54
ANG TINIG NG LIGAW NA GANSA (Tulang Liriko-Pastoral Egypt) Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat JENITA D. GUINOO Guro sa Filipino Gr. 10

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

Embed Size (px)

Citation preview

ANG TINIG NG LIGAW NA GANSA (Tulang Liriko-Pastoral Egypt) Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

JENITA D. GUINOOGuro sa Filipino Gr.

10

GRAMATIKA

Mga Hudyat sa Pagpapahayag ng Emosyon at Saloobin (Padamdam na Pangungusap, Pahayag na Tiyakang Nagpapadama ng Damdamin at Konstruksiyong Gramatika)

MGA LAYUNIN:• Naipakikita ang masigasig na pakikilahok sa mga gawaing

pampagkatuto• Nabibigyang –puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang

nagpapahayag ng damdamin• Naibabahagi ang sariling interpretasyon kung bakit ang

mga damdaming nakapaloob sa tula ay ipinararanas sa mambabasa

• Nabinigyang reaksyon ang napakinggang damdamin na nakapaloob sa isang tula o awit

• Nababasa nang may damdamin ang ilang piling saknong ng tula

• Natutukoy ang mga bahaging napanood na pagtatanghal sa pagbigkas ng tula na nagpapakita ng ugnayan ng persona sa tula sa puwersa ng kalikasan

• Nakasusulat ng tulang pandamdamin na nagpapahayag ng positibong pananaw sa buhay sa likod ng pagiging masalimuot nito

• Nagagamit ang angkop na mga paraan ng pagpapahayag ng damdamin sa isang tula

• Naipaliliwanag ang kabutihang naidudulot ng tapat na pagpapahayag ng damdamin sa kapwa

• Naipahahayag sa tula ang positibong pananaw sa buhay

EGYPT

Kilala ang mga taga-Egypt sa pagpapahalaga sa kamatayan ng tao. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, higit na pinahahalagahan nila ang buhay kaya maging sa kamatayan ay nais nila itong pagpatuloy.

EGYPTAng katibayan sa

paniniwalang ito ay ang sinaunang tulang nakuha sa mga kuweba sa Egypt.

Ang paksa at tema sa mga akdang ito ay pawang tungkol pagpapahalaga sa karaniwang pamumuhay ng tao

ARALIN 1.6

“ANG TINIG NG LIGAW NA GANSA”

MGA POKUS NA TANONG

• PANITIKAN: Bakit mahalagang unawain ang damdaming

nakapaloob sa tula ng Egypt?• GRAMATIKA: Paano mabisang maipahahayag ang damdamin sa

tula?

TUKLASIN:

Yugto ng Pagkatuto

1.Ano ang nalalaman mo tungkol sa tula at sa

tulang liriko?

2.Bakit mahalagang unawain ang tulang lirikong

pastoral ng mga taga-Egypt?

GAWAIN I:

_______ Salamin ng buhay_____ maaaring may sukat at tugma_____ nahahati sa iba’t ibang kabanata_____ binubuo ng mga taludtod

at talata_____ piling-pili ang mga salitang ginagamit

Yugto ng Pagkatuto

______ naglalaman ng masisidhing damdamin_____ maikli lamang at nababasa ng isang upuan _____ karaniwang nagsasalaysay ng mga pangyayari_____ nagpapahayag ng katotohanan lamang_____ ginagamitan ng tayutay o matatalinghagang pahayag

Lagyan ng tsek ( )ang nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa tula

GAWAIN 2: Concept Web

Pumili ng mga salita mula sa kasunod na kahon na may kaugnayan sa tulang liriko at isulat ito sa concept web. Ipaliwanag sa isa hanggang tatlong pangungusap ang konseptong nabuo. Gawin ito sa sautang papel.

sukat tugma korido Trahedya

awitin Tula Balagtasan Pastoral

Soneto Epiko Tanaga Dalit

Damdamin Elehiya Opinyon oda

Tulang Liriko

• Bumuo ng sariling katuturan ng tulang liriko mula sa nabuong concept web

• May babasahin tayong halimbawa ng tulang liriko. Alalahanin ang nabuong katuturan at iwasto ito sa pagpapatuloy ng ating talakayan

Sa Libis ng NayonKahit sa gabing madilim sa libis ng nayonTagimtim nitong kudyapi ay isang himatonMaligaya ang panahon sa lahat ng naroroonBawat puso’y tumutugon sa nilalayon

Puno ng kawayan ay naglangitngitanLalo na kung hipan ng hanging amihanAng katahimikan nitong kaparanganPinukaw na tunay nitong kasayahan

Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhaySa libis ng nayon doon manirahanTaga-bukid man may gintong kaloobanKayamanan ay dangal ng kabukiran

Suriin ang damdamin at mensahe ng awiting mapakinggan

Kung ikaw ay susulat ng isang awitin, anong

paksa at damdamin ang nais mong ipahayag dito?

