17

Click here to load reader

Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

KASAYSAYANG LOKAL NG PILIPINAS: PANAHONG

PRE-HISTORIKOIsang Presentasyon ni:

Gng. GIGI LUMBRE MONDELOGuro sa AP IX

Page 2: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

GEOLOGIC TIME SCALE

Page 3: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Bago ang Pre-Historikong Panahon

Ang pagsibol ng mga HOMO SAPIENS (isang milyong taon na ang nakararaan) ay tanda ng pagbabago sa proseso ng ebolusyon na hindi ayon sa pagbabagong anyo ng tao kundi sa pagbabago ng mga pamamaraan upang tumugon sa kaniyang kapaligiran gamit ang kanyang talino.

Ang pagsisimula ng tao sa QUARTENARY PERIOD o PLEISTOCENE EPOCH ang naghatid sa pangunahing kontribusyon nito sa ebolusyon ng buhay – ang KULTURA. Ang kultura ay tumutukoy sa mga bagay na natutunan ng tao mula sa kanyang mga karanasan habang nasa proseso ng pag-unlad.

Ang dalawang panahon sa kultural na pag-unlad o ang pagkakasunud-sunod ng mga pangunahing pagbabago sa kultura sa panahong di pa naisusulat ang kasaysayan ay ang : KULTURANG PALEOLITIKO at NEOLITIKO.

Page 4: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Ang Kulturang Paleolitiko (250,000-10,000 BCE) Ang mga sinaunang tao sa Pilipinas ay nabuhay sa pamamagitan ng pangongolekta ng mga mahalagang bagay mula sa kanyang kapaligiran; ang tawag dito ay COLLECTING ECONOMY.

Gumamit sila ng mga kagamitang bato bilang pangkayod, pangputol ng mga puno, at upang patalasin ang iba pang kagamitang bato.

Gumagamit na rin sila ng mga kagamitang yari sa kahoy. Ang panahong ito ay may 2 kulturang napaunlad, ang (1) lithic o bato at ang (2) lignic o kahoy.

Page 5: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Ang Kulturang Paleolitiko (250,000-10,000 BCE) Ang populasyon ay maliit lamang. Isang pangkat nukleyar na mayroong 30 miyembro, na madaling natutugunan ang pangangailangan sa pagkain. Isa sa mga halimbawa ng kulturang ito ay ang mga TASADAY ng COTABATO. Ayon sa mga antropologo, ang pangangalap ng pagkain para sa ganito kalaking grupo sa panahon ng Lumang Bato ay kaya na ng apat na oras at di na kailangang mag-imbak ng pagkain liban na lang kung dumami sila.

Page 6: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Ang Kulturang Paleolitiko (250,000-10,000 BCE) Ang sinaunang yunit ng lipunan ay ang pamilyang nukleyar. Kabilang ang ibang kaanak na pamilya. Ito ay nakakabuti sa kanilang pang-ekonomikong pangangailangan at sa kanilang seguridad o proteksiyon. Ang kanilang pang-ekonomiyang kaayusan ay tinatawag na PRIMITIVE COMMUNALISM. Isang uri ng sistema kung saan ang pagkakaroon ng pribadong pag-aari ay wala at hindi kinakailangan.

Page 7: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Ang Kulturang Paleolitiko (250,000-10,000 BCE) Isa sa importanteng pagpapahalaga na napaunlad ng mga sinaunang tao sa Pilipinas ay ang pagkakaroon ng malalim na pakikipag-ugnayan sa kanyang kapaligiran. Napakahalaga ng likas na yaman sa kanyang buhay kaya’t labis din ang kanilang paggalang sa mga ito. Isa pa sa mga pagpapahalagang napaunlad nila ay ang pangangalaga at pakikiisa sa kanilang mga kaanak. Kung saan ang pagmamahal na ito sa kanilang pamilya ay naging isang panlipunang responsibilidad.

Page 8: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Ang Kulturang Paleolitiko (250,000-10,000 BCE) Samakatuwid, ang mga sinaunang tao sa Pilipinas, tulad din ng mga sinaunang tao sa ibang bahagi ng mundo na may kulturang paleolitiko, ay may iniwang sarili niyang pamana. Sa tulong ng mga arkeolohikong katibayan, pinamana nila ang isang teknolohiya na tumugon sa kanilang mga pangangailangan, isang ekonomiyang malaya sa pagmamanipula ng iba, at isang kaayusang panlipunang batay sa pagmamahalan at pagkakapantay-pantay, at isang sistema ng pagpapahalaga na pinag-isa ang mga miyembro ng lipunan.

Page 9: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Ang Kulturang Neolitiko (10,000-500 BCE) Simula ng pag-aalaga ng mga hayop at mga halaman sa kabahayan upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at sa iba pang bagay. Ang mga kagamitang bato, panghiwa at pang-aning kagamitan ay matatagpuan sa mga Tasaday ng Cotabato. Ang mga kagamitan sa pangangaso ay mas napabuti. Ang mga pag-unlad na ito ay nakatulong para sa pagkakaroon ng surplus sa pagkain.

