7
Republic of the Philippines Department of Education CARAGA Administrative Region Division of Agusan del Sur ARALING PANLIPUNAN UNIFIED QUARTERLY EXAMINATION PRE-TEST Araling Panlipunan II Panuto: Piliin ang tamang sagot. Bilugan ang letra na kumakatawan sa tamang sagot. 1. Ang Asya ang pinakamalaking lupalop sa daigdig. Ito ay napapalibutan ng Arctic Ocean sa hilaga at Indian Ocean sa timog. Sa kanluran nakapalibot ang Red Sea, Mediterreanean Sea, Caspian Sea at Bundok ng Ural. Anong Karagatan ang nakapalibot dito sa Silangan? a. Atlantic Ocean b. Pacific Ocean c. Southern Sea d. Indian Ocean 2. Ang Asya ang kontinente na may pinakamalaking populasyon sa daigdig. Sa usaping kaunlaran, ano ang implikasyon nito sa yamang-likas ng Asya? a. Marami ang lilinang sa likas na yaman ng Asya b. Maaaring kulangin o mauubos ang yamang-likas ng Asya kasabay ng pagdami ng populasyon. c. Dadami ang yamang-likas ng Asya kasabay ng pagdami ng populasyon d. Uunlad ang yamang-likas ng Asya dahil marami ang makikinabang 3. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng pagnipis at pagkabutas ng ozone layer na siyang nagsasala sa matinding sikat ng araw at sa ultraviolet rays? a. patuloy na polusyon sa hangin c. pagkakaingin sa bundok b. pagtatanim ng punongkahoy d. pagsusunog ng basura 4. Ang kapaligiran ay isa sa humuhubog sa pamumuhay ng tao. Ang mga mamamayang nakatira malapit sa dagat ay karaniwang pangingisda ang pangunahing hanapbuhay. Alin sa mga sumusunod ang pamamaraang ginamit ng mga mamamayan sa Timog-Kanlurang Asya upang makaangkop sa kakulangan sa tubig na maiinom? a. Recycle b. Desalination c. Deforestation d. Desertification 5. Pinakasagana sa yamang-mineral ang mga bansa sa Kanlurang Asya. Anong pangunahing produkto ang matatagpuan dito? a. Tingga at bakal b. Phosphate Rock c. Ginto at Tanso d. langis at petrolyo 6. Sa pagtatakda ng lokasyon, mahalagang mabatid ang mga konseptong may kaugnayan dito, tulad ng mga natatanging likhang guhit sa mapa at globo. Anong guhit ang dumaraan sa Greenwich, England at itinalaga bilang zero degree longitude? a. Prime Meridian b. Tropiko ng Kanser c. Ekwador d. Tropiko ng Kaprikorn 7. Ano ang kahalagahan ng pagpapanatili at pagsasaayos ng paggamit ng mga likas na yaman sa hangaring maging balanse ang kalagayang ekolohikal ng rehiyon? a. Dumarami ang turismo sa rehiyon b. Nababawasan ang nalilikhang polusyon sa rehiyon c. Nakakatulong sa pagpaparami ng ating likas na yaman d. Napangangalagaan nito ang kapaligiran habang napauunlad ang kabuhayan ng rehiyon A B C

Pre test(2nd yr.)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pre test(2nd yr.)

Republic of the PhilippinesDepartment of Education

CARAGA Administrative RegionDivision of Agusan del Sur

ARALING PANLIPUNAN UNIFIED QUARTERLY EXAMINATION

PRE-TESTAraling Panlipunan II

Panuto: Piliin ang tamang sagot. Bilugan ang letra na kumakatawan sa tamang sagot.

1. Ang Asya ang pinakamalaking lupalop sa daigdig. Ito ay napapalibutan ng Arctic Ocean sa hilaga at Indian Ocean sa timog. Sa kanluran nakapalibot ang Red Sea, Mediterreanean Sea, Caspian Sea at Bundok ng Ural. Anong Karagatan ang nakapalibot dito sa Silangan?a. Atlantic Ocean b. Pacific Ocean c. Southern Sea d. Indian Ocean

2. Ang Asya ang kontinente na may pinakamalaking populasyon sa daigdig. Sa usaping kaunlaran, ano ang implikasyon nito sa yamang-likas ng Asya?a. Marami ang lilinang sa likas na yaman ng Asyab. Maaaring kulangin o mauubos ang yamang-likas ng Asya kasabay ng pagdami ng populasyon.c. Dadami ang yamang-likas ng Asya kasabay ng pagdami ng populasyond. Uunlad ang yamang-likas ng Asya dahil marami ang makikinabang

3. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng pagnipis at pagkabutas ng ozone layer na siyang nagsasala sa matinding sikat ng araw at sa ultraviolet rays?a. patuloy na polusyon sa hangin c. pagkakaingin sa bundokb. pagtatanim ng punongkahoy d. pagsusunog ng basura

4. Ang kapaligiran ay isa sa humuhubog sa pamumuhay ng tao. Ang mga mamamayang nakatira malapit sa dagat ay karaniwang pangingisda ang pangunahing hanapbuhay. Alin sa mga sumusunod ang pamamaraang ginamit ng mga mamamayan sa Timog-Kanlurang Asya upang makaangkop sa kakulangan sa tubig na maiinom?a. Recycle b. Desalination c. Deforestation d. Desertification

5. Pinakasagana sa yamang-mineral ang mga bansa sa Kanlurang Asya. Anong pangunahing produkto ang matatagpuan dito?a. Tingga at bakal b. Phosphate Rock c. Ginto at Tanso d. langis at petrolyo

6. Sa pagtatakda ng lokasyon, mahalagang mabatid ang mga konseptong may kaugnayan dito, tulad ng mga natatanging likhang guhit sa mapa at globo. Anong guhit ang dumaraan sa Greenwich, England at itinalaga bilang zero degree longitude?a. Prime Meridian b. Tropiko ng Kanser c. Ekwador d. Tropiko ng Kaprikorn

7. Ano ang kahalagahan ng pagpapanatili at pagsasaayos ng paggamit ng mga likas na yaman sa hangaring maging balanse ang kalagayang ekolohikal ng rehiyon?a. Dumarami ang turismo sa rehiyonb. Nababawasan ang nalilikhang polusyon sa rehiyonc. Nakakatulong sa pagpaparami ng ating likas na yamand. Napangangalagaan nito ang kapaligiran habang napauunlad ang kabuhayan ng rehiyon

8. Ang lupain sa Asya na hugis buwan ay nagtataglay ng matabang lupain at saganang suplay ng tubig. Ano ang tawag sa bahaging ito ng Asya?a. Arabian Peninsula b. Deccan Plateau c. Ural Mountains d. Fertile Crescent

9. Ito ay isang malawak na sona kung saan madalas nagaganap ang paggalaw ng lupa at pagputok ng mga bulkan na maaaring magdulot ng paglindol. Tinatayang 81% ng mga pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap dito.a. Monsoon Belt b. Pacific Ring of Fire c. Eastern Ghats d. West Bank

10. Sa kabila ng pagkasira ng ng kapaligiran at ekolohiya ng Pilipinas, sanhi ng iba’t ibang kalamidad, nagawa pa ring bumangon ng mga Pilipino. Ano ang katangiang taglay ng Pilipino upang harapin ang pagsubok?a. palaasa sa tulong ng kapwa c. bukas ang isip sa kahirapan bilang bahagi ng buhayb. positibong tumutugon sa mga problema d. sanay sa mga problema

11. Payak lamang ang pamumuhay ng mga tao sa Panahon ng Lumang Bato o Panahong Paleolitiko. Aling pahayag ang naglalarawan sa kanilang pamumuhay?a. pagsasaka at pag-aalaga ng hayop ang ikabubuhay nilab. umasa sila ng lubusan sa kanilang kapaligiran c. gawa sa metal ang kanilang kagamitan

A B C D

Page 2: Pre test(2nd yr.)

d. nanirahan sila sa isang pamayanan12. Sa paggamit ng gulong, maraming kontribusyon ang mga Sumerian na siyang naging batayan sa pag-

unlad ng sinaunang kabihasnan sa Asya. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagpapakita sa imbensyon sa pagsulat.a. paggamit ng chariotb. pagtatag ng zigguratc. pag-imbento ng cuneiformd. pagkakaroon ng Kodigo ni Hammurabi

13. Sa pag-aaral ng mga yugto ng pamumuhay ng tao, papaano sinasabing nagsimula ang pamumuhay ng unang tao?a. pagpapalitan ng mga produktob. pangangalap ng pagkainc. pag-aalaga ng hayopd. pagtatanim ng halaman

14. Ang permanenteng paninirahan at paggamit ng palayok ng unang tao ay naganap dahil sa kanilang pamimirmihan sa isang lugar. Alin sa mga sumusunod ang nagtulak sa unang tao upang mamirmihan?