Bakit?

Sa iba’t ibang uri ng tula, alin ang pinakagusto

mong basahin at tungkol saan ito kung nagsusulat

naman kayo ng isang tula?

Uri ng Tulang Liriko:

a. PASTORAL- ang salitang pastoral ay mula sa salitang latin na “pastor”. Ang tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ito ay tulang pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa.

Ang mga sopistikadng alagad ng sining ang sumusulat ng tulang pastoral na nagpapalagay at dinarama ang katauhan ng isang simpleng tao.

Alam mo ba na….

Ang tulang liriko o tula ng damdamin ay puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay, at iba pa. Maikli at payak ang uring ito ng tula.

Maaaring pag-aralan ang tulang pastoral bilang:

a.Isang alegorya na gumagamit ng simbolismoa.Panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa mga

mambabasa na maranasan ang pagtakas sa magulong buhay at madama pansamantala ang Malaya at walang kaguluhang buhay.

b.Paglagay ng komplikado sa simple

Sa Pilipinas ito’y tulang naglalahad ng buhay-buhay sa bukid at pagpapahalag sa gawain at pamumuhay sa bukid.

Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraig

b. ELEHIYA- Isang tula ng pamamanglaw na medaling makilala ayon sa paksa, gaya ng kalungkutan, kamatayan, at iba pa. Maaaring ito’y pagdaramdam o kahapisan para sa isang minamahal, pamimighati dahil sa isang yumao o nag-aagaw-buhay pa lamang na dahil sa kalungkutan ay nagnanais na ang maliligayang sandal ay agad lumipas.

Halimbawa: “Ang Pamana “ ni Jose Corazon de Jesusc. SONETO -Isang tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao, may malinaw na kabatiran ng likas na pagkatao. Sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa.

Halimbawa: “Soneto ng Buhay” ni Fernando B. Monleond. ODA – Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang uri ng damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong. Nagpapahayag ang oda ng matayog na damdamin at kaisipan ng makata. Sa matandang panulaan, karaniwang ito’y isang awit ng papuri patungkol sa mga pambihirang nagawa ng isang dakilang tao, bansa o anumang bagay (buhay man o patay) na maaaring papurihan sa pamamagitan ng pagtula.

Halimbawa: “Tumangis Si Raquel “

e. AWIT – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot, at kaligayahan. Tinatawag na kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ay isang awit hinggil sa pag-ibig o palasintahan. Ito’y nilalapatan ng tugtugin, karaniwang maikli at punung-puno ng pagsamo at pagluhog sa isang sinisinta.

Halimbawa: “May Isang Pangarap” ni Teodoro Generf. DALIT – Noong araw ito ay isang awitin patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya. Nabibilang din sa uring ito ang tula ng pagmamahal at pagkalugod na ang layunin ay pagdakila at pagpaparangal. Sa panahon ng mga Espanyol ang dalitsamba at dalitbansa ay itinututring nang iisa dahil kilala ang dalawa sa taguring dalit. Ang dalitsamba ay patungkol sa Diyos, samantalang ang dalitbansa ay pagpapahayag ng pag-ibig at pagdakila sa bayan.

halimbawa: “Halika sa Bukirin” ni Milagros Macaraig

MGA ELEMENTO NG TULA1.Sukat – Ito’y bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang isang taludtod

ay karaniwang may 8, 12, at 16 na pantig o sukat.Halimbawa:

Sukat: Lalabindalawahing pantigAko’y magsasakang bayani ng bukidSandata’y araro matapang sa initHindi natatakot kahit na sa lamigSa buong maghapon gumagawang pilit

2. Tugma – Ito’y ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod. Maaaring ganito ang tugma ng hulihan: a-a-a-a, a-b-a-b, a-b-b-a, o kaya ay a-a-b-b.

