35
Pananakop ng mga Hapon Lance Gerárd Gonzaléz Abalos, B.S.E. (cand.)

Panahonng hapon

Embed Size (px)

DESCRIPTION

hjgh

Citation preview

Page 1: Panahonng hapon

Pananakop ng mga Hapon

Lance Gerárd Gonzaléz Abalos, B.S.E. (cand.)

Page 2: Panahonng hapon

Timeline:

Pagsalakay ng mga Hapon sa Pearl Harbor

Dec. 8, 1941

Dec. 26,

1941

March 11, 1942

April 9, 1942

Fall of Bataan

Tumakas si Hen. MacArthur papuntang Australia

Ideneklara ang Maynila bilang Open City

May 6, 1942

Fall of Corregidor

Page 3: Panahonng hapon

Pagsalakay sa Pearl Harbor

• Dec. 8, 1941, sinalakay ng mga puwersang Hapon ang Pearl Harbor, Hawaii. Sunod-sunod na sinalakay ng mga Hapon ang mga base ng mga Amerikano sa Davao, Cavite, Baguio, Clark Field, at Zambales.

Page 4: Panahonng hapon

Pagdating ng mga Hapon

• Dec. 10, 1941, narating ng mga Hapon ang Aparri, Cagayan at Vigan, Ilocos Sur. Dumaong naman ang malaking puwersa ng mga Hapon sa Lingayen, Pangasinan. Unti-unting nasakop ng mga Hapon ang buong Pilipinas.

Page 5: Panahonng hapon

Open City• Upang iligtas sa

trahedya ng digmaan ang Maynila, idineklara ni Hen. MacArthur ito bilang Open City Noong Dec. 26, 1941. Iniutos din nito na alisin ang mga kagamitang pandigma sa Maynila at ilipat sa Bataan.

Page 6: Panahonng hapon
Page 7: Panahonng hapon
Page 8: Panahonng hapon
Page 9: Panahonng hapon
Page 10: Panahonng hapon
Page 11: Panahonng hapon
Page 12: Panahonng hapon
Page 13: Panahonng hapon

War Plan Orange

• Ipinag-utos ni Hen. MacArthur ang pagsasanib puwersa ng mga Pilipino at Amerikano sa Bataan at Corregidor. Kasama sa mga inilikas ang mga pinuno ng pamahalaang komonwelt.

Page 14: Panahonng hapon

Paglikas ni Pang. Quezon• Sa payo ni Pang.

Roosevelt, tumakas si Pang. Quezon at ng kanyang pamilya at gabinete mula Corregidor papuntang Australia noong ika-20 ng Pebrero, 1942. Iniwan niya ang pamamahala ng Pilipinas kay Jose Abad Santos. Mula Australia, dinala sila sa Washington D.C.

Page 15: Panahonng hapon

Pagtakas ni Hen. MacArthur

• Labag man sa kanyang kalooban, nilisan ni Hen. MacArthur ang Corregidor papuntang Australia noong Marso 11, 1942. Humalili sa kanya bilang pinuno si Hen. Jonathan Wainwright. Pagdating sa Australia, ipinahayag niya ang makasaysayang pangakong “I shall return.”

Page 16: Panahonng hapon

Pagsuko ng Bataan

• Dahil sa matinding hirap at gutom, isinuko ni Hen. Edward P. King, kumander ng USAFFE sa Bataan, ang mga puwersa nito kay Hen. Masaharu Homma noong Abril 9, 1942.

Page 17: Panahonng hapon

Death March• Ang mga sumukong

sundalo ay nagmartsa sa loob ng maraming araw ng walang pagkain at inumin mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga. Mula dito, sila ay isinakay sa mga tren at dinala sa Camp O’ Donnel sa Capas, Tarlac.

Page 18: Panahonng hapon

Death March

Page 19: Panahonng hapon

Death March

Page 20: Panahonng hapon

Pagsuko ng Corregidor

• Noong Mayo 6, 1942 isinuko ni Hen. Jonathan Wainwright ang Corregidor sa mga Hapon. Ipinag-utos niya rin ang pagsuko sa lahat ng puwersa ng USAFFE sa buong Pilipinas.

Page 21: Panahonng hapon

• Matapos sumuko ang Corregidor, napasailalim ang Pilipinas sa mga bagong mananakop. Sinikap ng mga Pilipino na mamuhay ng maayos bagama’t may banta ng panganib. Ito ang simula ng pananakop ng Hapon na tumagal hanggang sa bumalik ang mga Amerikano noong 1945.

Page 22: Panahonng hapon

Ang Pilipinas sa Ilalim ng mga Hapon

Page 23: Panahonng hapon

Simula:

• Matapos masakop ang Maynila, itinatag ng mga Hapon ang Japanese Military Administration noong Enero 3, 1942. Ito ay pinamumunuan ni Hen. Masaharu Homma bilang Direktor Heneral.