a. pagtatanimb. pagpapamilyac. paggamit ng apoyd. pakikipagkalakalan

15. Ang panahon ng pag-unlad ng sinaunang tao ay batay sa uri ng pamumuhay, lipunan at teknolohiyang ginamit. Saang labi o artifact kadalasang nakikita ang kanilang pang-araw-araw na gawain?

a. Sa mga dahonb. Sa tipak ng batoc. Sa balat ng hayopd. Sa kweba o yungib

16. Ang pagkakaroon ng sistema ng pagsulat ng mga sinaunang kabihasnan ay naging malaking ambag sa kasalukuyang panahon. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng Sumer?

a. Behiston Rockb. Rosetta Stonec. Heiroglyphicsd. Cuneiform

17. Ang pagpapatayo ni Emperor Shi Huang Ti ng Great Wall of China ay isang malaking ambag ng China sa sibilisasyon. Anong pagpapahalaga ang isinaalang-alang dito?

a. Pagtatanggol laban sa mga kaawayb. Pagpapalawak ng kanyang kaharianc. Paghahangad na maging tanyag na arkitektod. Pagsasaayos ng nasasakupan

18. Ang paniniwala sa reinkarnasyon o muling pagkabuhay sa panibagong kaanyuan ay mula sa mga Hindu. Ano naman ang paniniwala ng Buddismo ayon sa kanilang pananampalataya?

a. Ang pagsamba sa ating kalikasanb. Ang paniniwala sa isang Diyosc. Ang pagdarasal ng limang beses sa isang arawd. Ang pagkakaroon ng adhikain na matamo ang Nirvana

19. Ang Hinduismo ay itinuturing na pinakamatandang organisadong relihiyon sa Asia. Ang mga Hindu ay naniniwalang ang kaluluwa ng bawat tao ay bahagi ni Brahman at hindi magiging lubos na maligaya ang tao kung ang kaluluwa niya ay hindi masasanib kay Brahman. Alin sa mga sumusunod ang impluwensiya ng relihiyong ito sa kalagayan ng mga kababaihan?

a. Ang pagsasagawa ng Suttee o pagsusunog ng biyuda sa sarili kasama ng namatay na asawab. Ang pagsasagawa ng footbinding sa mga batang babaec. Ang pagsusuot ng mga babae ng kimono at Obid. Ang pagsusuot ng babae ng burka

20. Ang pag-aayuno o fasting ay makikita sa halos lahat ng relihiyon sa daigdig. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit isinagawa ang pag-aayuno?

a. para linisin ang kalooban ng tao c. para maranasan ang pagpapakumbabab. para maiwasan ang karamdaman d. para maranasan ang kahirapan

21. Ang Islam ang pangalawa sa pangunahing relihiyon sa buong mundo. Alin sa mga sumusunod ang impluwensiya ng relihiyong ito?a. pagsimba tuwing linggo at sa ibang mahahalagang arawb. pagsamba sa mga kalikasang makikita sa paligidc. pag-aayuno kapag buwan ng Ramadand. Pagkalinga sa mga kapus-palad

Page 3: Pre test(2nd yr.)

22. Gumawa ang mga Sumerian ng irigasyon sa mga kanal upang paunlarin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Samantala, naimbento naman ng mga Babylonian ang kalipunan ng mga batas. Ano ang naging implikasyon sa pagkakaroon nito?a. nagkaroon ng kaayusan ang lipunan b. natatag ang isang malayang pamahalaanc. napaunlad ang pangangalakald. nagkaroon ng ugnayan ang mga bansa

23.Isang mahalagang ambag sa sangkatauhan ang mga batas ni Hammurabi. Anong pagpapahalaga ang isinulong dito?a. Katahimikan ng isang lugarb. Pagmamahal sa mga magulangc. Pagiging matulungin at madamayind. Katarungan at pangangalaga sa karapatan ng mga tao

24. Ayon sa Buddhism, ang buhay at paghihirap ay hindi mapaghihiwalay. Ano ang dapat gawin upang maalis ang paghihirap?a. mag-aral nang mabutib. dapat lutasin ang mga problema sa buhayc. alisin ang pagnanasad. maging masayahin kahit may problema

25. Ang hieroglyphics ay ang sinaunang sistema sa pagsulat na ginamit ng mga taga-Ehipto. Paano ito isinasagawa?a. Paggamit ng matulis na bakal bilang panulatb. Paggamit ng lapis at papel sa pagsulatc. Paggamit ng stylus sa pagkopya ng manuskritod. Paggamit ng papyrus bilang sulatan at papyrus reed bilang panulat

