28
Aralin 20:

Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Just for Info :D

Citation preview

Page 1: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Aralin 20:

Page 2: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino
Page 3: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Nakakuha ng mas marami pang suporta ang mga Amerikano mula sa mamamayan nito. Pinasabog ng Spain ang barkong Maine ng U.S. nang dumaong ito sa Havana, Cuba noong Pebrero 15, 1898. Noong Pebrero 25, nagpadala ng telegrama si T. Roosevelt kay Commodore G. Dewey na dalhin ang pangkat nito sa Hong Kong at hintayin ang panibagong instruksyon.

Page 4: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Theodore Roosevelt George Dewey

Page 5: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Noong Abril 21, lumabas ang Teller Resolution na nagsasaad ng pakikidigma ng U.S. sa Spain. At paglipas ng 6 na araw, tumungo sina Dewey sa Maynila noong Mayo 1, 1898 at tinalo ang hukbong Espanyol na pinamunuan ni Adm. Patricio Montojo.

Kinausap ng mga Amerikano (Spencer Pratt at Rounseville Wildman) si Aguinaldo. Dahil sa payo ng mga kasamahan nito sa junta, nagpasya siyang bumalik sa bansa at pamunuan ang pakikipaglaban sa mga Espanyol .

Page 6: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Patricio Montojo Rounseville Wildman

Page 7: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Hong Kong Junta – pamahalaang rebolusyonaryo in-exile na binuo ni Aguinaldo. Ito ang pinakamataas na konseho na nagdedesisyon para sa mga rebolusyonaryo at himagsikan.

Nagpahayag ang mga Amerikano na:• Sumusuporta sila sa adhikain ng mga Pilipino na labanan ang mga Espanyol• Wala silang interes na gawing kolonya ang Pilipinas

Matapos magpulong ang junta, bumalik si Aguinaldo sa Cavite noong Mayo 19 lulan ng barkong McCulloch. Siya ay malugod na tinanggap ni Dewey sa barkong Olympia.

Page 8: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Bumuo si Aguinaldo ng isang pamahalaang diktaturyal. At noong Hunyo 12, 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas sa Cavite el Viejo (Kawit) at iwinagayway ang watawat ng Pilipinas na tinahi ni Marcela Agoncillo habang pinatugtog ang Marcha Filipina Magdalo na sinulat ni Julian Felipe na kalauna’y pinalitan ng titulong Marcha Nacional Filipina. Ang deklarasyon ng kalayaan ay nilagdaan ng 98 katao. Sa payo ni Apolinario Mabini, noong Hunyo 23 ay pinalitan ng pamahalaang rebolusyonaryo ang pamahalaang diktaturyal.

Page 9: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Nagpatuloy ang pagbagsak ng mga lalawigan sa mga Espanyol maliban sa Maynila at daungan ng Cavite.

Naghintay lamang ng tamang panahon ang mga Amerikano para isakatuparan ang hangarin nito sa bansa. Patuloy naman ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Espanyol habang hinihintay ng mga Amerikano ang karagdagang suporta mula sa U.S.

Page 10: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Hindi nagtagal, dumating ang karagdagang pwersa sa tatlong bahagi: 2,500 sundalo noong Hunyo 30, 1898

(Hen. Thomas Anderson) 3,500 sundalo noong Hulyo 17

(Hen. Francis Greene) 4,800 sundalo noong Hulyo 31

(Hen. Arthur MacArthur)Umabot sa 10,964 sundalo at 740 opisyal

ang buong pwersa sa ilalim ni Hen. Wesley Merritt. At dito, nagsimulang magbago ang pakikitungo ng mga Amerikano sa kanilang itinuturing na “kapanalig” na mga Pilipino.

Page 11: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

ThomasAnderson

FrancisGreene

ArthurMacArthur

Page 12: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Pinutol ng mga rebolusyonaryo ang suplay ng pagkain at tubig na pumapasok sa Maynila. Sa paglipas ang ilang linggo ay unti-unti nilang napasuko ang mga Espanyol sa Maynila.

Inalok ni Aguinaldo si Gobernador-Heneral Basilio Agustin na sumuko pero tumanggi ito. Napalitan si Agustin ni Gobernador-Heneral Fermin Jaudenes dahil nalaman ng Spain na nakipag-usap si Agustin sa mga Amerikano.

Lingid sa kaalaman ni Aguinaldo, ang hinirang na bagong gobernador-heneral ay nakipag-usap na kina Dewey at Merritt sa plano nitong pagsuko.

Page 13: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Basilio Agustin Fermin JaudenesWesley Merritt

Page 14: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Upang maisalba ang mga sarili sa kahihiyan, mas nais ng mga Espanyol na sumuko sa mga Amerikano kaysa sa mga dating inaliping Pilipino. Ang labanang iyon ay binansagang Mock Battle of Manila.

Nagtapos sa pirmahan ng isang kasunduan ang ginawang pagsuko ng mga Espanyol sa mga Amerikano kung saan hindi isinalang-alang ang saloobin ng mga Pilipino. At, humantong ito sa Digmaang Pilipino-Amerikano.

Page 15: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Layunin ng pamahalaang panghimagsikan ang pakikibaka para sa kalayaan ng Pilipinas hanggang sa kilalanin ito ng lahat ng mga bansa. Layunin din nitong ihanda ang bansa upang maitatag ang isang tunay na Republika na pinamumunuan ng Pangulo.

May mga kawarang binuo upang maging katuwang ng pangulo sa pagpapatupad ng kanyang mga tungkulin.

Page 16: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Mga kagawaran: digmaan at pampublikong gawain (Baldomero Aguinaldo) pulis at kaayusang panloob, katarungan,

edukasyon at kalinisan(Leandro Ibarra)

pananalapi, agrikultura at industriya(Mariano Trias)

ugnayang panlabas, hukbong pandagat at komersyo(Apolinario Mabini)

Page 17: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

BaldomeroAguinaldo

Mariano Trias

Apolinario Mabini

Page 18: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Pinulong ni Aguinaldo ang Kongresong Panghimagsikan sa Malolos, Bulacan. Nagbukas ito noong Setyembre 15, 1898 sa Barasoain Church habang tinutugtog ang Marcha Filipina Nacional. At ang mga miyembro nito ay pawang mga ilustrado.

Page 19: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Naghain ng panukala ang kongreso para sa pagsusulat ng isang Saligang Batas. Paniniwala nito na mahalaga ang pagkakaroon ng sariling Saligang Batas para kilalanin ng ibang bansa ang kalayaan ng Pilipinas. Ngunit, salungat ito kay Mabini dahil ayon sa kanya maselan ang paggawa ng Saligang Batas kaya’t dapat itong gawin sa panahon ng katahimikan at kapayapaan. Dagdag niya na ang kongreso ay binuo hindi upang gumawa ng Saligang Batas kundi para tulungan at payuhan ang pangulo.

Page 20: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Tatlong sangay ng pamahalaan: ehekutibo lehislatura hukuman

Ang lehislatura ay nangingibabaw sa ehekutibo at hukuman. Ang Lupon ng mga Kinatawan (Assembly of Representatives) ang gumagawa ng batas. Ang lehislatura rin ang humahalal sa pangulo at sa punong hukom.

Page 21: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Ito ang kauna-unahang dokumento ng ginawa ng mga Pilipino.

Ito ay batay sa prinsipyo ng demokrasya. Ito ay lumikha ng Pilipinong estado kung

saan ang kapangyarihan ay nahahati sa tatlong sangay.

Page 22: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Pinasinayaan ni Aguinaldo ang Unang Republika ng Pilipinas noong Enero 23,1899 sa Bulacan matapos nitong bigyang-bisa ang Konstitusyon ng Malolos. Mga opisyal na kasapi ng Gabinete: Apolinario Mabini – pangulo ng Gabinete at kalihim ng ugnayang panlabas Teodoro Sandico – kalihim ng panloob Baldomero Aguinaldo – kalihim ng digmaan Mariano Trias – kalihim ng pananalapi

Page 23: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Nang pirmahan ang Kasunduan sa Paris (Dis.10,1898), ipinagkaloob ng Spain ang Pilipinas sa U.S. sa halagang $20 milyon.

Naging mas malala ang naging tensyon sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano. Ang digmaan ay nagsimula sa insidente sa panulukan ng mga kalyeng Sociego at Silencio sa Sta. Mesa, Maynila. Nagpapatrol si Private William Grayson at 2 pang sundalo nang makasalubong nila ang 4 na sundalong Pilipino. Unang nagpaputok si Grayson sa mga Pilipino.

Page 24: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Sabi ni Grayson ay napabagsak niya ang 2 Pilipino at isa naman kay Private Orville Miller. Pero sa opisyal na ulat, walang namatay sa insidente. Sa sumunod na araw, nag-utos si MacArthur ng pag-atake sa pwersang Pilipino nang wala man lang pagsisiyasat sa nangyari.

Sinabi ni Hen. Elwell Otis na nagsimula na ang laban at kailangan itong ipagpatuloy hanggang katapusan. Dahil dito, ipinag-utos ni Aguinaldo kay Felipe Buencamino ang pagsisiyasat sa Maynila hinggil sa tunay na nangyari.

Page 25: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang tapang sa pagharap nila kay Hen. Otis na namuno pahilaga at Hen. Henry Lawton sa katimugan. Nang marating ng mga Amerikano ang Malolos (Marso 30,1899), nakalikas na si Aguinaldo patungong Nueva Ecija. Pero napasakamay kay Lawton ang mga bayan ng Zapote, Bacoor, at Dasmariñas sa Cavite at kay Hen. Loyd Wheaton naman ang Las Piñas, Parañaque, Morong at Laguna.

Napaslang ni Hen. G. del Pilar si Col. John Stotsenburg sa Quingua (Plaridel) noong Abril 23 at si Hen. Licerio Geronimo naman kay Lawton noong Disyembre 18.

Page 26: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Nagkaroong ng pagtatalo ang ilang Pilipino. Ipinadala ng U.S ang Schurman Commission na nagtatakda ng awtonomiya sa Pilipinas. Ngunit tumutol si Mabini at kinumbinse ang mga Pilipinong ipagpatuloy ang ipinaglalabang kalayaan. May pagsang-ayon ang miyembro ng Gabinete ni Aguinaldo na sina Pedro Paterno at Felipe Buencamino, Sr. sa komisyon kaya’t humiling ang mga ito kay Aguinaldo na alisin sa kapangyarihan si Mabini.

Page 27: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Isa pang biktima ng pagkakaiba ng prinsipyo ay si Hen. Antonio Luna. Galit siya kina Paterno at Buencamino dahil itinuturing niyang pagtataksil sa bayan ang pagtanggap nila sa awtonomiya mula sa Amerika.

Nakatanggap si A. Luna ng telegrama mula kay Aguinaldo na nag-uutos sa kanyang punta sa Cabanatuan, N.E. At sa himpilan ay binaril at sinaksak si A. Luna ng mga tauhang bahagi ng Kawit Company. Inilibing si Luna nang may karangalang pangmilitar sa utos din ni Aguinaldo ngunit hindi nagkaroon ng pagsisiyasat tungkol sa pagpatay sa kanya.

Page 28: Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino

Maligayangpagbabalik

tanawsa nakaraan