Fire Prevention Tips)

Preview:

Citation preview

Gloria Fire Station

Gloria, Oriental Mindoro

Tel. No. (043) 284-3538

1. Ipaskil malapit sa telepono ang mga

numero ng mga pinakamalapit na

istasyon ng bumbero. 284-3538

2. Alisin ang mga bagay na maaaring

pagmulan ng sunog. Ugaliing itapon ang

mga kalat na papel, basura at iba pang

mga bagay na madaling masunog o

magliyab.

3. Itago ang mga posporo sa lugar na di

kayang abutin ng mga bata.

4. Ilayo ang ilawang gasera at kandilang

may sindi sa kurtina o bagay na maaaring

maabot ng init nito.

5. Siguraduhing nasa tamang lagayan at

patayin ang mga kandila bago matulog.

6. Ang mga bagay na madaling magliyab

tulad ng gasolina, pintura, tiner at iba pa

ay di dapat ilagay sa loob ng bahay.

1. Maging alerto at maging mahinahon at

tumawag kaagad sa pinakamalapit na

tanggapan ng tagapamatay-sunog.

2. Kung maaari, isara ang pinto ng silid na

nasusunog at isara lahat ng pinto ng

daraanan habang lumalabas.

3. Bago magbukas ng anumang pintuan,

gamitin ang likod ng kamay upang salatin

ang pinto. Huwag buksan ang pinto kung

ito ay mainit dahil maaaring may apoy na

sa loob nito.

4. Kung makapal na ang usok, gumapang

sa sahig palayo sa sunog. Takpan ang

ilong at bibig ng basang tuwalya o damit.

5. Tiyaking makalabas ang lahat ng

miyembro ng pamilya. Huwag nang mag-

aksaya ng panahon para ilabas ang mga

gamit sa loob ng tahanan. Maging

maingat at mahinahon sa paglabas sa

tahanan. Makabubuting planuhin nang

maaga ang daan sa paglabas bago pa

magkaroon ng sunog.

6. Huwag munang bumalik o pumasok sa

loob ng tahanan hangga’t hindi sinasabi ng

opisyal ng Bumbero na ito’y ligtas na.

1. Ugaliing patayin at tanggalin sa saksakan

ang lahat ng mga kagamitang de kuryente

na hindi na ginagamit.

2. Ugaliing tingnan ang instalayson ng

kuryente at ayusin ang mga sirang

saksakan o ipagawa sa lisensyadong

elektrisyan.

3. Huwag hayaang mapuno ang saksakan

ng kuryente sa pamamagitan ng

pagdagdag ng mga kagamitan pang de-

kuryente.

4. Huwag iwanang nakasindi ang mga

sigarilyo at pipa dahil ito ay maaaring

mahulog sa mga bagay na madaling

masunog.

5. Siguraduhing nakasara at walang singaw

ang inyong LPG.

S- OUND AND ALARM

A- DVISE FIRE BRIGADE

F- IGHT FIRE

E-VACUATE

T- ELL OTHERS

Y – OU GET CLEAR

TUMAWAG SA PINAKAMALAPIT NA

FIRE STATION

GUMAWA NG FIRE LANE PARA D

LUMIBAN ANG APOY

GUMAMIT NG MGA SANGA NG PUNO

NA MARAMING DAHON PWEDE ITONG

IPANGHAMPAS SA NASUSUNOG NA

KUGON O DAMO KUNG WALANG

MAPAGKUKUNAN NG TUBIG.

HUWAG IIWANAN ANG NILULUTO

PAG NAGLIYAB ANG IBABAW NG

KAWALI, TAKPAN LANG ITO UPANG

MAMATAY ANG APOY,

HUWAG BUHUSAN NG TUBIG UPANG

HINDI KUMALAT ANG APOY

ISARADO LANG ANG TANGKE NG

GASUL PAGKATAPOS MAGLUTO.

MGA APPLIANCES NA DE KURYENTE,

KATULAD NG TV, REF, ELECTRICFAN,

WASHING MACHINE.

BAGO NATIN BUHUSAN NG APOY I OFF

MUNA ANG MAIN SWITCH NG

KURYENTE T SAKA BUNUTIN SA

SAKSAKAN AT BUHUSAN ANG TUBIG

UPANG MAMATAY ANG APOY.

MAS MAINAM NA ANG MANAKAWAN

KESA MASUNUGAN…..

MAG INGAT PO TAU 24 ORAS

MARAMING

SALAMAT

PO…….