21
Ang natatanging puhunan ng tao sa buhay ay ang kanyang katalinuhan. - Kaya dapat mahasa ang kanyang katalinuhan - Sa pagbabasa ng ibat –ibang dispilina Lord Chesterfield - “ Ang isang taong nagbabasa ay isang taong nangunguna” saang mang disiplina. Flood at Lapp 1983 (pagbasa) – dalawang kategorya 1. Pagdedekowd sa mga salitang binubuo ng mga nakalimbag 2. Pag-unawa sa kahulugan ng mga konseptong inihahatid ng mga salita - Nagagawa ito sa tulong ng dating kaalaman natin sa pagbabasa May 1986 - Ang pagbabasa ay wala iba kung ang pag-unawa. Rubin 1983 - Walang nagaganap na pagbabasa kung hindi nauunawaan ang binabasa. - Parang nag-iigib ng tubig sa batyang may butas. Kahalagahan ng pagbabasa Pagmasdan ang mundo ngayon Ano ang inyong assesstment niyo? Ano ang dahilan nito? = knowledge explosion 1. Harris at Sipay – pang-ekonomikal, panlipunan, pampulitika, at maging personal Hal. Panahong pangteknolohiya – mahalag ito sa paghahanap ng trabaho Dahil ditto ang pagbabasa ay nagiging gintng susi sa pagbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasyahan. 2. Mahalaga sa pang-araw araw na buhay - 80% ay kasangkot sa ating buhay - 90% sa pagbabasa ang tao ay natututo - Saanman tayo napupunta at anuman ang ginagawa natin,tayo ay nagbabasa 3. Tiket sa paglalakbay sa lugar sa bdaigdig na nais marating, pagkilala sag a bantog na tan a hindi pa kilala - At ito ay nakakapekto sa buhay ng isang tao - Pati sa kanyang layunin sa buhay - Nagging lunas di ito sa sa problema ng tao ang pagbabasa Teorya ng pagbabasa 1. Teoryang bottom up

Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

Embed Size (px)

DESCRIPTION

topics in filipino 2; second sem for college

Citation preview

Page 1: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

Ang natatanging puhunan ng tao sa buhay ay ang kanyang katalinuhan.- Kaya dapat mahasa ang kanyang katalinuhan- Sa pagbabasa ng ibat –ibang dispilina

Lord Chesterfield - “ Ang isang taong nagbabasa ay isang taong nangunguna” saang mang disiplina.

Flood at Lapp 1983(pagbasa) – dalawang kategorya1. Pagdedekowd sa mga salitang binubuo ng mga nakalimbag2. Pag-unawa sa kahulugan ng mga konseptong inihahatid ng mga salita- Nagagawa ito sa tulong ng dating kaalaman natin sa pagbabasa

May 1986- Ang pagbabasa ay wala iba kung ang pag-unawa.

Rubin 1983- Walang nagaganap na pagbabasa kung hindi nauunawaan ang binabasa.- Parang nag-iigib ng tubig sa batyang may butas.

Kahalagahan ng pagbabasa

Pagmasdan ang mundo ngayon Ano ang inyong assesstment niyo? Ano ang dahilan nito? = knowledge explosion1. Harris at Sipay – pang-ekonomikal, panlipunan, pampulitika, at maging personal

Hal. Panahong pangteknolohiya – mahalag ito sa paghahanap ng trabaho Dahil ditto ang pagbabasa ay nagiging gintng susi sa pagbubukas ng pinto sa daigdig ng

karunungan at kasyahan.2. Mahalaga sa pang-araw araw na buhay

- 80% ay kasangkot sa ating buhay- 90% sa pagbabasa ang tao ay natututo- Saanman tayo napupunta at anuman ang ginagawa natin,tayo ay nagbabasa

3. Tiket sa paglalakbay sa lugar sa bdaigdig na nais marating, pagkilala sag a bantog na tan a hindi pa kilala- At ito ay nakakapekto sa buhay ng isang tao- Pati sa kanyang layunin sa buhay- Nagging lunas di ito sa sa problema ng tao ang pagbabasa

Teorya ng pagbabasa1. Teoryang bottom up

- From book to our brainSmith “ outside- in or data driven

2. Top-down- Ang iskema ang nagbibigay kahulugan sa binabasa

3. Interactib- Pagsasama sa dalawang teorya para sa pagbabasa

4. Iskema- Barlett at rumelhart > pinapakilala kung paano iniimbak ng isang tao ang mga impormasyon

sa kanyang utak.- Reitzel at Cooter > pinaakilala kung paano nakakatulong ang kanyang dating kaalaman sa

pagtamo ng bagong kaalamang binasa

Page 2: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

- Basa sa iskemata, ang isang teksto maging pasalita o pasulat ay walang taglay na kahulugan sa bumabasa , binibigyan lamang ito ng kahulugan batay sa kanyang kaalamang nakaimbak na sa utak nito.

- Rumelhart > ang iskema ay naglalaman ng ating kaalaman tungkol sa mga tao, bagay, sitwasyon o pangyayari na kaunay n gating karanasan.

- Ryder at Graves > maraming nabubuong iskema sa tao habang tumatanda at nadadaragdagan ang dating kaalaman tungkol sa mundo at ito ay nababago at naiwawasto rin.

Halimbawa : ang aso sa bata ay kalaro subalit sa magulang ay bantay sa bahay kung walang tao sa bahay. Subalit ang iskema ng bawat tao ay nakasalalay sa nakaraan niya.