26. Iba-iba ang pamamaraan na ginamit ng mga kanluraning bansa sa kanilang pananakop. May gumagamit ng pakikipagkalakalan o kaya ay pakikipagkaibigan na ang tunay na layunin ay mapasakapangyarihan nito ang sinakop na mga bansa. Alin sa mga sumusunod ang epekto nito sa mga bansang Asyano?a. paglawak ng kapangyarihan ng mga Asyanob. pagyakap sa kulturang kanluraninc. paglinang ng likas na yaman ng kolonyang bansad. pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa

27. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamasamang epekto ng kolonyalismong Kanluranin simula ika-16 na siglo?a. naantala ang pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansang sinakopb. napasakamay ng mga mananakop ang pamumuno sa pamahalaanc. namuhay nang walang kalayaan ang mga sinakop na mamamayand. nadagdagan ang kapangyarihan at karangalan ng mga bansang kanluranin

28. Sa panahon ng pananakop o kolonisasyon sa Timog-Silangang Asya, may mga bagong lahi na dumating sa rehiyon tulad ng mga Europeo, Tsino at Indian. Ano ang naging resulta nito?a. Nagkakaisa ang iba’t ibang pangkat ng lahib. Umunlad ang kabuhayan ng iba’t ibang pangkat ng lahic. Dumami at sumagana ang yamang-likas ng Asyad. nabago ang komposisyong etniko ng lipunan ng mga taga Timog-Silangang Asya

29. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang kanilang pagtutol sa mga Ingles?a. Passive resistanceb. Armadong pakikipaglabanc. Pagbabago ng pamahalaand. pagtatayo ng mga partido pulitikal

30. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa negatibong epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas?a. Naging bukas ang kalakalan ng Pilipinas sa kanluraning bansab. Nakapag-aral ang lahat ng mga Pilipinong nais mag-aral sa ibang bansac. Nagkaroon ng malaking diskriminasyon sa pagitan ng mayayaman at mahihirapd. Naging mabilis ang pag-unlad ng Pilipinas dahil sa makabagong paraan na itinuturo ng mga Espanyol

31. Ano ang nagiging epekto ng kolonisasyon sa mga relihiyon sa Asya?a. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng bansab. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa pananakop ng ibang bansac. Natutunan ng mga Asyano na manakop ng ibang bansang lupain

Page 4: Pre test(2nd yr.)

d. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan32. Tungkol saan ang Mines Act of 1952 ng India?

a. Pagbabawal ng pagtatrabaho sa mga babae sa mga delikadong makinaryab. Wastong pasibilidad ng pangkalinisanc. Day Care Center para sa mga batang wala pang anim na taong gulangd. Pagtatalaga ng hiwalay na palikuran para sa babae at lalaki

33. Ano ang pinakamahalagang ambag ng mga Amerikano sa pamahalaan ng Pilipinas?a. Edukasyon at Literaturab. Pakikipagkalakalanc. Pagkakatuklas ng siyensya at teknolohiyad. Ang pagiging isang demokratikong bansa

34. Ang tahimik na salungatan na namamagitan sa Estados Unidos at Unyong Sobyet mula noong pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay tinatawag naa. Cold War b. Silent War c. Proxy War d. Still War

35. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Britanya noong 1947, nahati ito sa dalawang estado, ang kalakhang India at Pakistan. Ano ang epekto nito sa katayuan ng bansa at mamamayan?a. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Hindub. Nahati ang simpatiya ng mga mamamayan sa dalawang estadoc. Nagsilikas ang karamihan ng mga mamamayan sa ibang bansad. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno

36. Ang dalawang bansang nagsimula ng kolonisasyon ng Asya ay ang?a. Espanya at Portugal b. Britanya at Pransiya c. Rusya at Alemanya d. China at Rusya

37. Ito ang ugat ng sigalot at hidwaan ng mga bansang India at Pakistan.a. Kompetisyon sa larangan ng pulitika at militaryb. Pagkakaiba ng relihiyon at paniniwala c. Pag-aagawan sa lupain/teritoryod. Pagkadominante ng India sa rehiyon

38. Isa sa mga itinuturing na transnational crime ang pagkalakal sa pamaraang legal o illegal ng mga tao, particular ng mga kabataan at kababaihan sa ibang bansa nang walang kapahintulutan ng mga biktima.a. Drug Trafficking b. Money Laundering c. Human Trafficking d. Maritime piracy

