47
` EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO © Grade 9- Meyer IKALAWANG EDISYON 2015

Edukasyon sa Pagpapakatao - Module 6 (Karapatan at Tungkulin)

Embed Size (px)

Citation preview

Slide 1

`

Edukasyonsa PagpapaKATAO Grade 9- Meyer

Modyul 6 ng EsP 9

IKALAWANG EDISYON 2015

LOADING MODYUL 6LOADING SUCCESSFUL!PROCEEDING...

Modyul6KARAPATAN AT TUNGKULIN

PANIMULANG PAGTANAW:KApamilya, KApuso, KApatid, KAbarkadaLahat ng mga ito ay nakatuon sa tao, hindi ba? Ang tao ay mayroong mgapagiging makatao karapatan at tungkulin. Kung sa nakaraang modyul ay binigyang diin ang Likas na batas Moral, na nakatuon sa pagiging makatao, ngayon namay bibigyan ka ng kamalayan tungkol sa mga karapatan at tungkulin mo bilang isang kasapi ng sangkatauhan.

Maaaring alam mo na ang ilan sa mga karapatang ito

Sa modyul na ito, susuriin naman natin ang mga karapatan ng tao bilang tao. Sa pagsusuri natin, bibigyang-halaga rin natin ang Universal Declaration of Human Rights. Tatalakayin din ang mga tungkulin natin bilang tao at kasapi ng lipunan. Sa huli, pagninilayan rin natin ang mga bantat paglabag sa karapatang pantao.

3

Bawat tao ay may mga karapatan at tungkulin sa lipunan bilang tao.

Ang Universal Declaration of Human Rights ng United Nations ay tumutukoy sa mga karapatang-pantao na nararapat sa kanya bilang isang tao.

Mayroon ding mga tungkuling dapat gampanan ang tao.UNANG PAGMASID

Discussions and Definitions*Pagpapaliwanag:

Sa tuwing kakatok tayo sa ating mga kapitbahay, hindi bat una nating sinasabi ang Tao po? Isa lamang itong simbolo ng ating paggunita sa mga karapatan ng ating kapitbahay. Hindi lamang tayo basta-bastang pumapasok sa bahay nila, tama? Simbolo ito ng paggalang sa kanila. Ano pa kaya ang mga karapatang nakapaloob sa buhay ng tao?Masdan ang larawan sa kaliwa. Ano-ano ang mga karapatang nararapat sa lahat ng tao?

Discussions and DefinitionsBalikan natin ang larawan:

Ang tao ay mayroong mga karapatan. Mayroon din silang mga tungkulin sa kanilang kapwat sarili.

Ang Universal Declaration of Human Rights o UDHR ay isang deklarasyong naglalayong mapaigting ang karapatan at kalayaan ng bawat nilalang sa pamamagitan ng edukasyon.

Mayroong tatlumpung artikulo ang UDHR.

Narito ang ilan sa mga ito

Discussions and DefinitionsKARAPATANG-PANTAO NUMBER 1

ISINILANG TAYONG MALAYAT PANTAY-PANTAY

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 2

Huwag Magtangi

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 3

Karapatang Mabuhay

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 4

Karapatang maging malaya sa Pang-aalipin

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 5

Karapatang maging malaya sa Pang-aabuso

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 6

Mayroon kang mga karapatan saan ka man dumako.

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 7

Pantay-pantay ang lahat ng tao sa harap ng batas.

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 8

Protektado ng batas ang iyong mga karapatan.

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 9

NO UNFAIR DETAINMENT (Hindi Patas na Pagpapakulong)

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 10

KARAPATANG HATULAN NG PATAS

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 11

KARAPATANG MABIGYAN NG PRIBASIYA

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 12INOSENTE ANG LAHAT NG TAO HANGGANG SA SIYAY MAPATUNAYANG NAGKASALA

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 13

KALAYAANG MAKAPAG-LAKBAY

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 14RIGHT TO SEEK ASYLUM(KARAPATANG MAKAPANAHAN SA ISANG LIGTAS NA LUGAR)