Ang bata ay mas kukunti ang iskema nito kesa sa matanda dahil kukunti pa lamang ang kaalaman niya at karanasan sa buhay.

Activity I: sumulat ng isang akda base sa iskema

Pamaraan o teknik sa pagbasa (Leo Fay) isang educator mulas a reading center ng indeana university1. Persepsyon2. Komprehensyon3. Reaksyon

Intellectual reaction or emotional reaction (aban at cruz)4. Integrasyon o assimilasyon5. Bilis o bagal ng pagbasa

Iskimming- mabilisang pagbabasa tulad sa headlines sa balita iscanning - pagkuha ng tiyak na impormasyong gusting malaman lamang

6. Kasanayan o kaugalian sa pagbabasa

Istilo sa pagbabasa DAHIL SA MARAMING GINAGAWA NG TAO AY HINDI MASYADONG NAPAPAGTUTUONAN NG

ANG KANILANG PAGBABASA1. Iskiming

- Ginagawa ito ng mga taong abala sa trabaho.- Mabilisang pagbabasa lamang

2. Iskaning- Pagkuwa lamang sa tiyak na impormasyon sa tekstong binabasa- Sa direktori, disyunario, lotto newspaper

3. Prevyuwing- Pre- gagawin pa laman- Ginagawa ito bago basahin ang isang teksto- Pamagat, tauhan, , panimula, gitna , at wakas, pictures atbp

4. Kaswal- Ginagawa ito para lamang magpalipas ng oras- Ginagawa ito habang nag-aantay sa kasama atbp

5. Informatib- Ginagwa ito upang madagdagan ang kaalaman

6. Kritikal- Ginagawa ito para sa pormal na gawain- Report, reserts, documentasyon

Page 3: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

7. Muling basa- Ginagawa ito para mas mapabuti at mapalinaw ng mabuti ang ginagawa tulad ng

pagrerebisa ng isang akda8. Pagtatala

- Ginagawa it para maisaulo ang isang bagay na ginagawa- Notetaking, making markers

Pagpapakahulugan sa isang akdang binabasa ( Resuma at Semorian 2002)A. Kontekstuwal

- Ang isang salita ay hindi lamang iisa kahulugan dahil sa katangian ng wika lalo na sa mga salitang Filipino.

1. Depimisyon- Ang kahulugan ng salita ay nakikita rin sa ibang bahagi ng pangungusap sa talata

2. Karanasan- Nahahango ang kahulugan batay sa mismong karanasan nabanggit sa pangungusap

3. Salungatan- Bukod sa kasingkahulugan ng salita, maganda ring malaman ang kahulugan nito sa

pamamagitan ng kasalungat nito.4. Pahiwatig

- Mababatid ang kahulugan ng salita kung mababatid nag tiyak na sanhi at bunga ng pahayag5. Pagsusuri

- Sa pagbibigay kahukugan ng salita ay kinakailangan ng kakayahang panglinguistika.a. Kolokasyon- Iniisip muna nag pangunahing kahukugan nito bago ang mga ilang subordineyt na kahuluganb. Cline- Ininababatay ang kahulugan ng salita sa intensidad ng kahulugan nito sa pahayag

Pagsuyo > pagsinta> pagmamahal> pag-ibig> pagsambac. Klaster- Tinitingnan ditto ang pagkakatulad at pagkakaugnay ugnay ng mga salitad. Cloze- Ginagawa ito sa paraan ng pagsusulit na nilalagyan ng patlang o puwang ang isang pahayag

upang matiyak ang kahulugan nito.Hal. Ang isang ________ ay mamasasabing may pinag-aaralan kung may kaalaman siya sa pagbabasa.

e. Denotasyon at konotasyonDenotasyon – dictionaryKonotasyon – base sa pagkakagamit sa pahayag

Lebel o antas ng pag-unawa1. Literal

- Traffic light, notices, denotative style2. Makahulugan

- Ginagamitan ito ng ibat-ibang paraan ng interpretasyon : paghihinuha, paghahambing, sanhi at bunga atbp

3. Mapanuri- Pagbibigay ebalwasyon sa istilo at ideya ng awtor: opinion o totoo, pagtukoy sa main ideya

atbp.4. Pinagsanib

Page 4: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

- Pag-uugnay ito sa totoong buhay.5. Malikhain

- Paggawa ng sariling akda mula sa akaang nabasa kayat tinawag na pinakamataas na lebel ng pag-unawa sa binabasa.

Proseso ng pagbabasaBosco at Buchner 2004 – isang proseso kung saan ang mambabasa ay naghahanap at bumubuo ng

kahulugan mula sa tekstoTatlong hakbang sa pagbabasa

1. Bago ang pagbabasa2. Habang nagbabasa3. Pagkatapos ng pagbabasa

Bago magbasa- Ito ang nagbibigay ideya sa bumabasa kung ano ang nais ihatid ng sumulat sa teksto.- Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga sumusunod;

a. Pagbasa sa pamagat ng tekstob. Pag-scan o mabilisang pagbasa sa tekstoc. Pagtatag ng layunin ng pagbasa sa teksto

1. Pag-unawa sa impormasyon2. Para malibang3. Paggalugad sa mga argumento sa teksto

Dahil ditto marami ang hindi nakakaintindi sa kanilang binabasa dahil sa hindi nila isinasasangkot ang kanilang sarili sa binabasa.

