15
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul1: Ang Konsepto ng Demand Zest for Progress Zeal of Partnership 9 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Z P Araling Panlipunan€¦ · ng isang matalinong mamimili? A. Paborito ni Nathaniel ang hotdog noong dalawang taong gulang pa lamang siya B. Nagmamadaling umuwi si Rewelyn kaya

  • Upload
    others

  • View
    34

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Republic of the Philippines Department of Education

    Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul1:

    Ang Konsepto ng Demand

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    9

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat:Rocel S. Baroy Editor:Florence S. Gallemit,Lydia I. Kilapkilap Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr. Florence S. Gallemit Dr. JephoneYorong Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Name of illustrator/Photographer Tagalapat:Peter Alavanza Tagapamahala:

    Dr. Ella Grace M. Tagupa Dr. Jephone P. Yorong Florence S. Gallemit Name of District Supervisor/PICD Wevina Quizo

  • Alamin Ang modyul na ito ay naglalayon na iyong matatalakay ang konsepto na nakaapekto sa demand sa pang-araw araw na pamumuhay.

    Balikan Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong ,Isulat ang titik ng tamang sagot.

    1.Kailan mo masasabing matalino kang mamimili? A. Kapag bumibili ng segunda mano upang makamura at makatipid sa pamimili B. Kapag gumagamit ng credit card sa pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale. C. Kapag bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan. D. Kapag sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo,sangkap,dami at komposisyon ng produkto.

    2. Ang karapatan sa tamang impormasyon ay maaring itaguyod sa pamamagitan ng; A .Pagpapahalaga sa kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin B. Palagiang paggamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran C.Pag-aaral sa nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng produkto D. Palagiang pumunta sa timbangang bayan upang matiyak na husto ang biniling produkto

    3. Naglabas ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng mga karapatan ng mamimili. Alin sa sumusunod na karapatan ang tumutukoy sa sapat na pagkain,pananamit,masisilungan,pangangaialngang pangkalusugan,edukasyon at kalinisan upang mabuhay? A.Karapatang pumili C. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran B.Karapatan sa kaligtasan D.Karapatan sa mga pangunahingpangangailangan

    4. Bukod sa mga karapatan,ang mga mamimili ay may mga pananagutan na binabanggit ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya.Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit,halaga at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginamit?

    A. Pagkakaisa at pagkilos C. Kamalayan at kapaligiran B. Mapanuring kamalayan D. Pagmamalasakit na panlipunan

  • 5. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapahiwatig ng karapatan o tungkulin ng isang matalinong mamimili?

    A. Paborito ni Nathaniel ang hotdog noong dalawang taong gulang pa lamang siya B. Nagmamadaling umuwi si Rewelyn kaya hindi na niya nasuri ang expiry date ng biniling sardinas sa tindahan C. Ang mga resibo ay walang kinalaman uppang mapalitan ang may sira o depektong produkto na binili. D. Nakabubuting itago ang resibo ng mga produkto at gamit na binili dahil nagsisilbi itong patunay na binili ko ang produkto sa tindahan

  • Tuklasin

    ANG KONSEPTO NG DEMAND May mga pangangailangan ang tao na dapat matugunan upang mabuhay.

    Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

    Batas ng Demand Isinasaad sa batas ng demand na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto.Kapag tumaas ang presyo,bumaba ang dami ng gusto at kayang bilhin;at kapag bumaba ang presyo,tumaas naman ang dami ng gusto at kayang bilhin(ceteris paribus).Ang ceteris paribus ay nangangahulugang ipinipapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded.

    May dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat o inverse na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded.Ang una ay ang substitution effect.Ipinahayag nito na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto,ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura. Kung kaya, mababawasan ang dami ng mamimiling gusting bumili ng produktong may mataas na presyo dahil maghahanap sila ng mas mura.Ang ikalawa ay ang income effect.Ito ay nagpapahayag na kapag mababa ang presyo ng bilihin,mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas maraming produkto.Kapag tumaas naman ang presyo ,lumiit ang kakayahan ng kita na makabili ng mga produkto o serbisyo kaya mabawasan ang dami ng mabibiling produkto.

    Tatlong Paraan sa Pagpapakita ng Konsepto ng Demand 1.Demand Schedule Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gusting bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.Sa madaling salita,ito ay talaan na nagpapakita ng dami ng demand sa iba’t ibang presyo.Ang nasa ibaba ay isang halimbawa ng demand schedule.

