View
0
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
Central Luzon State University
Kolehiyo ng Sining at Agham
Departamento ng Filipino
FILIPINO 115
PANITIKAN NG MGA REHIYON SA PILIPINAS
Ipinasa ni: Neil Christian A.Domingo
BSIT 2-1
Ipinasa kay: Prop. Potenciana R. Babasoro
Kabanata VIII:
Alin ang Lalong Nagpapatino sa Anak, Pamalo o Pangaral?
Kahinaan at Kalakasan ng Akda
Sa pamagat pa lamang ng akda ay matatamo natin na ito ay tungkol sa isang
balagtasan na kung saan ay may dalawang taong magpapaliwanagan at magbabahagi ng
kanilang paraan/opinyon kung ano ang tamang paraan sa pagdidisiplina ng mga magulang
sa kanilang mga anak.Kung ito ba ay idadaan sa pangangaral o kung ito ay gagamitan ng
dahas o pamalo.
Sa aking opinyon, Ang kalakasan ng akda ay mauunawaan ng mga mambabasa ang
bawat pahayag ng dalawang panig.Mauunawaan ang bawat pangaral ng mga magulang at
maunawaan ng mambabasa bilang anak ang kanilang mga pagkakamali sa bawat palo ng
kanilang mga magulang at ang rason o dahilan ng mga magulang kung bakit sila
gumagamit ng pamalo sa pagdidisiplina ng kanilang anak.Bawat panig ay naipaliwanag ang
kanilang opinyon.
Sa kahinaan naman,Base sa aking pagkakabasa ay hindi sapat para ang paliwanag
nang tagapagsalita ng Pamalo,dahil sa sa aking opinyon ang tamang pag didisiplina ng
magulang sa kanilang anak ay hindi lamang sa dahas idinadaan kundi sa isang
masinsinang pag paparangal.
Implikasyon sa:
Panahon
Ang panahon sa akda ay maaring panahon mula sa nakaraan o kaya naman ay
panahon sa ngayon.
Lugar
Base sa aking nabasa,Nakikita ko ang lugar ng pinagganapan ng akda ay isang
entablado na kung saan nandoon ang lakandiwa,ang tagapagsalita ng sa pangaral at
ang tagapagsalita ng sa pamalo.Sila ay nakaharap sa maraming mga manonood
Aral
Ang bawat isa sa tagapagsalita ay nag iiwan ng aral sa mga tagabasa.Ang
tagapagsalita ng pangaral ay nag-iiwan sa atin ng mga aral upang maitama natin ang
ating mga pagkakamaling nagawa bilang anak.Ang tagapagsalita naman ng Pamalo ay
nagpapakita at nakapagpapaunawa sa atin na ang ating ginawa ay mali.Ang sinabi ng
panig sa pangaral na “Pag ang bata ay lumaking suwail at di matino,ang paghampas na
panakot ang sa kanya ay bumigo mangyari pa iyang batang di inaralan nang wasto at
sa pamalo mo pinundi ang nahungkag niyang bungo” ay nagsasabi na hindi dapat laging
sa dahas idinadaan ang pagpapangaral ng magulang sa kanyang anak,sapagkat
maaring tumatak sa isipan ng anak na siya ay madalas saktan ng kanyang mga
magulang,ito dapat ay sinasamahan din dapat nang pangaral upang mas maintindihan
ng anak ang kanyang pagkakamali.Ang Pangaral at Pamalo ay parehas na mahalaga sa
pagdidisiplina sa mga anak,sapagkat ang mga paraang ito ang makakapagpatuwid at
makakapagtama sa mga pagkakamaling nagagawa ng mga anak.