Habang nagbabasa- ditto naakaranas ng mga ibat –ibang pahiwatig sa tekto na may kaugnayan sa mensahe ng

teksto- Kaya nangangailangan ito ng pag-uunawa sa pamamagitan ng “pagtatanong”

Pagkatapos bumasa- Ditto sinasagawa ang ebalwasyonsa binasang teksto- Sa pamamagitan ng pagtatanong at pagsagot at kadalasang ang mga sagot at may

kaugnayan sa iskemata ng tao.

Pagbasa ng mga tekstong pang-akademiko

1. Tekstong panlipunan- Non fictional - Instution, panlipunang gawain, pampersonal, o anumang nangyayari sa komunidad.- Sa pagbabasa nito ay mahalagang mahasa ng mambabasa ang kanayng mapanuring pag-iisip

upang matiyak kung ang mga nakikilalang pangyayari ay makatotohanan o mga propaganda lamang.

- Dapat maging alerto siya sa pagsusuro sa lahat ng anggulo ng mga ipriniprisintang impormasyon sa tekstong binasa upang makapagsagwa ng tamanng paghuhusga sa katotohanan ng impormasyon

2. Tekstong pang-agham- Mga babasahin non-fiction- Tekstong naglalahad, naglalarawan, pangangatwiran

Page 5: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

- Ang kahusayan sa pagbabasa nito ay humihingi ng mga kasanayang tinataglay ng isang siyentipiko

- Dapat mauhsay siyang mag-isip at marunong manghula- Dapat magtataglay ng kakayahang kumuha ng ga impormasyon mula sa pahiwatig na

binibigyan ng sumulat at gamitin ang mga iyon sa pagbubuo ng panlahat.- May kakayahang bumuo ng hinuha mula sa mga impormasyong pinapahiwatig ng sumulat- Dapat marunong mag-uri o magkategorya ng mga iormasyong kanyang nabasa.

Actibiti: balangkasin ang isang kwentong ipapabasa

3. Tekstong panghumanidades- Ito ay mga kaalaman tungkol sa mga sining a biswal tulad ng musika, agrikultura, pintura,

sayaw, dula at panitikan.- Naipapahayag ditto ang mga nadarama, adhikain, pag-asa, o pangamba ng manunulat.- Dapat taglayin ng mambabasa na magkaroon ng kakayahang sumuri sa mensaheng

ipinapaabot ng may akda.- Dapat magkaroon ng pagpapahalaga sa mensaheng binabasa

Pagbasa sa mga tekstong profesyonal- Ito ang mga babasahing may kinalaman sa ibat ibang uri ng profesyon.- Layunin nitong magbigay impormasyon tungkol sa mga larangang kanilang kinabibilangan ng

magiging kapakipakinabang sa mambabasa.- Dapat marunong kumuha ng pangunahing impormasyon ang mga mambabasa- Dapat marunong ding kumuha ng mga detalyeng ibinibigay ng sumulat na

nakakapagpalinaw sa mensahe ng teksto (balangkas)

Aktibiti : magpabasa ng isang akda at ipapabalangkas ito

Mga hukwaran organisayong ng teksto

- Bakit may mga pagkakataong nagbabasa tayo na hindi natin naiintindihan ito?- Ito ay dahil sa kakulangan na kumilala sa pattern o hukwaran ng organisayon ng tekstong

binabasa.- Ito ang mas napapabilis na unawain ang isang akdang binabasa.

Niles – ang mahusay na mambabasa ay may taglay na kakayahang kumilala at umunawa sa ibat-ibang uri ng pagkakaugnay- uganay ngm ga kaisipan sa mga pangungusap

Meyer – isinasaayos ng manunulat ang nilalaman sa paraang may herakiya ng pagkakaugnay –ugany sa nga ideya sa teksto.- Nangunguna ang detalye at nahuhuli ang sumusuportang detalye- Kaya dapat taglayin ngmambabasa ang kakayahang kumilala sa mga detalyeng iyon.- Dapat marunong gumawa ng balangkas ang mambabasa.

Meyer’s pattern na kadalasang ginagamit ng mga manunulat1. Pag-isa isa o enumerasyon

- Tinatala lamang ng manunulat angmga mahahalagang impormasyon- Mga ginagamit na kataga ay, UNA, IKALAWA, SUSUNOD, PAGKATAPOS, BILANG

PANGWAKAS, GAYUNDIN SA, KATUNAYAN, HALIMBAWA.

Page 6: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

AKTIBITI: Mamili ng isang topiko na pagtutuunan ng pansin at gamitan ng pag-iisang pattern.

2. Pagsasaayos ayon sa panahon- Isinasaayos ang mga pangyayari o konsepto ayon sa kanilang pagkakasunod –sunod batay sa

panahon ng kanilang pagkakaganap.

Aktibiti: gumawa ng isang balangkas sa isasagawang scrap book para sa applikasyon sa hulwarang ito.

3. Paghahambing at pagkokontrast- Pinapakilala ditto ang pagkakatulad at pagkakaiba ng isang tao, pangyayari, o konsepto na

pinapaksa sa teksto.- Paghahambing : KATULAD, KASING, SING, KAGAYA, MAGKATULAD, MAGKAPAREHO- Pagkakaiba: GAYUMPAMAN, SA KABILANG DAKO, NGUNIT, BAGAMAN, SAMANTALANG,

HABANG, DI KATULAD, DI GAYA

AKTIBITI: Mamili ng isang topiko na pagtutuunan ng pansin at gamitan ng patternna ito.

