Upload
yamish29
View
18.151
Download
86
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Citation preview
Mishelle C. Arintoc
Kaligirang Kasaysayan
Kaligirang Kasaysayan
Ang Dula
Pinasigla ng Unang Ginang Imelda Marcos ang dulaan sa panahong ito sa pamamagitan ng pagpapaayos ng lumang tanghalan at pagtatayo ng sentro ng tanghalan.
Mga Unang Dulang Naitanghal
Metropolitan Theater
Isang Munting Alamat
Portrait of the Artist – Lamberto Avellana
Mga Unang Dulang Naitanghal
Cultural Center of the Phil.
Halik sa Kampilan – Leonardo Ilagan
Usa Ka Kasalan (dulang musikal
sa Bisaya) – Orlando Nadres
Tales of the Manuvu (dulang rock opera) – Bienvenido Lumbera
Mga Unang Dulang Naitanghal
Dulaang Raha Sulayman (Fort Santiago)
Itinanghal din dito ang mga lumang dulang gaya ng senakulo at duplo.
Kabilang dito ang: “Sakada”, “Kabesang Tales” at “Juan Obrero”.
Samahang Pandulaan
• Philippine Educational Theater’s Association (PETA)
Cecile Guidote Alvarez at Lino Brocka• UP Repertory
Behn Cervantes• Teatro Pilipino
Rolando Tinio• Bagong Sibol (Ateneo University)
Binuo ni Amelia Lapena Bonifacio ng UP ang Teatrong Mulat, isang pangkat na nagtatanghal ng mga dula para sa mga kabataan.
Mga Pangunahing Mandudula noon:
• Jose Y. Dalisay•Edgar Maranasan• Isagani Cruz•Dong de los Reyes•Tony Perez•Paul Dumol
Nagpatuloy rin ang Palanca sa paggawad ng parangal sa mga dulang may iisahing yugto. Isa sa pinagkalooban ng gantimpalang Palanca noong 1975 ay ang “Sidewalk Vendor” ni Reuel Molina Aguila. Ito’y naglalarawan ng buhay ng mga kabataang lalaking sidewalk vendor.
Mga Manunulat ng dula:• Rosario de la Cruz “Ang Huling Pasyon ni
Hermano Pule”
• Elynia Ruth Mabanglo “Si Jesus at si Magdalena”
• Reuel Molina “Sidewalk Vendor”
• Nonilon Queano “Nang Pista sa Aming Bayan”
• Rene Villanueva “May Isang Sundalo”
• Dong de los Reyes “Bulkang Sumambulat... ang Pigsa”
Panulaang TagalogNakilala rin sa panahong ito ang paggawa
ng mga islogan.
Halimbawa:
Hinggil sa Kahalagahang Pantao
Sa ikauunlad ng bayan,
disiplina ang kailangan.
Ang pagsunod sa magulang,
tanda ng anak na magalang.
Hinggil sa Programang Pangkabuhayan
Magplano ng pamilya,
upang buhay ay lumigaya.
Tayo’y magtanim upang mabuhay.
Tayo’y kumain ng gulay,
upang humaba ang buhay.
Ang Tula
Mga Paksa:
1.Pagkakaisa
2.Pagiging Matiyaga
3.Pagpapahalaga sa Pambansang Kultura
4.Pag-uugali
5.Kagandahan ng Kapaligiran
Kaugnay ng seryosong panitikan, itinatag noong Agosto 1973 ang Galian sa Arte at Tula (GAT). Isang samahan ito na binubuo ng mga kabataang makatang nag-aaral at nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas.
Mga kilalang manunulat ng tula:
1. Ponciano Pineda
“Pilipino: Isang Depenisyon”
2. Virgilio Almario
“Doktrinang Anak Pawis” (aklat)
3. Alejandro G. Abadilla
“Parnasong Tagalog” (aklat)
4. Teo Antonio
“Litanya kay Sta. Clara”
5. Ruth Elynia Mabanglo
“Regla sa Buwan ng Hunyo” (1982)
Sipi ng ilang TulaPilipino : Isang Depinisyon
ni Ponciano Pineda
(Lahat)ano ka? ano siya? ano ako? ano tayo?
