Upload
reimuel-bisnar
View
1.775
Download
24
Embed Size (px)
Citation preview
Kahalagahan ng Pagbigkas
Sa pakikipagbahagian ng isipan o ideya, tayo
ay nagiging bukas na tumanggap ng kaalaman
ng iba.
Sa pakikipagtalastasan ay nagkakaroon ng
pagpapalitan ng kuro-kuro. Nilalaman ng mga
bagay na dapat bigyan ng pansin, punahin o
baguhin.
Mga Aspeto:
A. Aspetong Sosyal
- bahagi ng ating sariling kaisipan.
- tuwing nakikipag-usap, nakikisalamuha at
nakikipagpalitan ng kuro-kuro ay
inihahayag ang niloloob o nadarama.
Halimbawa:
Ganyan tayo, di pahuhuli. Sa anumang
larangan, pangkabuhayan, pangsibiko o pang-
edukasyon man kayat handang magpalit,
magdagdag ng naiiba upang patuloy na maiangkop,
makipagtalastasan tungo sa ikasusulong. Ang wika
natin ay kalasag sa pakikipagpingkian ng talino.
B. Aspetong Pampulitika
- pagpapahayag ng opinyon, paninindigan o
reaksyon sa isang isyu na may kinalaman sa
bansa, lipunan o komunidad.
- mas mainam na ginagamit sa malayang
talakayan na nagbubunsod sa isang pagkilos
o paggawa ng isang plano.
Halimbawa:
Bandilang Filipino malayang pumapagaspas
sa kanyang tadyang: simbolo ng kalayaan, kaisahan
at katatagan.
C. Aspetong Espirituwal
- sermon o homiliyang ibinibigay ng
isang pari o pastor.
- may kinalaman sa Diyos at
pananampalataya, asal at mga
pinahahalagahan, gawi at pananaw ng
tao.
Halimbawa:
Tayong mamamayan bigyang kahalagahan
Magandang bagay kaloob ng Maykapal
Lalawak, yayabong ating kabuhayan
Mahalin natin ito habang nabubuhay.
Mga Uri ng Pagpapahayag Ayon sa Layunin
1. Palahad
- ang paghahanay ng mga katuturan at
kahulugan ng isyu upang mabigyan ng maganda
at katanggap-tanggap na paliwanag o interpre
tasyon ang isang puntong pinag-uusapan.
Layunin: makapagbigay ng paliwanag.
2. Pasalaysay
- pagsasabi ng mga pangyayari,
katotohanan o bagay na may kaugnayan sa
paksa na may maayos at kapanipaniwalang
pagkakasunod-sunod ng data.
- Layunin: maghatid ng kabatiran ng mga
kapaki-pakinabang na ulat.
3. Palarawan
- pagbigkas na paglalarawan ng hugis,
anyo, kulay, sukat ng pinag-uusapan.
Binabanggit din ang katangian, kaibahan o
kakayahan ng pinag-uusapan.
- Layunin: mabigyan ng malinaw na
diskripsyon ng bagay na tinatalakay.
4. Pakatuwiran
- paghikayat ng tagapagsalita sa mga
nakikinig sa pamamagitan ng pagbibigay
dahilan, sanhi o katwiran hinggil sa paksa.
- Layunin: hikayating kumilos, magpasya
at gumawa ng desisyon ang nakikinig.
TulaBinubuo ng katipunan ng mga salita na gumagawa
ng isang linya upang bumuo ng saknong at
bibigkasin ng may tugma sa dulo ng pantig kung
saan may magkakatulad na tunog.
Nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, mensahe o
kasaysayan ayon sa kanyang uri.
Naka-aaliw pakinggan sa taglay niyang kakaibang
dating sa nakikinig.
Mahahalagang Bagay Tungkol sa
Tula
a) Ponolohiya
- tinutukoy nito ang wastong tunog ng salita.
- wastong paglalagay ng diin gayon din ng pag-
iiba ng tinig at paglalagay ng tamang paghinto
sa pagbigkas ng tula.
- dapat iayos ang paghinto o pagpapahaba sa
pagbigkas ng salita.
b) Ponema
- Ang pinakamaliit na makahulugang tunog sa
pagbigkas ng tula. Maaring magkatulad ang
baybay ng salita subali’t sa impit sa dulo ng
ponemang patinig ay naiiba ang kahulugan.