4. Sanhi at bunga- Pinapakilala kung paano naganap ang mga pangyayari o konsepto sa paraang sanhi at

bunga dulot ng mga iba pang pangyayari o konsepto.- Mga katagang ginagamit: DAHIL SA, BILANG, BUNGA, KUNG GAYON, SAPAGKAT.

AKTIBITI: Mamili ng isang topiko na pagtutuunan ng pansin at gamitan ng pattern na ito.

5. Problema at solusyon- Katulad din ito sa sanhi at bunga pero ang pinagtutuonan lamang ditto ay kung paano

sinusulosyonan ang problema.

AKTIBITI: Mamili ng isang topiko na pagtutuunan ng pansin at gamitan ng pattern na ito.

6. Depinisyon- Pinapaliwanag sa hulwarang ito ang kahulugan ng isang terminolohiya o ideya.- Ibinibigay ang mahahalagang katangian nito sa pamamagitan ng pagpapakilala nito sa ibang

paksa.- Maaring ang kahulugan nito ay isang parirala o pangungusap lamang pero napapalawak ang

dpinisyon nito sa tulong ng mga iba pang pamamaraan tulad ng paggamit ng mga salitang halimbawa, pag-uuri, paglalarawan, paghahambing at pagkokontrast, o di kaya pagbibigay sanhi at bunga para mas lalong maintindihan ang pagkakadepinisyon nito.

- Kayat may mga terminolohiyang nangangailangan ng ilang pahina upang lubusang maipaliwanag ang mga kahulugan nito, tulad ng mga abstrak na ideya.

AKTIBITI: Mamili ng isang topiko na pagtutuunan ng pansin at gamitan ng pattern na ito.

7. Pagsang-ayon at pagsalungat

Page 7: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

Mga kasanayang nabubuo sa pagbabasa ng mga tekstong akademiko

1. Pagkilala sa paksa at pangunaying ideya ng isang akda

Paksa: ito ang pinag-uusapan sa isang teksto: kanraniwnag ipinapahayag sa isa o dalawang salita: nasasagot ito sa tanong na ano o sino

Pangunahing ideya: ito ay ang pangkahalatang kaisipan o ideya ng isang seleksyon.: kung walang pangunahing ideya ang isang seleksyon, walang kaayusan din ang mga pangungusap sa talata.: nagbibigay kaisahan at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na bumubuo sa talata.: kaya mahalga ito dahil tumutulong ito sa pagtanda at pag-unawa sa tekstong binabasa.

Ginagawa ito sa pamamagitan ng iskiming at iskaningAKTIBITI: Pumili ng isang paksa at gawan ng isang pangunahing ideya at ito ay inyong palawakin para

maging isang akda.

2. Pagtukoy sa mga sumusuportang detalye ng isang paksa- Sa pagbabasa , ang pagtalakasy sadetalye ay kasingkahalaga ng pagkilala sa pangunahing

ideya ng isang seleksyon.- Ito ang nagpapaliwanag o naglalarawan sa pangnahing ideya ng isang seleksyon.- Ito ang nagpapapaliawanag o naglalarawan sa pangunahing ideya.Tatlong uri ng ng mga detalyeng ginagamit ng mga manunulata. Katotohanan (facts) – tulad ng mga studies; sa tao, lugar, petsa, pangyayari, ebidensya sa

mga aghamb. Sanhi – mga dahilan na maaring ibatay sa resulta o epekto ng isang paksac. Halimbawa – nagpapaliwanag o naglalarawan sa pangunahing ideya

AKTIBITI:

3. Pagtukoy sa layunin ng teksto- Kasanayang dapat taglayin ng isang mamabasa dahil ito ang nagpapadaling maunawaan ang

mensahe ng isang seleksyonLayunin ng manunulata. Magturo b. Manghikayatc. Manglibang

AKTIBITI:

4. Pagkilala sa tono ng isang teksto“ nasubukan niyo na bang nagalit o natuwa o napasang-ayon sa isang akdang binabasa?”

- Ito ay tumutukoy sa mga saloobin o damdamin o pananaw ng manunulat sa isang paksa na ipinpaapahayag sa mga salita at mga detalyeng kanyang ginamit.

- MAYABANG, MAPAGPATAWA, GALIT, OPTIMISTIC, PESSIMISTIC, SERYOSO,WALANG GALANG, PUNO NG KABIGUAN, KAWALAN NG PAG-ASA, WALANG PAKIALAM atbp.

Page 8: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

AKTIBITI:5. Pagkilala ng pagkakaiba ng katotohanan at opinion

Katotohanan - ito ang mga pahayag ba maaring patunayang totoo sa pamamagitan ng pagmamasid o mula sa mga nakasulat na tulad ng mga nasa ensayclopedya o mga aklat.

AKTIBITI: Pumiling isang kasabihan o pahayag tungkol sa isang bagay na pagtutuunan ng pansin at patunayan ito sa para maging makatotohanan.

6. Paghuhula sa kinalabasn ng pangyayariGrellet - ang pagbabasa ay isang gawain na nasasngkot ang madalas na paghuhula na sa

bandang hui ay maaring tanggapin o tanggihan.- Ang paghuhulang ito ay parang larong sikolohikal na ginagamitan ng kaalaman sa mundo, sa

konteksto, at sa grammatical.- Madalas ipinapahayag ng awtor ang kalabasan ng isang pahayag o sitwasyon sa isang

kwento.- Pero may mga ilan mga wtor na hinahayaan na lamang ng mambabasa na manghula sa

kalabasan ng seleksyon.- Sa paghuhula, nasusubaybayan ang ang pagsulong ng mga ideya at detalye at nauunawaan

ang lohika ng pagkakaayos, o pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon sa teksto.

