25
PANG-URI AT PANG-ABAY

FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

  • Upload
    joywapz

  • View
    14.277

  • Download
    39

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

PANG-URI AT PANG-ABAY

Page 2: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Ano ang pang-abay?

Ito ay mga salitang naglalarawan ng Pandiwa, Pang-uri o kapwa pang-abay.

Page 3: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Ano-ano ang mga uri ng Pang-abay?

Pang-abay na pamaraanPang-abay na pamanahon

Pang-abay na panlunan

Page 4: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Ano ang kahulugan ng Pang-abay na pamaraan?Ito ay sumasagot sa tanong na paano. Ginagamit itong panuring sa Pandiwang pang-uri at kapwa pang-abay.

Page 5: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Tatlong Uri ng Pang-abay na Pamaraan

Panuring sa pandiwaHalimbawa: Taimtim na nananlagin ang mga tao.Panuring sa Pang-uriHalimbawa: Sadyang masigla ang panamaw sa buhay ng lola niya.Panuring sa kapwa pang-abayHalimbawa: Talagang mabilis umunlad ang buhay ng mga taong matitiyaga.

Page 6: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Ano ang kahulugan ng Pang-abay na Pamanahon?Ito ay mga salitang naglalarawan kung kalian naganap kilos o Gawain. Sumasagot ito sa tanong na kailan.

Page 7: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Apat na Uri ng Pang-abay na Pamanahon

Payak: bukas, mamaya, ngayonMaylapi: kagabi, samakalawaInuulit: araw-araw, gabi-gabiParirala: noong nagdaang lingo, sa darating na bakasyon

Page 8: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Ano ang kahulugan ng pang-abay na panlunan?

Ito ay tumutukoy sa lugar na pinangyarihan ng kilos. Sumasagot ito na saan.

Page 9: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Ang pang –abay na Panlunan ito rin ay pinangungunahan ng katagang sa.Halimbawa: Sa silong ng bahay. Sa gitna ng daan.

Page 10: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Ano ang pang-Uri?Ito ay naglalarawan ng pangngalan.

Halimbawa ng Pang-uri: Mainit ang kape.Maganda si Ana.

Page 11: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Mga Ati o Ita

Page 12: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Mga Malayo

Page 13: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Pamagat ng KwentoAng Ati-Atian sa Kalibo, Aklan

Taun-taon ay ginugunita ng mga naninirahan sa Aklan ang pagkaksundo ng mga Ati o Ita at mga Malayo.

Ang mga Ita ang unang naninirahan sa Panay bago dumating ang mga Malayo. Tumira naman sa kabundokan ang mga Ati. Mahirap ang mga Ati sa kabundokan. Samantala, umunlad naman ang buhay ng mga Malayo. Kaya nagalit sa kanila ang mga Ati. Nilusob nila ang mga Malayo. Matalino ang mga Malayo. Naglagay sila ng uling sa buong katawan. Katulad na rin sila ng mga Ati kaitim. Nakipag-usap sila nang maayos. Nagksundo ulit sila. Nagdiwang ang lahat. Masaya silang naglundagan at nagsayawan sa tuwa. Iyan ang ginugunita taon-taon kung pista ng Ati-atian.

Page 14: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Simula noon, ipanakikita ng mga taga Aklan ang kanilang kasiyahan sa pamamagitan ng pagsayaw at paglulundagan sa daan sa saliw ng iba’t ibang tugtog. Sadyang mahuhusay sumayaw ang mga tao ng Ati-atihan. Nagpapahid sila ng makapal na uling sa katawan at nagsusuot sila ng makukulay na damit at naglalagay ng sari-saring palamuti.

Masiglang pinagdarayo ng mga tao kung taga-saang lugar ang pista sa Kalibo Aklan.At sadyang pinaghahandaan ng mga taga kalibo ang kapistahan tuwing unang lingo ng Enero at sila ay nagsasaya bilang pasasalamat sa patrong Santo Nino.

