Aralin 25 presentation Kasaysayan ng daigidig

Preview:

DESCRIPTION

Good Job!!!

Citation preview

Aralin 25:

Ang Rebolusyon Siyentipiko at ang Panahon ng Enlightenment

Presentasyon nila:*John Ericsson C. Sagario*Ismarry Catacte*Ponylyn Echavez*Herra Pamplona

Ang Rebolusyong Siyentipiko At Ang Bagong Pagtingin Sa Kalikasan

“Ang daigdig ang sentro ng kalawakan at ang ibang mga heavenly body ay umiikot dito sa pabilog na pagkilos.”

- Ptolemy

Geocentric View:

Nagtataguyod ng paniniwalang Kristiyano na dinisenyo ng Diyos ang kalawakan para sa mga tao.

Ambag ni Aristotle sa Teorya ni Ptolemy

“Malaki ang pagkakaiba ng komposisyon ng mga bagay na matatagpuan sa kalangitan at sa daigdig.”

- Aristotle

Makabagong Pagtingin

sa Kalawakan

“Hindi daigdig ang sentro ng kalawakan kundi ang araw at ang daigdig ay umiikot sa paligid nito.”

- Nicolaus Copernicus

Ang kanyang mga ideya ay isinulat niya sa kanyang

akdang “On The Revolution of The Heavenly Spheres”

Ang teorya ni Copernicus ay kinilala

bilang heliocentric view sa kalawakan.

Noong 1609, nakaimbento si Galileo Galilei ng teleskopyo na ginamit niya sa pag-aaral ng kalawakan

Ang mga obserbasyon niya sa kalawakan ay inilathala niya sa kanyang aklat na

“Dialogue Concerning the Two Chief World Systems” noong 1632.

Sir Isaac NewtonNatuklasan niya ang law of gravity bilang paliwanag sa paggalaw ng mga planeta.

Iba pang Pag-unlad sa Agham Pangkalik-asan

Natural Science

Tumtukoy sa pag-aaral ng pisikal na daigdig at ang mga pangyayari rito.

Andreas Vesalius

Ang nanguna sa pag-aaral ng anatomiya ng tao sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga bangkay at kalansay, isang pagsasanay na ipinagbabawa sa kanyang panahon.

William

Harvery

Isang doktor na nakatuklas at nakapagpaliwanag sa sirkulasyon ng dugo at mga bagay na may kinalaman sa puso sa pamamagitan ng pag-aaral ng puso ng mga hayop.

Antoni Van Leeuwenhoek

Nakatuklas sa daigdig ng mga single-celled na organismo sa pamamagitan ng microscope.

Carolus Linnaeus

Isang botanistang Swedish na nanguna sa pag-aaral ng mga halaman at hayop. Ang akdang inilathala niya noong 1753 ay nakapagpaunlad ng sistema ng pagpapangalan at pagkaklasipika ng mga halaman at hayop.

Ang Panahon Ng Enlightenment

Enlightenment

Binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at pamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages.

Mga Pananaw Ukol sa

Pamahalaan

Thomas

Hobbes

Ang kanyang ideyang politikal ay makikita sa kayang akdang

“Leviathan (1651)” kung saan tinalakay niya ang kalikasan ng tao at ng estado.