Transcript
  • Republic of the Philippines

    Department of Education

    Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Edukasyon Sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan - Modyul 3:

    Kilos at Pasya ko: Panangutan ko!

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    10

    Pangalan: _________________________________

    Baitang/Seksiyon: __________________________

    Paaralan: _________________________________

  • 1

    Alamin Ang modyul na ito ay inihanda para matugunan ang iba’t ibang

    paraan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos ang mga salik sa makataong kilos. Ang saklaw ng araling napapaloob sa modyul na ito ay maaring makatulong sa mga

    sitwasyong maaaring harapin ng mag-aaral sa kinabukasan. Kinikilala sa bawat sitwasyong ginamit ang iba’t-ibang kultura ng bawat mag-aaral na

    gagamit nito. Ang bawat aralin ay isinaayos ayon sa katangi-tanging paraan sa pagkatuto ng bata. Subalit ang mga aralin ay maaring sagutin ayon sa ayos

    nito sa gamit na sangguniang aklat.

    Pagkatapos ng araling ito at maisagawa ang Gawain sa Modyul na ito

    inaasahan na maipamamalas mo ang mga sumusunod: 6.1 Naipaliliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng

    tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasya.(EsP10MK-IIc-6.2) 6.2 Nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa

    kilos dahil sa kamangmangan,masidhing damdamin, takot, karahasan at

    gawi.(Esp10MK-IIc-6.3)

    Balikan

    Sa modyul 5, natutunan mo na ang kalayaan ang nagbibigay sa tao ng kakayahang pumili at maging mapanagutan sa piniling pasiya. Kung lagi kang

    nagsisikap na piliin ang pasiya at kilos na nagpapakita ng pagmamahal at tumutugon ka sa mga sitwasyong nangangailangan ng iyong paglilingkod,

    anuman ang balakid , masasabing nagtataglay ka ng tunay na kalayaan.

    Gawain 1

    Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa nakalaang kahon.

    1. Ano ang tunay na kalayaan?

    2. Paano nauugnay ang kalayaan sa pananagutan? 3. Paano nauugnay ang mga aspekto ng kalayaan sa pagkamit ng tunay

    na kalayaan?

    ______________________________________________________________________________________

    ______________________________________________________________________________________

    ______________________________________________________________________________________

    ______________________________________________________________________________________

    ______________________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________________

  • 2

    Tuklasin

    Gawain: Think, Pair, Share

    Panuto: Basahin ang sitwasyon. Suriin, at pagkatapos ay

    maghanap ng kapareha at magbahagian ng inyong sagot. Sitwasyon 1

    Nagbilin ang inyong guro na sabihan ang inyong sekretarya ng inyong klase ilista kung sinu-sino ang hindi tumutulong sa paglilinis ng inyong silid aralan. Biglang dumating ang pinsan mo at niyaya kang kumain sa kantina kaya nakalimutan mong ipagbigay alam ang bilin sayo ng inyong guro.

    Sitwasyon 2

    Humanga ang iyong mga kaklase dahil sa pagkapanalo mo sa isang kompetisyon. Bumati sila sayo. Pero may kaklase ka palang galit sayo at sinisiraan ka. Ngunit hindi mo ito pinansin kahit

    nakaramdam ka ng pagkapahiya dahil sa isip mo marami naman ang naniniwala sayo. Tanong:

    1. Kung ikaw ang nasa unang sitwasyon, mabigat ba ang

    pananagutan sa pagbibigay ng bilin sa iyo na hindi sinasadya ay nakalimutan mo?

    2. Sa pangalawang sitwasyon, susundin mo ba ang udyok ng

    iyong damdamin? Bakit?

    3. Ano ang iyong reaksiyon sa bawat sitwasyon?

    4. Sa mga sitwasyon na yan, ano ang nararapat gawin na magpapamalas ng makataong kilos?

  • 3

    Suriin

    Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging isang ordinaryong kilos ng tao dahil sa mga salik na nakaaapekto rito. Ang mga salik ay direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan ng isang makataong kilos lalo na

    sa papel ng isip at kilos-loob. Maaari ring mabawasan ang pananagutan ng makataong kilos dahil sa impluwensiya ng mga salik na ito. May limang salik na nakaaapekto sa makataong kilos: ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at gawi.