7. Pagbibigay interpretasyon tsart, grap, at diyagram

“ ano ang ginagamit ng ilang mga guro para mas madaling maintindihan ang kanilang mga paksa?”

Grapiks- ito ang biswal na representasyon ng mg detalye- nilalagom at pinapaikli ng mga ito ang maalimuot na mga detalye o dtos upang higit na

madali at malinaw na maunawaan ang binabasa.Kanar 2000

- nagbigay ng tatlong hakbang para mas madaling pakahulugan ang mga grapiks1. tiyakin ang layunin ng grapiks sa pamamagitan ng pagsusuri sa pamagat nito o kapsyon nito

- kadalasang ipinapaliwanag ng kapsyon ang layunin ng grapiks2. alamin ang pattern o pagkakaugnay ugnay ng grapiks3. tuklasin ang kaugnayan ng grapiks sa teksto

ilang uri ng grapiks1. tsartpie tsart

- nagpapakilala ng kaugnayan ng isang bahagi ng kabuoanorganizational tsart

- ipinapakilala ang ranko o position o hirarkiya ng isang bagay2. mapa

- kung nais ipakita ang lugar na pinangyarihan ng isang akston sa teksto.- Ginagamit ito para sa mabilisang pagbasa at pag-unawa sa paksang binabasa.

3. graps- nagpapakilala sa halaga, bilang, kalidad, at kung paano nagbabago sa paglipas ng panahon

ang isang bagay.bar grap

Page 9: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

- kung saan pinakpakilala ng mga bar na pahalang o pataas ang pagkkaiba ng mga halaga, bilang, kalidad na paghahambing

line grap- kung saan ginagamit ang linya upang ikonekta ang mga tuldok sag rap na naglalarawan ng

direksyon ng pagtaas at pagbaba ng bagay na nagpapakita ng paghahambing ng datos.pictograph

- layunin nitong mailarawan ag tinatayang halaga o bilang ng bawat aytem sa pamamagitan ng larawan.

Pagsulat- ang pagawa o pagbuo ng mga titik , simbulo at mga salita.- Paagsasatitik sa papel o sa anumang bagay na maaring gamin na pagsasalitan ng ideya atbp

Badayos - ang pagsulat ay umiinog sa kung gaano kabisa at konsensitibo na makabuo ngmga pahayag

ang isang manunulat upang ang makaba nito ay maganyak na mag-isip, kumilos at magalak. Ang mahusay na pagsulat ay hindi lamang humihingi ng kakayahan sa tamang paggamit ng wika

kundi humihingi ngmabisang pag-oorganisa ng mga impormasyon.(grammar at outlining)

Gonzales 2005 - Kakayahang makapagpahayag nanag malinaw sa pamamagitan ng panulat.- “ walang misteryong taglay ng mabuting panulat, ito ay kasanayang natutunan”

Kahalagahan ng pagsulat1. Tagapag-ingat ng mga mayayamang kaalaman ng tao na nais ipamana sa sususnod na salinlahi.

- History: 2. Nagppamulat sa kamalayan sa mayamang kultra at tradisyon ng isan bansa

- Sumasalamin sa pagkakakilanlan ng isang bansaGresya : homer ; IliadIndia: Mahabharata t RamayanaInglatera: Beowulf at ShakespeareItalya: La Diviina Comedia ni Dante at AeneidKristiano: bibliyaIslam : quranAmerika: Harriet Beecher Stowe: Uncle Tom’s CabinPinas: Jose Rizal : Noli Me tangere at Ef Filibusterismo

3. Tagapag-ugnay ito ng kasaysayang nakalipas na at sa kasaysayang mangyayari paHalimbawa: sa ma ilang problema ng bansa. “History repeats itself.”

Mga Pangkalahatang layunin sa pagsulat1. Expressive

- Sumusulat ang isang tao upang ipahayg ang kanyang saloobin at nadarama kaugnay marahil sa kanyang sariling karanasan.Anyo ng expresibong pagsulata. Impormatib na pagsulat

o Tinatawag na expository writingb. Nanghihikayat na pagsulat

o Layuning baguhin ang paniniwala ng isang mambabasa tungkol sa isang isyuo Mangumbnsing maniwala sa akda

Page 10: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

o Editoryal, pananaliksik, proposal, sanaysay, c. Malikhaing pagsulat

o Masining na pagsasaad ng mga damdamin at kaisipan etc.o Tula, kanta, kwento, dula, atbp

2. Transakyunal- Sumusulat dahil sa hangaring magbatid ng o maglipat ng impormasyon, ideya, o kaalaman sa

kanyang kapwa.- Nagagawa ito ng tao uoang maghatid ng mensahe, makipagpalitan ng ideya, karanasan at

kuro kuro- Excuse letter, application letter, friendly letter, love letter ect,.

