Upload
jerome-alvarez
View
69
Download
4
Embed Size (px)
Citation preview
Republic of the Philippines Department of Education
CARAGA Administrative Region Division of Agusan del Sur
ARALING PANLIPUNAN UNIFIED QUARTERLY EXAMINATION
Third Periodic Exam Araling Panlipunan II
TABLE OF SPECIFICATION
Topics Teaching Time
% of Teaching
Time
# of Items
70% 20% 10% Item Location
1.Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
360 15 8 5 2 1 1-8
2. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
360 15 7 5 1 1 9-15
3. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
180 7.5 4 3 1 16-19
4. Ang mga Bansang Asyano na Hindi Nasakop ng mga Kanluranin
180 7.5 4 3 1 20-23
5. Nasyonalismong Asyano 480 20 10 7 2 1 24-33
6. Ang Asya at Ang Dalawang Digmaang Pandaigdig
360 15 7 5 1 1 34-40
7. Ang mga Pagpupunyagi ng Kababaihan sa Asya
480 20 10 7 2 1 41-50
2,400 100 50 35 10 5
Aral Pan II- Third Grading Period
1. Ilang ruta ng kalakalan ang dinadaanan ng mga produkto ng Asya upang makarating sa
Europa?
a. Dalawa
b. tatlo
c. apat
d. lima
2. Anu-anong bansa ang magkaribal sa pagkontrol sa India?
a. France at Italy
b. Portugal at Spain
c. England at France
d. Netherlands at Spain
3. Ang panahon ng eksplorasyon at pagtuklas ay nagsimula noong ______
a. Ika- 15 siglo
b. Ika-16 siglo
c. Ika-17 siglo
d. Ika-18 siglo
4. Sa mga Europeo ang unang nakarating sa Asya ay______
a. Espaῇol
b. Portuguese
c. Dutch
d. French
5. Isang prinsipyong pang- ekonomiya na naniniwala na ang tunay na sukat ng yaman ng
bansa ay batay sag into at pilak ng pamahalaan
a. Kapitalismo
b. Merkantilismo
c. Komunismo
d. Sosyalismo
6. Iba-iba ang pamamaraan na ginagamit ng mga Kanluraning bansa sa kanilang
pananakop, may gumagamit ng pakikipagkalakalan, o kaya ay pakikipagkaibigan na ang
tunay na layunin ay mapasakapangyarihan nito ang sinasakop na mga bansa. Alin sa
mga sumusunod ang epekto nito sa bansang Asyano?
a. Paglawak ng kapangyarihang ng Asya
b. Pagyakap sa kulturang Kanluranin
c. Paglinang ng likas na yaman ng mga kolonyang bansa
d. Pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa
7. Upang sirain ang monopoly ng mga Italian sa Asya, ang mga sumusunod ay
naghahangad ng bagong ruta maliban sa ______
a. Portugal
b. Netherlands
c. Germany
d. France
8. Bakit pinili ng Portugal na sakupin ang mga daungan sa baybaying dagat?
a. Dahil ang daungan ay nasa estratehikong lokasyon
b. Dahil kakaunti ang mga tao doon
c. Malayo ito sa kabihasnan
d. B at C
9. Ayon sa prinsipyong ito, itinuturing ng mga Kanluranin na pinagkukunan ng tubo o
pakinabang ang mga bansa sa Asya.
a. Kapitalismo
b. Merkantilismo
c. Komunismo
d. Sosyalismo
10. Ang mga sumusunod ay mga bansang sinakop ng England maliban sa
a. India
b. Burma
c. Malaya
d. Pilipinas
11. Sila ang mga sundalo sa hukbong kolonyal ng England sa India na nag-aklas noong 1857
a. Sepoy
b. Gerilya
c. Adwana
d. Opyo
12. Ang tungkuling_______ang naging pagbibigay katwiran ng mga Kanluranin sa
pananakop sa mga Asyano
a. Industriyalisasyon
b. Pamumuhunan
c. White man’s burden
d. Extraterritoriality
13. Ito ang kasunduan na nilagdaan noong Agosto 29, 1842, kung saan pumayag ang China
na magbukas ng limang daungan para sa kalakalan ng Kanluranin
a. Kasunduang Nanking
b. Kasunduang Tianjin
c. Kasunduang Kanagawa
d. Kasunduang Shimoda
14. Paano nasakop ng Britanya ang India noong panahon ng kolonyalismo?
a. Sa pamamagitan ng negosasyon sa pagitan n glider ng kanilang mga bansa
b. Sa pagitan ng pagpapakilala ng kanilang sariling relihiyon sa India at paghihimok dito
c. Sa pamamagitan ng pakikidigma
d. Ang pagiging isang demokratikong bansa
15. Bakit sinakop ng England ang Singapore
a. Marami itong pinagkukunang likas na yaman
b. Naging mabuti ang pgtanggap ng mga tao
c. Malaki ang dipositong mineral ditto
d. Dahil sa estratihikong lokasyon nito
16. Ang unang lugar na narrating ng mga Portuguese ay ang___
a. Kanlurang Asya
b. Silangang Asya
c. Timog Asya
d. Timog Silangang Asya
17. Ang Katolisismo sa Goa at sa mga pulo sa Timog Silangang Asya ay ipinalaganap ng
mga_
a. Espaῇol
b. Dutch
c. Portuguese
d. Aleman
18. Naisakatuparan ang mithiin ng mga Espaῇol na ayusin ang populasyon sa mga lungsod
sa pamamagitan ng pagpapatupad ng____
a. Reduccion
b. Cuadricula
c. Plaza complex
d. Casa tribunal
19. Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga negatibong epekto ng pananakop ng mga
Espaῇol sa Pilipinas?
