Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
FILIPINO Ikatatlong Markahan- Modyul 5:
Pantaserye ng Pilipinas
Zest for Progress
Zeal of Partnership
9
Pangalan: _____________________________________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Gerlyn S. Banlos
Editor: Lindo O. Adasa Jr.
Tagasuri: Chona R. Baradilo
July G. Saguin
Maricel B. Jarapan
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Edgardo Jamilar Jr.
Tagalapat: Peter Alavanza, Gerlyn S. Banlos
Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, SDS, CESO VI
Oliver B. Talaoc, Ed. D.
Ella Grace M.Tagupa, Ed. D.
Lindo O. Adasa Jr.
Jephone P. Yorong, Ed. D.
Alamin
Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
nauugnay sa kasalukuyan ang mga tunggaliang(tao vs tao, tao vs
sarili) sa napanood na programang pantelebisyon. (F9PD-IIId-e-51)
naisusulat muli ang maikling kuwento na may pagbabago sa ilang
pangyayari o mga katangian. (F9PU-IIId-e-54)
Balikan
Panuto: Pag-aralan ang salitang etimolohiya na nakadiin sa loob ng
pangungusap. Bilugan kung ang isinasaad na kahulugan ng
salita ay kasalungat, ikahon kung kasingkahulugan.
1.) Pinalayas ng mayabang na Prinsesa ang kanyang kapatid.
a. mapagpamuri sa sarili c. mapagtimpi b. mapanlinlang d. mapagmatuwid 2.) Sa tatlong anak ng Haring Fernando, si Juan lang ang may busilak na
kalooban. a. kumikinang c. bulaklaking kalooban
b. masamang ugali d. lumuluksong kalooban 3.) Ang Panginoon ang siyang tanging nagkaloob lahat ng mga biyaya sa
atin. a. nagbigay b. nag-iwan c. nagnakaw d. nagsabog
Tuklasin
Basahing maigi ang mga sitwasyon sa loob ng kahon. Sagutin
ang mga katanungan sa ibaba.
Aralin 5 Pantaserye ng Pilipinas
A
Nilabanan ni Kate ang pagturok ng ipinagbabawal na gamot sa kanya
sa pamamagitan ng indyeksiyon. Nagmamakaawa siya subalit parang
walang narinig ang mga barkada niya. Nagdilim ang kanyang paningin,
sinipa niya ang may hawak ng panturok. Buong lakas na bumangon,
binugobg niya ang dalawa pang nakakapit sa kanya saka kumaripas ng
takbo.
B
Napansin ni Kate na unti-unti nang nagbago ang takbo ng buhay
niya nang dahil sa droga o ipinagbabawal na gamot. Wala na siyang
panahon sa kanyang pamilya, hinahanap niya ang mga panahong
magkasama sila sa simbahan at sa mga pasyalan. Napagtanto ni Kate na
mali ang paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot, hindi pa huli ang lahat
itigil ko na ito at ituwid ang pagkakamali.
1. Alin sa dalawang sitwasyon ang nagpapakita ng tunggaliang (tao vs tao)?
Ipaliwanag.(2 Puntos)
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
2. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng tunggaliang (tao vs sarili)?
Ipaliwanag. (2 Puntos)
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
3. Paano nagkakaiba ang tunggaliang nabanggit? (2 Puntos
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
Sa araling ito, maiuugnay natin ang tunggaliang (tao vs tao, tao vs
sarili) sa napanood na programang pantelebisyon na pinamagatang
Starla.
Suriin
Basahin at unawaing mabuti ang buod ng Pantaseryeng Starla.
STARLA
Sa Baryo Maulap nakatira ang Pamilya nina Teresa o mas kilala sa tawag na Tere. Mahirap ang kanilang pamilya, pagsasaka lang ang
pinagkukunan ng kanilang ikabubuhay. Nang mamatay ang kanyang ina, saka lang napadpad si Tere sa Maynila. Inampon siya ng mayamang
pamilya, doon siya lumaki, nakapag-aral, at nagkaroon ng trabaho. Isang araw, nagkaroon ng problema ang mga magsasaka sa
Baryo Maulap sa pagdating ng mga peste sa kanilang sakahan. “Mang Greggy, anong gagawin natin?” anang ni Mang Kulas. “Sa salot na ito, lahat tayo’y walang kawala! Mauuwi lang sa wala
ang pinaghirapan at pinuhunan natin dito” dagdag pa ni Mang Kulas.
Naririnig nina Buboy at Starla ang usapang iyon ni Mang Greggy at mga kasamahang magsasaka.