Proseso ng pagsulat

Faigley, Fish, at Lunsford - Ang proseso ng pagsulat ay naiimpluwensiyahan ng mga kaalamang retorikal, sosyal at

historical at mga sitwasyon at kontekstong panlipunan. Anumang uri ng sulating nabubuo ay may kaugnayan sa mga nakaraang teksto at konteksto,

sitwasyon at karanasan ng manunulat. Ang mga kaalamang iyon ay nakakatulong sa pagsusulat ng manunulat Ang imersyon sa komunidad ay nagsisilbing balon n impormasyon para sa mga manunulat. Ang kaalamang retorikal para iangkop ang isang sulatin sa ibat –ibang sitwasyon s pagsulat. Pero kailangan ding magsaliksik an isang manunulat para maging mabisa at mahusay ang

kanyang sulatin.Halimbawa: Kamatayan ang topic : kailangan ang imersiyon at pagsasaliksik

Mga isaalang- alang ng manunulat para sa kanyang manunulat1. Para kanino ang sulatin?2. Ano ag kanilang mga katangian?3. Gaano ang kanilang kaalaman sa paksa?4. Gaano sila kaintresado sa paksa?5. Ano an kanilang saloobon sa paksa?

Hakbang sa pagsulat

Ang pagsusulat ay indi nagagawa saisang upuan lamang.Nangangailangan ng mahabang pag-iisip, maraming pagtatangka at maingat na proseso

1. Paghahanda sa pagsulat( prewriting)- Sumasaklaw ito sa pangungulekta ng mga impormasyon at ideya para a sulatin.

o Manood sa pelikula at programao Makikipagtalakayano Making sa radyoo Magserbeyo Makipanayamo Gumawa ng balangkas

- Ditto ginagawa ang pagpapalano na kinasasangkutan ng PAGLILIKHA, PAGTUTUKLAs, PAGDEDEVELOP, PAGSASAAYOS, PAGSUBOK NG MGA IDEYA

Page 11: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

- Ditto inaalam ang layunin ng sulatin, para kanino ang sulatin, paano ang pagpapahayag sa tesis statement o pangunahing ideya ng sulatin.

- Tinatanong din dito kung may pagkukuhanan ba ng impormasyon ang manunulat sa pagbubuo ng sulatin.

Relate it to a situation: Boksingero

2. Aktuwal na pagsulat- Ditto isinasalin ng manunulat ang kanilang nga ideya sa pangungusap o talata.- Malayang nakakagamit ng paraan o istilo sa paglalahad ng ideya.- Hindi masyadong binigyan ng pansin ang pagwawasto sa mga kamalian sa gramatika.- Ang binibigyan lamang ng pokus ditto ay ang Istruktura, organisasyon, kaisahan ng sulatin

a. Kailangan ang intoduksyon ng sulatin ay malinaw at organisadob. Ang nilalaman ay kailangang tumutugon sa layunin ng pagsulat, paksa, tema at

presentasyon g datos.

3. Pagrerebisa - Muling pagtingin- Tinatawag din pag-eedit- Muling pagbasa, muling pag-iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipang nasa sulatin upang

tumugma sa iniisip ng manunulat.- Nasasangkot ditto ang maraming pagbabago ng mga nilalaman ng sulatin; sa organisasyon

ng ideya, istruktura ng mga pangungusap at mga talata.- Ginagawa ito upang masulusyonan ang suliranin ng paksa- Tinatanong ditto ang mga sumusunod:

a. Tama ba ang layunin ng sulatin?b. Tumutugma ba ang ideya ng sulatin sa interst ng mga mambabasa?c. May kaisahan ba ang ideya?

Uri ng pagsulat1. Akademikong pagsulat

- Ito ang mga sulatin na isinasagawa sa loob ng klase- Pero hindi magkakapareho ang mga sulating pinapagawa ng mga propeor sa kani-kanilang

mga sabjek.2. Teknikal

- May layuning makalikha ng isan tiyak at particular ba impormasyon sa tiyak ding layunin sa particular na grupo ng mambabasa.

- Malinaw, objektib, tumpak , maikli at di emosyonal ang paglalahad ng mga datos.

Layuninng teknikal na pagsulat1. Magbigay ng impormasyon na buo ang disisyon at tiyak ang resulta ng pag-aaral2. Maibigay ang tiyak na interpretasyon ng mga pangyayari sa pag-aaral3. Manghikayat at makaimpluwensiya sa pagbubuo ng desisyon

Mga gabay s teknikal na pagsulat (Zall 1980)1. Accuracy (katumpakan)2. Brevity (kaiklian)3. Coherence (kakipilan)4. Confidence (tiwala)

Page 12: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

5. Dignity (dangal)6. Emphasis(pagbibigay-diin)7. Grammatical correctness (kawastuang pangramatikal)8. Honesty (katapatan)9. Illustration(paglalarawan)10. Judgement(paghuhusga)11. Knowledge(kaalaman)12. Logic (lohika)13. Mechanical neatness (kalinisang mekanikal)14. Normal procedure (karaniwang tuntunin)15. Objectivity (patas)16. Planning(pagpaplano)17. Division ( paghahati-hati)18. Straight sentence ( mga tuwirang pangungusap)19. Thouroughness (kasaklawan)20. Unity (kaisahan)21. Viewpoint ( pananaw)22. Word choice ( pagpili ng salita)23. You-point (punta ng mambabasa)24. Zest ( sigasig)

3. Journalistik na pagsulato Mga pangayayring nagaganap sa pang-araw araw na buhay ng isang taoo Napapapagkamalang diary pero hindi kaya lamang ay pwede ring iugnay ang diary

sa jornak dahil sa kahulugan nito.o May layuning mailathala ang mga ito sa payahagan o peryodiko

Mga sampung dahilan sa pagtatago ng pansariling jornal1. Isang travelog2. Talaan ng panaganinip3. Isang lagbuk4. Aklat n kaisipan5. Kwadreno ng pagpaplano6. Batayang proseso ng malikhaing gawain7. Tagatago ng koleksyon8. Inventaryong elektik (klipings sa mga iba’t ibang babasahin)9. Memoir (mga magagandang pangyayari sa buhay o mga anekdota sa buhay)10. Isang pakikipag-usap sa sarili

4. Referensyal- Pinakamahalagang bagay din sa pananaliksik dahil ito ang nagpapabalido sa mga nakalap na

datos.Halimbawa: Agpuldo, Clarence V. 2010. Teacher’s Stretegies in dealing with students’ Disruptive Behabior. Cagayan valley. Luminar Publishing inc.