    Demand Schedule Para Facemask

    Presyo bawat piraso Quantity Demanded

    Php 5 10

    4 20

    Aralin 1 Ang Konsepto ng Demand

  • 3 30

    2 40

    1 50

    0 60

    Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity demanded para sa facemask sa iba’t ibang presyo.Halimbawa,sa halagang isang piso(Php1.00) bawat piraso ng facemask,limampu(50) ang dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili.Sa presyong dalawang piso(Php20.00) bawat piraso,apatnapung(40) piraso naman ang gusto at kayang bilhin ng mamimili.Kung tataas pa ang presyo at maging limang piso(Php50.00) ang bawat piraso,magiging sampu(10) na lamang ang magiging demand sa facemask.Malinaw na ipinapakita ang magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded ng facemask para sa mamimili.

    2.Demand Curve Ang demand curve ay grapikong paglalarawan na nagpapakita ng magkasalungat na relasyon sa pagitan ng presyo ng produkto at quantity demanded.

    P R E S Y O

    QUANTITY DEMAND

    Ang graph sa itaas ay batay sa demand schedule na nasa talahanayan.Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at quatity demanded ay mabubuo ang demand curve para sa facemask.Halimbawa sa punto A na ang presyo ay limang piso(Php5),sampu (10) ang dami ng facemask na gusto at kayang bilhin ng mamimili ; sa punto B na ang presyo ay (Php4),dalawampu ang dami ng facemask na gusto at kayang bilhin ng mamimili.Kung pagdugtungin ang mga puntong ito mula punto A hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pababa o downward sloping.Ang kurbang ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili.Halimbawa,ang paggalaw sa kurba mula punto A papuntang punto B,makikita na sa

    0

    1

    2

    3

    4

    5

    6

    0 10 20 30 40 50 60 70

    demand curve

  • pagbaba ng presyo mula (Php5) pababa ng (Php4),ang demand sa facemask ay tataas ng (10) piraso.Kapag ang presyo naman ay tumaas ng (Php1) makikita sa graph na bumababa ang quantity demanded sa (10) piraso.

    Ipinapakita din sa graph na nagbabago ang demand dahil sa pagbabago ng presyo.

    3.Demand Function Ang demand function ay matimatikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded.Maaari itong ipapakita sa equation sa ibaba:

    Qd=f(P)

    Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable,at ang presyo(P) naman ang independent variable.Ibig sabihin,nakabatay ang Qd sa pagbabago ng presyo.Ang presyo ang nakapagpapabago sa demand.Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa equation na:

    Qd=a-bP

    Kung saan:

    Qd = quantity demanded

    P = presyo

    a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)

    b = slope = Qd p

    Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong pagbabago sa presyo.

    Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang demand function ay iisa,suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba.

    Demand Function mula sa Demand Schedule para sa facemask: Qd = 60-10P

    Kapag ang P = 1 Qd = ? Kapag ang P = 5 Qd = ?

    Qd=60-10P Qd = 60 – 10(P)

    Qd=60-10(1) Qd = 60 – 10(5)

    Qd = 60-10 Qd = 60 - 50

    Qd = 50 piraso Qd = 10 piraso

    Gamit ang demand function ay maaring makuha ang dami ng quantity demanded kung may given na presyo.I-substitute ang presyo na piso sa variable na P at i-multiply ito sa slope na -10. Ang makukuhang sagot ay ibabawas sa 60.Mula rito ay makukuha ang sagot na 50 na quantity demanded.Sa ikalawang halimbawa naman ay Phph5 ang presyo kaya ang nagging quantity demanded ay 10.

  • Suriin Kumpletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng susumusunod na pahayag. Isulat ang tamang letra sa patlang upang mabuo ang salita.Ilagay mo

    sa papel ang iyong sagot. 1. _ _ _ A _ _ tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin ng mga mamimili.

    2. B_ _ _ _ _ _ D_ _ _ _ D nagsasad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded.

    3.D_ _ _ _ _ _ _ _v_ grapikong paglalarawan ng magkasalungat na ugnayan ng presyo at ng quantity demanded.

    4._ _ _ _ _d _ ch_ _ _ _ _ talaan na nagpapakita sad mi ng demand sa iba’t ibang presyo.

    5.D _ _ A _ D F_ _ _ T _ _ _ matimatikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded

    Pagyamanin Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang COVID FREE kung ang pangungusap ay tama at kung mali,palitan ang salitang nakasalungguhit upang ito ay maging tama.