Buod
Ang akda ay tungkol sa isang balagtasan.Ang balagtasan ay tungkol sa mas mainam na
paraan sa pagpapatino ng mga magulang sa kanilang mga anak.Ito ay nahati sa
dalawang panig,Una ay ang panig ng sa Pamalo at ang ikalawa ay ang Pangaral.Ang
bawat panig ay mayroong isang tagapagsalita upang ipaliwanag ang kanilang panig sa
napili nilang paraan sa pagpapatino sa kanilang mga anak.Sa simula ng panawagan ng
bawat panig ay makikita na ang tagapagsalita ng sa pamalo ay may hawak na pamalo at
ang tagapagsalita naman ng pangaral ay may dalang dalawang aklat.Sa unang tindig pa
lamang ng balagtasan ay nagpakitang gilas na ang tagapagsalita ng pamalo sa
pamamagitan nang kanyang pag kuwestiyon sa dalang libro ng tagapagsalita ng
pangaral.Sa kanyang opinyon ay Hindi sapat ang libro sa pagpapatino ng anak sapagkat
magmamalabis ang mga anak kapag winili ito sa pag paparangal na pagtitimpi lamang,
Ang kanyang pilosopiya sa pagpapatino ay ang pagpalo sa anak sa tuwing may
pagkakamali itong ginawa,Ang opinyon naman ng tagapagsalita ng pangaral ay hindi
dapat idinadaan sa init ng ulo ang pagpapatino sa kanilang mga anak,Ito dapat ay
idinadaan sa masinsinang pakikipag usap at pagpangaral sa kanilang mga anak ng sa
ganoon ay maunawaan nila ang kanilang pagkakamaling nagawa.Walang nagpatalo sa
magkabilang panig hanggat nagsalita na ang lakandiwa na parehas na kailangan ang
pamalo at pangaral.Patas ang naging husga sa magkabilang panig at ang tunay na
nanalo ay ang tagapagpakinig sa balagtasan
Tauhan
Ang mga tauhan sa akda ay ang Lakandiwa ng balagtasan na si Fernando Monleon,
Ang makata ng Laguna,Tagapagsalita sa panig ng Pangaral na si Emilio Mar.
Antonio,ang makata ng Bulakan at ang tagapagsalita sa panig ng Pamalo na si Teo S.
Baylen,Ang makata ng Kabite
Kabanata IX
Kung Pista Penafrancia
ni Merlinda C. Cantre
Kahinaan at Kalakasan ng Akda
Ang kalakasan ng akda ay naipapakita dito ang lakas ng pananampalataya ng
mga katolikong Pilipino sa Naga at ang kanilang panatang debosyon sa Nuestra Senora
De Penafrancia o kung tawagin ay ina.Naipapakita din dito ang pagkakaisa ng mga tao
sa kanilang paghahanda para sa kapistahan ng kanilang patron,mula sa alkalde ng naga
hanggang sa mga taong bahay ay nakikiisa sa nalalapit kaganapan.Ang pagsasama
sama ng mga pamilyang nasa malayo sa pagsapit ng pista.
Ang kahinaan ng Akda ay ang pag gastos ng mga tao sa naga sa kanilang
kapistahan,Maaari naman itong ipagdiwang sa isang simpleng paraan ngunit ito ay
talagang pinagkakagastusan taon taon.
Implikasyon sa:
Panahon
Ang panahon sa Akda ay parehas na panahon mula sa nakaraan at ang
panahon sa ngayon dahil nakasaad sa akda ang mga tradisyon na kanilang ginagawa
sa pagsapit ng pista mula noon hanggang sa ngayon.Masasabi ko na ito ay mula sa
nakaraan sapagkat ang Birhen ng Penafrancia ay mahigit limang daang (500) taon nang
nasa naga,ibig sabihin mahigit limang daanng taon na din ipinapagdiwang ang pista ng
penafrancia.Lugar
Ang lugar ng pinaganapan sa akda ay sa Visayas sa bayan ng Naga kung saan nandoon ang kanilang patron sa si Inang Penafrancia.
Aral
Ang aral sa akda ay ang pakikipag isa ng mga tao.Ang pagbabayanihan at
pakikibaka nating mga Pilipino sa ating kapwa.
Buod
Ang kapistahan ng Nuestra Senora De Penafrancia ay nangyayari tuwing ikatlong lingo
ng buwan ng setyembre sa araw ng linggo at sabado sa Arsidyosesis ng Nueva Caceres
ng Naga. Ang fiyesta sa Naga ay tinatao,matao dahil kung saan saan nanggagaling ang
mga ito,may mamimista,may manininda at ang iba naman ay deboto ni inang
penafrancia.
Buwan pa lamang ng Hunyo,Unti unti nang pinaplano ang pagdiriwang ng
kapistahan. Ang mga bikolano ay nag iipon ng pera para sa maramihang gastusan sa
pagsapit ng pista.Sa mga pamilya namang nakapagaaral, uuwi ang mga anak,kapatid o
ama na sa maynila nagtratrabaho.Ang plano para sa palabas sa pista ng Penafrancia ay
isinasagawa ng local na gobyerno ng naga na pinangungunahan ng alkalde at ng
kanyang bise.Susunod naman dito ay ang mga patimpalak para sa pagpili sa Ginoo at
Ginang Penafrancia ng taon at iba pang mga masasayang programa.