39. Aling Organisasyong Asyano ang nagbigay ng simulain para sa mamamayan ng Timog-Asya na magtulungan sa diwa ng pagkakaibigan, pagtitiwala at pag-uunawaan?a. ASEAN- Association of South-East Asian Nationb. SAARC- South Asia Association for Regional Cooperationc. APEC- Asia Pacific Economic Cooperationd. CAREC- Central Asia Regional Economic Cooperation

40. Bakit kailangang mapigilan ang paglaki ng populasyon sa Pilipinas?a. para maiwasan ang kahirapan sa hinaharapb. para hindi magkaroon ng kakapusan sa produksyonc. para hindi magkaroon ng rebolusyon sa bansad. para maging tahimik ang pamayanan

41. Isang Pandaigdigang Organisasyon na may kinalaman sa pagbuo ng mga patakaran sa kalakalan sa pagitan ng mga bansa.a. Asian Development Bankb. World Bankc. World Trade Organisasyond. General Agreement on Tariff and Trade

42. Ang isang proseso ng paglipat ng tirahan mula sa isang rehiyon patungo sa isa pang rehiyon o lungsod ay tinatawag naa. Migrasyon b. Terorismo c. Immigrasyon d. Refugee

43. Anong pamamaraan ang ginamit ng China upang pigilin ang paglaki ng populasyon?a. Contraceptive b. Sterilization process c. Family Planning d. One-Child Policy

44. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan ng pag-unlad ng ekonomiya sa Asya?a. Pamahalaang Awtoritaryanb. Pag-unlad sa pangunguna ng pamahalaanc. Institusyon ng mga pagpapahalagang Asyanod. Network o malakas na ugnayang Asyano

45. Sumikat ang pangalan ni Aung San Suu Kyi sa daigdig dahil siya ang kaua-unahang taga-Myanmar na tumanggap ng premyong Nobel para sa kapayapaan noong 1991. Bakit itinuring na buhay na bayani si Aung San Suu Kyi sa Myanmar?a. Nanguna si Aung San Suu Kyi sa laban sa pamunuang militar ng Burmab. Anak si Suu kyi ng martir na Heneral na Aung Sanc. Si Aung San Suu Kyi ang pinuno ng mga rebelde sa Burmad. Pinanindigan ni Aung San Suu Kyi ang pagbabalik ng demokrasya sa Myanmar

Page 5: Pre test(2nd yr.)

46. Ang isang pamahalaang republika ay maaaring presidensyal o parlamentaryo ang sistemang pinapairal ng isang bansa. Sa sistemang parlamento, ito ay binubuo ng mga mambabatas at pinamumunuan ng punong ministro at gabinete. Ano naman ang komposisyon ng presidensyal na sistema ng pamahalaan?a. Ito ay kinabibilangan ng mga makapangyarihang tao sa lipunanb. Ito ay binubuo ng mga taong itinalaga ng pangulo ng bansac. Ito ay binubuo ng tatlong magkakahiwalay na sangay na may kani-kaniyang tungkulin sa pamamahalad. Ito ay may tatlong sangay ng pamahalaan na kontrolado ng isang pangulo

47. Ang pagkalugmok ng Japan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naging daan upang bumangong muli ito at matamo ang kaunlaran. Alin sa mga ito ang dahilan ng mabilis na pagbangon ng Japan?a. Pagkakaroon ng murang suplay ng krudob. Pagtataglay ng makabagong teknolohiyac. Pagkakaroon ng sapat na lakas-paggawad. Pakikialam ng pribadong sector ng pamahalaan

48. Ang SAARC o South Asia Association for Regional Cooperation ay itinatag noong Disyembre 8, 1985 ng mga lider ng mga bansa sa Timog-Asya na ang layunin ay maiangat ang kabuhayan ng mga mamamayan sa aspetong pang-ekonomiya, panlipunan at pang-kultura. Anong pagpapahalaga ang ipinakita nito?

a. pagpapahalaga sa pagtutulungang panrehiyonb. pagpapahalaga sa pagkakamit ng kapayapaanc. pagpapahalaga sa pagkakamit ng kaunlarand. pagpapahalaga sa paglinang ng likas na yaman

49.Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na dahilan sa patuloy na lumalalang kahirapan sa Asya?a. Kawalan ng maayos na hanapbuhayb. Kawalan ng suporta sa edukasyon ng mga mamamayanc. Mahinang ugnayan ng mga bansad. Pagkakaiba-iba sa uri ng pamahalaan

50. Ang suliraning ito sa lupa ay karaniwang nagaganap sa rehiyong tuyo o bahagyang tuyo. Anong suliranin ito?a. Polusyon b. Siltation c. Salinization d. Desertification