    1. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

    2. Ang ugnayan ng presyo at quantity demanded ay maaaring ipakita gamit ang demand schedule,demand curve ,at demand function.

    3.Ang income effect ay nagpapahayag na kapag tumaaas ang presyo ng isang produkto ang mga mamimili ay hahanap ng mas murang pamalit dito.

    4. Ayon sa batas ng demand,ang presyo at quantity demanded ay mayroong magkasalungat na relasyon.

    5.Ang substitution effect ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo.

  • Gawain Kumpletuhin ang demand schedule para sa face shield at gumawa ng

    demand curve.Pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong tanong .Isulat ang mga ito sa inyong sagutang papel.

    Dahil sa kaso ng COVID19 sa bansa,ipinag-utos ng pamahalaan na lahat ng taong lumabas ng bahay ay kailangang magsoot ng face shield. Nagkataong may tinda ang iyong kapitbahay na face shield .Ilang piraso ng face shield ang handa at kayang bilhin ng iyong pamilya sa presyong Php20,Php40,Php60 hanggang Php100 kada piraso?Ilagay sa talahanayan ang dami ng quantity demanded sa bawat presyo upang mabuo ang demand schedule.

    Ipagpalagay na ang demand function mo ay Qd = 240 – 2P.Pagkatapos nito ay ipakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng demand curve at sagutan ang mga pamprosesong tanong.

    Demand Schedule para sa Faceshield Demand Curve

    P

    R

    E

    S

    Y

    O

    QUANTITY DEMANDED

    Pamprosesong Tanong:

    1.Ilan ang quantity demanded sa presyong Php20?

    2. Ano ang naging pagbabago sa quantity demanded nang tumaas ang presyo mula Php40 papuntang Php100?

    3.Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang isinisaad ng batas ng demand batay sa nabuo mong demand schedule at demand curve.

    4.Batay sa iyong natutunang ugnayan ng presyo at demand,paano ka makakatulong sa iyong mga magulang upang hindi masyadong mahihirapan sa usaping pinansyal lalo na sa panahon ng krisis?

    Presyo Bawat Piraso(Php)

    Quantity Demanded

    Php 100

    80

    60

    40

    20

  • Isaisip

    1.Ano ang demand?

    2.Ano ang batas ng demand?

    3. Ibigay ang dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded.Paano ito nakakaapekto sa demand ng mga mamimili?

    Tayahin

    Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat mo sa sagutang papel 1. Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng ekonomiks ay ang konsepto ng

    demand na idinidikta o nagmula sa mga konsyumer.Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?

    A. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo. B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan. C. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang presyo D. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.

    2. Ayon sa batas ng demand,alin sa sumusunod na pahayag ang malinaw na magpapaliwanag

    tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer? A. Kaunti ang mabibili ng konsyumer kapag mataas ang presyo. B. Maraming mabibili ang konsyumer kapag mataas ang presyo. C. Habang tumataas ang presyo, bumababa ang quantity demanded ng mga konsyumer. D. Habang tumataas ang presyo, tumataas ang quantity demanded ng mga konsyumer

    3. Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas,pababa,at pakanan o downward sloping,Ano ang ipinahiwatig nito? A. walang kaugnayan ang demand sa presyo B. magkasalungat na ugnayan ng presyo at dami ng demand C. hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand D. tuwiran ang ugnayan ng presyo at dami ng demand

    4. May tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng demand. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantitydemanded? A. demand B. demand schedule C. demand curve D. demand function

  • 5. Batay sa iyong natutunang ugnayan ng presyo at demand,paano ka makakatulong sa iyong mga magulang upang hindi masyadong mahihirapan sa usaping pinansyal lalo na sa panahon ng krisis?

    A. Huwag muna bumili ng mga bagay kung mataas pa ang presyo lalo na kung hindi naman masyadong importante at iingatan kung ano ang mayroon upang hindi ito masisira at nang sa ganun hindi na kailangang bumili ulit.

    B. Huwag na bumili ng anumang bagay ,magtago na lang sa bahay,itigil muna lahat ng gawain dahil may pandemya,ipagpaliban na lahat nang sa ganun ay walang gastos.

    C. Huwag na masyado mag-isip at ito ay nakaka stress lang,hayaan na lang ang mga magulang sapagkat responsibilidad din naman nila na itaguyod ang pamilya .