Sa ikalawang sabado ng setyempre ginaganap ang translacion na kung saan
iprurpusisyon ang birhen ng Penafrancia sa magmumula sa basisica minore na kung
saan doon ito nakalagak patungo sa metropolitan katedral ng arsidiyosesis kung saan
dito isasagawa ang mga vigil.Ang prusisyon ay pinangungunahan ng Divino Rostro, ang
imahen ng birheng maria hawak hawak ang panyong ipinunas kay kristo ng siyay
pinahirapan ng mga hudyo.Ang Inang Penafrancia ay nasa huling bahagi ng prusisyon
na pinagtutulungang pasanin ng mga lalaking iisang kulay ang damit na suot.
Sa mismong araw ng kapistahan ay isinasagwa ang Fluvial Procession, isang
prusisyong tubig upang isauli ang birhen ng Penafrancia sa tahanan nito sa basilica
minore.Sa bikol river idinadaan ang prusisyon kung saan may malaking Bangka na
sakay sakay ang mga lalaki.Hindi pwede isakay ang mga babae dahil paniniwala ng
mga matatanda na kapag nagsakay ng babae sa bangka ay lulubog ito.Maraming
deboto ang nag aabang sa daanan ng birhenng Penafrancia na may hawak na kandila
at nagwawagayway ng putting panyo.
Labis na pagpapasalamat ng sumulat ng akda sa kapistahan sapagkat dito niya
nakilala ang kanyang asawa.
Kultura
Ang kultura sa akda ay ang kultura sa naga,ipinapakita dito ang kanilang kultura
at tradisyon sa paghahanda at pagdiriwang sa araw ng kapistahan.Una ay ang
pakikisama ng bawat tao sa paghahanda,Ikalawa ay ang Translacion at fluvial
procession na ilang taon nang tradisyon ng Arsidiyosesis ng Caceres.
Tikbalang
ni Araceli Calomos – Delgado
Kalakasan at Kahinaan
Ang kalakasan ng akda ay naipapakita dito ang pagiging masunurin ng mga bata
sa mga nakakatanda sa kanila.Ang kahinaan naman nang akda ay ang paaglinlang
Mang Punying kay pising at ang kanyang pagsasamantalang ginawa dito,sa murang
edad ni pising ay masasabi natin na siyay inosente at walang kamuwang muwang .
Nang dahil sa ginawang pagsasamantala ni mang punying sa kanya ay nabahiran na ng
dungis ang kanyang kainosentehan.
Implikasyon sa:
Lugar
Ang lugar sa akda ay nasasalamin ko na ito ay sa isang nayon na kakaunti
lamang ang mga taong naninirahan
Aral
Ang aral mula sa akda ay nagpapaalala sa atin na huwag tayong makikipagusap
o makisalamuha sa mga taong hindi pamilyar sa atin dahil baka ito pa ang dahilan ng
gating kapahamakan. Huwag tayong magpalinlang sa mga taong mapagsamantala
sapagkat sa panahon ngayon dumadami na ang mga kaso sa mga taong
nananamantala lalong lalo na sa mga kababaihan.
Buod
Isang mainit na tanghali habang naglalaro ang magkaibigan na si Pising at si Ilu nang
sitsitan siya nang isang matandang lalaki na hindi naman niya kakilala, Sinabihan siya
nito na naghahanap daw ito ng mabibigyan ng pera .Napagkasunduan nila na sa bawat
uban na mabubunot ni pising mula sa matanda ay bibigyan siya nito nang dalawamput
limang sentimos.Lahat nang binubunot na uban ni pising ay inilalagay niya sa palad ni
mang punying upang mabilang ang mga ito.Nang pagsapit ng dilim ay umuwi na si
pising sa kanilang bahay,pinababalik siya ni mang punying kinabukasan upang bunutan
ito muli ng uban.Napag alaman ni pising na Mang Punying ang pangalan noong
matanda na ang trabaho ay manaid ng palay sa linang pagkatapos ng anihan at
tagabantay sa bilaran ng palay.
Kinabukasan,bumalik si pising sa matanda upang kunin nito ang kanyang perang
bayad sa kanya ngunit sinabihan siya nito na kutuhan muna siya bilang dagdag sa
kanyang bayad.Napagod si pising sa pag kuto sa matanda at siyay pinagpahinga sa
kubo kubo ni mang punying at siya ay tinabihan nito at nakatulog.Nang magising si
pising,mabigat at pakiramdam niya,parang binugbog ang buo niyang katawan.sa
kanyang pagbangon ay napansin niya na wala siyang suot na salawal at may dugo sa
kanyang puwit.Sabi ni mang punying hinubadan daw siya ng isang tikbalang at
ipinagtanggol daw siya ni mang punying mula dito.Nanghihina si pising na umuwi sa
kanilang bahay at nakausap ang kanyang lola.Sinabi ng kanyang lola na mabisa daw
ang asido na panlaban sa tikbalang.