Halimbawa:Tugma: a-a-a-a (magkatugma lahat ng linya)

Sa aking lupain doon nagmumulaLahat ng pagkain nitong ating bansaAng lahat ng tao, mayaman o dukkhaSila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.

3. TALINGHAGA– ito’y ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, tugma at hindi tula ang binasa kapag sa unang pagbasa ay nauunawaan agad ang ibig sabihin. Kailangang may naitatagong kahulugan sa salita o pahayag. Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay o matalinghagang mga pahayag.

Halimbawa: Nahuli sa pain, umiyakAko’y hawak ng iyong pag-ibigHindi ako makaalpas

4. KARIKTAN – Ito’y ang malinaw at di-malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng mambabasa. Mahusay ang tula kapag may naibibigay na impresyong mahirap mabura sa puso at isipan ng bumabasa

Mga Paraan sa pagsulat ng Tula1. Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon at magbasa ng mga

halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan, detalyado at malinaw na mailalarawan ng makata ang kaisipang nais niyang palutangin sa tula.

2. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa rin sa makata ang pagiging orihinal ng akdang kaniyang isinusulat. Nagiging bago ang lumang paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong pananaw tungkol dito. Ang pananaw na ito ay maaaring batay sa sarili niyang karanasan, mga namasid niya o bunga lamang ng kanyang makulay na imahinasyon

3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag sa kakaunting salita lamang. Magiging busog sa kahulugan at malikhain ang pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ng tayutay (sinadyang paglayo sa karaniawang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan) at matatalinghagang pananalita.

4. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan ng kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang isang tuala kung ipinakikita at ipinadarama (nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng makata ang mensahe ng kanyang akad hindi lamang niya ito sinasabi.

PAGTATALAKAY SA ARALIN:

1.Ano ang tula?

2.Paano naiiba ang tula sa iba pang uri ng akdang

pampanitikan?

3.Paano nagkakaiba-iba ang apat na uri ng tula

ayon sa kaanyuan nito?

LINANGINIto ay isang tula noong panahon ng Bagong

Kaharian (1570-1085 B. C.) ng sinaunang Egypt. Ito ang panahon ng pagpapalawak ng Empire ng Egypt at panahon ng sopistikadong pag-usbong ng kultura nito.

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa ay isang uri ng panitikan mula sa mga taga-Ehipto, isang tulang lirikong pastoral na ibinabahagi ang dalisay na kagustuhan ng mga sinaunang tao ng simpleng uri ng pamumuhay sa gitna ng lumalagong sibilisasyon at umuunlad na modernisasyon ng Egypt. Isang malaking patunay ng tula na taos-puso ang pagpapahalaga ng mga taga Ehipto sa buhay ng tao. 

Bakit mahalagang unawain ang tulang pastoral ng mga taga-Egypt na nagpapakita ng pagnanais nila ng simpleng buhay sa gitna ng komplikadong sitwasyon ng kanilang panahon?

ANG TINIG NG LIGAW NA GANSA

Ang tinig ng ligaw na gansa Lambat ko ay aking itatabi

Nahuli sa pain, umiyak Subalit kay ina’y anong masasabi?

Ako’y hawak ng iyong pag-ibig, Sa araw-araw ako’y umuuwi.

Hindi ako makalpas karga ang aking mga huli

Di ko inilagay ang bitag

Sapagka’t sa pag-ibig mo’y nabihag

Unang Pagbasa:Tahimik na pagbasa ng tula , o maaring pumili ng pinakamahusay

bumigkas ng tula sa klase upang maging huwaran sa iba pang mag-aaral.

GAWAIN 3: PAGLINANG NG TALASALITAAN

a.Piliin sa talaan ng mga salita ang katulad na kahulugan ng salitang nasa loob ng kahon. Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.Nakulong naloko mailap

kawalaPain mahirap hulihin silo

bilanggotakas preso

pugante nabihagalpas

bitag

bihag

Liwag ng bansa

Balikan ang tula, halawin dito ang kontekstuwal na kahulugan ng mga salita sa Gawain 3.

Gamitin ang mga ito sa pagbuo ng pangungusap

Pangalawang Pagbasa:

Pagpapalapat ng himig sa tula. Papangkatin ang klase sa lima at ipagagawa ang paglalapat ng himig ayon sa damdaming nangingibabaw dito.

Pahapyaw na pagtalakay ng mensaheng napapaloob sa tula.