    D. Huwag na isipin ang presyo dahil may pera pa naman ang mga magulang,ang mahalaga nabibili kung ano ang gustong bilhin.

    6. Ang ceteris paribus ay nangangahulugang ang presyo lamang ang nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded.Ano ang dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat o di-tuwiran na ugnayan ang presyo at quantity demanded? A. demand function at substitution effect B. demand schedule at income effect

    C. demand curve at substitution effect

    D. substitution at income effect

    7. Sa konseptong substitution effect,ipinahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto,ang mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura ,sa ganitong sitwasyon paano naaapektuhan ang demand ng mga produkto?

    A. Sa pagtaas ng presyo sa isang produkto bumaba ang demand nito habang tumaas naman ang demand ng pamalit na produkto .

    B. Sa pagtaas ng presyo ng isang produkto, ang halaga ng kita ng mamimili ay bumababa at kapag tumataas naman ang presyo ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng produkto ay bumababa.

    C. Sa pagtaas ng presyo ng isang produkto bumaba ang demand kasabay sa pagbaba ng demand sa presyo ng pamalit na produkto.

    D. Sa pagtaas ng presyo ng isang produkto,bumaba ang demand nito habang walang pagbabago sa demand ng pamalit na produkto.

    8. Ang income effect ay isa sa konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded,paano nakakapekto sa demand ang pagbabago ng presyo?

    A. Sa pagbaba ng presyo ng bilihin,mas mataas ang kakayahan ng kita na makabili ng mas maraming produkto kaya tataas ang demand,at kapag tumaas naman ang presyo,lumiit naman ang kakayahan ng kita na makabili ng produkto kaya bababa ang demand.

    B. Sa pagtaas ng presyo ng isang produkto bumaba ang demand kasabay sa pagbaba ng demand sa presyo ng pamalit na produkto

  • C. Sa pagtaas ng presyo ng isang produkto,bumaba ang demand nito habang walang pagbabago sa demand ng pamalit na produkto.

    D. Sa pagtaas ng presyo sa isang produkto bumaba ang demand nito habang tumaas naman ang demand ng pamalit na produkto .

    9.Tumutukoy sa talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gusting bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo.

    A.demand B.demand function C. demand curve D. demand schedule

    10.Tumutukoy sa matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded.

    A.demand B.demand function C. demand curve D. demand schedule

    Karagdagang Gawain Mula sa datos na nasa ibaba,kompletuhin ang talahanayan upang maipakita ang demand schedule. A. Demand Function: Qd=300-20P

    P Qd 1 200

    6 100

    15

    B.Demand Function: Qd=750-10p

    P Qd 600

    30 300

    60 0

  • Susi sa Pagwawasto

    Gawain Demand Schedule para sa Faceshield

    Demand Curve

    Demand

    P R E S Y O

    Quantity Demanded

    Presyo Bawat Piraso(Php)

    Quantity Demanded

    Php 100 40

    80 80

    60 120

    40 160

    20 200

    Balikan 1.D 2.C 3.D 4.B 5.D

    Suriin

    1.Demand 2. Batas ng demand 3.Demand curve 4.Demand schedule 5. Demand function Pagyamanin 1.COVID FREE 2.COVID FREE 3.SUBSTITUTION 4.COVID FREE 5.INCOME

    Isaisip 1.Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo. 2.Nagsasaad na may salungat na relasyon o ugnayan ang presyo ng produkto . 3.

    A. substitution effect. kapag tumaas ang presyo ng isang produkto,ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura.

    B. income effect.Ito ay nagpapahayag na kapag mababa ang presyo ng bilihin,mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas maraming produkto. Tayahin 1.A 6.D

    2.C 7.A

    3.B 8.A

    4.C 9.D

    5.A 10.B

    0

    20

    40

    60

    80

    100

    120

    0 50 100 150 200 250

  • Karagdagang Gawain A. Demand Function: Qd=300-20P

    P Qd 1 280

    5 200 6 180 10 100 15 0

    B.Demand Function: Qd=750-10p P Qd

    15 600 30 450 45 300 60 150 75 0

    Sanggunian: Ekonomiks Araling Panlipunan ,Modyul para sa Mag-aaral,pp112-120 Ekonomiks Araling Panlipunan,Gabay sa Pagtuturo,pp79-84

  • 1

    Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

    Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

    Region IX Our.. Eden... Land...

    The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

    In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

    Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

    “And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

    And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

    I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.