Kinabukasan bumalik si pising kay mang punying na may dala dalang baril
barilan na ang laman ay gaas, Muli pinatulog na naman siya sa kubo kubo at may
ipinainom sa kanya.Sa kanyang paghiga ay nag panggap lamang siya na siyay
natutulog.Maya maya ay may naramdaman siya na kumakapkap sa kanyang salawal at
humahaplos sa kanyang binti at may pumaibabaw sa kanya.Kinapkap niya ang
kanyang baril barilan at binaril ang tikbalang at sinilaban ito at kumaripas ng takbo
papauwi.Nagising nalang si pising ng nanay niya na aalis sapagkat nalapnos daw ang
mukha ni mang punying.
Tauhan
Ang mga tauhan sa akda ay sina Pising na isang batang babae,ang kanyang
kaibigan at kalaro na si Ilu,Ang nanay at lola ni pising at ang matanda at tikbalang na
si Mang Punying
Kabanata X
Labaw Dongon
Kalakasan at Kahinaan ng akda
Ang kalakasan ng akda ay ang pagtutulungan ni Baranugan at Asu Mangga na
hanapin at iligtas ang kanilang ama na si Labaw Dongon mula sa kanyang katunggali na
si Buyong.Ang kahinaan ng akda ay ang pag aasawa ni Labaw Dongon ng higit sa isa
sapagkat ito ang naging dahilan ng kanyang kapahamakan.
Implikasyon sa:
Lugar
Base sa aking pagkakabasa,nasasalamin ko na ang lugar sa akda ay sa isang
kagubatan.
Aral
Ang aral mula sa akda ay ang pagkakaisa natin bilang isang pamilya,ang
kahalagahan nito sa ating buhay at pagmamahal ng anak sa kanilang mga
magulang.Sa ating pamilya ay dapat tayo nagtutulungan sapagkat tayo ay iisa
lamang.Ipagtanggol ang mga kapamilya na inaapi,Tulungan ang nangangailangan ng
tulong, Itayo ito mula sa pagkakadapa sa buhay at tulungang bumangon muli at
mahalin ang bawat isa .Matuto tayong magmalasakit sa ating mga kapamilya na
nangangailangan ng tulong sapagkat wala silang ibang masasandalan kundi tayo na
kanilang sariling pamilya.
Buod
Si Buyuung Panabari at Labaw Donggon ay mayroong tatlong supling at isa doon si
Labaw dongon. Si Labaw Dongon ay may kagilas gilas na katauhan dahil
pagkapanganak pa lamang nito ay agad itong lumaki,natutong magsalita,naging
matalino at lumaking napakalakas.Isang araw nagpaalam si Labaw Donggon sa
kanyang ina upang hanapin si Anggoy Ginbitinan at nahanap niya nga ito at
pinakasalan.Hindi pa nagtatagal ang kanilang pagsasama ay muling umalis si Labaw
Donggon upang suyuin ang dalagang si Anggoy Doroonan na kanyang pinakasalan din
ito. Hindi kalaunan nabalita ang kagandahan ng babaeng si Nagmalitong Yawa kaya
agad umalis si Labaw Donggon upang suyuin ang magandang babae ngunit sa
kasamaang palad ay may asawa na si Nagmalitong Yawa,si Buyong Saragnayan.Hindi
ito pumayag na ibigay ang kanyang asawa kay Labaw Donggon kayat sila ay
naglaban.Tumagal ng ilang taon ang labanan ng dalawang lalaki dahil parehas silang
malakas.Inilublob ni Labaw Donggon si Buyong sa ilog at ito ay tumagal ng pitong
taon.Itinali siya nito at ikinulong sa silong ng kanyang bahay.
Samantala nanganak naman ang asawa ni Labaw Donggon na si Anggoy
Doroonan at Anggoy Gitbitinan. Ang kanilang mga anak si Baranugan at si Asu
Mangga.Ang dalawang anak ay nagpaalam sa kanilang mga ina upang hanapin si
Labaw Donggon. Sa kanilang paglalakbay ay nakita nila ang isat isa at sabay na
hinanap ang kanilang ama. Nang marating nila ang lugar ni Buyong ay naglaban sila ni
Baranugan. Humingi ng tulong so Buyong sa mga Impakto at isang kawan ng mga
impakto ang lumusob sa kanila at natalo silang magkapatid. Humingi ng tulong si
Baranugan sa kanyang lola na si Alunsina.Sinabi sa kanya nito na kailangan nilang
magsakripisyo ng baboy ramo at ito ay ginawa ng magkapatid.Matapos nilang
magsakripisyo ay napatay na nila nang tuluyan si Buyong at hinanap ang kanilang ama.
