9
Si Momoy, Ang Batang Nanghuli ng Diwata Kwento at Guhit ni RM Custodio

Si momoy, ang batang nanghuli ng diwata

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Si momoy, ang batang nanghuli ng diwata

Si Momoy, Ang Batang

Nanghuli ng Diwata

Kwento at Guhit ni RM Custodio

Page 2: Si momoy, ang batang nanghuli ng diwata

Minsan, may isang batang makulit na mahilig manghuli ng kung anu-anong hayop sa

kakahuyan. 

Isang araw, umuwe ng marungis si Momoy habang dala-dala ang ilang uri ng hayop.

May dala siya sa kaliwa niyang kamay na isang dambuhalang garapon na may lamang

palaka, at sakanyang kanang kamay, dala naman niya ang isang dambuhalang bayawak.

Pinaglaruan niya ang mga palaka at bayawak ang kanilang nagging hapunan.

Page 3: Si momoy, ang batang nanghuli ng diwata

Matagal nang pinagsasabihan si Momoy na tigilan na ang panghuhuli ng mga hayop kasi

hindi yun ang dapat niyang pinagaaksayahan ng panahon, kundi ang kanyang pag-aaral.

Pero itong si momoy, may katigasan ang ulo kaya marahil nangyari ang isang pamabihirang

pangyayari sa kanyang buhay.

Page 4: Si momoy, ang batang nanghuli ng diwata

Isang araw nakalubog sa sapa si Momoy habang naghahanap ng kanilang magiging hapunan ,

naghahanap siya ng mga suso. Napakadaming suso sa sapa at may isang suso na

maganda at kumikinang sa ilalim ng araw kaya nang makita ni Momoy ang susong iyon , kinuha

niya ito. Pagkakuha niya, biglang may sumigaw!

AAaaaarrrraaayyyy!!! 

“Wala naming tao dito! mumo! mama! mumo!”Sabi ni Momoy.

 Pagbukas ni Momoy sa kamay niya, nagulat siya

sa nahui niyang suso. 

“Aaaahhh ! nagsasalita yung suso!”

Page 5: Si momoy, ang batang nanghuli ng diwata

Lalo pang nagulat si Momoy nang Makita niyang may maliit na babaeng nakasakay sa suso,

 at ang sabi sa kanya,

 “pakawalan mo ako ngayun dn, pakawalan mo ako

salbaheng bata!” 

Pero hindi ito pinakawalan ni Momoy, 

Kinuha ni Momoy ang dambuhalang garapon niya, at nilagay niya ang suso na may maliit na babae

at pinaglaruan ito. 

“Ang ganda ng laruan ko, susong may babae”

Page 6: Si momoy, ang batang nanghuli ng diwata

Nang tinignan niya ang garapon, parang wala ng buhay ang maliit na babae sa suso kaya ang ginawa

niya tinaktak niya ang garapon 

“hala, patay ka na? gising ka muna, laro pa tayo, huwag ka mung mamatay!”

 Nagulat si Momoy nang biglang lumipad ang maliit

na babae,at sinabi ng diwata,

“hindi mo ba alam na akoy isang diwata, dahil sa ginawa mo paparusahan kita!”

 “sorry! hindi ko naman alam na diwata ka!”

Sabi naman ni Momoy.

Page 7: Si momoy, ang batang nanghuli ng diwata

Pero wala nang nagawa si momoy dahil lumipad na papalayo ang diwata.

 Habang pauwi na si Momoy sinabi niya sa sarili,

 “hala, anong gagawin ko,lagot ako sa diwata,

paparusahan daw niya ako.” 

Tapos biglang nagulat si Momoy dahil may nakasalubong siyang dragon!

Tinatakot si momoy ng dragon, at tumakbo nang tumakbo si Momoy,

 Papalapit na nang papalapit ang dragon kay

Momoy at pagkalapit ng dragon sakanya, sinabi ni momoy na,

Page 8: Si momoy, ang batang nanghuli ng diwata

“huwag mo akong kakain! marami pa akong pangarap dragon”

 Biglang tumahimik ang dragon.

 Pagdilat ni Momoy, nakita niyang nakatabi lang sa

kanya ang dragon at muling gumana ang malikot na isip ni Momoy at sumakay sa dragon,

sabi ni Momoy, 

“ang taas mo naman dragon, ang tigas pa ng balat mo!

 Nang makaskay na si momoy sa dragon sinabi niya

dito na, “lipad tayo dragon! laro tayo dragon!”

Page 9: Si momoy, ang batang nanghuli ng diwata

At inilipad siya ng dragon at lumipad ng mataas na mataas ang dragon hanggang sa mahawakan

ni Momoy ang mga ulap sa kalangitan. 

Nang kinagabihan na, at pagod na si Momoy at ang dragon bumaba na sila sa kakahuyan at

bumaba na rin si Momoy sa dragon, 

Nagpaalam ang dragon kay Momoy at lumipad na papalayo sakanya,

 at ang sabi ni Momoy,

“Paalam kaibigang dragon !pinasxaya mo ako, hanggang sa muli nating pagkikita, lipad tayo ulit

ha!”