Bigyang kasagutan ang mga Gawain, magbigay paliwanag ukol dito

b. Basahin ang mga taludtod ng tula at ilarawan kung anong damdamin ang ipinahahayag nito. Kopyahin ang pormat sa iyong sagutang papel.

Nahuli sa pain, umiyak

Hindi ako makaalpas

Lambat ko ay aking itatabi subalit kay

ina’y anong masasabi?

Taludtod ng Tula Damdamin

Sapagkat sa pag-ibig mo’y nabihag

GAWAIN 4: Kaisipan Mo’y MahalagaSagutin ang mga tanong, isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang persona o nagsasalita sa tula? Ilarawan ang kaniyang katangian at damdamin batay sa nilalaman ng tula.

2. Ano ang pang-araw-araw na gawain ng nagsasalita sa tula?3. Bakit kakaiba ang araw na ito sa kanya?4. Ano ang larawang nabuo mo sa iyong isipan pagkatapos basahin ang tula?5. Ano ang masasalaming kultura ng mga taga-Egypt na makikita sa akda? Paano

ito maiuugnay sa kulturang Pilipino?6. Sa iyong palagay, anu-ano ang positibo at negatibong nagagawa ng tao nang

dahil sa pag-ibig? Magbigay ng tigdadalawang halimbawa at ipaliwanag ang bawat isa.

7. Paano maiiwasan ang negatibongg bunga ng pag-ibig? Ipaliwanag ang iyong sagot.

GAWAIN 5: Paglinang ng kasanayang Pampanitikan1. Suriin ang simbolismong ginamit sa tula at ipaliwanag ang

kahulugan nito.

Tinig ng Ligaw Na Gansa

Simbolismo

Ligaw na Gansa

pain

bihag

Kahulugan

2. Ano ang tinutukoy na komplikasyon ng buhay sa tula?

3. Paano ipinakita sa tula ang simpleng pananaw sa

komplikasyon ng buhay?

4. Ano ang impresyon o kakintalang naiwan sa iyo

pagkatapos mong mabasa ang tula?

5. Paano nakatutulong ang pagtingin sa ibat’t ibang

pananaw o perspektibo ng tao sa buhay?

GAWAIN 6: Suriin MoSuriin mo ang pagkakatulad at pagkakaiba nitong

tulang lirikong pastoral BAYANI NG BUKID

Ni: Alejandrino Q. Perez

Ako'y magsasakang bayani ng bukidSandata'y araro matapang sa initHindi natatakot kahit na sa lamig

Sa buong maghapon gumagawang pilit.

Ang kaibigan ko ay si KalakianLaging nakahanda maging araw-araw

Sa pag-aararo at paglilinangUpang maihanda ang lupang mayaman

Ang haring araw di pa sumisikatAko'y pupunta na sa napakalawak

Na aking bukiring laging nasa hagapAt tanging pag-asa ng taong masipag.

Sa aking lupain doon nagmumulaLahat ng pagkain nitong ating bansaAng lahat ng tao, mayaman o dukhaSila'y umaasa sa pawis ko't gawa.

Sa aking paggawa ang tangi kong hangadAng aki'y dumami ng para sa lahat

Kapag ang balana'y may pagkaing tiyakUmaasa akong puso'y nagagalak.

At pagmasdan ninyo ang aking bakuranInyong makikita ang mga halamanDito nagmumula masarap na gulay

Paunang pampalakas sa ating katawan.

Sa aming paligid namamalas pa rinAng alagang hayop katulad ng kambingBaboy, manok, pato'y alay ay pagkain

Nagdudulot lakas sa sariling atin.

Ako'y gumagawa sa bawat panahonNa sa aking puso ang taos na layonNa sa bawat tao, ako'y makatulong

At nang maiwasan ang pagkakagutom.

Ako'y magsasakang bayani ng bukidSandata'y araro matapang sa initHindi natatakot kahit na sa lamig

Sa buong maghapon gumagawang pilit

Sagutin ang mga gabay na tanong:

1. Tungkol saan ang tula?2. Anu-ano ang simbolismong ginamit sa tula?3. Ano ang damdaming nangingibabaw sa tula?4. Paano nagkakatulad o nagkakaiba ang mensahe ng

tulang “Ang Tinig ng Gansa” sa tulang ito?5. Ano ang masasalaming kultura ng mga Pilipino sa

tulang “Bayani ng Bukid”?

Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban,1998

GAWAIN 7: Pagsusuri sa kayarian1. Paano nagkakatulad at nagkaiba ayon sa kayarian ang dalawang tula?Isulat sa sagutang papel.

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

Kayarian Bayani ng Bukid

Pagkakatulad

a. Sukat

b. Tugma

c. Talinghaga

d. Kariktan

Pagkakaiba

a. Sukat

b. Tugma

c. Talinghaga

d. Kariktan

2. May nakahihigit ba sa dalawang tula batay sa kasiningan ng pagpapahayag ng kaisipan kung pagbabatayan ang kayarian? Ipaliwanag.3. Paano ipinakikita ang komplikadong buhay at simpleng buhay sa dalawang tula?

EGYPT-TINIG NG LIGAW NA GANSA (Tulang Lirikong Pastoral

Komplikasyon ng Buhay Simpleng Buhay

PILIPINAS- BAYANI NG BUKID (Tulang Lirikong Pastoral)

Komplikasyon ng Buhay Simpleng Buhay

PAGSASANIB NG GRAMATIKA AT RETORIKAIba’t iba ang damdamin ng mga tao. Sa pagpapahayag ng

damdamin nagiging makulayang alinmang akdang pampanitikan. Kaya mahalagng malaman kung paano mabisang maipahahayag ito.Basahin ang tula at pagtuunan ng pansin ang damdaming

mangingibabaw sa pamamagitan ng pagsagot sa gabay na tanong.

REPUBLIKANG BASAHAN (1945)Teodoro Agoncillo

Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?Ang tingin sa tanikala'y busilak ng kalayaan?

Kasarinlan baga itong ang bibig mo'y nakasusi,Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?

Ang buhay mo'y walang patid na hibla ng pagtataksilSa sarili, lipi't angkan, sa bayan mong dumaraing!

Kalayaan! Republika! Ang bayani'y dinudusta.Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba!

Kasarinlan pala itong ni hindi mo masariliAng dangal ng tahanan mong ibo't pugad ng pagkasi.

Malaya ka, bakit hindi? Sa bitayan ikaw'y manhik,At magbigting mahinahon sa sarili na ring lubid!

Kalayaan - ito pala'y mayro'n na ring tinutuboSa puhunang dila't laway, at hindi sa luha't dugo!

Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap,Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa magdamag.

Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may kalansing,Na sa taynga ng busabos ay musikang naglalambing!

Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay taglayin,Subalit ang iniisip ay huwag mong bibigkasin!

Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at paghukay,Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung mamatay.

Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika,Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi't gawa.

Republika na nga itong ang sa inyo'y hindi iyo,Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo!

Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi?Sa patak ng iyong luha'y malaya kang mamighati!

Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok,Palipasin mo ang sukal ng loob mong kumikirot.

Kasarinlan! Republika! Kayo baga'y nauulol,Sa ang inyong kalayaa'y tabla na rin ng kabaong?

Republika! Kasarinlan! Mandi'y hindi nadarama,Ang paglaya'y sa matapang at sa kanyon bumubuga!

Bawat hakbang na gawin mo sa Templo ng KalayaanAy hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan!

Ang paglaya'y nakukuha sa tulis ng isang sibat,Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng kapwa tabak.

Ang paglaya'y isang tining ng nagsamang dugo't luha,Sa saro ng kagitinga'y bayani lang ang tutungga.

Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay habulin,Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng patalim!

Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban, 1998

Sagutin ang mga gabay na Tanong. Isulat ito sa sagutang papel.1. Bakit hindi tunay ang pagkamit ng kalayaan ng bansa ayon sa

may-akda?2. Paano makakamit ang tunay na kalayaan ayon sa tula?3. Magtala ng lima hanggang sampung taludtod o saknong ng

tula na nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin. Gamitin ang kasunod na pormat sa pagtalakay ng iyong sagot.

Taludtod/saknong Damdamin

Halimbawa:Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?

Ang tingin sa tanikala’y busilak ng kalayaan?

Pagkagalit

4. Ano ang naramdaman mo pagkatapos basahin ang tula?5. Paano ipinahayag ng makata ang damdamin sa tula?6. Naging mabisa ba ito?Ipaliwanag.

Alam mo ba na…Ang wika ay hindi lamang instrument sa pagpapahayag ng kaisipan kundi

ng saloobin, gawi at paniniwala? Sa pamamagitan nito’y naipahahayag natin ang nadarama natin sa ating kapwa.