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 15KARAPATANG MAGKAROON NG ISANG NASYONALIDAD

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 16KARAPATANG IKASAL AT MAGKAROON NG PAMILYA

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 17KARAPATANG ANGKININ AT KILALANIN ANG IYONG MGA GAMIT

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 18KARAPATANG MAG-ISIP PARA SA SARILI

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 19KARAPATANG IPAHAYAG ANG IYONG SALOOBIN

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 20KARAPATANG MAGPULONG AT MAGKAISA NANG NAAYON SA IYONG DESISYON

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 21KARAPATANG BUMOTO AT MAKIISA SA PAMAHALAAN

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 22KARAPATANG MASUPORTAHAN NG IBA SA PANAHONG HINDI KAYANG SUPORTAHAN ANG SARILI

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 23MGA KARAPATAN NG MGA ARTISAN O MANGGAGAWA(SWELDO, GAWAIN, ATBP.)

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 24KARAPATANG MAGLARO AT MAGSAYA

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 25KARAPATANG MAGKAROON NG MALINIS NA PAGKAIN AT MAAYOS NA MATUTULUYAN

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 26KARAPATANG MAGKAROON NG EDUKASYON

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 27MGA KARAPATANG SA MGA ORIHINAL NA AKDA, KATHA, O GAWA

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 28KARAPATANG MAMUHAY SA ISANG PATAS AT MALAYANG LIPUNAN NA MAKATUTULONG SA PAGTUPAD SA MGA KARAPATANG-PANTAO MO

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 29TUNGKULI SA IBA AT SA PANGANGALAGA NG MGA KARAPATANG-PANTAO AT KALAYAAN NG IBA

KARAPATANG-PANTAO NUMBER 30WALANG SINUMANG MAKAAALIS O MAKAAAGAW NG IYONG MGA KARAPATAN BILANG TAO

Discussions and DefinitionsBukod sa UDHR, mayroon pang mga adbokasiyang naka-angkla sa mga karapatang pantao.

Narito ang ilan sa mga ito:

Peace on Earth ->isang encyclical na isinulat ni Santo Papa Juan XXIII. Nakasaad dito ang 12 karapatang-pantao ayon sa pagiging likas na tao at pag-unawa sa buhay ng tao na nag-uugat sa mga Banal na Nilalang.

THE HUNDREDTH YEARS-> Isinulat ni Papa San Juan Pablo II na nagpapahayag na ang karapatang mabuhay ay siyang saligan upang maisakatuparan ang iba pang mga karapatang pantao.

TANDAAN:

KARAPATAN = tumutukoy sa ano ang nararapat o dapat para sa isang nilalang o bagay.

Discussions and DefinitionsNariyan din ang PETA (People for the Ethical Treatment of Animals) at ang PAWS (Philippine Animal Welfare Society) sa pangangalaga ng mga karapatang-panghayop.

Itinaguyod nila ang Animal Welfare Act of 1998 na nangangalaga sa mga karapatan ng mga hayop.

Dahil na rin sa pagkilala ng batas na ito at sa pagkilala ng mga karapatang-panghayop, isa na sa mga nasagip mula sa isang trahedya si Kabang, na naaksidente nang sumagip siya ng dalawang bata.

Discussions and DefinitionsNgunit, dahil may karapatan ka bilang tao, mayroon ka ring mga pananagutang kaakibat ng mga karapatang ito.

Ang pananagutan o TUNGKULIN ay ang mga bagay na inaasahang maggawa o maisasakatuparan ng isang tao.

Sa pamamagitan ng pagsagawa ng mga tungkuling maghahatid ng kabutihan sa kapuwa, maaaring magbigay ito ng kaligayahan at kaganapan kung sino at ano ka bilang tao dito sa mundo.

Ang InterAction Council ay isang independiente at pandaigdigang samahang naglalayong patatagin ang pandaigdigang pagdadamayan. Sila rin ang nagmungkahi sa pagbubuo ng Universal Declaration of Human Responsibilities (UDHR) sa United Nations. Layunin rin nitong dalhin ang kalayaan at tungkulin sa isang pantay na antas at itaguyod ang kalayaang MAKILAHOK sa halip ng panaigin ang lipunang hindi nagmamalasakit sa kapwa.

