Upload
marife-jagto
View
4.050
Download
7
Embed Size (px)
DESCRIPTION
4th year lesson. pls read and understand
Citation preview
ANG EKONOMIKS BILANG ISANG AGHAM
Saan nagmula ang salitang Ekonomiks?
Ito ay nagmula sa Salitang Oiko Salitang Nomos o Nomia
Ekonomiks
Siyensya patungkol sa produksyon,
distribusyon at pagkonsumo.
Siyensya ng Pagpili na pinagaaralan ang mga
paraan sa paggamit limitadong
pinagkukunang yaman.
Pagaaral sa kung paano pinipiling gamitin ng mga
tao at lipunan ang limitadong yaman
ng bansa.
Ano nga ba ang Ekonomiks?
Isang pag-aaral kung papaano ginagamit ng mga indibidwal at lipunan ang mga kakaunting yaman na ipinamana ng kalikasan at mga naunang henerasyon.
Pagaaral kung paano namimili ang mga tao.
Mga Dapat Tandaan Ukol sa Pagaaral ng Ekonomiks Ang Limitadong Yaman ay nagbubunga ng
suliranin ng kakapusan na siyang dahilan nang patuloy na pagsisikap ng tao sa kanilang buhay.
Ang Tao ay may Walang Katapusang Pangangailangan, dahil wala din itong kasiyahan.
May dalawang aspeto ng buhay na nagbubunga ng problemang pang-ekonomiya-kakulangan ng pinagkukunang-yaman at walang katapusang paghahangad ng tao
Bakit Mahalaga ang Ekonomiks? Tumutulong upang makilala at
maharap ang pambansang mga isyu at mga suliranin.
Minimulat sa mga mamamayan ang hinggil sa usaping panlipunan upang magkaroon ng mapanuring pag-iisip at paguunawa.
Himuking makibahagi ang mga mamamyan sa pambansang programa ukol sa makabuluhang pagbabago sa lipunan.
Bakit Ito tinawag na Agham Panlipunan?
Isa itong sangay ng Agham Panlipunan dahil ito ay nakatuon sa
pag-aaral ng mga tao bilang bahagi ng lipunan na makakatulong sa pagtugon ng napakaraming pangangailangan at hiling ng tao.
Ano Ang relasyon ng Ekonomiks sa Iba pang Agham Panlipunan?
istory (Kasaysayan)
Ang mga tala noong unang panahon ay nagiging basehan ukol sa mga hakbangin ukol sa pagpapaunlad pang-ekonomiya.
Heograpiya
Tinutuunan nito ng pansin kung saan matatagpuan ang mga likas na yaman ng bansa.
Iba Pang Panlipunang Siyensya Pilosopiya, Etika, Sosyolohiya at Teolohiya
Nagpapaalala hinggil sa pamantayang Moral o pagpapahalaga na gagabay ukol sa payapang pakikipagugnayan pangkalalakal.
Matematika
Dahil Itinuturo ang mga prinsipyo at kasanayang pambilang at kaalamang pandatos o estadistika.
Kalakalan at Komersiyo
Dahil Pinagaaralan din sa Ekonomiks ang mga sistema at prinsipyo ukol sa kalakalan.
Agham Pisikal
Kemistri- ang mga kemikal na ginagawang negosyo.
Pisika- kailangan sa pagpaparami ng produksyon.
Biyolohiya- ang paghahayupan ay maaring lumikha ng mas maraming oportunidad at trabaho.
Mga Ekonomista na tumulong sa Pagsibol ng Ekonomiks
Physiocrats
Naniniwala sa kahalagahan ng kalikasan sa pagunalad ng ekonomiya (Rule of Nature).
Tableau Economique- upang magkaroon ng balanse at ekwilibriyong ekonomiya kailangang gamitin ng wasto ang likas na yaman upang umunlad.
Francois Quesnay
Merkantalista
Naniniwala sa kapangyarihan ng mga mahahalagang metal tulad ng ginto at pilak upang mapaunlad at maisulong ang ekonomiya.
Classicists- Adam Smith
Si Adam Smith ang Tianaguriang Ama ng Makabagong Ekonomiks.
Ipinahayag niya ang Doktrinang Laissez Faire o Let alone policy- nagsasaad na hindi dapat pakialaan ng pamahalaan ang tao sa pagpapaunald ng mga industriya bagkus bigyang pansin ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan, Isinulat niya ito sa kanyang libro.
Modern School of Economics- David Ricardo Labor Theory of Value Law of Diminishing
Returns-ang pagdami ng tao ay nagsisilbing dahilan ng pagbubungkal sa di mabuting lupa upang matustusan ang pangangailangan ng tao.
Malthusian School of Economics Ang Populasyon ay
mas mabilis lumaki kaysa sa suplay ng pagkain na maaring magbunga ng pagkagutom.ng maraming tao na makakaapekto sa pagsasagawa ng mga mahahalagang gawaing pangkabuhayan.
Neoclassicist- John Maynard Keynes
Ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan upang mapanatii ang ekwilibriyo sa pamamagitan ng pagayos ng demand, suplay at presyo sa pamilihan.
Komunismo-Karl Marx
Inilahad ni Marx ang mga salik na maka tutulong sa pag-angkat ng kabuhayan ng bansa sa paraan at sistema upang isaayos ang paggamit ng mga yaman ng bansa.
Proletariat.