Pagpapahayag ng EmosyonMaraming paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa wikang

Filipino, kabilang ang sumusunod:1. Isang paraan ang paggamit ng padamdam na pangungusap sa pagpapahayag

ng matinding damdamin. Ginagamit sa pangungusap na ito ang bantas na padamdam (!), at kung minsa’y ang bantas na patanong (?) tulad ng sumusunod:

a. Paghanga: Wow! Perfect ang iskor mo. Naks! Ganda! Bilib ako!b. Pagkagulat: Ha? Nakakahiya. Inay! Naku po!c. Pagkatuwa: Yahoo! Pasado ako, yehey!Yipee!d. Pag-asa: Harinawa, sana sumama ka sa group study naming.e. pagkainis/Pagkagalit: Bagsak ako!Kakainis!Ginagamit dinkung minsan ang panandang pananong (?) sa

pagpapahayag ng damdamin lalo na kung ito ay may halong pagtataka.

Maaaring samahan ang mga ito ng parirala o sugnay na tumitiyak sa emosyong nadarama.Gaya nito:

a. Paghanga: Wow, ang ganda n’yan, a!b. Pagkagulat: O , ikaw pala!c. Pagkalungkot: Naku, kawawa naman siya!d. Pagtataka : Siyanga? Totoo bang sinabi mo?e. Pagkatuwa: Yipee! Matutuwa si Mommy.f. Pagkagalit/ Pagkainis: Hmmpp! Nakaiinis ka!g. Pag-asa: Naku, sana nga’y makapasa ka na!

2. Isa ring paraan ang paggamit ng pahayag na tiyakang nagpadama ng damdamin at/o saloobin ng nagsasalita. Ngunit mahuhulaang hindi masyadong matindi ang damdaming inihahayag sa ganitong paraan. Pansinin ding ginagamitan ng tuldok ang mga pahayag, bagaman maaari ring gamitan ng padammdam ang bawat isa upang makapaghudyat ng mas matinding damdamin.

a. pagtanggi:Dinaramdam ko, hindi na ako lalahok sa paligsahan.b. Pagkasiya:Mabuti naman at narito na kayo.c. pagtataka: hindi ako makapaniwala. Ngayon ko lang narinig ang balitang

iyan.d. pagkainis: Nakabubuwisit talaga ang kinalabasan ng pagsusulit.

3. Maihahayag din ang iba pang emosyon sa tulong ng sumusunod na kosntruksyong gramatikal:

Paggamit ng mga padamdam na pahayag na karaniwang binubuo ng pariralang nominal o adjectival.a. Ang ganda ng tulang iyan!b. Nakakapanggigigil talaga ang alaga mong aso!c. Ang ilap ng gansa!

Paggamit ng mga ekspresyong karaniwang nagpapahayag ng antas ng kasukdulan o kasobrahan.a. Napalakulit ng lalaking mangingibig!b. Sobrang bait ng mag-aaral.c. Ang ganda-ganda niya!d. Talagang gulat na gulat si Arvyl.

Paggamit ng negatibong ekspresyon na binibigyang-diin kapag binibigkas, kasama ang ano man, sino man, saan man at iba pa.a. Wala kang maaasahang ano man sa kaniya.b. Hindi matatalo ng sino man ang marunong manuyo.c. Saan ka man pumunta, hindi ka makaliligtas sa akin.

Paggamit ng mga tanong na retorikal (Patayutay na pagtatanong upang bigyang-diin ang isang kaisipan. Ito ay tanong na hindi sinasagot sapagkat lantad na)a. Ang ganda ng ginawa nila, di ba?

(Napakaganda ng ginawa nila!)b. Dahilan ba iyan para malungkot ka?(Hindi iyan sapat na dahilan para malungkot ka!)c. Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi?(Hindi, sapagkat nakasusi ang bibig)d. Anong diperensiya noon?(Wala iyong diperensiya)e. Sino ang hindi nakakaalam niyan?(Alam iyan ng lahat)

PAGSASANAY I: Tukuyin kung anong damdamin at paraan ng pagpapahayag ang ginamit sa bawat pangungusap.

