Bahagi ng Pahayagan

Preview:

Citation preview

Bahagi ng Pahayagan

Mukha ng Pahayagan nakasaad dito ang mga pangunahing balita na nakalap sa loob at labas ng bansa

Pahinang Opinyon mababasa rito ang mga personal na opinyon, palagay at kuru-kuro ng mga manunulat hinggil sa iba’t ibang paksa.

Editoryal o Pangulong Tudling

dito mababasa ang mga opinyon, kuru-kuro at pananaw ng patnugot hinggil sa isang napapanahong isyu.

Tanging Lathalain dito makikita ang mga espesyal na artikulo o lathalain tungkol sa ilang paksang kawili-wili sa mga mambabasa.

Anunsyo Klasipikado dito mababasa ang mga patalastas tungkol sa mga bagay na ipinagbibili o pinapaupahan at mga trabahong bakante.

Pahinang Panlibangan dito makikita ang mga balita tungkol sa paborito mong komiks, palaisipan at iba pang nakakaaliw na gawain.

Palakasan dito mababasa ang mga balita at iskedyul tungkol sa laro at kung sino ang maglalaro.

Buhay Artista nagtataglay ng mga balita tungkol sa mga artista.

Seksyong Pangangalakal dito mababasa ang mga impormasyon tungkol sa kalakalan sa loob at labas ng bansa.

Sine dito makikita ang mga palabas/pelikula at sinehang maaaring panooran.