“ Starla, ano ang pwede nating maitulong kina Mang Greggy?” tanong ni Buboy. “Hindi ko rin alam sa ngayon Buboy.” saad ni Starla
Habang nag-iisip ng solusyon sina Buboy at Starla, nagpadala ng tao si Tere sa Baryo Maulap para alukin ang mga magsasaka na ibenta
ang kanilang lupain kapalit ng malaking halaga. “Mga tao, gusto ninyo bang makabangon? Ako ang solusyon!”
pagmamayabang ni Dexter sabay sulyap sa may nag-uumpukan. “Simple lang, ibenta ninyo sa akin ang inyong mga lupain kapalit ang malaking halaga” muling pangungumbinse niya.
Nagkatinginan ang mga taong naroron, mayroong parang natukso subalit naguguluhan, mayroon ding hindi natitinag sa malakimng halagang
inalok ni Dexter. Nakarating sa pandinig ni Mang Greggy ang mga pangyayari at ito’y galit na galit.
Sa kabilang panig, walang humpay sina Buboy at Starla sa kahaha-
nap ng solusyon. Iminungkahi nitong subukang magwish. Ginawa iyon ni Starla, nagulat ang dalawa sa kinalalabasan ng kanilang ginawa.
“Starla, tingnan mo, unti-unti ng nawawala ang mga peste at bumalik na sa dati ang mga pananim sa sakahan.” tuwang saad ni
Buboy. “Oo nga! “ pagsang-ayon ni Starla.
Kinabukasan bumalik si Dexter sa Baryo Maulap, nagulat siya nang makita ang sakahan na malagong-malago ang mga pananim at wala na ang mga peste. Hindi ganito ang nakita niya noong nakaraang
araw. Umiling si Dexter, hindi siya makapaniwala sa nakita. Tumawag agad siya kay Tere, ibinalita ang nasaksihang pangyayari. Nagngingitngit
sa galit ang dalagang atorney sa balitang natanggap. Makaraan ang ilang araw, napag-isipan ni Tere na siya mismo
ang haharap sa mga mamamayan ng Baryo Maulap. Naglibot siya sa buong baryo, nahabag man siya sa mga tao subalit nanaig pa rin ang pusong mapaghiganti. Hinimok pa rin niya ang mga tao na ibenta ang
kanilang lupain para hindi na maghirap.Sa paglilibot niya, nagkatagpo ang landas nila ng dating kasintahang si Philip. Ang mga nakakikilala sa
kanya ay binabati siya subalit parang wala itong narinig. Patuloy lang siya sa pag-iikot-ikot hanggang makarating siya sa kanilang bahay,
nanumbalik lahat ang sakit at pait nang maalala ang kanyang ina. Nakita siya ni Mang Greggy. “Anak, Teresa!” pabulong na tawag ni Mang Greggy.
Hindi niya pinansin ang ama, nalason na ang kanyang isipan sa pangsulsol ni Robert sa kanya. Nabulag siya sa nararapat sana niyang
gawin dahil sa pinangakong yaman na ipagkaloob ng lalaki sa kanya kung ito’y magtagumpay.Sa pagsusumikap ni Tere na makuha ang
Baryo Maulap ay hindi siya tumigil, bagkus nagtayo pa ito ng mga proyekto na tutulong kunyari sa mga mamamayan ng Baryo Maulap. Sobrang nabahala na si Mang Greggy sa ginagawang ito ng anak.
“Anak, pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Mang Greggy “Bakit, may dapat pa ba tayong pag-uusapan ha, Mang Greggy?”
“Anak, ama mo ako! mali ang paghimok mo sa ating mga ka-baryo na ibenta ang kanilang mga lupain, alam mong ito lang mayroon
sila!” “Anong magagawa mo kung gusto nila itong ibenta? Tanggapin mo nalang na hindi mo sila mapapakain niyang prinsipyo mo! Pera ang
kailangan nila. Pera! sabay talikod ni Tere. Masaya si Tere sa kaganapang unti-unti na niyang makamit ang
hinahangad. Sa pag-uwi niya ng Maynila, nadatnan niyang wala ng malay si Robert. Pinaslang siya ni Dexter kasama ang kanyang mga
tauhan. Kinanlong ni Tere si Robert habang sumisigaw ng tulong. Dumating si Dexter, pinagbintangan siyang pinatay nito ang ama. Kinasuhan siya at pinakulong.