    Limang Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos:

    1. kamangmangan- ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao. Ang papel ng isip ang isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos.

    2. Masidhing damdamin- tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghahangad na makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap.

    3. Takot- ito ay ang pagkabagabagng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa bahay.

    4. Karahasan- ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na pwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensiya.

    5. Gawi- ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw ay itinuturing

    na gawi (habits). Kung ang isang gawi o kilos ay nakasanayan na, nababawasan ang pananagutan ng isang tao ngunit hindi ito nawawala.

  • 4

    Ang pananampalataya sa Diyos ay ang pinakamalaking salik na nagtutulak sa tao ng gumawa ng pinakamataas na uri ng makataong kilos.

    Pagyamanin Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang

    sagot sa inyong papel.

    1. Kailan natin matutukoy na ang gawain o kilos ng tao ay hindi makakapanagot sa masamang epekto ng makataong kilos?

    2. Bakit kailangan obligado ang tao na isagawa ang isang makataong kilos?

    3. Kailan maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may impluwensiya ng karahasan?

    4. Nawawala ba ang pananagutan ng tao sa kanyang kilos dahil sa takot?

    5. Bakit nauuwi sa pagiging isang ordinaryong kilos ng tao ang makataong kilos?

    Gawain: Pagsusuri ng Sitwasyon

    Panuto: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na sitwasiyon. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.

    Sitwasiyon 1 Araw ng lunes. Nagmamadali kang maglakad papuntang paaralan dahil ang bahay niyo ay may kalayuan. Mabuti na lang at maaga kang nakarating sa paaralan para makaabot sa flag ceremony. Habang naglalakad ka sa loob ng paaralan, nakita mo

    ang mga kaklase mo na inaaway ang kakilala mo. Walang magawa ang kakilala mo dahil mag-isa lang siya at apat ang umaaway sa kaniya. Sa pagkakataong iyon, magsisimula na ang flag ceremony.

    Tanong: Ano ang gagawin mo? Tutulungan mo ba ang kakilala mo o magpapatuloy ka sa paglalakad? Bakit?

  • 5

    Sitwasyon 2 Sa loob ng klase ay pinangkat kayo ng guro niyo sa 5, at sa

    grupo ninyo ikaw ang napiling lider. Ayaw mo sanang tanggapin dahil alam mong mabigat ang responsibilidad ng isang lider. Pero wala kang nagawa kundi tanggapin na lang dahil mga kaibigan mo ang mga miyembro. May binigay na gawain ang guro niyo at bilang lider ikaw ang inatasan na ipaliwanag sa kagrupo mo ang gagawin. Napansin mo na hindi tumutulong mga kaibigan mo at

    sa iyo lang umaasa. Tanong: Gagawin mo na lang bang mag-isa ang gawain para hindi sila magalit? Bakit?

    Sitwasyon 3 Late ka pumasok sa klase , at sa araw na yun ay ang inyong mahabang pagsusulit. Hindi ka pinapasok ng inyong guro dahil nasa kalagitnaan na sila ng kanilang pagsusulit. Pinakiusapan

    mo ang inyong guro na bigyan ka ng pangalawang pagkakataon para makakuha ng pagsusulit, pero hindi pumayag ang inyong guro. Sa halip na magpakababa, ikaw ay nagdabog at umalis ng walang paalam. Tanong:

    Tama ba ang ginawa mong pagdadabog at nagpakita ng galit sa inyong guro? Pangatwiraan ang iyong sagot.

    Isaisip

    Gawain: Pagbubuo Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag sa

    pamamagitan ng pagpunan ng mga patlang.

    A. Ang mga ________ ay direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan ng isang _______________ lalo na sa papel ng isip o kilos-loob.

    B. Isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos ay ang __________________.

  • 6

    C. ________________ tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o

    paghahangad na makaranas ng kaligayahan o kasarapan

    at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap.

