15
Dulang Patula Filipino 4 Sr. Lilibeth O. Cajes,sm

Dulang patula sa panahon ng Kastila

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga uri ng dulang Patula sa panhon ng kastila.

Citation preview

Page 1: Dulang patula sa panahon ng Kastila

Dulang Patula

Filipino 4Sr. Lilibeth O. Cajes,sm

Page 2: Dulang patula sa panahon ng Kastila

Larong Patula

1. Karagatan

2. Duplo

3. Juego de Prenda/ Ensilada

Page 3: Dulang patula sa panahon ng Kastila

Dulang Panlibangan

1. Karilyo – Pagpapagalaw ng anino ng mga pira-pirasong kartong hugis-tao sa likod ng kumot na puti na may ilaw. Habang pinapagalaw ang hugis-taong karton ay sinasabayan ng salaysay gaya ng kurido, awit, dulang panrelihiyon o alamat.

Karilyo- Maynila, Rizal, Batangas at Laguna

Titires – Ilocos Norte, Pangasinan, Bataan, Capiz, Negros

Gagalo o Kikimut – Pampanga, Tarlac

Aliala – La Union

Page 4: Dulang patula sa panahon ng Kastila

Dulang Panlibangan

2. Senaculo – nagsasalaysay ng buhay at kamatayan nin Hesukristo. Ito ay Pasyong itinatanghal sa entablado.

3. “Sugat” o Salubong – ito ay ginaganap tuwing Araw ng Pagkabuhay ni Hesuskristo. Ang salubong ay tumutukoy sa muling pagkikita ni Birhen Maria at ni Hesukristo. May awitan ng mga anghel at pagpupuring tula at awitin na sinasambit. Hanggang sa kasalukuyan ang tradisyong ito pa rin ay buhay at ginagawa sa Pilipinas.

Page 5: Dulang patula sa panahon ng Kastila

Dulang Panlibangan

4. Tibag – pagtatanghal tuwing Buwan ng Mayo, sa paghahanap ni Reyna Elena sa Krus na pinagpakuan kay Kristo

5. Flores de Mayo (Santa Cruzan)– pagpaparada sa krus na pinagpakuan ni Hesus sa lansangan at paghahatid nito sa simbahan. Marangyang parada ng mga sagala at konsorte na kumakatawan sa iba’t ibang tauhan sa bibliya.

Page 6: Dulang patula sa panahon ng Kastila

Dulang Panlibangan

6.Panunuluyan – isinasagawa bago mag-alas-12 ng gabi ng kapaskuhan. Natutungkol ito sa paghahanap ng matutuluyan ni Maria at Jose upang iluwal ang sanggol na si Hesus.

7. Panubong – mahabang tula na nagpaparangal sa may kaarawan o kapistahan.Masasaksihan ito sa Quezon at sa Marinduque

Page 7: Dulang patula sa panahon ng Kastila

Dulang Panlibangan

8. Pangaluluwa – dulang panrelihiyon na isinagawa tuwing Araw ng mga Patay (Todos Los Santos). Bisperas pa lang (Oct 31) ay gumagala na ang mga kaluluwa at bumibisita sa mga bahay-bahay at humihingi ng limos habang kumakanta.

Page 8: Dulang patula sa panahon ng Kastila

Dulang Panlibangan

9. Moriones – ( Mindoro at Marinduque) ginaganap tuwing mahal na araw. Miyerkules hanggang biyernes santo. Nagsusuot na maskarang may iba’ibang kulay. Kumakatawan ito sa Senturyong Romano . Pinakabayani si Longinus, taong bulag ang isang mata na gumaling nang matuluan ng dugo ni Hesus nang tinusok ng sibat si Hesus sa krus.

Page 9: Dulang patula sa panahon ng Kastila

Dulang Panlibangan

10. Moro-moro – Itinatanghal sa entablado tuwing araw ng Pista upang magdulot ng aliw. Itinatanghal ang pag-aaway ng Muslim at Kristiyano .

11. Sarswela (Zarzuela)- komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong yugto at naghihinggil sa mga punong damdamin ng tao- pag-ibig, kapopootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan o suliraning panlipunan o pampulitika.

Page 10: Dulang patula sa panahon ng Kastila

Tulang Panromansa(Metrical Romance)

Awit - isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat

saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang

tradisyonal na dulong tugma ay isahan (aaaa, bbbb, cccc, at iba pa).

Inilalahad ng awit ang pag-ibig ng magsintahan o magkabiyak, ang pag-ibig ng anak sa magulang, at ang pag-ibig sa lupang sinilangan. 

Page 11: Dulang patula sa panahon ng Kastila

Tulang Panromansa(Metrical Romance)

Korido -binabaybay na 'Corrido' noong panahon ng Espanyol.

Mahabang salaysay na nasa berso (patula) na itinatanghal ang katangiang (karangalan, katapangan, pagkamaginoo, kabayanihan, atbp.) ng mga dugong bughaw. Nagtataglay kung minsan ng mga hindi kapani-paniwalang saysay.

Page 12: Dulang patula sa panahon ng Kastila

Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido:AWIT KORIDO

Mabagal ang bigkas Mabilis ang bigkas 

12 pantig 8 pantig

Saliw ng gitara o bandurya kumpas na martsa

May kapani-paniwalang daloy ng kwento

Kinawiwilihan dahil sa mga mala-pantasyang temang taglay

Page 13: Dulang patula sa panahon ng Kastila

Florante at Laura ni Francisco Balagtas,

Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona,

Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz,

Mariang Kalabasa

Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clarian

Mga Halimbawa ng Awit

Page 14: Dulang patula sa panahon ng Kastila

Ibong Adarna

Don Juan Teñoso

Salita at Buhay ni Mariang Alimango, 

Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz

Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla

Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas

Mga Halimbawa ng Korido

Page 15: Dulang patula sa panahon ng Kastila

• Sangguniang Aklat:

• a. Panitikan ng Lahi, Belvez

• b. Panitikan ng Pilipinas, Tumangan

• c. Panitikang Panrehiyon ng Pilipinas, Villafuerte

• d. Panitikang Antolohiya, Arrogante

• e. Panitikang Filipino , Salazar