3
Pangalan: Sophia Marie D. Verdeflor ika-19 ng Hunyo, 2014 Grado at Pangkat: Grade 9-1 STEP Gng. Eva Leonila Kabiling Manuel Awtput Blg. 1.2 Layunin: Naisusulat ang sariling wakas batay sa huling pangyayari o nagging wakas ng alamat. Alamat ni Prinsesa Manorah (Ang Pagwawakas) Noong araw ng pag-iisang dibdib nina Prinsesa Manorah at Prinsipe Suton ay sobrang saya nilang lahat kabilang na sina Haring Artiyawong, Reyna Jantaivee, Haring Prathum at Reynang Jantakinaree. Matapos ang isang taon ay biniyayayaan sila ng isang babaeng anak na pinangalanan nilang Gabriela, siya ay isang maganda, maputi, at buti naman ay normal siya. Araw-araw na binibigyang pansin at alaga ng mag-asawa ang kanilang anak. Napakaswerte nito na magkaroon ng mga magulang na tulad nila. Si Gabriela ay ang susunod sa yapak ng kanyang ina, ang pagiging prinsesa at sa panghinaharap naman ay magiging hari at reyna sina Prinsesa Manorah at Prinsipe Suton. Lumipas ang napakaraming taon, siguro mga labin- limang taon at isa ng dalaga si Gabriela at unti-unting nagkakagusto sa isang lalaki. May nakilala siyang isang lalaki na nagngangalang Troy. Parehas silang nagkagusto sa isa’t-isa. Ipinaalam niya ang tungkol dito sa kanyang mga magulang at hindi naman tumutol ang mga ito sa pagkakagustuhan ng dalawa. Araw-araw na dinadalaw ni

Alamat ni Prinsesa Manorah (Ang Pagwawakas)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Alamat ni Prinsesa Manorah (Ang Pagwawakas)

Pangalan: Sophia Marie D. Verdeflor ika-19 ng Hunyo, 2014Grado at Pangkat: Grade 9-1 STEP Gng. Eva Leonila Kabiling Manuel

Awtput Blg. 1.2

Layunin: Naisusulat ang sariling wakas batay sa huling pangyayari o nagging wakas ng alamat.

Alamat ni Prinsesa Manorah(Ang Pagwawakas)

Noong araw ng pag-iisang dibdib nina Prinsesa Manorah at Prinsipe Suton ay sobrang saya nilang lahat kabilang na sina Haring Artiyawong, Reyna Jantaivee, Haring Prathum at Reynang Jantakinaree. Matapos ang isang taon ay biniyayayaan sila ng isang babaeng anak na pinangalanan nilang Gabriela, siya ay isang maganda, maputi, at buti naman ay normal siya. Araw-araw na binibigyang pansin at alaga ng mag-asawa ang kanilang anak. Napakaswerte nito na magkaroon ng mga magulang na tulad nila. Si Gabriela ay ang susunod sa yapak ng kanyang ina, ang pagiging prinsesa at sa panghinaharap naman ay magiging hari at reyna sina Prinsesa Manorah at Prinsipe Suton.

Lumipas ang napakaraming taon, siguro mga labin-limang taon at isa ng dalaga si Gabriela at unti-unting nagkakagusto sa isang lalaki. May nakilala siyang isang lalaki na nagngangalang Troy. Parehas silang nagkagusto sa isa’t-isa. Ipinaalam niya ang tungkol dito sa kanyang mga magulang at hindi naman tumutol ang mga ito sa pagkakagustuhan ng dalawa. Araw-araw na dinadalaw ni Troy si Gabriela sa kanilang tahanan bilang tanda ng kanyang pagmamahal. Katulad nina Prinsesa Manorah at Prinsipe Suton ay nagplano na rin sila para magpakasal, kinausap nila ang kani-kanilang mga magulang. Nagtakda sila umpisa bukas hanggang sa susunod na linggo upang magkausap ang kanilang mga magulang para sa pinaplano nilang kasalan na gusto nilang ganapin sa darating na taon.

Dumating ang araw para sa pag-uusap ng kanilang mga magulang, nag-usap sina Prinsesa Manorah, Prinsipe Suton, Prinsesa Alona, at Prinsipe Kristoffer, pinag-usapan nila ang iba’t-ibang bagay tungkol sa kanilang kasal. Napagdesisyonan ng kanilang mga magulang na ipagpatuloy ang pinaplano nilang

Page 2: Alamat ni Prinsesa Manorah (Ang Pagwawakas)

pagpapakasal, nang malaman ito nila Gabriela at Troy ay tuwang-tuwa sila dahil sa wakas ay mangyayari na rin ang matagal na nilang pinaplanong pagpapakasal.

Ngayon na ang araw ng pagpapakasal nila Gabriela at Troy, isa siyang simpleng kasal, hindi siya masyadong magarbo. Medyo marami rin ang mga bisitang dumating. Nang makarating na ang lahat ng mga inaasahang mga bisita ay nag-umpisa na ang kanilang kasal.

“Ikaw Gabriela, tinatanggap mo ba si Troy bilang kabiyak mo sa hirap at ginhawa?” tanong ng pari nagpapakasal sa kanila.

“Opo, father.” sagot ni Gabriela.

“Ikaw naman Troy, tinatanggap mo ba si Gabriela bilang kabiyak mo sa hirap at ginhawa?” tanong ng pari kay Troy.

“Opo, father, tinatanggap ko po.” masayang pagsagot ni Troy.

“Okay, maari mo ng bigyan ng matamis na halik ang iyong asawa.”*at binigyan naman ni Troy si Gabriela ng napakatamis na halik*

“Mabuhay ang bagong kasal!” sigaw ng mga bisita.

Sa araw ng pagiging reyna at hari nina Prinsesa Manorah at Prinsipe Suton at ang pagiging prinsesa at prinsipe naman nina Gabriela at Troy, ay tila masayang-masaya ang lahat dahil ngayon na ang isang bigating araw.

“Aking inaanunsyo na si Gabriela at Troy ay ang ating bagong Prinsesa at Prinsipe, at sina Prinsesa Manorah at Prinsipe Suton naman ay ang bago natinig Reyna at Hari. Simula ngayon ay tatawagin niyo na silang Prinsesa Gabriela at Prinsipe Troy, Reyna Manorah, at Haring Suton. Sila na ang mamumuno sa palasyo ng Udon Panjah.”

Mula noon ay namuhay na ng masaya habambuhay ang reyna, hari, prinsesa, at prinsipe sa napakagandang palasyo ng Udon Panjah.