    D. Ang mga gawain na __________ na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw ay itinuturing na _______.

    Isagawa

    Panuto: Bumuo ng talata na tumutukoy sa mga

    nangyayari sa kumonidad na kinagisnan. Ang mga tao, lugar,

    sitwasyon/pangyayari sa paligid na tumutukoy sa mga salik na nakaaapekto sa makataong kilos. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.

    Pamantayan sa Pagwawasto ng Gawain

    Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

    Nilalaman 10

    Pagkamalikhain 15

    Paliwanag 15

    Kabuuan 40

    Tayahin

    Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel..

    1. Ito ay kilos na isinagawa ng tao ng may kaalaman, Malaya at kusa.

    A. Kusang loob B. Kilos ng tao

    C. Makataong kilos

    2. Ito ay likas sa tao o ayon sa kanyang kalikasan bilang tao at hindi

    ginagamitan ng isip at kilos-loob. A. Kusang loob

    B. Kilos ng tao C. Makataong kilos

  • 7

    3. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol sa makataong kilos?. A. Ito ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at

    pagsusuri ng konensya. B. Ito ay kilos na walang aspekto ng pagiging mabuti o masama

    C. Wala sa nabanggit

    4. Ito ay normal na damdamin subalit ang tao ay may pananagutan upang pangasiwaan ang kaniyang emosyon at damdamin dahil kung hindi, ang mga emosyon at damdaming ito ang mangangasiwa sa tao.

    A. Matinding emosyon B. Pag-asam

    C. Masidhing damdamin

    5. Tumutukoy ito sa pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o ng pagpapahirap upang gawin ng isang tao ang kilos na labag sa

    kanyang kalooban. A. Pagkatakot B. Karahasan

    C. paghihiganti

    6. Ang tanging naaapektuhan ay ang panlabas na kilos ngunit ang

    pagkukusa o kilos-loob ay hindi. A. Karahasan

    B. Takot

    C. gawi

    7. Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkilig sa isang bagay o kilos

    (tendency) o damdamin. A. Matinding emosyon B. Pag-asam

    C. Masidhing damdamin

    8. Ito ay nakaaapekto sa makataong kilos.

    A. Kusang loob B. Kilos loob

    C. Mga salik

    9. Ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawan ng paraan

    upang malaman at matuklasan ito. A. Kamangmangan na hindi nadaraig

    B. Kamangmangan na nadaraig

    C. Kamangmanagn

    10. Ito ay maaring kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na

    mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman. A. Kamangmangan

    B. Kamangmangan na nadaraig C. Kamangmangan na hindi nadaraig

  • 8

    11. Kapag ang gawa ng isang tao ay wala sa matinong pag-iisip, hindi sya mapapanagot sa sirkumstansya. Ito ay?

    A. Kamangmangan na hindi nadaraig B. Kamaangmangan na nadaraig

    C. kamangmangan

    12. Paano mo malilinaw ang kahulugan ng Makataong kilos?

    A. Ito ay mga kilos na nagaganap sa tao. B. Ito ay kilos na isinagawa ng tao ng may kaalaman, Malaya at

    kusa.

    C. Ito ay kilos na may kaalaman at pagsang-ayon

    13. Paano mo makikilala ang pagkakaiba sa pagitan ng Makataong kilos at sa KIilos ng tao?

    A. Ang kilos ng tao ay ang kilos na may kusa at ang makataong kilos ay kilos na nagaganap sa tao.

    B. Ang makataong kilos ay ang kilos na isinasagawa ng may

    kaalaman, Malaya at kusa habang ang kilos ng tao ay mga kilos na nagaganap sa tao.

    C. Wala sa nabanggit

    14. Anu-ano ang mga salik na nakaaapekto sa makataong kilos?

    A. Karahasan, kapahamakan, kaduwagan

    B. Emosyon, galit, pagkatakot C. Gawi, masidhing damdamin, takot

    15. Paano mo matutukoy na ang makataong kilos ay naaapektuhan ng

    mga salik?

    A. Kung ito ay nabawasan o kaya ay nauwi sa pagiging isang

    ordinaryong kilos ng tao. B. Kung ito ay direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng

    kalikasan ng isang makataong kilos lalo na sa papel ng isip at kilod-loob.