Kaya taun-taon ay umuwi ako sa Pilipinas at sama-sama kaming mag-anak na dumadalaw sa Kalibo, Aklan sa mga lola ko at tuloy nakipagsaya sa kapistahan.

Page 15: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Saan nagsimula ang salitang Ati-atihan?

Ang salitang ati-atihan ay nagsimula sa Ati o Ita.

Page 16: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Bakit sinugod ng mga Ati ang Malayo?

Dahil naghirap ang mga Ati sa kabundukan, samantala umunlad naman ang buhay ng mga Malayo.

Page 17: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Paano nasabing matalino ang mga Malayo?

Dahil naglagay sila ng uling sa buong katawan upang maging katulad na rin sila ng mga Ati kaitim.

Page 18: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Paano nagsimula ang Ati-atihan?

Nagsimula ang mga Ati-atihan ng magkasundo ang Ati at malayo.

Page 19: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

1. Alin sa mga salungguhit ang naglalarawan sa pook,panahon at paraan?a. Taun-taon ay ginugunita ng mga naninirahan sa Aklan ang pagkakasundo ng mga Ati

at Ita at mga Malayo.b. Ang mga Ita ay unang naninirahan sa Panay bago dumating ang mga Malayo.c. Nakipag-usap nang maayos ang mga Malayo sa mga Ati.2. Ano ang inilarawan ng mga salitang may salungguhit?d. Matulungin ang pamilyang Dela Cruz.e. Makapal ang kanyang buhok.f. Magaling gumuhit ng mga tanawin ang kapatid ko.g. Talagang mabilis ang mga Kuneho.

Page 20: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Ano ang napansin ninyo sa paggamit ng mga salitang Matulungin at Makapal?Mga Pang-uri ang mga ito, dahil ang tinturingan nito ay mga pangngalan.

Page 21: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Ano ang napansin ninyo sa salitang Magaling at Talagang?Ito ay mga pang-abay sapagkat tinuturing nito ay Pandiwa at Pang-Uri.

Page 22: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Tukuyin kung ang salitang may salungguhit ay Pang-uri o Pang-abay.a. Mabagal kumilos ang Pagong.b. Malakas kumain ng kanin ang aking kapatid.c. Masarap ang pagkain na niluto ni Inay.d. Malambing magsalita ang bunso niyang

kapatid.e. Malabo ang mga mata ni Inay kaya’t

kinakailangan na niyang magsuot ng salamin.

Page 23: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Magkaiba ang Pang-uri at Pang-abay. Ang pang-uri ay Paglalarawan na tinuturing sa pangngalan o panghalip samantalang ang Pang-abay ay tumuturing sa Pandiwa, Pang-Uri at kapwa Pang-abay.

Mayroong mga salita na maaring maging Pang-uri at Pang-abay. Halimbawa: Masarap Masarap ang Ice Cream na binibenta ni Mang Jose sa may kanto. Masarap kumain nang Ice Cream na tinda ni Mang Jose sa may kanto.

Page 24: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Isulat kung ang mga salitang nakahilig ay Pang-uri o Pang-abay sa bawat pangungusap.

1. Malamig na ang kape na inihain ni Inay para sa mga Bisita.

2. Mabilis tumakbo ang mga tinutugis na mga magnanakaw.

3. Ang mga bata ay masiglang naglalaro nang tumbang preso sa bakanteng lote.

4. Madilim na nang umuwi si Carla galling sa eskwelahan.

5. Mahirap ang mga magulang ni Celia ngunit pinilit ng mga ito na siya ay paaralin.

Page 25: FILIPINO: PANG URI AT PANG ABAY

Takdang Aralin:

Gumawa ng isang talata tungkol sa mga taong may kapansanan subalit may nagawang kabayanihan o nagging matagumpay sa buhay. Bilugan ang mga Pang-uri at ikahon ang mga Pang-abay na ginagamit.