Pagyamanin
Panuto: Mula sa pantaseryeng Starla, suriin ang mga sitwasyong
nagpapakita ng tunggaliang (tao vs tao, tao vs sarili). Piliin at bilugan ang
titik ng bawat sitwasyon sa loob ng kahon na aangkop sa tungggaliang
isinasaad at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Dumalaw si Mang Greggy kay Tere sa kulungan, dito ipinagtapat niya sa anak na may pag-asang mapawalang- sala ito dahil may nakakakita kay Dexter sa pagpaslang sa sarili nitong ama. Nangako si Mang Greggy na hindi
pababayaan ang anak. Kumuha siya ng abogado at kinuha ang nakakita sa buong pangyayari para mapawalang-sala ang anak. Nakalabas ng kulungan
si Tere sa tulong ng kanyang ama. Aalis na sana si Mang Greggy. “Tay, maraming salamat sa pagtulong mo sa akin.”saad ni Tere.
“Anak, ginawa ko lang ang sa tingin ko’y tama. Hindi kita pwedeng pabayaan anak, mahal na mahal kita.” sabay yakap sa anak. Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy.
Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto niyang napakalaking mali ang
kanyang nagawa.
halaw mula sa
Pantaseryeng Starla ng ABS - CBN
1. TUNGGALIANG (tao vs tao) ( 2 Puntos)
A. Nag-uusap sina Mang Greggy kasama ang iba pang mga magsasaka ukol
sa salot sa kanilang sakahan.
B. Pumunta agad si Dexter sa baryo Maulap.
C.Nababahala na talaga si Mang Greggy sa mga nangyayari sa kanilang baryo.
2. TUNGGALIANG (tao vs sarili) (2 Puntos)
A. Naghahanap ng solusyon sina Buboy at Starla upang makatulong kina
Mang Greggy. B. Nagtataka at naguguluhan si Tere sa sinabi ni Dexter sa kanyang mga
Nasasaksihan.
C. Habang nasa kulungan, napagtanto ni Tere na ginamiy lamang siya ni Robert kaya napagpasyahan niyang uuwi sa kanyang Ama kung maka-
kalabas siya mula sa kulungan.
1. Naniniwala ka bang may dahilan ang lahat ng mga nangyayari sa atin? Ipaliwanag. (2 Puntos)
________________________________________________________________ _______________________________________________________________
_______________________________________________________________ _______________________________________________________________.
2. Nakatutulong ba ang nasabing pangyayari sa pagbuo at pagpapatibay sa
iyo bilang isang tao o indibidwal? Pangatwiranan. (2 Puntos)
_________________________________________________________________
________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________________________________________________.
3. Paano nagkakaiba ang tunggaliang nabanggit? (2 puntos) ________________________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ______________________________________________________________.
Gawain
Gawain A
Panuto: Basahing maigi ang sitwasyon sa ibaba, kupletuhin ang talahanayan sa batay sa hinihingi.
Tunggalian
Ama
Starla
tao vs tao
AMA
Lasinggo ang ama ni Mui Mui, pagkagaling sa trabaho’y lagi itong umuuwi na lasing. Minsan bunubugbog pa nito ang kanilang ina. Sakiting
bata si Mui Mui, kapag umuuwing lasing ang ama sinisikap ng mga nakakatandang kapatid na hindi ito makalilikha ng anumang ingay sa siyang ikagagalit ng kanilang Ama.
Isang gabi pagkagaling sa trabaho, lasing ito at hinanap ang kanilang ina.
“Nasaan ang iyong magaling na ina? tanong ng kanilang ama. Kahit isa sa kanila walang maglalakas -loob na sumasagot. Napadako
sa sala ang kanilang ama, pumasok agad sa munting silid ang magkapatid. Sa kanilang inaasahan, binubugbog na naman ang kanilang ina. Naaawa man ay wala silang magawa para ipagtanggol ang kanilang ina. Biglang
humalinghing si Mui Mui, narinig iyon ng kanilang ama, kaya’t ito ang napagbalingan niya. Binugbog niya si Mui Mui, tumilapon ito sa may
dingding. Nawalan ng buhay si Mui Mui dahil doon. Kinabukasan, hindi matanggap ng ina na wala na ang kanyang anak
na si Mui Mui nang dahil sa kanyang ama. Hindi man niya sinumbatan ang asawa’y bakas ang pagsisisi sa mukha nito. Nang mailibing na si Mui Mui, isang gabi sinundan nila ang ama
habang pumanaog ito ng bahay na may dalang supot. Hanggang sa mapadako ang hakbang nila sa may sementeryo, inalay ng ama ang dala
nitong pagkain kay Mui Mui, umiiyak na humihingi ito ng tawad sa anak.
halaw mula sa “AMA” Panitikang Asyano
tao vs sarili
Gawain B
Panuto: Mula sa Pantaseryeng Starla, pumili ng pangyayari o mga
katangian ng tauhan na gusto mong baguhin. Isulat sa talahanayan.
