17
PAGSULAT Filipino - I

Pagsulat Filipino I

Embed Size (px)

DESCRIPTION

This is for my boyfriend's report thing, so i made it and share it to help his co-colleagues. :)

Citation preview

Page 1: Pagsulat Filipino I

PAGSULATFilipino - I

Page 2: Pagsulat Filipino I

Ang pagsusulat ay isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag (kilala bilang sistema ng pagsusulat). Iniiba ito sa larawang-guhit, katulad ng mga larawang-guhit sa yungib at pinta, at ang pagtatala ng wika sa pamamagitan ng hindi-tekstuwal na tagapamagitan katulad ng magnetikong teyp na awdyo.

Pagsulat

Page 3: Pagsulat Filipino I

Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.

Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa kahit anong paraan katulad ng sa papel, o sa paggamit ng tayprayter o kompyuter. Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo ng pagsulat kahit pa ito ay sulat kamay o rehistro sa monitor ng kompyuter.

Pagsulat

Page 4: Pagsulat Filipino I

Mental na aktibiti sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng gramar na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.

Page 5: Pagsulat Filipino I

Ang pagsusulat ay nagsimula bilang isang kinahinatnan ng pagpapalaganap na pampulitika ng sinaunang mga kultura, na nangailangan ng maaasahang pamamaraan ng pagpapakalat ng kabatiran o impormasyon, pagpapanatili ng mga kuwentang pampananalapi, pagpapanatili ng mga pangkasaysayang mga pagtatala, at kahalintulad na mga gawain. Noong bandang ika-4 na milenyo BK, ang kasalimuotan ng kalakalan at pangangasiwa sa Mesopotamia ay humigit pa at lumampas sa memorya o alaala ng tao, at ang pagsusulat ay naging isang mas maaasahan o masasalalayang paraan ng pagtatala o pagrerekord at paghaharap ng mga transaksiyon na nasa isang anyong permanente o pamalagian.

Pinagmulan ng Pagsulat

Page 6: Pagsulat Filipino I

Sa Sinaunang Ehipto at Mesoamerika, ang pagsusulat ay nagsimula at umunlad sa pamamagitan ng mga pangkalendaryong pagbibilang o pagtutuos (kalendriko) at isang pangangailangang pampulitika para sa pagtatala ng mga kaganapang pangkasaysayan at pangkapaligiran. Ang pinakamatandang nalalamang paggamit ng pagsusulat sa Tsina ay ang sa dibinasyon o panghuhula sa loob ng royal na korte.

Page 7: Pagsulat Filipino I

Ang pagsusulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao. (William Strunk, E.B White)

Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. (Kellogg)

Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan. (Helen Keller)

Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, at retorika. (Xing Jin)

Mga kahulugan ng Pagsusulat

Page 8: Pagsulat Filipino I

Sosyo ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Samantalang ang kognitib naman ay tumutukoy sa pag-iisip.

Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.

Sosyo Kognitibong Pananaw sa Pagsulat

Page 9: Pagsulat Filipino I

Ang proseso ng pagsulat ay mahahati sa iba’t-ibang yugto. Ang mga yugtong ito ay ang mga sumusunod:

a. Prewritingb. Writingc. Revisingd. Editing

Proseso ng Pagsulat

Page 10: Pagsulat Filipino I

Ang mga yugtong ito ay sunod-sunod ayon sa pagkakalahad, ngunit importanteng mabatid na ang mga propesyunal na manunulat ay hindi nagtratrabaho nang hakbang–bawat-hakbang. Makabubuti, kung gayon , na ipalagay na ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib at ispayraling, kayat ang mga manunulat ay bumabalik-balik sa mga yugtong ito ng paulit-ulit sa loob ng proseso ng pagsulat ng isang teksto.

Halimbawa, matapos ang ikalawang yugto o paglikha ng burador, ang isang manunulat ay maaaring bumalik sa unang yugto, ang prewriting at magsagawa ng karagdagang pananaliksik. Matapos ang editing, ang ikaapat na yugto, ang manunulat ay maaring bumalik sa yugto ng rebisyon at reorganays ang materyal.