    C. Lahat ng nabanggit

  • 9

    Susi sa Pagwawasto

    SANGGUNIAN: Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang

    Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015, pahina 99-106

    1.A.

    2.B

    3.B

    4.C

    5.A

    6.A

    7.C

    8.C

    9.B

    10.C

    11.A

    12.B

    13.B

    14.C

    15.C

  • 10

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Marietta Reyes Lagare, SST-I

    Basilan NHS, Isabela City Division

    Editor: Jonathan Gilbert E. Cruz, SST-II

    Tagasuri: Aimee A. Torrevillas, SST-III

    Tagaguhit:

    Tagalapat:

    Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS

    Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS

    Eduardo G. Gulang, SGOD Chief

    Henry R. Tura, CID Chief

    Elsa A. Usman, LR Supervisor

    Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator

  • 11

    Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land Here the trees and flowers bloom

    Here the breezes gently Blow,

    Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays,

    Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free

    With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair

    Linger with love and care

    Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

    Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,

    All of them are proud and true

    Region IX our Eden Land

    Region IX Our..

    Eden... Land...

    My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, Gladly now I go to give thee this faded life's best, And were it brighter, fresher, or more blest Still would I give it thee, nor count the cost. On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Others have given their lives, without doubt or heed; The place matters not-cypress or laurel or lily white, Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, T is ever the same, to serve our home and country's need. I die just when I see the dawn break, Through the gloom of night, to herald the day; And if color is lacking my blood thou shalt take, Pour'd out at need for thy dear sake To dye with its crimson the waking ray.

    My dreams, when life first opened to me, My dreams, when the hopes of youth beat high, Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea From gloom and grief, from care and sorrow free; No blush on thy brow, no tear in thine eye.

    Dream of my life, my living and burning desire, All hail ! cries the soul that is now to take flight; All hail ! And sweet it is for thee to expire ; To die for thy sake, that thou mayst aspire; And sleep in thy bosom eternity's long night. If over my grave some day thou seest grow, In the grassy sod, a humble flower, Draw it to thy lips and kiss my soul so, While I may feel on my brow in the cold tomb below The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Let the moon beam over me soft and serene, Let the dawn shed over me its radiant flashes, Let the wind with sad lament over me keen ; And if on my cross a bird should be seen, Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

    Let the sun draw the vapors up to the sky, And heavenward in purity bear my tardy protest Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh, And in the still evening a prayer be lifted on high From thee, 0 my country, that in God I may rest. Pray for all those that hapless have died, For all who have suffered the unmeasur'd pain; For our mothers that bitterly their woes have cried, For widows and orphans, for captives by torture tried And then for thyself that redemption thou mayst gain And when the dark night wraps the graveyard around With only the dead in their vigil to see Break not my repose or the mystery profound And perchance thou mayst hear a sad hymn resound 'T is I, O my country, raising a song unto thee.

    And even my grave is remembered no more Unmark'd by never a cross nor a stone Let the plow sweep through it, the spade turn it o'er That my ashes may carpet earthly f loor, Before into nothingness at last they are blown.

    Then will oblivion bring to me no care As over thy vales and plains I sweep; Throbbing and cleansed in thy space and air With color and light, with song and lament I fare, Ever repeating the faith that I keep. My Fatherland ador'd, that sadness to my sorrow lends Beloved Filipinas, hear now my last good -by! I give thee all: parents and kindred and fr iends For I go where no slave before the oppressor bends, Where faith can never kil l, and God reigns e'er on high! Farewell to you all, from my soul torn away, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give thanks that I rest from the wearisome day! Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved creatures all, farewell! In death there is rest!

    I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo

    I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain

    future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of meeting my responsibility to the past, and the task of performing my obligation to the future.

    I sprung from a hardy race, child many generations removed of ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance of new land that was to be their home and their children’s forever.

    I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

    The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insignia of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness.

    I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The

    East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance, was my mother, and my sire was the West that came thundering across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for

    liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

    I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when first they saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

    ―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance—for myself and my children and my children’s children—forever.‖


Recommended