Page 10: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Ang Kulturang Neolitiko (10,000-500 BCE) Ang pangangailangan para sa pag-iimbak ng pagkain ay nagbigay daan para sa pagbabago sa mga kagamitang baskets at lalagyan na karaniwang gawa sa dahon at sanga ay napalitan ng balat ng hayop, kahoy at clay. Sa mga pagbabagong ito, ang pangangalap ng pagkain at pagtatanim ay iniatang sa mga kalalakihan. Samantalang ang pag-aalaga sa mga bata at sa tahanan ay naiatang sa mga kababaihan. Ang pamamahala sa mga surplus na pagkain at ang pamamahagi ng mga ito ay iniatang sa mga espesyal na lider ng pamayanan na kadalasan ay mga matatanda.

Page 11: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Ang Kulturang Neolitiko (10,000-500 BCE) 3,000 to 5,000 BCE ang pag-aalaga ng baboy, aso, at manok ay lumaganap sa Timog Silangang Asya kasama ang Pilipinas. Ang mga lipunan ay nagsimulang gumamit ng mga palamuti dulot ng pagpapalitan ng produkto at kultura. Ang ilan sa mga palamuting ito ay natagpuan sa Manunggul Cave sa Palawan at Lallo sa Cagayan. Nagsimulang gumawa ng mga banga na unang ginamit sa mga ritwal. Ngunit sa panahong neolitiko, ang mga banga ay nagsimulang gamitin sa agrikultura.

Page 12: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Ang Kulturang Neolitiko (10,000-500 BCE) Ang ilang mga banga ay ginagamit sa paglilibing, tulad ng mga Manunggul jars sa Tabon Cave na ginamit noong 890 BCE. Ang pinakamatandang mga banga ay natagpuan sa Sulu at Dimolit, Isabela. Ang mga banga sa Sulu ay ginamit noong 4,500 BCE at ang sa Dimolit ay noong 3,000 BCE. Ilang kagamitan sa paghahabi ang natagpuan sa Cagayan Valley – ang Arku Cave at Lanna Site. Si Otley Beyer, ay maraming natagpuang mga kagamitan sa paghahabi sa Lallo, Isabela, Ifugao, Bataan, Pampanga, Rizal, Cavite, Sorsogon at Albay (100-500 BCE).

Page 13: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Ang Kulturang Neolitiko (10,000-500 BCE) Marami pang mga natagpuang artifacts na may kaugnayan sa panahong ito sa iba’t ibang lugar sa bansa. Sa paghahanap ni Robert Fox sa mga kuweba ng Palawan at Lipuon Point ay marami siyang natagpuan. Gayundin sa Pilanduk Cave (3500-4500 BCE), Nigpet Cave (1000-1500 BCE), Manunggul Cave (710-890 BCE) at Leta-Leta Cave.

Page 14: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Ang Panahong Metal (500 BCE-900 CE) Ang pag-unlad at rebolusyong teknolohiya sa mga neolitikong pamayanan ay binigyang-daan sa paggamit ng metal. Sa India ito ay nagsimula noong 2300 BCE sa Harappa. Sa China noong 1500 BCE sa panahon ng Dinastiyang Shang. Sa North Vietnam ay sa panahon ng Dongson 800 BCE. Saigon, 2000 BCE. Sa Non Nok Ta sa Thailand ang paggamit ng bronse ay nagsimula noong 2300 BCE, ang pinakamatanda sa Asya.

Page 15: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Ang Panahong Metal (500 BCE-900 CE) Sa Pilipinas, batay sa pag-aaral ni Robert Fox sa Palawan, ang panahong metal ay nagsimula noong 600-500 BCE at nahahati sa dalawa: ang “Early Metal Age” panahon ng paggamit ng bronse at salamin; at ang “Developed Metal Age” ang paggamit ng bronse, salamin at bakal. Ang ilan sa mga pruwebang arkeolohikal sa panahong ito ay ang mga kagamitang bronse at bakal na natagpuan sa Duyung Cave (500-300 BCE).

Page 16: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Ang Panahong Metal (500 BCE-900 CE)Ang mga kuwintas na yari sa bakal, bato at salamin at mga bakal na bracelets mula sa Manunggul Cave (190 BCE); mga kuwintas na bakal at salamin mula sa Kalatagbak area (400-600 CE); mga bakal na natagpuan sa Bato Cave sa Bacon, Sorsogon (500 BC); at ang mga karayom na gawa sa brass mula sa Musang Cave sa Cagayan (2 160 BC). *first brass in SEA Gintong Panahon ng Paggawa ng Palayok/Banga sa Pilipinas

Page 17: Kasaysayang lokal ng pilipinas (PRE-HISTORY OF THE PHILIPPINES)

Ang Panahong Metal (500 BCE-900 CE)Ang mga kagamitang yari sa jade ay natagpuan din sa panahong ito na nagpapakita ng impluwensiya ng Vietnam sa bansa; at magpapatunay sa pakikipag-ugnayan natin sa mga kalapit na bansa sa TSA. Isa sa mga produkto ng ugnayang ito ay ang pagkakaroon ng mataas na antas ng teknolohiyang pandagat at kalakalan, lalo na sa paggawa ng barko. Ang mga bangkang nahukay sa Butuan noong 1978 (320 BC) ay halimbawa ng pag-unlad na ito.