Upload
jenver-mojica
View
1.086
Download
8
Embed Size (px)
Citation preview
Ang Pamahalaan at Kahalagahan
Nito
Talasalitaan: Deportasyon- Pagbabalik ng di kanais –
nais na dayuhan sa bansang pinanggalingan.
Impeachment- paraan ng pagdinig ng kaso laban sa isang mataas na pinuno ng
pamahalaan na maaaring humantong sa pagpapaalis sa kanya sa pwesto.
Party List- partidong pampulitika na kumakatawan sa mga partikular na sektor ng
lipunan sa mababang kapulungan.
Ang Pamahalaan“ Ang Tanging layunin ng pamahalaan
ay ang kagalingan ng mga tao sapagkat sila ang dugo, buhay, kayamanan, at
kapangyarihan.” –Emilio Jacinto
Mula sa mga katagang ito ng ating bayaning si Emilio Jacinto, mahihinuha natin ang kanyang paniniwala na ang pamahalaan ay marapat na maging tagapagtaguyod ng
kagalingan ng mga mamamayan.
Anong kagalingan kaya ang tinutukoy ng ating bayani? At sa twing naririnig natin ang salitang “Pamahalaan” ano ang
unang napasok sa ating mga isipan?
Ang Pamahalaan Isang institusyon na tumutugon
sa kagalingan panlipunan at pangkabuhayan ng mamamayan.
Ito rin ang nagpapahayag ng damdamin, at opinyon ng mga tao
at nagpapatupad kung ano ang pasya o desisyon ng nakararami.
Ang pamahalaan din ang bumubuo, nagpapahayag, at
nagpapatupad ng mga layunin at kautusan ng Estado.
Ang Pamahalaan Ang pamahalaan rin ang isang institusyon na namamahala at namumuno sa isang bansa at gumagawa ng mga batas na
ipinapatupad upang mapaglingkuran at mapangalagaan
ang kapakanan at kaligtasan ng sambayanan.
Sila din ang nagpapatupad sa mga taong bayan ng mga hangarin,
mithiin, at layunin ng bansa.
Pagtataya!!!!(Balik-Aral)
Sabihin kung ang mga sumusunod ang
nagpapaliwanag kung ano ang pamahalaan(oo) o
hindi.
1. Intitusyong naglalapit sa tao at Diyos.Hindi
2. Institusyong nagpapahayag ng damdamin at mithiin ng tao.Oo
3. Institusyong binubuo ng mga tao o mga taong nanunungkulan sa bansa na may takdang panahon.
Oo4. Institusyong nangangalaga sa bawat miyembro ng
pamilya.Hindi
5. Institusyong nangangalaga sa kaligtasan ng buong mamamayan.
Oo 7. Institusyong nagpapatupad ng mga batas para sa
kapakanan ng lahat ng mamamayan.Oo
8. Institusyon na may mga halal na pinuno na kumakatawan sa mga mamamayan
Oo