31
KATUTUBONG TULA bugtong salawikain tanaga/dalit

Katutubong Tula

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Katutubong Tula

Citation preview

  • KATUTUBONG TULAbugtongsalawikaintanaga/dalit

  • BUGTONGIsang bayabas,pito ang butas.

    Sagot: ULO

  • BUGTONGBumbong kung liwanagkung gabi ay dagat.

    Sagot: BANIG

  • BUGTONGKinain nat naubosnabubuo pang lubos.

    Sagot: BUWAN

  • BUGTONGDi-matingalang bundok,darak ang nakakamot.

    Sagot: BALAKUBAK

  • BUGTONGHayan na si Kakabubuka-bukaka.

    Sagot: GUNTING

  • BUGTONGHindi hari, hindi pari,nagsusuot ng sari-sari.

    Sagot: SAMPAYAN

  • BUGTONGSino ang Persona? Layunin?Ano ang Dramatikong Sitwasyon?Ano ang Tono? Ano ang Talinghaga?Ano ang Paksa? Tema?Ano ang Kagandahan?Ano ang Pagka-Filipino?Paano inilalapat sa buhay?

  • PAANO MAGSULAT ng BUGTONG?Mag-isip ng isang bagay.Magtaka ukol sa bagay na ito.Manalinghaga ukol sa nakapagtatakang katangian.Unang linyasitwasyon.Ikalawang linyapang-sintunado.Lagyan ng sukat at tugma.

  • SALAWIKAINAng lumakad nang matulinkung matinik ay malalim.

  • SALAWIKAINAng unti-unting pataksa bato nakaagnas.

  • SALAWIKAINAng may tyagamay nilaga.

  • SALAWIKAINMadaling maging taoMahirap magpakatao.

  • SALAWIKAINAanhin mo ang palasyo kung ang nakatiray kuwago?Mabuti pa ang bahay kubokung nakatira ay tao.

  • SALAWIKAINSino ang Persona? Layunin?Ano ang Dramatikong Sitwasyon?Ano ang Tono? Ano ang Talinghaga?Ano ang Paksa? Tema?Ano ang Kagandahan?Ano ang Pagka-Filipino?Paano inilalapat sa buhay?

  • PAANO MAGSULAT ng SALAWIKAIN?Mag-isip ng isang aral.Humanap ng larawang mula sa kapaligiran na magpapakita sa aral na ito.Lagyan ng sukat at tugma.O PUWEDE RING...Magmasid sa kapaligiran.Magmuni ukol sa itinuturo ng nakita mo.

  • TANAGAMataas man ang bundok,mantay man sa bacood,yamang mapagtaluktok,sa pantay rin aanod.

  • TANAGAAng tubig may malalim,malilirip kung libdin.Itong budhing magaling,maliwag paghanapin.

  • DALITAng sugat ay kung tinanggap,di daramdamin ang antak.Ang aayaw at di mayag,galos lamang magnanaknak.

  • DALITAng palad kong nasakuna,Ipinagtatanong ko nga,kung sinong kahalimbawa,nasa kati nagigiwa.

  • TANAGA/DALITSino ang Persona? Layunin?Ano ang Dramatikong Sitwasyon?Ano ang Tono? Ano ang Talinghaga?Ano ang Paksa? Tema?Ano ang Kagandahan?Ano ang Pagka-Filipino?Paano inilalapat sa buhay?

  • PAANO MAGSULAT ng DALIT?Mag-isip ng isang sitwasyon/damdamin.Maghanap ng sitwasyon sa kapaligiran na may paralelismo rito.Lagyan ng sukat at tugma.Bakit kailangang mas mahaba sa bugtong at salawikain?Ano ang kaibahan ng dating ng tanaga at dalit?

  • KATUTUBONG TULAMay sukat at tugma. Bakit?Payag sa b-k-d-g-p-s-t o l-m-n-ng-r-w-y, pero hindi payag sa impit-walang impit. Bakit?Matalinghaga. Bakit?Galing sa kapaligiran ang imahen. Bakit?Hindi puro. Bakit?Alam pa rin natin. Paano nanatili?

  • Visayans were said to be always singing except when they were sick or asleep. Singing meant the extemporaneous composition of verses to common tunes, not the performance of set pieces composed by musical specialists. There was no separate poetic art: all poems were sung or chanted, including full-fledged epics or public declamations.

    --William Henry Scott, Barangay (1994, 109)

  • In their poetry, even if not with the variety of rhyme scheme and meter of ours though they do have their own rhymes somewhat different from ours, they no doubt excel us, for the language they use in their poems. . . what they say in verse is so figurative in meaning that everything is the subtlest metaphor, and for one who doesnt know and understand them, it is impossible to understand them in it.

    --Francisco Ignacio Alcina (1668)Historia de las islas indios de Bisayassa Scott, Barangay (1994, 97)

  • The centrality of the talinghaga to early Tagalog poetry seems to have been dictated by an instinctive recognition of the complexity of human experience which verbalization does not always capture.

    --Bienvenido Lumbera, Tagalog Poetry (1986, 13)

  • The tanaga is full of metaphorsonly in the sense thatit revolves around a single metaphorwhich establishes an analogy between human experienceand an aspect of mans environment.

    --Lumbera, Tagalog Poetry (1986, 12)

  • SULATIN # 0Magsulat ng tig-isa:bugtongsalawikaintanaga/dalit

  • Pamantayan sa Pagsulat ng Tula

    KAWASTUHANWasto ang Baybay, Bantas, Balarila, at walang Banyaga.543ORGANIKONG KAISAHANPatungo ang lahat sa iisang epekto o ibig sabihin.Walang elementong sablay sa nais likhaing kahulugan.543KAAYUSAN/LINAWMadaling unawain ang sinasabi/lohika ng tula.543ANYO/PANUTOWasto ang sukat. Sumunod sa panuto. Angkop ang anyo.543TALINGHAGANagawang kongkreto/imahen ang pinakasinasabi ng tula.543PILI ng SALITAGinamit ang pinakaangkop/pinakamakahulugan/ pinakamabisang mga salita.543

  • SULATIN # 1, 2, 3Pakinisin ang iyong bugtong, salawikain, at dalit.Iimprenta sa maikling puting papel.Ilagay ang pamantayan sa gawing itaas at kanan.Ilagay naman sa ilalim ang sagot, aral, at mensahe ng iyong mga tula.

  • pangalan pamantayanseksyon

    BUGTONG:

    SALAWIKAIN:

    DALIT:

    SAGOT:

    ARAL:

    KARANASAN/DAMDAMIN: