3
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (Ikalawang Araw) Bb. Jenny Rose S. Basa I. Yunit III Mga Pagpapahalagang Birtud sa Pakikipagkapwa Paksa Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa Sanggunian Bognot, R. M., et al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao (Ikalawang Baitang). Pasig City: Vibal Publishing, Inc. Kagamitan Makukulay na papel, kartolina II. Mga Layunin A. Mga Kasanayang Pampagkatuto KP1. Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat. KP2. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito. KP3. Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Hindi ito naglalayong bayaran o palitan ang kabutihan kundi gawin sa iba ang kabutihang natatanggap mula sa kapwa. Ito ay kabaligtaran ng entitlement mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin. KP4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos na nagpapakita ng pasasalamat. B. Mga Layunin sa Pagtuturo at Pampagkatuto

Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 ikalawang araw

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao  8 ikalawang araw

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

(Ikalawang Araw)

Bb. Jenny Rose S. Basa

I. Yunit III Mga Pagpapahalagang Birtud sa PakikipagkapwaPaksa Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng KapwaSanggunian Bognot, R. M., et al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao

(Ikalawang Baitang). Pasig City: Vibal Publishing, Inc.Kagamitan Makukulay na papel, kartolina

II. Mga LayuninA. Mga Kasanayang Pampagkatuto

KP1. Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.

KP2. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito.

KP3. Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Hindi ito naglalayong bayaran o palitan ang kabutihan kundi gawin sa iba ang kabutihang natatanggap mula sa kapwa. Ito ay kabaligtaran ng entitlement mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.

KP4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos na nagpapakita ng pasasalamat.

B. Mga Layunin sa Pagtuturo at Pampagkatuto1. Naitatalakay nang may katalinuhan ang paksang pasasalamat sa ginawang

kabutihan ng kapwa.2. Nakasusulat ng isang talumpati na naglalaman ng mga taong nais pasalamatan at

mga paraan kung paano mapapasalamatan ang kapwa.

Page 2: Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao  8 ikalawang araw

III. Mga Gawain sa Pagtuturo at PampagkatutoA. Pagpapalalim

Tatalakayin ng guro ang paksang “Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa”.

B. Pagsasabuhay ng mga PagkatutoPanuto: Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na magbigay ng isang talumpati ng pasasalamat, sino-sino kaya ang gusto mong pasalamatan? Sa isang papel, bumuo ng isang talumpati na naglalaman ng mga taong gusto mong pasalamatan. Isulat din kung paano sila naging parte ng buhay at nakatulong upang ikaw ay mabuhay nang maayos.

Maghanda para sa talumpati sa harapan ng klase.IV. Pagtataya

Panuto: Sa isang buong papel, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.1. Para sa iyo, ano kaya ang implikasyon ng entitlement mentality sa sarili at sa

pamahalaan?2. Paano nalalabag ng entitlement mentality ang birtud ng pasasalamat?

V. Takdang AralinPanuto: Gumawa ng tatlong liham para sa iba’t ibang tao sa iyong paligid na nais mong pasalamatan. Isulat ito sa stationary at ibigay sa kanila. Sumulat ng repleksyon patungkol sa liham na ginawa.

Mga Paraan ng Pagpapakita ng

Pasasalamat

Magpadala ng liham sa taong nais

pasalamatanMagbigay ng yakap

at tapik.

Magpasalamat sa bawat araw

Magkaroon ng ritwal na pasasalamat

Gumawa ng mabuti na walang hinihintay na kapalit

Magbigay ng munti o simpleng regalo

Tandaan Natin!Ang kawalan ng pasasalamat ay nasasalamainsa entitlement

mentality. Ang entitlement mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.