Umalis sina Baranugan at Asu manga upang hanapin ang dalawa pang kapatid
ni Nagmalitong Yawa.
Kultura
Mapapansin sa Akda ang agad na paglaki at pagigng malakas ni Labaw
Donggon mula sa kanyang pagkakapanganak at pag aasawa ng marami ni Labaw
Donggon na higit pa sa isa,maari itong isa sa mga kultura nila at mapapansin din ang
tagal nang paglalaban nina Labaw Donggon at Buyong na tumagal nang maraming taon
ito ay parte din ng kultura
Tauhan
Ang mga tauhan sa Akda ay sina Diwata Abyang Alunsina at Buyung Panbari na
magulang ni Labaw Donggon. Sina Anggoy Ginbitinan at Anggoy Doroonan na mga
asawa ni Labaw Donggon.Si Buyong Saragnayan na nakalaban ni Labaw Donggon at
Nagmalitong Yawa na asawa ni Buyong. Sina Baranugan at Asu Mangga na anak ni
Labaw Donggon at ang pangunahing tauhan na si Labawv Donggon
Ugali ng Tagabukid
Erwin S. Sustento
Kalakasan at Kahinaan ng Akda
Ipinapakita sa Akda ang buhay ng mga tagabukid mula sa pagsapit ng
umaga,Ipinapakita dito ang mga bagay na ginagawa ng bawat miyembro ng pamilya
bilang isang taga bukid.Ang kalakasan ng akda ay ipinapakita rito ang kasimplehan ng
buhay sa bukid. Kung gaano kapursigido ang mga magulang magtrabaho para sa
ikabubuhay ng kanilang pamilya. Ang kahinaan naman nang akda ay ang hirap sa ng
buhay sa bukid, kung gaano nagpapakahirap ang magulang magtabaho at magbanat ng
buto para lamang mabuhay ang kanilang sampung anak
Lugar
Ang Lugar sa Akda ay sa Kabukiran kung saan doon nakatira ang Tiyo ang
Tatay at Nanay at ang kanilang sampung anak.
Aral
Ang aral sa akda ay makuntento tayo sa kung anu man ang meron satin dahil
hindi natin alam kung gaano tayo kaswerte sa buhay kung ikukumpara sa iba na halos
lahat ay gawin para lamang maitawid at may mapakain sa pamilya. Matuto tayong
magpasalamat sa mga biyayang ating natatanggap at ipamahagi natin ito.Pasalamatan
natin an gating mga magulang na naghihirap para sa ating mga anak sa ating mga gusto
at pangangailangan.
Buod
Ang akda ay nagsimula sa pag sasalarawan sa buhay ng mga taga bukid,Ito ay
pinamulan ng buhay ng Tiyo na nakangiti sapagkat nakuha na niya ang kanyang
pursyento kay tatang Berto.Kanyang ipinugal nang mabuti ang kalabaw pagkatapos
noon ay lumibot silang mga manggagawa sa gitna ng deharyo at na umiinom ng
serbesa at naninigarilyo.
Ikalawa naman ay ang buhay na nanay na kung saan sa pagtilaok ng manok ay
babangon agad ang nanay mula sa kanyang pagtulog at maghahanap ng bigas pasa sa
almusal na pagsasaluhan nila ng kanyang pamilya.Nagmamadali itong magpakain ng
mga baboy upang tuloy tuloy ang kanyang gawain.Pagsikat ng araw ay makikita ito na
gumagapas ng palay, nagpapakahirap para sa kanyang sampung anak habang ang
kanyang asawa naman ay nagmamaniobra ng manibela para sa miryenda at
pabneharyo.
Ang huli naman ay ang buhay ng taga bukid sa kanyang pag tulog na nakahanay
na parang mga sardinas kayakap ang maitim itim na unan at kumot na katsa na puro
sulsi ang kanilang sahig ay kawayan.Di alintana ang paa na puno ng putik na hindi pa
nahuhugasan at patuloy ito sa pag tulog upang may lakas sa susunod na araw.
Kultura
Ang kultura sa akda ay ang kultura sa bukid,ang maagang pag gising upang
makapagtrabaho ang pagsasaya sa gabi pagkatapos ng trabaho,ang pag gapas ng
palay sa umaga at ang pag tulog sa sahig.
Tauhan
Ang mga tauhan sa akda ay ang tagapagsalaysay,ang tiyo,ang nanay at tatay at
ang iba pang mga taga bukid.