Proseso ng Pagsulat

Page 11: Pagsulat Filipino I

Prewriting Drafting Revising

EditingFinal Document

Mga Yugto ng Proseso ng PagsulatAng Pabalik-balik na Mubment ng Proseso ng

Pagsulat

Page 12: Pagsulat Filipino I

PrewritingLahat ng pagpaplano ng aktibiti, pangangalap

ng impormasyon, pag iisip ng mga ideya, pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat at pag-ooraganisa ng mga materyales bago sumulat ng burador ay nakapaloob sa yugtong ito.

Ang Unang BuradorSa puntong ito, ang iyong mga ideya ay

kailangang maisalin sa bersyong preliminari ng iyong dokumento na maaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung gaano mo kinakailangan.

Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin mo ang iyong balangkas nang bawat seksyon. Palawigin mo ang iyong mga parirala sa pangungusap.

Proseso ng Pagsulat

Page 13: Pagsulat Filipino I

Sa pagsulat ng unang burador, importanteng hindi mawala ang momentum sa pagsulat. Kung gayon, mas mabilis mong maisasalin sa papel ang mga salita ng mas mabuti. Dahil nais mong makasulat nang mabilis sa yugtong ito, huwag mo muna alalahanin ang pagpili ng mga salita, istraktura ng pangungusap, ispeling at pagbabantas. Pagtuunan na lamang ito ng pansin matapos maisulat ang buong unang burador. Maaaring akalain na matapos maisulat ang unang burador ay tapos na ang proseso ng pagsulat. Ngunit maging mga batikang manunulat ay nangagkakaisa sa pagsasabing maging sila’y nagkakamali rin sa pagpili ng mga salita, pag-oorganisa ng pangungusap, pagbabaybay o pagbabantas kahit paminsan minsan. Paulit-ulit pa rin nilang binabasa ang kanilang unang burador, ineebalweyt ang kanilang akda at hinahamon ang kanilang sarili na mapabuti pa ang presentasyon ng kanilang mga ideya. Dito pumapasok ang yugtong rebisyon at editing.

Proseso ng Pagsulat

Page 14: Pagsulat Filipino I

RevisingIto ay proseso ng pagbabasang muli sa burador

nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura ng mga pangungusap at lohika ng presentasyon. Maaaring ang isang manunulat ay nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya. Maaari ring may pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya’ y kailangan para sa pagpapabuti ng dokumento.

Editing Ito ang pagwawasto ng mga posibleng

pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling, gramar, gamit at pagbabantas. Ang editing ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang pinal na dokumento.

Proseso ng Pagsulat

Page 15: Pagsulat Filipino I

Pansariling PagpapahayagPagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita,

narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan. Ilan pa sa mga halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba pa.

Impormasyonal na PagsulatKung sa unang layunin ang makikinabang ang

nagsusulat, dito ang makikinabang ay ang tao. Ginagawa ang pagsulat upang mapaabot ng mensahe sa mga kaparaanang nangangatwiran, nagpapayo, nagpapaliwanag at iba pa. Ilan sa mga halimbawa nito ay memorandum, rebyu at riserts.

Layunin ng Gawaing Pagsulat

Page 16: Pagsulat Filipino I

Malikhaing PagsulatAng makikinabang dito ay ang sarili at

ibang tao. Sa tulong ng imahinasyon at kapangyarihan ng rehistradong wika, nagagawa ng manunulat na ilarawan ang uri ng lipunan na kanyang ginagalawan. May kakaibang lakas ang mga salitang ginagamit dito upang ipadama sa mambabasa ang panoramikong larawan ng buhay.Ilan sa halimbawa nito ang alamat, dula, at iba pa.

Layunin ng Gawaing Pagsulat

Page 17: Pagsulat Filipino I