Pangyayari Mula sa Pantaseryeng
Starla
Pagbabago
Isaisip
Sa modyul na ito, natutuhan kong ang tunggaliang
________________________, ay tumatalakay sa tunggaliang nangyayari sa
pagitan ng tauhan patungo sa ibang tauhan sa kuwento. Habang ang
tunggaliang ______________________ ay nagpapakita ng pagbabago o
transpormasyon sa katangian ng tauhan sa kuwento.
Tayahin
A
________1. Humingi ng tawad si Tere sa kanyang ama sa lahat ng masamang
gawi na ipinapakita dito.
________2. Matigas ang anyo, puno ng galit , pagkasuklam ang itinugon ni
Tere nang marinig ang pagtawag ng Ama.
________3. Pinagbintangan ni Dexter si Tere na pinatay nito ang kanyang
Ama, kinasuhan at pinakulong niya ito
________4. Unti –unting tinanggap ni Tere ang kasalanang nagawa sa mga
ka- baryo.
________5. Habang nasa kulungan, napag-isip-isip ni Tere na ginamit lang
siya ni Robert. Ngunit ganoon pa man buong puso niya itong
pinatawad.
B
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang letrang M kung
ang pahayag o sitwasyon ay nagpapakita ng pagbabago at letrang W kung hindi nagpapakita ng pagbabago.
_____ 1. Dumalaw si Mang Greggy kay Tere sa kulungan.
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang salitang KAMI kung ang
pahayag ay nagpapakita ng tunggaliang (tao vs tao), salitang AKO
naman kung ito’y nagpapkita ng tunggaliang (tao vs sarili). Isulat
ang sagot bago ang bilang.
_____ 2. Habang tumatagal ay naging masama na ang ugali ni Dexter.
_____ 3. Nagmamatigas si Tere kay Mang Greggy noong una subalit isang
araw, napapansin niyang unti- unti ng naging malapit sa Ama.
_____ 4. Sa huli, humingi ng tawad si Tere sa kanyang mga kabaryo.
_____ 5. Natuwa si Tere ng mabili na niya ang ilang lupain ng mga kabaryo.
Karagdagang Gawain
Sumulat ng wakas ng nagustuhang pantaserye, pagkatapos ay
baguhin ito ayon sa iyong kagustuhang pagbabago ng pangyayari o
katangian ng tauhan.(15 Puntos)
RUBRIK SA MULING PAGSULAT NG PANTASERYE
Pamantayan 5 3 1
Nilalaman
Makikita ang pagbabago sa
ilang pangyayari o mga
katangian .
Hindi masyadong Makita
ang pagbabago ng ilang
pangyayari o mga
katangian
Lumihis sa
ipinapagawa o sa dapat
ipapahayag na
mensahe ng gawain.
Malikhaing
Pagsulat
Napapalitaw ang
transpormasyon ng
katangian ng tauhan.
Hindi masyadong
naipakita ang
transpormasyon ng
katangian ng tauhan.
Hindi nakikitaan ng
transpormasyon ng
katangian ng tauhan.
Maayos at
Makatotohanan
Nakikita ang
makatotohanang
pagbabago sa katangian ng
tauhan.
Hindi masyadong lantad
ang pagkaayos sa
makatotohanang
pagbabago sa katangian
ng tauhan.
Hindi nakikitaan ng
makatotohanang
pagbabago sa
katangian ng tauhan.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian: Kagawaran ng Edukasyon Unang Edisyon 2014 Muling Limbag 2016, 2017 Panitikang Asyano-
Ikasiyam na Baitang Modyul ng Mag-aaral sa Filipino ph.216-217 Internet- Pantaseryeng “Starla”
Isaisip
1. tao vs tao 2. tao vs sarili Pagyamanin 1. A
2. C
Balikan 1. A 2. B
3. A
Tuklasin
1. A
2. B
Tayahin A 1. AKO 2. KAMI
3. KAMI
4. AKO
5. AKO
Tayahin B
1. W
2. M 3. M
4. M 5. W
1
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed
that I was walking along the beach
with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets
of footprints – one belong to me and
the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I
noticed only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
And the LORD replied “My son, My
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the
sand, because it was then that I
CARRIED YOU!
I think that I shall never see
A poem lovely as a tree.
A tree whose hungry mouth is prest
Against the earth’s sweet flowing
breast;
A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.
Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.