Kabanata XI
Si Anak at ang UwakSalin ni: Patrocinio V. Villafuerte
Kalakasan at Kahinaan ng Akda
Ang kalakasan ng akda ay ang busilak na puso ni Anak na pumayag na
paglibingan ni Odang na asawa ni mama kawokak ang lupa malapit sa kanyang tore sa
apat na magkakapatid siya lamang ang nagmagandang loob na tulungan si mama
kawokak sa paglibing sa kanyang asawa at dahil sa kanyang kabutihan ay
napangasawa niya ang lalaki na mula sa bunga ng puno na pinaglibingan ni Odang. Ito
ay nagsasabi na maging mapagbigbay tayo at matuto tayong magpakumbaba dahil tayo
ay gagantimpalaan sa ating mabuting ginawa. Ang kahinaan naman nang akda ay ang
pagkamatay ng hipon na si Odang at ang pag tanggi ng mga kapatid ni Anak sa
pagsusumano ni mama kawokak na ilibing si odang sa tapat ng kanilang tore.
Lugar
Ang lugar na pinaganapan ng akda ay sa kaharian ng Agamaniyog kung saan
doon nakatira at namamahala ang Sultan kasama ang kanyang asawa na si Bai at ang
apat nilang anak na sina Potri Bonso,Potri Intan Tihaya,Tingtinga Bolawan at si Anak.
Aral
Ang aral sa akda ay Matuto tayong magpakumbaba sa ating kapwa natin.Maging
mapagbigay tayo sa ating kapwa at turuan natin ang ating mga sarili na huwag mang
husga sa ibang tao gayong hindi pa naman natin ito kilala.Tulad ni Anak dapat
magkaroon din tayo nang busilak na kalooban.
Buod
Sa kahariaan ng Agamaniyog nandoon ang sultan na namamahala sa kaharian
at ang asawa nitong si Ba’I. Sila ay biniyayaan ng apat na mamandang babaeng anak
na pinangalang Potri Bonso, Potri Intan Tihaya, Tingtinga Bolawan at si Anak.Ang sulta
ay may mga tauhan ito ang mga Sapalo Kandatuan,Siyao ka Solotonan at a Wasir.Ang
kanyang mga tagapayo ay sina Paladan Montri, Sabandar, Mangko Gomi at Bala sa
Inged.Isang araw nang biyernes ay nagpatawag ng pulong ang hari sa
torongan,kanyang ipinatawag ang kanyang mga tagapayo dahil nais niyang hingan sila
ng payo sa kanyang balak na gawang ng tig isang tore ang bawat isa sa mga prinsesa
na kanyang anak. Ayon sa kanya, nasa sapat na edad na ang kanyang mga anak upang
malaman ang pamantayan ng kabutihang asal.nais niyang magpatayo ng mga tore
upang malaman na mayroon siyang apat na anak na babae.Sinabi ni sabandar na dapat
sa tabing ilog itayo ang mga tore ngunit ito ay hindi sinangayunan ni paladin montri dahil
maari silang pasukin ng mga kaaway ito daw ay dapat nakatayo malapit sa lugar
sanayan kung saan may mga magbabantay sa kanila at ito ay sinang ayunan ng iba
pang mga tagapagpayo.
Sa kalapit bayan ay naglalakbay si mama kawokak na isang uwak dala dala ang
kanyang asawang hipon na namatay dahil sa pag aalala na hindi na siya babalikan ng
asawa.Ito ay nag hahanap ng mapaglilibingin nang kanyang asawa at napadpad ito sa
apat na tore kung saan nakatira ang apat na prinsesa. Una itong pumunta sa bintana ni
potri bonso inilagay ng uwak ang kanyang patay na asawa sa sahig ng tore kayat
umalingasaw ang amoy nito,nang dahil dito ay nagalit si potri bonso at pinaalis ang
uwak sa kanyang tore,pinuntahan niya ang ikalawang tore ngunit pinaalis siya ni potri
intan tihaya gayod din ni tingtinga bolawan.Nagbaka sakali pa din ang uwak sa huling
tore at malugod itong tinanggap ni anak at doon inilibing si odang.
Matapos ang pitong araw may tumubong halaman na puno ng dalanghita sa
kanyang bakuran.Hinintay niya itong mahinog ngunit inunahan siya ng kanyang mga
kapatid sa pag pitas ng bunga,may isang natirang bunga at Ito ay inilagay niya sa baul
at di kalaunan ay naging isang lalaki ito at ito ay ang naging asawa ni anak.
Kultura
Ang kultura sa akda ay ang kultura sa kaharian ng agamaniyog.
Panahon
Ang panahon sa akda ay ang panahon kung saan May kaharian na
pinamumunuan nang hari at panahon kung saan nakakapagsalita ang mga hayop at
may asawa.Sa madaling sabi ang akda ay kathang isip lamang.