Discussions and Definitions

MGA ALITUNTUNIN O ARTIKULO NG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RESPONSIBILITIES:

Ang bawat tao (anumang kasarian, lahi, wika, atbp.) ay may pananagutan na pakitunguhan ang lahat ng tao sa makataong pamamaraan.

Discussions and Definitions

MGA ALITUNTUNIN O ARTIKULO NG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RESPONSIBILITIES:

2. Ang lahat ng tao ay may pananagutang pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at pagpapahalaga sa sarilit kapwa.

Discussions and Definitions

MGA ALITUNTUNIN O ARTIKULO NG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RESPONSIBILITIES:

3. Mayroon tayong pananagutang itaguyod ang mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng bagay.

4. Lahat ng taong pinagkalooban ng katwiran at budhi ay may pananagutan sa lahat, sa pamilyat lipunan, sa lahi, sa bansat relihiyon.

Discussions and Definitions

MGA ALITUNTUNIN O ARTIKULO NG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RESPONSIBILITIES:

5. Lahat ng tao ay may pananagutang igalang ang buhay.

6. Bawat isa sa atin ay may pananagutang kumilos nang may integridad, katapatan, at pagkamakatarungan.

Discussions and Definitions

MGA ALITUNTUNIN O ARTIKULO NG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RESPONSIBILITIES:

7. Ang lahat ng taong pinagkalooban ng kakayahan ay may pananagutang labanan ang mga suliraning nahaharap ng lipunan tulad ng kagutuman, kahirapan, kamangmangan, at hindi pagkapantay-pantay.

Discussions and Definitions

MGA ALITUNTUNIN O ARTIKULO NG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RESPONSIBILITIES:

8. Mayroong pananagutang paunlarin ang talent gamit ang masigasig na paggawa ang lahat ng tao. Mayroon din dapat silang patas na pribilehiyona makapag-aral at magkaroon ng isang makabuluhang hanapbuhay. Handa rin dapat sila sa pagtulong sa mga aba, may kapansanan, at biktima ng diskriminasyon.

Discussions and Definitions

MGA ALITUNTUNIN O ARTIKULO NG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RESPONSIBILITIES:

9. May pananagutan ang lahat ng tao na magsalita at kumilos nang may katapatan.

10. Dapat gamitin ng may responsibilidad, masusing pagpapasiya, at katapatan ang kalayaan sa pagpapahayag at wastong pag-uulat. Siguraduhing hindi makakapagpababa ng dignidad ang gagawing ulat.

Discussions and Definitions

MGA ALITUNTUNIN O ARTIKULO NG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RESPONSIBILITIES:

11. Mayroong pananagutan ang mga kumakatawan sa bawat relihiyon na iwasang magpahayag ng may kinikilingan at diskriminasyon patungkol sa ibang pananampalataya.

12. Ang bawat lalaki at babae ay may pananagutang magpakita ng paggalang sa isat isa. May responsibilidad ang magkabiyak na kalingain ang bawat isa.

Discussions and Definitions

MGA ALITUNTUNIN O ARTIKULO NG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RESPONSIBILITIES:

13. Pananagutan ng mag-asawa ang pagpaplano ng pamilya. Ipakita ang pag-ibig, paggalang, pagpapahalaga, at pagmamalasakit sa pagitan ng magulang at mga anak. Walang magulang o nakatatanda ang siyang mananamantala at mang-aabuso ng bata.

Discussions and Definitions

Sabi nga ni Spiderman:

WITH GREAT POWER COMES GREAT RESPONSIBILITY.

-> Ang mga karapatang-pantao na inilatag sa atin ay may kaakibat na mga pananagutan para sa isat isa.

Discussions and Definitions

Ilan sa mga tungkulin natin araw-araw ay:

Pagsunod sa takdang oras ng pagpasok sa eskuwelahan.Pagsunod sa tamang kasuotan sa paaralan at kung saan may hiniling na tamang pananamit.Pagsusuot ng mga identification card sa mga opisina o mga tanggapan.Pagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno ng bawat mamamayan.Pagsunod sa batas-trapikoPagbibigay-galang sa bawat isang nilalang.LAGING TANDAAN!

