaan sa legal na proseso ang pagpataw ng parusa sa mga taong lumabag.

Sa kasalukuyan, walang kaso ng huli-dap ang naitala sa Marikina. ayon sa pnp-Marikina, dapat ay maging mapagmasid at magkaroon ng kamalayan ang mamamayan sa ganitong uri ng katiwalian. Huwag magdalawang-isip na ipaglaban ang iyong karapatan sa mga ganitong sitwasyon. pangalawa, kung sakaling magkaroon ng paglabag sa batas, matuto tayong tumanggap ng pagkakamali at idaan ang lahat sa legal na paraan.

pinapaalala ng kapulisan na huwag hayaang ilagay ang batas sa sariling mga kamay. ang opisyal o pulisya na mahuhuling gumagawa ng huli-dap ay maaring makulong ng hanggang anim (6) na taon.

agad na tumawag sa pnp-Marikina Hotlines 646-1615 o 161 kung may mapuna kayong paraan ng huli-dap o maaring i-text agad sa 0927-968-4311. Sa ganitong paraan, makakatulong tayo sa pagsugpo ng katiwalian.

POSiTiBO ang naging tugon ni Mayor Del De Guzman sa mga ilang reklamo hinggil sa maiingay na kapitbahay dulot ng videoke at ilan pang uri ng pag-iingay. Karamihan sa mga ingay ay nagmumula sa mga negosyo na mayroong live bands, karaoke machines, at loud speakers.

Ayon kay Mayor Del, ang problemang ito ay maaring masolusyunan ng Ordinance 100, Series of 2010 o mas kilala sa tawag na Noise Control Regulations of Marikina kung saan ay mahigpit na ipinagbabawal ang labis na pag-iingay sa mga residential area lalo na simula ika-10 ng gabi. ipinagbabawal din ang pag-iingay sa mga sumusunod na lugar: 100 metro mula sa mga paaralan, nursery schools, ospital, at special homes for the aged; residential areas; commercial areas; at light at heavy industrial areas. ipinagbabawal din ang pagtatayo, pagkakabit, o paglalagay ng anumang istruktura

na lilikha ng ingay na lalabis pa sa pinahihintulot ng batas, at paglikha ng ingay ng sinuman na walang kaukulang permiso mula sa lokal na pamahalaan.

“Nakasaad sa naturang batas na ang labis na ingay ay isang public nuisance na nakasisira sa pandinig, emosyon, at pag-iisip ng isang tao,… “irespeto natin ang karapatan ng bawat isa sa payapa at tahimik na kapaligiran” wika ni Mayor Del.

Ang sinumang lalabag sa batas ay maaaring patawan ng mga sumusunod: para sa mga negosyo – warning sa unang paglabag, PhP2,000 at suspensiyon ng lisensya para sa pangalawa, at PhP3,000 at pagpapasara ng negosyo para sa ikatlong paglabag; at para sa residential areas – warning para sa unang paglabag, PhP1,000 para sa ikawala, at gayunding halaga sa mga susunod pang paglabag.

Say no to Huli-dap!

Page 5: Tinig Ng Marikina April 2011

TUNAy NA KAUNLARAN, Tao naman.

iyan ang pilosopiya ng administrasyon ni Mayor Del de Guzman. Bilang patunay sa pilosopiyang ito, ginawang prayoridad ni Mayor Del ang kapakanan ng mga mamamayan upang makatuwang ang mga ito sa pag-unlad ng ekonomiya ng lungsod.

Sa pamamagitan ng Ordinance No. 04 of 2011, kanyang naisa-legal ang mga ambulant vendor o mga nagtitinda sa mga kalsada sa pamamagitan ng de-gulong na sasakyan.

isa sa mga ito ang vendor ng kakanin na si Maria Rufelia Miasmo ng Brgy. Tumana. Kung dati-rati ay hinuhuli ng kinauukulan si Aling Rufelia, siya ngayon ay legal at matiwasay na nakapaghahanap-buhay.

“Dati ay hindi bababa sa tatlong beses sa loob ng isang linggo kung ako ay nahuhuli at nakukumpiskahan ng paninda,” kwento ni Aling Rufelia.

Ayon sa kanya, dumating pa nga sa punto na halos lahat ng sasakyan ng mga kumpanya, mapa-pribado o pampubliko man, ay napagkakamalan niyang

sasakyan ng enforcer ng lokal na pamahalaan. isa na rito ang sasakyan ng isang kumpanya ng telepono na noong minsang nakita niyang paparating sa kanyang puwesto ay kumaripas agad siya ng takbo habang bitbit ang kanyang paninda. Nagresulta ito ng pagkatapon ng lahat ng kanyang paninda na kanyang lubos na pinanghinayangan.

“Sayang talaga ang mga paninda ko na kung hindi nakumpiska ay natapon lang sa pag-iwas sa mga nanghuhuli,” dagdag pa niya.