sabi nila'y Pilipinougat natin ay Silangan
anak dagat ang ninunong hatid dito ng barangay
galing doon sa malayo, sa matandang kalupaan
dito sila ipinadpad / ng magandang kapalaran
(Solo)naibigan itong pulo / kaya't dito
nangagkutananirahan, nangaglahi, nangabuhay
nang masaganamay ugaling katutubo, may gobyerno at
bathalamay samahan at ibigan, maayos at
payapamay sariling wika
tayo raw itosa ante-panahon / ng kolonyalismo
(Lalaki)walang abog
mula sa Kanluran / ang dayo'y sumapitako ay hinamak, siya ay inapi, ikaw ay
hinamigsiniil ang laya, kinamkam ang yaman
barangay ay binuwagmga tala ay sinunogabakada'y ibinawal
ipinasiyang mga mangmangang lahat ng katutubong kayumanggi ang
kulay
(Babae - medium)at naging alipin ang bayan kong irog
ma-Iloko, ma-Bisaya, ma-Kapampangan, ma-Tagalog
(Babae - high)at sa halip, at sa halippinalitang lahat-lahat
ang gobyerno / ang relihiyon, ang ugali, ang kultura
Kinastila itong dila
Litanya kay Sta. Clarani: Teo Antonio
(piling bahagi)
Misis de la Cruz, sumayaw ka,Kumendeng ka, kumendeng pa,Ipagaspas mo ang iyong saya.Humiling ka sa mahal na santa,Umawit ka sa mahal na patrona.
Hindi dasal ang pamplet sa pagpaplanoAng kampanya sa dyaryoAng operasyon sa ari ng taoSta. Clarang pinung-pinoSila po ay pakingganPagsayawin po ng pawis ng sakripisyoIsakripisyo po ang pildoras sa pandanggo.
AWITING PILIPINO• Nalaganap sa Pilipinas ang awiting
Pilipino na nakarating maging sa ibang bansa.
• Nakatulong sa pagtataguyod ng mga klasikal na awiting Pilipino ang mga lingguhang konsiyerto, ballet at dulang itinanghal sa Cultural Center of the Philippines (CCP).
Mga Kilalang Kompositor / Mang-aawit ng Himig-Maynila:
1.Rico J. Puno
The Way We Are
2. Cinderella
TL Ako Sa’yo
3. Freddie Aguilar
Anak
4. Sampaguita (nagpasimula ng Pinoy Rock)
Ako’y PinoyFlorante
Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa, Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga. Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika.
Wikang pambansa ang gamit kong salita Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan
Si Gat Jose Rizal noo’y nagwika Siya ay nagpangaral sa ating bansa Ang hindi raw magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda
Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa, Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga. Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika.
Wikang pambansa ang gamit kong salita Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan
Anak Freddie Aguilar(bahagi ng awit)
Nang isilang ka sa mundong itoLaking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilawAt ang nanay at tatay mo’yDi malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo______________________________
Nagdaan pa ang mga arawAt ang landas mo’y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyoAt ang una mong nilapitanAng iyong inang lumuluha
At ang tanong,”anak, ba’t ka nagkaganyan”
Mga Babasahin:• Napalitan ang mga negatibong balita ng mga
balita tungkol sa pangkaunlaran, pang-ekonomiko, disiplina, pangkultura at iba pa.
Halimbawa ng Pahayagan:
1.Bulletin Today 6. Phil. Daily Express
2.Times Journal 7. Evening Express
3.People’s Journal 8. Evening Post
4.Balita
5.Pilipino Express
Mga Magasin:
1.Liwayway
2.Kislap
3.Bulaklak
4.Extra Hot
5.Jingle Sensation
Mga Komiks:
1.Pilipino
2.Extra
3.Love Life
4.Hiwaga
5.Klasik
6.Espesyal
Ang Pelikula
• Sa Panahon ng Bagong Lipunan, ang mga pelikulang Pilipino ay kinikilala at ginagawaran sa pamamagitan ng pagkakaroon ng taunang Pista ng Pilipinong Pelikula.Ginagantimpalaan rito ang mga pelikulang kalahok maging ang mga artistang kabilang dito.
Mga sumikat na Pelikula noon:
1. Maynila, Sa Kuko ng Liwanag (nobela ni Edgardo M. Reyes)
2. Minsa’y Isang Gamu-gamo
3. Ganito Kami Noon... Paano na Kayo Ngayon?
4. Insiang
5. Aguila
Pangkalahatang Pananaw sa Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
• Sa kabuuan, bagaman nagkaroon ng sensura sa mga paksaing maaring talakayin ang mga manunulat sa Panahon ng Bagong Lipunan, nagpatuloy pa rin sa pag-unlad ang panitikan. Naging mabunga ang panahong ito sa pagpukaw sa interes ng mga Pilipino sa mga bagay na pangkalinangan na naipahayag sa uri ng mga dulang naitanghal, awitin at musikang naisulat at mga pelikulang naipalabas.
MARAMING SALAMAT PO!