Page 24: Panahonng hapon

• Hinirang ng mga Hapon si Jorge B. Vargas bilang pangulo ng Philippine Executive Commission noong Enero 23, 1942. Itinatag ng mga Hapon ang Central Administrative Organization (CAO) bilang kapalit ng pamahalaang komonwelt.

Si Hen. Homma at Jose B. Vargas sa isang pagpupulong sa Malakanyang.

Page 25: Panahonng hapon

Greater East Asia Co-Prosperity Sphere

• Pinangakuan ng mga Hapones ang mga Pilipino na bibigyan ng kalayaan kung ito ay makikiisa sa patakaran nilang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Binuwag ang mga partido pulitikal at itinatag ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI).Mga Kasapi ng KALIBAPI at poster ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere

Page 26: Panahonng hapon

Ikalawang Republika ng Pilipinas• Itinatag ang Preparatory

Commission for Philippine Independence upang bumuo ng bagong Saligang Batas. Sa bisa nito, itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas sa pamumuno ni Jose P. Laurel bilang pangulo. Ang gabinete ni Pang. Laurel at mga tagapayong Hapon sa isang pagpupulong.

Page 27: Panahonng hapon

• Isang Pamahalaang Puppet ang itinatag na republika. Bagaman isang Pilipino ang pangulo, mga Hapones pa rin ang makapangyarihan. Ang mga kautusang ipinalabas ni Pang. Laurel ay hindi ipinatupad kapag hindi ito makakabuti para sa mga Hapones.

Mga pinuno ng Ikalawang Republika (mula sa kaliwa), Pang. Jose P. Laurel, Jorge Vargas (ambasador ng Pilipinas sa Hapon) at Benigno Aquino Sr. (Ispiker ng Pambansang Asamblea).

Page 28: Panahonng hapon

Pagbabago sa Edukasyon

• Sa bisa ng Military Order No.2, nilikha ang Commission of Education, Health and Public Welfare. Ilan sa mga layunin nito ang pagsupil sa mga kaisipang kanluranin, pagtuturo ng wikang Nippongo at pagtaguyod ng pagmamahal sa paggawa.

Page 29: Panahonng hapon

Pamumuhay ng mga Pilipino• Nabuhay sa takot ang

mga Pilipino. Laganap sa buong kapuluan ang walang awang pagpaparusa at pagpatay sa mga Pilipino. Naging instrumento ng kalupitan ng mga Hapones ang mga Kempeitai (pulis-militar) at MAKAPILI (Pilipinong maka-Hapon).

Page 30: Panahonng hapon

Comfort Women• Maraming mga babae

ang naging biktima ng panggagahasa ng mga sundalong Hapones. Sila ay tinawag bilang mga comfort women. Noong una, ayaw aminin ng pamahalaang Hapon ang gawaing ito, hanggang sa naglakas-loob na inihayag ni Maria Rosa Henson (Lola Rosa) kaniyang karanasan noong 1992.

Page 31: Panahonng hapon

Mickey Mouse Money

• Ipinatupad ng mga Hapones ang paggamit ng mga bagong salaping papel. Tinawag ito ng mga Pilipino bilang Mickey Mouse Money sapagkat halos wala itong halaga. Ang isang salop ng bigas ay nagkakahalaga ng isang bayong na pera.

Page 32: Panahonng hapon

Suliraning Pangkabuhayan

• Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain dahil sa pagkasira ng mga taniman at sakahan. Ang presyo ng mga bilihin ay nagsitaasan. Upang mabigyang lunas ang kakulangan ng pagkain, binuo ng pamahalaan ang Philippine Commodities Distribution Control upang magrasyon ng mga pagkain. Nagtayo din ito ng mga Bigasang Bayan (BIBA) upang maging maayos ang pagbebenta ng bigas.

Page 33: Panahonng hapon

Kilusang Gerilya

• Dahil sa kalupitan ng mga Hapones, maraming mga Pilipino ang sumali sa kilusang gerilya. Ito ay itinatag ng mga dating kawal na Pilipino at Amerikano. Ang iba sa kanila ay itinatag ng mga dating pinuno ng bayan o lalawigan.

Page 34: Panahonng hapon

HUKBALAHAP

• Ang pinakamalaking pangkat ng mga gerilya ay ang HUKBALAHAP (Hukbo ng Bayan laban sa Hapon) na itinatag ni Luis Taruc. Ito ay binubuo ng mga magsasaka mula sa Gitna at Katimugang Luzon.

Page 35: Panahonng hapon

Konklusyon• Kalunos-lunos ang naging

kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Hapon. Ang ipinangakong maunlad at payapang bansa sa patakarang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ay nanatiling pangako lamang. Dahil dito, hindi nakuha ng mga Hapon ang kooperasyon ng mga Pilipino.