Tauhan
Ang mga tauhan sa akda ay ang sultan,ang kanyang asawa na si Ba’I , ang
magkakapatid na sina Potri Bonso, Potri intan Tihaya, Tingtinga Bolawan , ang mga
tagapayo ng sultan na sina Paladan Montri,Sabandar,Mang Gomi at Bala sa Inged, ang
Uwak na si Mama Kawokak at ang kanyang asawang Hipon na si Odang,Si somesan at
ang pangunahing tauhan na si Anak na bunsong anak ng sultan
Bantugan
Kalakasan at Kahinaan ng Akda
Ang kalakasan ng akda ay ang metatag na samahan ng magkapatid na si Haring
Madali at prinsipe Bantugan, sa kabila ng lahat ng nangyari ay mas nanaig ang
pagmamahal ni Haring madali sa kanyang nakababatang kapatid.Ang kahinaan nang
akda ay ang pagka inggit ni Haring Madali sa kakisigan ng kanyang kapatid na nagdulot
sa kanyang pag alis sa kaharian at kanyang pagkamatay sa kalungkutan.
Lugar
Ang lugar sa akda ay sa kaharian ng Bumbaran kung saan namumuno si Haring
madali at ang kanyang kapatid na si prinsipe bantugan.Isa din sa lugar ay ang pagitan
ng dalawang dagat kung saan binawian ng buhay si prinsipe bantugan.
Aral
Ang aral sa kwento ay mahalin natin an gating mga kapatid,may ma
pagkakataon na hindi natin nauunawaan ang isat isa na nagiging sanhi ng pag aaway
ngunit kahit anong gawin natin ay kapatid pa din natin sila,sila lang ang meron tayo at
tayo lang din ang meron sila.Dapat damayan natin sila sa kanilang mga problema, Itama
ang kanilang mga pagkakamaling nagagawa at mahalin sila.
Buod
Sa kaharian nang Bumbaran ay namumuno si Haring Madali at ang kanyang
kapatid na si prinsepe Bantigan na malakas at matapang kaya takot ang ibang kaharian
na lusubin ang bumbaran at makipagdigmaan dito. Dahil sa katangian ni Prinsepe
Bantigan, ay maraming dalag ang nagkakagusto sa kanya. Naiingit si Haring Madali sa
kanya kaya ipinagbawalan niya ang mga tao nac huwag lumapit at kausapin si prinsipe
bantugan at kung sino man ang kakausap dito ay papatayin. Dahil sa kalungkutan ay
nagpasya na umalis na sa kaharian si prinsipe Bantugan at pumunta sa ibang lupain. Sa
kanyang paglalakbay ay nagkaroon siya nang sakit at binawian ng buhay.Nakita siya ni
prinsesa Datimbang at ang kapatid niyang hari at tinawag ang konseho.Mayroong loro
na pumasok sa bulwagan at sinabi sa hari na patay na si prinsipe bantugan.
Nang malamn ito nang hari ay nanaig ang kanyang pagmamahal kay prinsipe
bantigan at ibinalik ang kaluluwa niya sa walang buhay na katawan ni prinsipe
bantugan.Muling nabuhay ang prinsepe at nagdiwang ang buong kaharian at naibalik na
ang dating relasyon ng magkapatid.Samantala sa ibang kaharian kung saan namumuno
si Haring miskoyaw ay nabalitaan na namatay na si prinsepe bantugan kayat naisipan
nitong lusubin ang bumbaran sapagkat patay na ang pinakamalakas nitong mandirigma.
Lingid sa kaalaman ni Haring Miskoyaw na muling nabuhay si prinsepe bantugan.Natigil
ang pagdiriwang nang lusubin sila ng mga tauhan ni hating miskoyaw ngunit buong
tapang at bangis silang nilabanan ni prinsepe bantugan sa simula ay nanghihina si
prinsepe bantugan sapagkat siya lang ay kabubuhay pa lamang ngunit ilang sandal pa
ay bumalik muli ang kanyang lakas at siya ay nagtagumpay.Pagkatapos niyang matalo
ang mga kalaban ay dinalaw ang mga kaharian na karatig ng bumbaran at pinakasalan
lahat ng prinsesa nitong katipan at iniuwi sila sa bumbaran at sinalubong sila ni haring
madali na nagpatawag ng bagong pagdiriwang.Ang buhay ni prinsepe bantugan ay
naging maligaya hanggang sa hulng sandali
Tauhan
Ang mga tauhan sa akda ay sina prinsesa datimbang at ang kanyang kapatid na hari,
Ang loro na nagpahayag ng masamang balta , si Haring miskoyaw na kalaban ni
Prinsepe Bantugan, Si haring Madali at ang pangunahing tauhan na si Prinsepe
Bantigan.