Pagsulat ng komposisyon1. Panimula

- Ditto naipapakilala sa mambabasa kung ano ang dapat nilang asahan mula sa teksto

Page 13: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

- Ipinakikilala ang pangkalahatang pahayag o tesis statement ba bagsasaad kung ano ang pangunahing ideya at layunin ng buong tekso

- Mahalag to dahil nagbibigay atensyon ito sa mga mambabasa- Lumilikha ito ng impresyon sa mga mambabasa tungkol sa teksto- Malalaman ditto kung kawili-wili ang teksto o hindi

Bamwell at Dees “mga panuntunan sa pagsulat ng panimula o introduksyon”a. Isama ang tesis stement sa introduksyon na kadalasang nakikita sa unahan o hulihan ng

panimulab. Maglagay ng sapat na kaligirang impormasyon tungkol sa paksa upang maihanda ang mga

mambabasa tungkol sa teksto.c. Gumamit ng pambungad na nakakaakit sa interest ng mga mababasa.

1) Paggamit ng sipi o kotasyon2) Paggamit ng anekdota3) Paglalarawan na pumupukaw sa imahinasyon ng mambabasa4) Pagsasalaysay sa isang pangyayari 5) Pggamit ng istatistika6) Tanong7) Isang pahayag8) Paggamit ng opinion9) Paggamit ng mga tiyak na detalye

2. Nillaman- Bahagi ng teksto na nasa pagitan ng mga talatang kinapapalooban n mga detalye at mga

halimbawang sumusuporta sa pangunahing ideya ng teksto na ipinapahayag sa tesis statement sa introduksyon.

3. Wakas- Bahaging nagpapakilala sa pagwawakas ng teksto- Karaniwang mas maikli kaysa sa mga talata sa katawan- Maaring isang lagom ang laman na nakapaloob sa katawan

Pag-aayos ng mga datos para sa sulatin- Ang pagkuha ng mga datos ay isa sa mga pinakamahirap na gawain sa pananaliksik.- Nakasalalay sa mga nalikom na datos at sa pagsasaayos nito ang tagumpay ng isang

pananaliksik- Pinakamatagal na gawain sa pananaliksik- Nangangailangan ng sapat na panahon sa pagbabasa

Mga dapat gawain sa pagkuha n mga tala1. Direktang sipi

- pagtatalsa sa eksaktong ginamit na salita sa pinagkuhanan ng datos at ito ay nakapaloob sa mga sipi

- ginagamit ito dahil mahalaga ang orihinal na wika ng mismong pinagkuhanana. para maihatid yung tamang impormasyonb. mapatunayan ang puntong inilalahadc. para mapasimulan ang diskusyon sa pag-aaral

- kung gagamitin ito dapat ay:a. malinaw ito

Page 14: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

b. may tamang bantas at pahinang pinagkuhananc. hindi lahat lahat ay sisipiind. pumuli lamang ng angkop para sa pag-aaral

2. Synopsis- Pagapaikli sa orihinal na teksto sa pamamagitan ng pagpapahayag muli sa sariling pananalita- Kinukuha lamang ang ideya ng teksto- Dapat taglay pa rin ang diwa ng teksto kapag ginagamit ito

Paraan sa pagsasagawa nito.1. Dapat nabasa ng buo ang teksto2. Itala ang mga mahahalagang detalye para sa paglalagom3. Isulat sa sariling pananalita4. Rebisahin muli ang sinagawang synopsis para makuha ang buong diwa ng teksto.

3. Pagsasalin4. Pagsulat ng pangangatwiran

- Ito ang tinatawag na pakikipagtalo o argumentasyon- Paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang pagppatunay na tinatanggap ng

nakakarami- Paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang katotohanan- Isang paraang ginagamit upang mabigyang katarungan ang mga opinion.

Katangian ng isang mabuting sulating argumentatibo1. Pangunahing ebidensiya- Tumutukoy sa testimonya ng isan taong may kredibilidad o taong may awtoridad; pasulat o

pasalita.2. Sirkumstansyal na ebidensya- Ebidensyang sekondarya lamang subalit nakakatulong ito upang makilala ang katotohanan o

kasinungalingan ng isang isyu.3. Kongkreto na ebidensya- Isang ebidensyang nagpapatunay o naglalalarawan ng taotoong pangyayari na hindi na

kailangan ang interpretasyon at paliwanag ng isang tao. (common sense ebidence):sariwang sugat at pasa

4. Orihinal na ebodensya- Ebidensyang may pansariiing kapaniwalaan na kasasalaminan ng lakas sa kanyang sarili.5. Ebidensyang galling sa usap usapan- Isang ebidensyang nakuha o narinig sa pamamagitan ng mapaniwalang impormasyon na

inilatag ng isang iniviwal, maaring pinatotohanan o sinulat.