Dahil ang pagtitinda lamang ng kakanin ang tanging ipinambubuhay ni Aling Rufelia sa kanyang pamilya kung kaya tuloy pa rin ang gawain niyang ito, hanggang dumating ang magandang balita hinggil sa legalisasyon ng mga ambulant vendor.

Sa kanyang galak sa magandang balita ay hinihikayat na rin ni Aling Rufelia ang iba na maging legal na ambulant vendor.

“Mahirap na ilegal ang paghahanap-buhay kung kaya nananawagan ako sa aking mga kapwa ambulant vendor na magpatala na sila sa lokal na

pamahalaan upang mabigyan ng pagkakakilanlan at maging legal ang kanilang paghahanap-buhay,” panawagan niya.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Del sa City Council sa pagkakapasa ng ordinansa sapagkat ito ay matibay na suporta para sa kanyang pilosopiya.

May paalala naman si Aling Rufelia sa kanyang kapwa vendors.

“May penalty na PhP 300 para sa 1st offense, PhP600 sa 2nd offense, at PhP2,000 sa 3rd offense. Kung wala namang pambayad ay community service ang magiging kapalit ng penalty,” saad niya.

Ang registration fee para sa ambulant vendor ay PhP500 para sa mga residente, at PhP2,000 para sa hindi residente ng lungsod.

Matapos magpatala, ang ambulant vendor ay bibigyan ng medical check-up at clearance, iD, at permit.

“Malaki ang pasasalamat ko talaga kay Mayor Del dahil sa hakbang na ito. Aprub na aprub talaga ‘to sa akin,” ayon pa sa kanya.

Dahil hindi na niya nais

ANG 27 TAONG GULANG na si Ronald Salgado ay isang simpleng Marikenyo na mayroong hindi pangkaraniwang pangarap.

Hindi lamang minsan sumagi sa kanyang gunita ang larawan ng mga kabataang Marikenyo na kabilang sa hanay ng mahuhusay na mananakbo sa buong mundo. Ang pagkamit sa simpleng pangarap na ito ay sinimulan niya sa isang hindi pangkaraniwang gawain – ang pagbibigay ng libreng pagsasanay sa pagtakbo para sa mga kabataan.

Araw-araw tuwing umaga at hapon sa Marikina Sports Park (MSP), isinasabay ni Ronald sa kanyang ensayo ang pagbibigay ng free running lesson sa mga kabataan. Katuwang ang kanyang mga kasama sa samahang MSP Runners, ang pagtuturo ay binuksan ni Ronald para sa lahat ng nais matuto.

“Nagsimula ako na kakaunti lamang ang aking tinuturuan. Noong tumagal, parami na sila ng parami. Karamihan sa kanila ay mga kabataan,” masayang kwento ni Ronald.

Ayon sa kanya, ginagawa niya ito sa dalawang kadahilanan: una, upang isulong ang maayos na kalusugan ng mga Marikenyo sa pamamagitan ng pagtakbo, at ikalawa, upang manumbalik ang sigla ng mga mamamayan sa palakasan.

“Napakahalaga kasi ng pagtakbo sa anumang uri ng sports, at hindi lang naman iyan basta pagtakbo na kapag nandoon ka na sa lugar ay agad tatakbo ka na lang basta. May mga tamang form iyan bago at habang tumatakbo”, pahayag ni Ronald.

Sa kasalukuyan, mayroong na siyang 30 mag-aaral na regular niyang tinuturuan. Bagamat hindi pormal ang kanilang pag-aaral, malaki ang kanilang natutunan sa mga leksyon ni Ronald.

Lingid sa kaalaman ng marami, larong boksing at hindi pag-takbo ang unang nakahiligan ni Ronald. Sa katunayan, nakapag-turo pa siya nito sa mga mag-aaral ng Marikina High School (MHS) matapos ang kanyang graduation dito. Taong 2008 nang nabaling ang kanyang atensiyon sa pagtakbo.

Sa kabila ng allowance lamang ang tinatanggap at kawalan ng permanenteng pagkukunan ng mapagkakakitaan, patuloy pa rin si Ronald sa kanyang adbokasiya.

“Naniniwala akong ang pagtakbo ang isa sa pinakama-husay na susi para sumulong ang ating lungsod sa larangan ng palakasan. Nakikita kong malaki ang potensiyal ng ating mga kabataan dito,” ayon sa kanya.

Bagamat hindi niya nakamtan ang mataas na antas ng edu-kasyon at ang kaalaman mula sa palakasan ay nakuha lamang mula sa karanasan, nakikita ng kanyang mga kapwa Marikenyo na mahalaga ang papel na ginagampanan ni Ronald upang isulong ang mga pangarap ng mga kabataan at ang tagumpay ng lungsod sa larangang ito. Sa katunayan, kinuha siyang trainor sa Brgy. Ma-landay kung saan nagtuturo siya ng track and field, sprinting, long distance run, middle distance running, at throwing events.