a. Naging bukas ang kalakalan ng Pilipinas sa Kanluraning bansa
b. Nakapag-aral ang lahat ng mga Pilipinong nais mag-aral sa ibang bansa
c. Nagkaroon ng malaking diskriminasyon sa pagitan ng mayayaman at mahirap
d. Naging mabilis ang pag-unlad ng Pilipinas dahil sa makabagong paraan na itinuro ng
mga Espaῇol
20. Ang paghahangad ng mga Kanluranin na panghimasukan at sakupin ang mga bansang
Asyano ay tinatawag na
a. Imperyalismo
b. Kultura
c. Nasyonalismo
d. Neokolonyalismo
21. Isinara ng Korea ang kanyang kaharian sa lahat ng impluwensyang dayuhan kaya
tinatawag itong ___
a. The great court
b. Neutrality
c. Hermit kingdom
d. Buffer state
22. Sa panahon ng kanyang pamumuno, ipinagpatuloy niya ang mga programang
modernisasyon at ipinagbawal ang sapilitang pagtrabaho para sa pamahalaang
Thailand
a. Haring Mongkut
b. Haring Chulalongkorn
c. Haring Buddha Yodfa
d. Haring Sejong
23. Ito ang tawag sa bansang Thailand, kung saan napanatili nito ang kanyang kasarinlan sa
pagitan ng teritoryong kolonyal ng France at England
a. The great court
b. Neutrality
c. Hermit kingdom
d. Buffer state
24. Anong kilusan ang nagbunsod upang matakasan ang kolonyalismo sa Asya bunga ng
katapatan sa bansa
a. Nasyonalismo
b. Merkantilismo
c. Aktibismo
d. Sosyalismo
25. Ang pakikibaka ni Mohandas Gandhi para sa kalayaan ng________ay sa pamamagitan
ng mapayapang pamamaraan
a. Bangladesh
b. India
c. Sri Lanka
d. Pakistan
26. Ano ang nagsisilbing pinakamagaling na kasangkapan upang isulong ang nasyonalismo
sa bansa
a. Relihiyon
b. Pamayanan
c. Kultura
d. Edukasyon
27. Pagkakaroon ng kamalayan ng isang lahi na sila ay may iisang kasaysayan, wika at
pagpapahalaga.
a. Imperyalismo
b. Kultura
c. Nasyonalismo
d. Neokolonyalismo
28. Ang pagtakas ni Mao Zedong at ng mga kapanalig niya ay tinaguriang________dahil sa
layo ng kanialng nilakad na inabot ng isang tao
a. Class struggle
b. Compromise
c. Conciliation
d. Long march
29. Ang ideolohiyang ito ay naniniwala sa tunggalian ng uring kapitalista at uring
manggagawa
a. Merkantilismo
b. Komunismo
c. Kapitalismo
d. Sosyalismo
30. Isang magbubukid mula sa lalawigan ng Hunan sa China na nagpasimula ng Marxism
a. Chiang Kai Shek
b. Sun Yat Sen
c. Mao Zedong
d. Mahatma Gandhi
31. Layunin ng kilusang propaganda na humiling ng mga pagbabago para sa ikabubuti ng
lipunang Pilipino, kabilang sa mga repormang hiningi nila ay ang mga sumusunod
maliban sa
a. Kalayaan sa pagsusulat at pamamahayag
b. Representasyon sa Cortes
c. Pantay-pantay na karapatan ng Pilipino at Espaῇol
d. Pagpapalaya sa mga Pilipinong bihag
32. Siya ang tinaguriang Ama ng Republikang China
a. Mao Zedong
b. Sun Yat sen
c. Chiang Kai Shek
d. Mahatma Gandhi
33. Ang manakanakang pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mg dayuhang mananakop ay
patunay ng isang realidad. Alin sa sumusunod ang tinutukoy ditto?
a. Inabuso ng mga mananakop ang pagtitiwala ng mga katutubo
b. Naghahangad ng mabuting pamumuhay ang mga katutubo mula sa mga dayuhan
c. Kailanman ay hindi nagustuhan ng mga katutubo ang pagdating ng mga dayuhan
d. Natural sa sinaunang tao na lumaban kung inaapi
34. Itinatag ito pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig upang maiwasan ang
pagkakaroon ng digmaan
a. New Culture Movement
b. Ottoman Empire
c. Balfour Declaration
d. League of Nations
35. Slia ang tinatawag na Central Powers
a. Germany, Austria-Hungary
b. France, England, Russia
c. Japan at China
d. Netherlands, Germany
36. Noong naganap ang Great Depression sa United States at nakaranas ng paghihirap, ang
maraming bansa nagsimula ang ____ sa Japan.
