Huling Hapunan

Preview:

DESCRIPTION

Filipino Communion Song

Citation preview

Ito ang tinapay ng buhay, Kanin mo't makibahagi

Ito ang tinapay ng buhay, Kanin mo't makiisa

Iyan ang katawang binayubay, Upang ikaw ay mabuhay

Iyan ang katawang naghirap, Upang iyong kamtan

Ang buhay na walang hanggan

Ito ang saro ng bagong tipan, Inumin mo't makibahagi

Ito ang saro ng bagong tipan, Inumin mo't maki-isa

Iyan ang dugong dumanak, Upang ikaw ay luminis

Iyan ang dugo ni Kristo, Na para sa iyo

Doon sa kalbaryo ay tumigis

Ito ang tinapay ng buhay, Ito ang saro ng bagong tipan

Ito ang tinapay ng buhay, Ito ang saro ng bagong tipan

Iyan ang katawang binayubay, Iyan ang dugong itinigis

Ito ang aking patunay, Ako'y kasama Niyang namatay

Ito ang aking ipahahayag,Na magbabalik si Hesus na buhay

Iyan ang katawang binayubay, Upang ikaw ay mabuhay

Iyan ang katawang naghirap,

Upang iyong kamtan

Ang buhay na walang hanggan

Recommended