11

Isang Dipang Langit at Tayutay

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Isang dipang langit at tayutay

Citation preview

Page 1: Isang Dipang Langit at Tayutay
Page 2: Isang Dipang Langit at Tayutay

NiAmado Vera Hernandez

Page 3: Isang Dipang Langit at Tayutay

Isang Dipang Langitni Amado V. Hernandez

Ako’y ipiniit ng linsil na punoHangad palibhasang diwa ko’y piitin,Katawang marupok, aniya;y pagsuko,Damdami’y supil na’t mithiin ay supil.

Page 4: Isang Dipang Langit at Tayutay

Ikinulong ako sa kutang malupit:Bato,bakal,punlo,balasik ng bantayLubos na tiwalag sa buomg daigdigAt inaring kahit buhay man ay patay

Sa munting dungawan, tanging abot malas

Ay sandipang langit na puno ng luhaMaramot na birang na puso may

sugat,Watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanodSa pintong may susi’y walang

makalapitSigaw ng bilanggo sa katabing moogAnaki;y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikalaNa kala kaladkad ng paang madugoAng buong magdamag ay kulambong

luksaNg kabaong waring lungga ng

bilanggo.

Page 5: Isang Dipang Langit at Tayutay

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag

Kawil ng kadena ang kumakalandingSa maputlang araw saglit ibilad

Sanlibong aninong inil’wa ng dilim

Kung minsan ang gabi biglang magulantang

Sa hudyat may takas ! At asod ng punlo

Kung minsa’y tumatangis ang lumang batingaw

Sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayonBilangguang mandi’y libingan ng

buhaySampu, dalawampu at lahat ng taonNg buong buhay ko’y dito mapipigtal

Page 6: Isang Dipang Langit at Tayutay

Ngunit yaring diwa’y walang takot – hirap

At batitis parin itong aking pusoPiitay bahagi ng pakikilamas

Mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.

Ang tao’t bathala ay di natutulogAt di habang araw ang api – ay apiTanang paniniil ay may pagtutuosHabang may may bastilya;y may

bayang gaganti.

At bukas , diyan din, aking matatanaw

Sa sandipang langit na wala ng luha

Sisikat ang gintong araw ng tagumpay

Layang sasalubong ako sa paglaya.

Page 7: Isang Dipang Langit at Tayutay

1.Sa inyong palagay bakit kaya napiit ang nagsasalita sa tula?

2. Ilarawan ang bilanguan batay sa saknong 2– 8, Ganito parin kaya ang mga bilangguan natin ngayon?

3. Ano ang damdamin ng persona sa saknong 9 – 11 ?4. May buhay pa nga kayang haharapinang mga katulad niya paglabas ng bilangguan? Patunayan.

Pagsusuring pang nilalaman

Page 8: Isang Dipang Langit at Tayutay

-Ay ang sadyang paglihis sa pangkaraniwang pagpapakahulugan ng mga salita upang magbigay kulay at mabisang kahulugan.

Uri ng tayutay / talinhaga

Tayutay / Talinhaga

1. Pagtutulad (simile)

Ito ang tayutay na naghahambing sa dalawang tao, bagay, o pangyayari satulong ng mga salitang nagtutulad, gaya ng kapara/para, gaya, kawangis/wangis,paris,animo, tila , mistula at iba pa.

HALIMBAWA:Parang bato sa tigas ng kanyang

puso.Sakong na wari’y kinuyom na rosas.

Page 9: Isang Dipang Langit at Tayutay

2. Pagwawangis (metapora) – Ito ay ang diretso o tiyakang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay nang hindi na ginagamitan pa ng mga salitang nagtutulad.

HALIMBAWA: Ang buhay ay gulong: minsan nasa ibaba minsang

nasa itaas.3. Pagbibigay – katauhan (personipikasyon) – Ito;y pagsasalin ng talino gawa o kilos ng tao sa karaniwang bagay.

HALIMBAWA: Kung minsay tumatangis ang lumang batingaw.

Page 10: Isang Dipang Langit at Tayutay

4. Pagmamalabis (hyperbole) - Dito’y lubhang pinalalabis o sinusobrahan ang paglalarawan ng kalagayan ng tao bagay , pangyayari at iba pa.

Halimbawa:Sa maputlang araw saglit ibibilad.

5. Panawagan ( Apostropi) – Ito’y pakikipag-usap sa karaniwang bagay o isang kaisiupan na parang buhay na tao, o sa isang taong wala sa harapan subalit parang kaharap at kinakausap.

HALIMBAWA: O pag – ibig na makapangyarihan Pag ikaw ang nasok sa puso nino man\Hahamakin ang lahat masunod ka lamang.

Page 11: Isang Dipang Langit at Tayutay

WAKAS….MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG …

Ihinanda ni : Gng. Katrina D. Aquino -Alapre