Upload
rco548
View
51
Download
2
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Tula
Citation preview
Ang Aking Alagang AsoAng aking aso ay sobrang maamo
Gustong maglaro kasama ko
At dahil sa alaga kong aso
Nakakapaglaro ako kahit malayo
Siya ay nagbibigay ng tuwat saya
Kaya lagi kaming magkasama
Andyan siya kahit saan ako magpunta
Katapatan ang lagi niyang pinapadama
Ang Kaibigang Matalik
Ang aking kaibigan ay walang kapantay
Pagmamahal sa isat-isa ang nananalaytay
Siya ay laging masaya at mapagbigay
Kaya gusto kong kasama siya habambuhay
Kahit na kamiy salat sa buhay
Lagi naman kaming may karamay
Kinakaya ang hirap ng buhay
Kaya masaya lagi sa aming bahay
Ang Aking Mga Magulang
Kayo ang aking amat ina
Dahilan ng lakas kot sigla
Masaya ako sa inyong pagkalinga
Pag-ibig koy hindi magsasawa
Salamat sa inyong mga turo
Inyong utos ay susundin ko
Lahat ng ito ay aking pangako
Igagalang kayo at irerespeto
Sa Aking Mga Guro
Kayo ang nagbigay ng siglat saya
Katuwang ng aking amat ina
Pagmamahal ay sadyang dakila
Sa tulad naming mga bata
Walang kapantay ang sakripisyo
Galling at tiyaga sa pagtuturo
Kayoy igagalang at irerespeto
At mamahalin buong buhay ko
Ang Aking Mga Tanim
Ang aking mga tanim
Malago kahit makulimlim
Lagi kong dinadalangin
Na mamunga ng sariwang pagkain
Ito ang aming libangan
Pagtatanim sa aming bayan
Mahirap man o mayaman
Iniisip lagi ang pangangailangan
PROYEKTOSAFILIPINOInihanda ni:
Aldrich Jave O. Calonge
Ipapasa kay:
Gng. Juliet Galano
Guro