Pangungusap Damdamin Paraan ng pagpapahayag

1. Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap

2. Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi? Sa patak ng iyong luha’ymalaya kang mamighati

3. Ang buhay mo’y walangpatid na hibla ng pagtataksil Sa sarili, lipi’tangkan, sa bayan mong dumarating!

4. Ang galling-galling mong magsaulo ng tula.

5. Ang husay ng mga taga-Egypt sa kanilang sining, di ba?

6. Talagang galit na galit ang makata nang isulat niya ang tula.

7.Wala na tayong pag-asa kung patuloy tayong magpapaalipin

8. Sobrang sipag ng mga magsasaka sa ating bansa!

9. Wow! May pag-asa pa tayong umunlad!

10. Pasensiya na, wala na akong magagawa

PAGSASANAY 2: Naririto ang iyong pagkakataong maipahayag ang iyongsaloobin. Bumuo ng isang pangungusap na nagpapahayag ng iyong damdamin sa sumusunod na mga katauhan. Ipahayag ang pangungusap na tila kausap mo sila. Gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin.

1. taong lihim na hinahangaan: _______________________________________________

2. Nakilalang may mabigat na suliranin:________________________________________

3. Taong nais hingan ng paumanhin:___________________________________________

4. kaklase na hinahangaan mo dahil sa kanyang kabutihan:____________________

5. Pangulo ng Pilipinas:________________________________________________________

PAGSASANAY 3: Sumulat ng isang text message na magpapanumbalik ng pag-asa sa iyong

kaibigan, kaklase o kakilalang may pinagdaraanang suliranin. Sikaping ipahayag sa mensahe ang positibong pananaw sa buhay upang magpatuloy siyang harapin ito. Maaaring patula o tuluyan ang isusulat na mensahe. Isulat sa sagutang papel o maaaring ipadala sa iyong guro sa pamamagitan ng pag-text.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN:GAWAIN 9: Bahaginan

Ibahagi sa iyong kamag-aral ang iyong sagot sa sumusunod na tanong.1. Paano naiiba ang pastoral sa iba pang uri ng tulang liriko?2. Bakit mahalagang maipahayag ng tao ang kaniyang damdamin sa kapwa?3. Paano nakatutulong ang pagbabasa ng tulang pastoral sa mambabasa?4. Bakit mahalagang unawain ang tulang lirikong pastoral ng mga taga-Egypt?5. Paano mabisang maipahahayag ang damdamin sa tula?

Pagkatapos sa pakikipagpalitan ng sagot at tanong sa kaklase, bumuo ng sintesis tungkol sa mga natutuhan sa buong aralin.Talakayin ang sagot sa tulong ng kasunod na grapikong representasyon.

Egypt

Pagpapahayag ng damdamin

Pilipinas

Tulang Liriko

ILIPAT

Isa kang Guidance Counselor (propesyunal na tagapayo ng mga mag-aaral kaugnay ng kanilang pampersonal, pang-akademiko at propesyunal na mga alalahanin.) sa isang pampublikong paaralan. Linggo-lingo ay may iba’t ibang mag-aaral ang nagtutungo sa iyong opesina upang humingi ng payo tungkol sa kanilang mga pinagdaraanang suliranin sa buhay. Napansin mong kahit sa murang edad ng mga mag-aaral ay masalimuot na ang mga suliraning kanilang kinahaharap. Ito ang nagiging sanhi ng hindi nila pagkakaroon ng lubos na atensiyon sa pag-aaral. Sa dami ng mga mag-aaral sa iyong paaralan hindi mo mabibigyan ng atensiyon at payo ang lahat ng mga mag-aaral. Naisip mo na magpaskil ng tulang pastoral na may mensaheng makapagbibigay sa kanila ng positibong pananaw sa buhay sa kabila ng pagiging masalimuot nito. Sa ganitong paraan parang nabigyan mo na rin ng payo ang bawat makababasa ng iyong tula

Dalawa hanggang tatlong taludtod na tulang pastoral ang iyong isusulat batay sa pamantayang ito:

a. Malinaw na Mensahe10 puntos

- piling-pili ang mga salitang ginamit- May malinaw na pagpapahayag ng damdamin

b. Matalinghaga10 puntos

- Malalim ang kahulugan/ may simbolismo- Malikahain at matayutay na pagpapahayag ng kaisipan

c. May kariktan10 puntos

- May kakintalan- mapagparanas

MARAMING SALAMAT SA PAKIKILAHOK!

Nilikha ni: JENITA D. GUINOO Guro sa Filipino – Gr.10