View
4.525
Download
6
Category
Preview:
Citation preview
SINING-IKAAPAT NA BAITANG
MGA DISENYO SA KULTURAL NA PAMAYANAN SA LUZON
ROSALIE Q. CASTILLO
LAZARETO ELEMENTARY SCHOOL
MASKARA
PUTONG
Masdan ang mga sumusunod na larawanat sabihin kung ano ito.
Ano anong mga linya, kulay at hugis ang katulad nito sa maskara at putong na maaring gamitin sa mga selebrasyon at pagdiriwang?
Sagutin
Ang mga kultural na pamayanan ay may kani-kanilangipinagmamalaking obra. Ang kanilang mga disenyo ay hango sa kalikasan o sa kanilang kapaligiran. Ang mga Ifugao ay naninirahan sa hilagang Luzon. Makikita ang mga disenyo sa kanilang kasuotan at kaga-mitan tulad ng araw, kidlat, isda, ahas, butiki, puno, at tao.
Basahin
IFUGAO
PALAMUTI
KASUOTANLIKHANG SINING
DISENYONGIFUGAO
Makukulay ang pananamit at palamuti ng mga Kalinga matatagpuan sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Napaka halaga sa kanila ang mga palamuti sa katawan na nagpapa kilala sa kanilang katayuan sa lipunan. Madalas gamitin ng mga Kalinga ang kulay pula, dilaw, berde, at itim.
Basahin
KALINGA
HANDICRAFTS
DISENYONGKALINGA
Ang Gaddang naman sa Nueva Viscaya ay kilala at bantog sa paghahabi ng tela. Ang mga maghahabing Gaddanggumagamit ng tradisyunal na hakbang sa paghahabi na mabusising paglalagay ng mga palamuti gaya ng plasticbeads, at bato. Ilan sa kanilang mga produktong ipinagmalaki ay ang bakwat (belt), aken (skirt) at abag (G-string) Na gawa sa mga mamahalin at maliliit na bato.
Basahin
GADDANG
BAKWAT
AKEN
ABAG
GADDANGDISENYONG
MANGYAN
Ang mga kultural na pamayanan an may kani-kanilang ipinagmamalaking obra. Ang kanilang mga disenyo ay ginagamitan ng iba’t ibang linya,kulay, at hugis. Ang mga linya ay maaaring tuwid,pakurba,pahalang,at patayo. Kadalasang ang kulay na ginagamit at pula,dilaw,berde,at itim. Iba’t ibang hugis ang makikita sa mga disenyo tulad ng triyanggulo,kwadrado,parisukat,bilog,at bilohaba. Ito ay hango sa kalikasan o sakanilang kapaligiran.
Alamin
Suriin ang mga sumusunod na larawan
1.May nakikita ba kayong pagkakaiba sa kani-kanilang paggamit ng linya,hugis, at kulay?
2. Nakikita rin ba ang paulit-ulit na disenyosa kanilang mga gawa?
Sagutin
LIKHANGSINING
Gawaing Pansining
MGA DISENYO sa KARTON o KAHON Kagamitan: Mga bagay na karton gaya baso o mga kaga mitan na maaring makuha sa kalikasan at iba pa,lapis,krayola,o oil pastel
Mga Hakbang Sa Paggawa:1. Kumuha ng isang karton o kahon o iba pang bagay na mayroon sa inyong lugar na maaring gamitin para guhitan ng mga disen yo.2. Umisip ng disenyo mula sa mga kultural na pamayanan ng Luzon
tulad ng Ifugao, Gaddang at Kalinga. 3.Iguhit ang napiling disenyo sa karton o gamit ang lapis.Maari ring gumamit o umisip ng sariling disenyo gamit ang mga hugis, kulay, linya at ang prinsipyong paulit-ulit. 4.Kulayan at punuin ang mga espasyo ng mga disenyo ang inyong iguhit,at sundan ito ng krayola o oil pastel para lalong maging kaakit-akit ang iyong likhang sining.
5.Kung wala nang idadagdag, puwede nang itanghal ang gina wang likhang-sining at humanda sa pagpapahalaga.
1. Ano-ano ang tatlong kultural na pamayanan sa Luzon ang nabanggit sa ating talakayan? Isa-isahin ang kanila- ng pagkakatulad.
2. Paano mo ginamit ang iba’t ibang uri ng linya,kulay,at hugis sa paggawa ng mga disenyo?
Sagutin
Ang mga disenyong kultural ng pamayanan sa Luzon ayisa sa mga pamana ng sining sa ating bansa. Kaakit-akit at kanais-nais sa paningin ang kanilang mga likhang disenyo na ginagamitan ng iba’t ibang linya,hugis,at kulay. Ilan sa mga ito ayang mga inukit o nililok na kahoy at mga damit na may iba’tibang burda. Karamihan ng kanilang mga ginawang disenyo ayhango sa kalikasan o maging sa kapaligiran tulad ng dahon, tao,bundok at mga hayop.
Tandaan
1. Kung kayo ay naninirahan sa mga kultural na pamayanan ng Luzon,paano ninyo pahahalagahan ang mga katutubong sining o disenyo na mayroon dito?
2. Kaya mo itong ipagmalaki? Papaano?
Repleksyon
Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng inyong naisagawa sa buong aralin.
Mga Pamantayan
Nakasunod sa pamantayannang higit sainaasahan (3)
Nakasunod sapamantayansubalit mayilang pagkuku lang (2)
Hindi nakasu-nod sa pamantayan
(1)
Suriin
1. Natukoy ko ba angiba’t ibang disenyo na nagtataglay ng mga elemento ay prin-sipyo ng sining sa mga gawa ng mga taga Luzon. 2. Nalaman ko ang mga disenyong kulturalna pamayanan na nagmula sa Luzon.
3. Nakagawa ako ng isang likhang sining na tulad ng mgadisenyong mula sa Luzon.
4. Napahalagahan at naipagmalaki ko ang mga katutubong sining na gawa ng mga kulturalna pamayanan sa Luzon. 5. Naipamalas ko nang may kawilihan ang aking ginawang likhang sining.
Takdang Gawain/Kasunduan
Magdala ng sumusunod na kagamitan: 1. lapis 2. pastel 3. bond paper
Recommended