Mga paraan ng pangangatwiran1. Paraang lohikal na pangangatwiran- Ang pagpapahayag na ito ay nababatay sa mga pala-palagay na ang dalawang bagay na ito

ay nagkakatulad sa ibang mga katangian.a. Paraang pabuod ( inductive)

o Ang pagpapahayag na nagmumula sa maliit na kasipan o detalye tungo sa malaking kaisipan o kabuuang kaisipan.

b. Paraang pasaklaw (deductive)o Pahayag na nagmumula sa malaking kaisipan o kabuuang kaisipan patungo sa

paglansag nito sa maliliit na kaisipan.2. Lihis na pangangatwiran

Page 15: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

- May layuning manlinlang- Kulang sa patunay an ebidensya- Katanggap-tanggap pero sa katunayan ay hindi- Argmentong inaakalang tama pero hindi naman- Mga pahayag na nagpapalito sa mga mananaliksik

Uri ng lihis na pangangatwirana. Argumentum ad hominem

o Argumentong laban sa pagkataoo Pangangatwirang lumilihis sa tunay na paksa ng argumento at sa halip ay isang

tahasang pag-atake sa personal na katangian ng kanyang katalo.b. Argementum ad baculum

o Argumentong gamit ang laks o katungkulano Pangangatwirang gumagamit ng pisikal na lakas, awtoridad, katayuan upang lumihis

sa isyu at tuly maipanalo ang argumentoc. Argumento ad misericordiam

o Argumentong laban sa damdamino Pangkatang mailipatang simpatya ng mambabasa sa akusado o inaakusahang

gumamit ng mga angkop na saliatng umaatake sa damdamin at kaisipan ng mga nakikinig at mambabasa.

d. Simper non sequituro Walang kaugnayano Ito ay paglalalhad ng konklusyon s kabila ng mga walang batayang masasabing may

kaugnayan sa isyue. Ignorantio elenchi

o Maligoy na pangangatwiran ( irrelevant conclusion, evading the question, o missing the point)

o Para malihis sa paksaf. False generalization

o Maling paglalahato Pagbibigay konklusyon na sumasaklaw sa pangkalahatan dahil sa iilang sitwayon o

katibayang. Lihin na paghahambing

o Usapng lasing dahil sa nakakabuo sila ng hambingan subalit hindi naman angkop sa matinong konklusyon

o Karaniwang magagawa ito sa usapang walang matuwid na katuwiranh. Maling saligan

o Nagsisimula ito sa maling konklusyonna siyang nagging saligan ng usapan. Kaya ang konklusyon ay maling mali.

i. Maling awtoridado Naglalahd ng totoo o sangguniang walang kinalaman sa isyung kasangkot.

j. False dilemmao Nagbibigay ng dalawang pagpipilian na para bang wala ng ibang pagpipilian.

Iba pang uri ng pagsulat1. Liham aplikasyon2. Liham pangangalakal

Page 16: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

a. Proposalb. Humihingi ng pahintulot

3. Memorandum

Pagsulat ng konseptong papel- Nagsisilbing proposal ng pananaliksik

Bahagi ng konseptong papel1. Rasyunale o panimulang pahayag2. Layunin ng pag-aaral3. Metodo4. Awtput o resulta

Pagsulat ng pananaliksik- Mga pahayag sa mataas na lebel ng pagsulat dahil nanngangailangan ito ng pangangalap ng

mga datos, pag-iimbestiga, panunuri, pagbibigay hinuha, at sa pagtatapos ay pagbibigay konklusyon at rekomendasyon.

Bahagi ng pananaliksikI. Mga panimulang impormasyon

1. Liham pagkilala at pagtanggap sa pananaliksik bilang bahagi ng kurso2. Pgkilala, pasasalamat at paghahandog3. Talaan ng nilalaman4. Talaan ng talahanayan

II. Katawan ng pananaliksikChapter I. Ang suliranin at sanligan nitoA. Rasyunal, panimula o kaligiran ng pag-aaralB. Pagpapahayag ng suliraninC. Layunin at kahalagahan ng pag-aaralD. Batayang konseptuwal o paradaymE. Saklaw at limitasyon ng pag-aaralF. Pagbibigay kahulugan sa mga katawagan o temnolohiyaChapter II. Mga kaugnay na literature at pag-aaralA. Literature sa ibang bansaB. Literature sa pinasC. Pag-aaral sa ibang bansaD. Pag-aaral sa pinasChapter III. MetodolohiyaA. Pagkuha ng mga kasangkot sa pag-aaral (sampling design)B. Pamamaraan sa pananaliksik (research design)C. Pangongolekta ng datosD. Pag-aanalisa ng datosChapter IV. Paglalahad ng resulta ng pananaliksikChapter V. Lagom, konklusyon, at rekomendasyonA. LagomB. KonklusyonC. Rekomendasyon

III. Talaan ng sanggunianA. Mga aklatB. Mga magasin

Page 17: Pagbasa at Pagsulat Filipino 2

C. Di nalathalang babasahin, teksto, tesis, desertasyonD. internet

IV. Mga dahon dagdag o apendiksA. Liham na humihingi ng pahintulot sa pagsasagawa ng pag-aaralB. Talatanungan C. Talaan ng mga katanugan sa pakikipanayam

V. Resume ng mananaliksik