Kabanata XII
Second Invitation to the Pope to Visit Tondo
Emmanuel Torres
Kahinaan at Kalakasan ng Akda
`Ang kalakasan ng akda ay ang pag gawa ng mga tao sa tondo ng imbitasyon
para sa santo papa na dalawin sila nito sa kanilang lugar upang makita nito ang malakas
nilang pananampalataya sa diyos sa kabila nang kanilang paghihirap na natatamasa sa
kanilang mga buhay.Ang kahinaan ng akda ay ang paghihirap ng mga tao,paghihirap
nila tuwing may bagyo,paghihirap nilang maghanap nang makakain para sa araw
araw,paghihirap nila sa tuwing may sakit ay wala silang magamit na pambili ng gamut
upang malunasan ang kanilang nararamdaman.
Lugar
Nasasalamin ko na ang lugar sa akda ay ang iskwater’s area sa tondo,ito ay ang
mga bahay na malilit at siira sira na dikit dikit.kung saan doon nakatira ang mga taong
gusto magpadalaw sa santo papa.
Aral
Ang aral sa akda ay matuto tayong makuntento sa kung ano ang meron tayo. Ito
ay biyaya pa din ng diyos sa atin. Magpasalamat tayo sa kanya dahil kahit papaano ay
nagagawa nating itawid ang araw. Magpasalamat tayo at hindi niya tayo pinababayaan
at lagi niya tayong binabantayan. Ang mga tao sa akda sa kabila nang kanilang
paghihirap ay andoon pa din ang kanilang lakas ng pananampalataya sa diyos. Ang
kanilang pinanghahawakan na kahit ano ang mangyari ay hindi sila nito pababayaan
Buod
Ang akda ay parang isang liham na iniimbita ng mga tao sa tondo ang santo
papa upang sila ay dalawin.ngunit sa aking pagkakabasa ay mayroon pang mas malalim
na dahilan kung bakit nila gusto mag padalaw sa santo papa. Ito ay upang makita nito
ang kanilang estado sa buhay. Sa pagsapit ng Bagyo ay kanya kanya sila nang lugar na
makakatukan upang doon muna pansamantalang magpalipas ng gabi, Ang kanilang
pagka kapos sa pagkain na kanila pang pinapaghati hatian. Ang mga batang may sakit
na hindi mabigyan ng lunas ang kanilang karamdaman.Ang kanilang pagyaya sa santo
papa sa kanilang hapag upang makita nito ang kakapiranggot na pagkain na nakahain
sa kanilang mesa.Sila ay parang mga puslit na Nagsusumbong sa kanilang ama.
Tauhan
Ang mga tauhan ng akda ay ang mga taga tondo na nag iimbita sa santo papa
Halu – halo
Grace Lee
Kalakasan at Kahinaan ng Akda
Ang kalakasan ng akda ay ang pagiging Pilipino nito halu halong
kultura,wika,asal relihiyon at buhay.Ang kahinaan naman ng akda ay sa iisang panig
lang ito tumututok
Lugar
Ang lugar sa akda ay mula sa ibat ibang bansa sapagkat ito ay halu halo.
Aral
Ang aral sa akda ay iba man ang ating lahi,kultura,relihiyon,pananaw sa buhay,
wika at asal ay iisa pa din tayo at pantay pantay sa paningin ng diyos.
Buod
Ipinapakita sa akda ang pagkakaiba iba ng mga tao, halu halong dugo , kultura,
wila ,asal at relihiyon. Ito ay nagsasabi na magnda daw ang halu halo.Ibig sabihin nito
kapag pinagsama sama ang iba iba ay maaring magdulot ng ibayong saya at tagumpay
Tauhan
Ang mga tauhan sa akda ay ang ibat ibang mga tao mula sa ibat ibang mga
bansa
Gng Poenciana R. Babasoro
Siya ay dating tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng Kolehiyo ng Sining at
Agham ng Central Luzon State University. Siya ngayon ay may posisyong Associate Professor.
Siya ay kasalukuyang tinatapos ang Digring Ph.D. pagsasaling wika sa Unibersidad ng Pilipinas
Diliman. Siya ay nakapagtapos ng MA-ed Filipino sa Wesleyan University at BSE sa College of
the Republic. Siya din ay nagtuturo sa graduate school ng Wesleyan University – Philippines at
College of the Republic. Isa siyang makatang manunulat ng mga sulating panliterari at teknikal.
Recommended