EPP5
Uri ng Abono
A. Organikong Abono (Organic Fertilizer) - ang organikong abono ay
nanggagaling mula sa pinagsamang mga bulok na halaman, dumi
ng hayop, at mga tirang pagkain. May tatlong uri ng organikong
abono.
1. Dumi ng hayop - ito ay galling sa dumi ng baka, kalabaw,
kabayo, at manok.
2. Luntiang pataba - ito ay nanggagaling sa mga nabubulok na
gulay at prutas.
3. Kompos - ang ganitong uri ng abono ay nanggagaling mula sa
halaman, dumi ng hayop,tirang pagkain, at iba pang nabubulok na
bagay.
B. Di organikong abono (Inorganic
Feltilizer) - ito ay nabibili sa mga
tindahang agrikultura. Meron itong
mga sangkap na gaya ng ammonium
nitrate, nitrate soda at iba pa.
Mga kagamitan sa pagtatanim.
Sa pamamagitan ng mga kagamitan napapdali ang
mga gawain natin sa pagattanim at
pangangalaga ng mga halaman. Ang mga sumusunod
ay mga halimbawa nito.
1. Asarol: ginagamit sa pandurog at panghukay sa matigas
na lupa.
2. Dulos: pangbungkal ng at pandurog sa malliliit na lupa,
maari ring gamitin sa paglilipat ng punla.
3. Piko: Ginagamit rin sa paghuhukay ng mga matitigas na
lupa.
4. Kalaykay: karaniwang ginagamit na
pampatagng lupa at mahiwalay ang mga bato sa
lupa.
5. Tinidor: kahawig ng isang malaking tinidor na
ginagamit para mabungkal ang lupa.
6. Dible: Maikling patpat na may Matulis na dulo,
ginagamit para malagyan ng marka at mahukay
ang lupa na lalagyan ng punla.
7. Itak: Pamutol sa mga sanga at puno ng
malalaking halaman.
8. Kartilya: kagamitan sa paghahalaman na
pwedeng lagayan at panghakot ng lupa.
9. Regadera: lalagyan ng tubig na may mahabang
nguso na ginagamit sa pagdidilig ng halaman.
10. Pala: ginagamit na pangtambak at panghukay
ng malaki at malalim na butas sa lupa.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.
1. Bakit mahalaga na maalagaan ng wasto ang mga
pananim?
________________________________________________________
2. Ibigay ang mga hakbang sa wastong pangangalaga
ng halaman.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang makuha
ang wastong salita na angkop sa mga kagamitan na
ginagamit sa patatanim ng halaman na tinutukoy nito.
Ilagay ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
____________________ 1. PAAL ____________________ 6. OLRSAA
____________________ 2. TAIK ____________________ 7. OUDLS
____________________ 3. LAYITARK ____________________ 8. OPIK
____________________ 4. ERAADGER ____________________ 9. YYAAALKK
____________________ 5. IELDB ____________________10. OIITNDR