a. Militarisasyon
b. Kasunduan
c. Pag-aalyansa
d. Kilos Protesta
37. Ang tahimik na salungatan na namamagitan sa Estados Unidos at Unyong Sobyet mula
noong pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
a. Cold War
b. Silent War
c. Proxy War
d. Still War
38. Ang Batas na nagtakda ng sampung taong pamahalaang Commowealth sa Pilipinas
bago ibigay ang kalayaan.
a. Batas Tydings McDuffie
b. Saligang Batas
c. Batas Pilipinas 1902
d. Batas Jones
39. Ang mga sumusunod ay tugon ng United States sa pagiging agresibo ng Japan sa
pananakop maliban sa ______.
a. Pagpapahinto ng pangangalakal sa Japan
b. Pagtigil sa pagluwas ng langis sa Japan
c. Pagtigil sa mga transaksyon na may kinalaman sa pera
d. Pagpapabagsak ng missile sa Japan
40. Ang paggamit ng dahas sa pamamagitan ng pananakop ay isang mabisang paraan para
sa pag-iisa at pagpapaunlad ng isang kaharian. Ano ang implikasyon nito sa
kasaysayan?
a. Ang pagkakaisa ay hindi matatamo kung hindi gagamit ng dahas
b. Ang dahas ang pinakamabisang paraan sa pagpapaunlad
c. Ang deplomasyon ay mabisang paraan sa pagpapaunlad ng bansa
d. Ang bansang nahahati ay hindi uunlad kailanman
41. Ano ang dalawang anyo ng pakikibaka ng kababaihan sa Asya?
a. Karapatan sa edukasyon at relihiyon
b. Pantay na karapatan sa pagboto at pakikibahagi sa pang-ekonomiyang kabuhayan
c. Karapatan sa pagpupulong at pagsapi sa mga organisasyon
d. Karapatan sa paninirahan at makapaglakbay
42. Ano ang kilusang Suffragist?
a. Kilusang pangkababaihan
b. Kilusang pangkabataan
c. Kilusang pangmatanda
d. Kilusang pampropesyunal
43. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi pa nabigyan ng karapatang bumoto ang
mga babae?
a. India at China
b. Japan at Vietnam
c. Kwait at United Arab Emirates
d. Pilipinas at Thailand
44. Tungkol saan ang Mines Act of 1952 ng India?
a. Pagbawal ng pagtrabaho ng babae sa mga delikadong makinarya
b. Wastong pasilidad na pangkalinisan
c. Day Care Center para sa mga batang wala pang anim na taong gulang
d. Pagtatalaga ng hiwalay na palikuran para sa babae at lalaki
45. Sa anong rehiyon sa Asya higit na aktibo ang paglahok ng kababaihan sa Work Force?
a. Kanlurang Asya
b. Timog Asya
c. Timog Silangang Asya
d. Silangang Asya
46. Ito ay tumutukoy sa panahon ng 1975 – 1977 nang ideklara na ang seguridad ng India
ay nanganganib dahil sa mga kaguluhan.
a. Gender Empowerment
b. Eco-feminism
c. Mines Act of 1952
d. Emergency
47. Siya ang nangunguna sa kilusang Suffragist sa Japan.
a. Sarojini Naidu
b. Ichikawa Fusae
c. Pandita Ramabae
d. Iwasaki Chihiro
48. Ang mga sumusunod ay mga suliraning kinakaharap ng mga suffragist bago nakuha ang
karapatang bumoto noong 1937 maliban sa___.
a. Makapagdulot ng diumano ng komplikasyon sa pamilya at lipunan
b. Palalakihin nila ang populasyon ng botante
c. Pagiging magastos ng eleksiyon
d. Tumutol diumano ang mga kababaihan sa probinsya
49. Isang organisasyon ng Comfort Women napatuloy na ipinaglaban ang pagbibigay ng
katarungan ng bansang Japan sa kababaihang biktima ng karahasan noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
a. PILIPINA
b. SAMAKANA
c. AWARE
d. LILA – Pilipina
50. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit hindi masyadong nabibigyang-pansin
ang kababaihan sa kasaysayan maliban sa ____.
a. Karamihan sa akdang pangkasaysayan ay isinulat ng kalalakihan
b. Itinuturing na ang kasaysayan ng kababaihan at kalalakihan ay pareho lamang
c. Ang hindi pagkakapantay-pantay sa karapatan
d. Dahil sa pagpupunyagi ng mga kababaihan Asyanong mapabuti ang kanilang
kalagayan
Yunit III- Answer Key
1. B
2. A
3. A
4. B
5. B
6. B
7. C
8. A
9. A
10. D
11. A
12. C
13. A
14. C
15. D
16. C
17. C
18. A
19. C
20. B
21. C
22. B
23. D
24. A
25. B
26. D
27. C
28. D
29. C
30. C
31. B
32. B
33. C
34. D
35. A
36. A
37. A
38. A
39. D
40. B
41. B
42. A
43. C
44. D
45. D
46. D
47. B
48. D
49. D
50. D