Dahil likas ang pagmamahal ni Ronald sa palakasan, nanatil-ing bukas ang kanyang mga mata upang maging tagamasid sa kasalukuyang lagay ng Marikina sa larangang ito.

“Maraming malalakas na manlalaro sa ating lungsod ngunit kulang lamang sila sa suporta at pondo,” puna nito.

Dahil dito ay binabalak ni Ronald na bumuo ng isang fun run upang makalikom ng sapat na pondo at matustusan ang mga batang manlalaro ng Marikina.

“Para sa proyektong ito, ako po ay nangangalap ng tulong mula sa iba’t ibang ahensiya, organisasyon, at indibidwal na may pagtitiwala sa aking layunin.

Sana po ay sama-sama nating suportahan at itaguyod ang kalakasan at galing ng mga kabataang Marikenyo,” paghihikayat niya.

Kamakailan ay nagtapos si Ronald sa ikalawang puwesto sa Takbo Del, at unang puwesto sa Unilab Run na ginanap sa The Fort, Taguig City.

Ambulant vendors nagpasalamatsa ordinansa ng konseho

Tinigng MarikinaAbril

2011

lumabag sa anumang parusa upang maiwasan ang penalty, ngayon ay maingat na si Aling Rufelia sa kanyang mga gawain bilang legal na naghahap-buhay.

Ang pagbabagong ito sa buhay ni Aling Rufelia ay nagbigay din ng isang reyalisasyon.

“Napagtanto ko na hindi lang ako dapat laging naghahangad ng kita o pera mula sa aking pagtitinda. Dapat ay responsable rin ako na hindi makatapak ng iba pang katulad kong nagtitinda rin ngunit sa legal paraan. Kailangang maging patas ako sa kapwa ko,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, 430 ambulant vendors na katulad ni Aling Rufelia ang nakapagpatala at naisa-legal na ang operasyon ng pagtitinda sa lungsod.

Takbo, Marikenyo… Sulong, Marikina

Vol. ii, No. 1www.marikina.gov.ph

8

Bago pa Man naging tanyag ang azkals, ang ilan sa mga manlalaro ng koponang ito ay

minsan nang nag-ensayo sa Marikina Sports park (MSp).

Sa isang panayam kay Dan palami, ang manager ng koponan, ang tanging naging hadlang sa kanila mula sa patuloy na pag-eensayo sa MSp football field ay ang kalidad ng damo dito na hindi umano tugma upang maging episyente ang kanilang pagsasanay.

ayon kay palami, kung sakaling aayusin ang kabuuan ng football field ng MSp, maaaring umabot ng php4 milyon ang magagastos dito.

ang pangangailangan na ito ay naidulog

ng lokal na pamahalaan kay Smart CEo Manuel V. pangilinan sa pamamagitan ni patrick gregorio, ang vice president for sports ng Smart Communications.

Matapos ang ocular inspection sa MSp kasama sina Congressman Miro Quimbo at Mayor Del De guzman, kagyat na nagpahayag ng positibong tugon si gregorio sa idinulog na ito ng lokal na pamahalaan.

ayon sa lokal na pamahalaan, maaaring pangalanang Smart-Marikina Football Field ang nasabing palaruan sa loob ng lima hanggang sampung taon kapag nagkaroon ng kaganapan ang rehabilitasyon.

ang rehabilitasyong ito ng football field ang magbubukas ng maraming oportunidad para sa Marikina. Maaari

Home of the Azkalsitong pagdausan ng taunang Smart national Football Championships at iba pang Metro Manila games at national championships. Malaki rin ang pag-asa na maibalik sa Marikina ang pagiging venue at host ng mga international football championship tulad ng Southeast asian games Women’s Football na ginanap MSp noong 2005.

inihayag din ni Mayor Del ang pagtanggap sa plano ng azkals women’s football team manager na si Ernest nieras upang sa MSp ganapin ang kanilang quarterly regional at national tournaments.

Higit sa lahat, nagpahayag si palami ng posibilidad na maging tahanan ng azkals ang Marikina upang dito regular na mag-ensayo. Maliban dito, ang mga azkals ay maaaring makapagturo ng football sa mga kabataan upang mahubog ang mga ito bilang asset ng Marikina sa hinaharap.

upang higit na malaman pa ang mga dapat isaayos at wastong gamit ng football field, isasama ni gregorio sina palami at philippine Football Federation (pFF) president nonong araneta sa kanyang pagbabalik sa MSp sa malapit na hinaharap

Sa kasalukuyan, nagsumite na ang lokal na pamahalaan ng quotation sa Smart Communications upang malaman kung magkano ang aktuwal na gastusin para sa rehabilitasyon ng football field.

SI DAn PAlAMI (gitna), team manager ng Azkals sa isang courtesy call kay Mayor Del De Guzman

Si ronalD SalgaDo (gitna), na tumapos ng ika-3 puwesto sa Millenium run for Women's health

Maria rufelia MiaSMo