Upload
abbie-laudato
View
1.439
Download
14
Embed Size (px)
Citation preview
Ang PANGATNIG ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng salita sa kapwa salita, ng isang
parirala sa kapwa parirala, o ng sugnay sa
kapwa sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang
pahayag.
Maaring makita sa unahan at gitnang
bahagi ng pahayag o usapan,
1. Pangatnig na Pamukod: pamimili, pagtatangi, pag-
aalinlangan.
• Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.• Ikaw man o ako ay hindi
maghahangad na siya ay mabigo.• Walang problema sa akin maging si
Jose ang nagwagi sa paligsahan.
2. Pangatnig na Pandagdag:pagpupuno o pagdaragdag
• Nagtanim siya ng upo saka patola.• Pati ang gamit ng iba ay kanyang
iniligtas.• Mahilig akong magbasa ng libro at
magsulat ng mga kuwento.
3. Pangatnig na Paninsay o Panalungat:• Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit
na maraming naninira sa kanya.• Nakatapos si Ramon ng
medisina bagama’t tindera lang sa palengke ang kanyang ina.
• Nanalo pa rin si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.
• Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.
4. Pangatnig na Panubali: pagbabakasakali o pag-aalinlangan
• Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
• Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.
• Kung di umulan, nakapunta sana siya sa palengke.
• Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.
5. Pangatnig na Pananhi:pagbibigay dahilan, pangangatwiran, tumugon sa tanong na bakit
• Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.
• Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.
6. Pangatnig na Panlinaw:pagbibigay linaw
• Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.
• Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.