Ang unang hakbang sa pagtupad ng likas na batas moral ay ang pag-iwas na makasakit ng iba (First do no harm).

Discussions and Definitions

MGA PAGLABAG SA KARAPATANG-PANTAO-> Ang mga karapatang itoy paminsan diy nilalabag at binabalewala ng ilan. Narito ang ilan sa mga sitwasyong ang karapatang-pantao ay nilalabag:

PAGPATAY SA MGA SANGGOL (INFANTICIDE)-> Kasama na dito ang pagtatago ng mga sanggol na isinilang sa mga kubeta o basurahan.

2. PANG-AABUSO SA BATA (CHILD ABUSE)-> Kasama na dito ang Domestic Abuse, Sindikatong Krimen tulad ng pagnanakaw, pagdodroga, at cyber sex.LAGING TANDAAN!

Ang unang hakbang sa pagtupad ng likas na batas moral ay ang pag-iwas na makasakit ng iba (First do no harm).

Discussions and Definitions

MGA PAGLABAG SA KARAPATANG-PANTAO-> Ang mga karapatang itoy paminsan diy nilalabag at binabalewala ng ilan. Narito ang ilan sa mga sitwasyong ang karapatang-pantao ay nilalabag:

3. DISKRIMINASYON AT KARAHASAN SA KABABAIHAN-> Kasama na dito ang mga pang-aabuso sa mga babae, kahalayan, at iba pa.

4. PAGWAWALANG-BAHALA SA MGA MAY KAPANSANAN-> Kasama dito ang hindi patas na pagtingin ng mga tao sa mga may kapansanan, sa larangan ng trabaho, serbisyo, at iba pa.LAGING TANDAAN!

Ang unang hakbang sa pagtupad ng likas na batas moral ay ang pag-iwas na makasakit ng iba (First do no harm).

Discussions and Definitions

MGA PAGLABAG SA KARAPATANG-PANTAO-> Ang mga karapatang itoy paminsan diy nilalabag at binabalewala ng ilan. Narito ang ilan sa mga sitwasyong ang karapatang-pantao ay nilalabag:

5. DISKRIMASYONG PANGKASARIAN-> Ang pagpipili ng mga lalaki kaysa sa babae o ang babae sa lalaki ay nagsisilbing senyales ng hindi pagkakaroon ng patas na pagtingin. Maikukumpara rin ito sa mga pamilyang Tsino noon, at sa mga trabaho sa estado.LAGING TANDAAN!

Ang unang hakbang sa pagtupad ng likas na batas moral ay ang pag-iwas na makasakit ng iba (First do no harm).

Discussions and Definitions

MGA PAGLABAG SA KARAPATANG-PANTAO-> Ang mga karapatang itoy paminsan diy nilalabag at binabalewala ng ilan. Narito ang ilan sa mga sitwasyong ang karapatang-pantao ay nilalabag:

6. PAGBEBENTA O GINAGAWANG KALAKAL ANG TAO (HUMAN TRAFFICKING)

-> Pagbebenta ng mga bata o tao bilang alipin, kasambahay, o prostitute ay isang napakalaking paglabag sa karapatang-pantao.LAGING TANDAAN!

Ang unang hakbang sa pagtupad ng likas na batas moral ay ang pag-iwas na makasakit ng iba (First do no harm).

Discussions and Definitions

MGA PAGLABAG SA KARAPATANG-PANTAO-> Ang mga karapatang itoy paminsan diy nilalabag at binabalewala ng ilan. Narito ang ilan sa mga sitwasyong ang karapatang-pantao ay nilalabag:

7. PAGKAMKAM NG LUPA

-> Ang pilit na pag-angkin ng lupain ng mga mayayaman sa mga may-ari ng lupa, lalo na sa mga probinsya, ay kasama sa paglabag na ito.LAGING TANDAAN!

Ang unang hakbang sa pagtupad ng likas na batas moral ay ang pag-iwas na makasakit ng iba (First do no harm).