Aso Asô
c) Intonasyon
- ang pagbaba o pagtaas ng tinig
- 4 antas ng tono:
1 = mababa
2 = katamtaman/normal
3 = mataas
4 = pinakamataas
d) Paggamit ng Tugma
- ang pagkakatulad o pagkakapare-pareho
ng huling tunog sa hulihan o ng mga huling
salita sa bawat taludtod.
Halimbawa:
Salitang banyaga ating sanayin
Dapat ding mahalin at linangin.
Mga Tuntunin sa Paggamit ng Tugma
1. Mga salitang nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r,
y, b, k, d, g, p, t, s.
2. Ang mga huling salita na may nagkakatulad
na titik ay maari ring magkatugma
2 uri ng paglalarawan:
1. Karaniwan – kaanyuan o kaayusan, uri at klase na ordinaryo
lamang, katanggap-tanggap at ginagamitan ng mga salitang
payak at madaling maunawaan.
Halibawa:
Ang silid ay maliit, maayos, yari sa kahoy at may maliit
na bintana.
2. Makasining – ginagamitan ng piling-pili na salita na
nagpapatingkad sa anyo ng bagay.
Halibawa:
Animo’y bathaluman, lumalakad ito ng taas noo, buong
tiwala sa sarili tinutunton ang daan.
Dagdag na Ulat sa Tula
Ang isang uri ng tula na di gumagmit ngtugmaan, bilang at sukat ay tinuturing natulang di-pormal, o katumbas ng free-verse.
Minsa’y may isang anak
Lumapit sa giliw na ina At nagtanong ngganito
Inang, aniya, bakit ba kay gulo ng mundo?
Ako’y natatakot, ako’y nalulumbay
Ano ba ang magiging kapalaran ko?
Mula sa Salik Ng Karapatang Pantao
TANAGA – mahalagang ambag ni Ildefonso Santos. Ito
ay maaring iagapay sa HAIKU. Binubuo ng 7 pantig, ang
bawat linya. Bawat saknong ay binubuo ng apat na linya
at nagtataglay ng talinghaga.
Pag-ibig
Parang talang marikit
May taglay na pang-akit
Hangad njyang makamit
‘Wag sanang ipagkit.
Uri ng Tula Ayon sa Paksa1. Pandulaan – mga tulang may kwento, mahaba at karaniwang
pan-entablado. Ang tauhan ay buhay na kumikilos,
nagsasalita at gumagalaw. Maaaring malungkot, masaya,
nakakaiyak o nakakatawa.
2. Liriko – Mga tula na nagpapahayag ng damdamin ng saya,
lungkot, tagumpay, takot o pagkabigo. Ilan dito ay soneta,
ode at elehiya.
3. Epiko – Mga tulang may kuwento ng kagitingan, pakikibaka
at kabayanihan ng mga likhang isip at may mga pambihirang
kakayahan ang pangunahing tauhan o bida
Uri ng Paghahambing sa Tula1. Simili – Ito ay nagpapaganda sa tula, paghahambing na ginagamitan ng tulad,
paris, animo’y wangis, gaya.
Hal:
Wangis niya maputing ulap sa kaputian
Biglang naglaho na animo’y bulalakaw
Tulad mo sa ganda’y birhin sa dambana
2. Metapora – isang paghahambing ng bagay sa isang tao o tao sa isang bagay.
Hal:
Si inay ay ilaw, si itay ay matibay na haligi
Pinakamaganda sa balat ng lupa, diyosa sa ganda
Mapagpalang kamay, laging handang tumulong
Pamantayan sa Pagbigkas ng
Tula
1. Pagbigkas – ito ay pagpapahayag ng tula kung saan
gumagamit ng wastong diin sa pagbigkas. Malinaw
ang pagsasalita at gumagamit ng wastong pagputol
nito.
2. Tinig – isa sa mahalagang elemento sa pagbigkas ng
tula ay ang kalidad ng boses. Dapat buo, swabe at
maganda ang dating sa nakikinig.
3. Tikas – impresyon na ibinibigay ng bumibigkas sa
kanyang mga tagapakinig. Bahagi pa rin nito ay ang
tindigan ng bibigkas ng tula.
4. Galaw at Kumpas – ang paraan ng pagkilos at paggalaw
ng tumutula. Mula sa paghakbang pauna, pakaliwa o
pakanan man, pagkumpas ng kamay pataas, pababa,
pakaliwa o pakanan man. Kasama din ang paggalaw ng
ulo kung sumasang-ayon; pag-iling kung ito ay may
pagtutol. Tinitingnan din ang pagkislap ng mata na
nagpapakita ng katapatan ng bumibigkas.