Upload
jenita-guinoo
View
163
Download
4
Embed Size (px)
Citation preview
Ang Tao nga Naman
Ni: Jenita D. Guinoo
Nakaiirita ang taong lagi na lamang nanghihimasok sa iyong buhay.
Lagi ka na lamang binabantayan. Nakikita ka palagi. Sila iyong tipo ng
taong walang magawang mabuti sa kapwa kundi puro perwisyo.
Panlilibak, pangungutya, pagtsi-tsismis at kung anu-ano pang
kaplastikan ang pinanggagawa sa iyo ng mga utsuserang mga taong ito.
Akala mo mababait sila, hindi pala. Mabait lamang sila kapag kaharap mo
at kausap ngunit pag ikaw’y nakatalikod na, ikaw na naman ang pinag-
uusapan nila. Nakararanas ka na ba’t nakasasalamuha ng ganitong klase
ng tao? Ganito rin ba ang iyong nararamdaman? Na kung pwede lamang
ay ipamumukha sa kanila ang kanilang nagawang pagkakamali dahil sa
sobrang kadaldalan. Nasisira ang reputasyon ng isang tao. Nawawalan ng
tiwala ang isang tao dahil sa kanilang mga kasinungalingan! Na para
bagang habang naglalakad ka’y ikaw ang paksa ng kanilang
pangungutya, buhay ka pa ay parang pinapatay na nila.
Maagang-maaga pa, bago pa lamang ako magtutungo sa aking
opesina ay nandoon na sila sa lugar na kanilang pinag-uumpukan.
Maagang- maaga pa lamang ha, nagsisimula na sa kanilang mga gawain.
Mga taong walang magawa sa buhay. Hindi matapos-tapos ang
pagbubukas ng kani-kanilang mga bunganga. Konti na lamang at
mapapasukan na ito ng mga langaw. Daldal sila ng daldal. Satsat nang
satsat. Kada taong dumadaan sa kanila ay hindi pinapalampas, tiyak na
mapag-uusapan. Kung saan-saan nakararating ang kanilang mga
kuwento. Kung minsan ay napapatawa sila, nadadala ng emosyon dahil
sa sitwasyon at nakikisimpatya sa mga nangyayari sa taong pinag-
uusapan.
Gossipers are also known as “small-talkers, shop talkers, idle talkers
and backstabbers”. They usually are malicious, hurtful, and they damaged
the people’s reputations, relationships become sour, and worst of all
battered the person’s morale.
Gossiping is a form of reputational warfare and it affects the
person’s ability to manage his work effectively, it poisons workplace
congeniality, the reason on losing the trust to anybody and will naturally
contribute to employees’ turnover.
This is an exchange of personal information about an absent third
person that is conveyed in an evaluative manner. They frequently passes
their personal judgement wherein they compare themselves with others
in which they are unaware that what they do are just reflections of the
“ghosts” (insecurities, inferiorities, and frustrations) they have in life.
That they failed to strive for success and superiorities. And indeed, they
are psychologically unhealthy individuals who long for personal
superiority but yet unsuccessful and instead seeing others succeed. As a
result, they gossips in order to cover their feeling of insecurities
(Google.com)
Iyan, iyan ang dahilan ng kanilang kadaldalan. Sila ay mga insecure
na may hinahangad sa buhay na hindi natutugunan kaya dinadaan na
lamang nila sa paghuhuntahan. Na malilmit na maging paksa ng kanilang
usap-usapan ay ang mga taong nakikita nilang naging matagumpay sa
buhay. Ika nga, itong ginagawa nila ay paraan ng pagtakas sa totoong
nararamdaman nila sa kanilang buhay. Na naging bahagi na ng kanilang
pang-araw-araw na gawain, naging pampalipas oras na at
nakapagpapagaan din naman ng kanilang mga alalahanin at dalahin sa
buhay. Natutuwa sila, di ba? Anong magagawa natin? Wala! Hayaan na
lamang natin sila. Masaya sila sa kanilang ginagawa, di ba? Basta ba hindi
tayo piniperwisyo, hindi kinakanti ang ating ego. Hayaan na natin sila.
Hayaan nating manigas ang kanilang ngala-ngala sa kadadakdak, matuyo
ang kanilang laway sa kabubukas ng kanilang mga bunganga at
hihintayin nating dumating iyong oras na makakikita silang lahat ng
kanilang mga katapat. Tiyak na magsisisi sila kung bakit sila nakikisali
sa umpukan. Natitiyak ko ring oras na magkakagipitan na’t susumbatan
ng taong pinagkakasalaan nila’y lahat ay tiyak na magsasabing “wala
akong kinalaman diyan, hindi ko alam iyan”. Lahat ay maghuhugas ng
kanilang kamay, mag po-“Poncio Pilato”.Ito agad ang gagawin ng mga
taong walang paninindigan. Puro pagsisinungaling ang magagawa nila
bilang depensa sa sarili at para di masangkot sa anumang kasalanan. Alam
nating marami sila. Nasa ating paligid lamang. Nakapalibot lamang sa
atin. Dapat maging maingat at mapanuri tayo sa ating mga kasamahan sa
opesina, alam nating sila rin ay ganito rin, hindi pa lamang natin sila
napapansin at na-“actually caught in the act” dahil sila’y mapagpanggap.
Mapagkunwaring concern sa atin pero sa totoo pala ay nais na lamang
tayong sirain sa mga mata ng tao. Inaakala mong tunay silang kaibigan
pero oras na ika’y nangangailangan ng kanilang tulong, naku..nasaan na
sila? Ni hindi mo mahagilap! Kesyo maraming ginagawa, may
pinupuntahan, walang pera, may nangyari sa pamilya, kung anu-ano at
kay daming alibi para di ka lamang magdamdam sa di nila pagtulong.
Ikaw na ngayon ang magiging pulutan ng kanilang usapan. Marami kang
maririnig na mga suhestyon, ganito sana ang iyong ginagawa, sana ganito,
na mali ang iyong hakbang , sa halip sana. Naku! Nakaririndi sila. Akala
mo kung sino ka talinong gumawa ng solusyon. Ni hindi nga nagagawang
maayos ang sariling buhay, ang magbigay pa kaya ng payo sa iba! Kaya
ayun.. nandoon na naman sa kanilang umpukan. Seryosong-seryoso sa
kanilang usapan. Ngunit pag ika’y napapadaan, tiyak na magkukunwari
iyang walang nakikita at may ibang ginagawa. Pag nakalampas ka na sa
kanila at di ka na makaririnig sa kanila, balik na naman sila sa kanilang
bisyo. Haay.. naku! Ang tao nga naman. Walang magawa sa buhay.
Sana hindi ganito ang mga taong nakapalibot sa inyo. Sana totoo
silang tao at tunay ang hangarin nila para sa inyo. Iilan na lamang sila.
Iilan na lamang.
Wakas!