Discussions and Definitions

MGA PAGLABAG SA KARAPATANG-PANTAO-> Ang mga karapatang itoy paminsan diy nilalabag at binabalewala ng ilan. Narito ang ilan sa mga sitwasyong ang karapatang-pantao ay nilalabag:

8. GALIT SA IBANG LAHI

-> Ang pagpapababa sa mga karapatan at dignidad ng isang lahi o taong kasapi ng ibang lahi ay labag sa karapatang pantao na ang lahat ay may pantay-pantay na karapatansa isat isa.LAGING TANDAAN!

Ang unang hakbang sa pagtupad ng likas na batas moral ay ang pag-iwas na makasakit ng iba (First do no harm).

Discussions and Definitions

MGA PAGLABAG SA KARAPATANG-PANTAO-> Ang mga karapatang itoy paminsan diy nilalabag at binabalewala ng ilan. Narito ang ilan sa mga sitwasyong ang karapatang-pantao ay nilalabag:

9. TERORISMO

-> Mula sa Mindanao, hanggang sa ISIS sa Iraq at Syria, ang terorismo ay isa sa mga paglabag na nangyayari pa rin hanggang sa ksalukuyan. Maaari rin itong magsimula ng digmaan kung hindi napigilan.LAGING TANDAAN!

Ang unang hakbang sa pagtupad ng likas na batas moral ay ang pag-iwas na makasakit ng iba (First do no harm).

Discussions and DefinitionsKALAYAAN AT KATWIRAN

ANG KALAYAAN AT KATWIRAN AY NILALABAG RIN KUNG ANG KARAPATANG-PANTAO AY NAKOMPROMISA.

Lalabas sa kalayaan ang kakayahan ng tao na mapangalagaan ang karapatan niya bilang tao.

Bubuksan naman ng katwiran ang isang malayang pagpili kung ano ang nakabubuti sa kanya.

KALAYAAN AT KATWIRAN

-> Ayon sa aklat ni Dr. Rainier Ibana na pinamagatang, pagpapahalagang moral: mga unang hakbang,sa konteksto ng maykapal, higit na nagiging mahalagang ipagtanggol ang mga karapatang pantao dahil hindi lamang nababatay sa sangkatauhan ang kalayaan at katwiran, isinasalamin ng tao ang kabanalan.

Nakaugat sa puso ng tao ang kalayaan at katwiran kaya kailangang palaguin at linangin ito upang magkaroon ng saysay ang karapatang pantao.

Kung bakit may paglabag sa mga karapatang ito

Ay dahil na rin ito sa kalayaan at katwiran.

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 MODULE 6Google and Bing Images

http://www.youthforhumanrights.org/what-are-human-rights.html

https://www.haikudeck.com/udhr-education-presentation-gYdj8plBBe

Talasanggunian ng mga naitala

PAGBUBUOD NG 30 ARTIKULO NG UDHR (TEKNOLOHIYA)MGA SULIRANIN SA MGA KARAPATAN(TEKNOLOHIYA)

PAGBUBUOD NG 30 ARTIKULO NG UDHR (TEKNOLOHIYA)

MGA SULIRANIN SA MGA KARAPATAN(TEKNOLOHIYA)

MGA KASAGUTAN SA MGA KATANUNGAN

SAGOT

MGA KASAGUTAN SA MGA KATANUNGAN

SAGOT

MGA KASAGUTAN SA MGA KATANUNGAN

SAGOT

MGA KASAGUTAN SA MGA KATANUNGAN

SAGOT

MGA KASAGUTAN SA MGA KATANUNGAN

SAGOT

MGA KASAGUTAN SA MGA KATANUNGAN

SAGOT

MGA KASAGUTAN SA MGA KATANUNGAN

SAGOT

MGA KASAGUTAN SA MGA KATANUNGAN

SAGOT

MGA KASAGUTAN SA MGA KATANUNGAN

MGA KASAGUTAN SA MGA KATANUNGAN

MGA KASAGUTAN SA MGA KATANUNGAN

MGA KASAGUTAN SA MGA KATANUNGAN

MGA KASAGUTAN SA MGA KATANUNGAN

MGA KASAGUTAN SA MGA KATANUNGANMALIGAYANG PAGBATI SA IYO!